I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Accountant in UAE- wants to relocate to SG for Accounts job

Helo po sa lahat! Is it a good time to try my luck for job hunting by end of June? Im planning to travel this time para mghanap ng new opportunity sa SG. MAdami akong nabasa na may maswerteng nahire kahit through skype interview lang. Yung iba naman ay habang anjan na sa SG.
Ilang months ba pwed mgstay sa SG to search for a job? After a month mag exit then balik ulit is ok ng ba na ganun? Ilang months ba usually average bago mkahanap ng work?

Sana po matulungan nyo ako. Im trying to weigh things din para sa budget.Salamat po.

Comments

  • Hi @afryl1986 kanya2ng swerte, kanya2ng kapalaran. youll never know kung di mo susubukan. pero mas mataas chances na mapansin ka kung andito ka na sa sg.
    30days ang svp, pag nagexit ka at nabigyan ka ulit ng 30days, edi good. nagexit na din ako sa JB dati, tas lahat ng kasama ko dun sa transient house eh mga pinoy at puru sad stories. yung isa 3x na umexit, ung isa nagbabalak maghanap na lang ng work sa KL, ung isa naman 4yrs na sa company,pagkarenew ng pass nareject. pero kahit papano, 2 naman kami nakabalik na approved na ang IPA. kanya kanyang kapalaran lang din. ako nagresign na kaya balik sa pagjojobhunt. sana swertehin pa rin. pareho tayo sa accounts din ako, lahat ng tumatawag sakin PR/local hanap. pero naniniwala naman akong may companies pa rin na prefer ang foreigners, lalo na yung patayan ang trabaho, at tayo lang ang nakakapagtiyaga. so pag nakahanap ka ng work dito, tiyaga lang at todo ipon. good luck satin :blush:
  • @maya hala bat ka nag resign? same situation tayo... although yung EP ko pending na! after 2 months
  • @mariaklara ung reason ko bat ako nagresign medyo mahaba, pinost ko dito, tinag kita :smile:
  • helo @maya kmusta na ngaun ang jobjunt nyo. pwed mo ba mashare san yang transient house na tinitirhan mo. nghahanap kc ako ng place na mura din kung san naman ako pwed muna mgstay. kelangan tipid tipid muna habang nghahanap ng work. end of june pa ang dating ko jan.
  • Hi @afryl1986 Whatsapp tayo! hehe. Tips din :)
  • Ay ung transient house na cnsb ko sa JB un nung nagexit ako last year. Search ka lang ng mga pinoy na nagpapatransient dto sa sg,mdami dn. Pero mas mabuti sana kung may kaibigan kayong tutuluyan para mas makatipid.

    Mas mahirap ung experience ko ngaun sa job hunting kesa last yr. Tsaka mas kumonti ung maapplyan ngayon. Pero tiwala lang, meron at meron dn yan. Kailangan lang handa ka din pag di ka nakahanap,dpt may plan B,plan C,plan D. Parang ako,plan B pag di nakahanap,uuwi nlng ng probinsya at magtatanim ng kangkong haha
  • hello @immarkyboi26 anong number mo. aba may ka whatsapp na pala ako ngaun, ngjojobhunt ka din ba?
  • sige whatsappan tyo para masaya ...heheheh
  • hahahaha! Helo @Bert_Logan hehehe natawa naman ako sa comment mo. extended chats for job hunting.
  • advice lang kung talaga gusto nyo mo mag work dto dapat matatag dibdib nyo....
  • Totoo yan @Bert_Logan . Nung okay pa lagay ko sa company namin, tinanong ako ng boss ko kung may mairerefer akong HR at Accountant. Ayoko sana magrefer kaso pinilit nyako tsaka nangungulit din sakin ung friends ko na hanapan ko sila work dito sa sg. so ayun, pinag-apply ko sila, pero winarningan ko naman kung paano ung situation dito, na patayan sa trabaho, na salbahe ung boss ko. pero willing naman sila,sabi nila kaya nila. ung HR, 2mos lang nakatagal, araw2 sya umiiyak, hanggang di na kinaya umuwi na sa Pinas. Tapos ung accountant, apat na buwan lang, umuwi na din. CPA pa to, di kaya ang trabaho, aminado din sya na sanay sya sa petiks kasi galing sya sa gobyerno. hindi ko din naman sila masisisi, kase napakahirap naman tlga magtrabaho dito. malayong malayo ang hirap sa nakasanayan natin sa pilipinas. I guess, makakatagal ka lang tlga sa mahirap na situation kpg matindi ung pangangailangan mo sa buhay, at kpg dumaan ka din sa hirap ng pakikipagsapalaran at paghanap ng work dito. So para sa mga naghahanap ng work dito, ihanda nyo dibdib nyo. At mag-ipon at mag-invest kayo. Wala ring job security dito, di mo alam kung marerenew ka pa ba sa susunod or hindi na. Kung kakayanin mo pa ung trabaho or hindi na. So dapat pinaghahandaan natin yun.
  • @Bert_Logan anyan po talaga yata buhay abroad. ganyan din sa UAE. kasi wla tayo sa comfort zone natin.
  • @maya ang nakakaipon dto na sure is yung mga PR dahil meron sila Provident.....at the same time pag gusto nila lumayas sa company madali lang at madali lang din sila makahanap ng work......kaya kayo magbabalak mag work dto palaki na kayo dibdib heheheh punta kayo gym.....nyaaha joke joke lang po....tyagaan lang talaga
  • edited May 2017
    @maya - mkhang familiar yung name mo ska may naalala ako jan kwento mo haha sorry off topic
  • @berdugo nabasa ko ung comment mo na from Tug ka, mukhang kilala nga din kita hahahahaha tinanong ko pa asawa ko kasi di ako magaling sa pag-alala ng pangalan. hahaha
  • Grabe na nangyayari sa mundo....ng isang araw balita sa London may gulo...kahapon naman yung Qatar kasali daw sa sumusuporta sa gulo....ngayon naman sa may Melbourne Australia may gulo din.....haisssst....buti nalang dito kahit paano maganda ganda pa rin an security.......hirap na mag lipat ng iba bansa at wala ka assurance sa safety.....
Sign In or Register to comment.