I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

IT career shift

Hello, bago lang po ako dito and hihingi lang ng advice. I work here sa pinas as a Desktop Support. 8 years exp ko po. I tried magapply sa sg twice pero walang nangyare. So im planning na magshift ng career to software developer. Then magtatry ulit sa sg.

Ang problem po is, pag nagpa experience ako sa pinas as soft dev e 33 years old na ako after 2 years.

My question is, is there a chance na makahanap ng work as software developer even if 33 years old na and 2 years experience lang? I know companies would prefer 23 years old with the same exp than a 33 year old with the same exp.

Di ko lam market sa sg so sana po may sumagot. Thank you.

Comments

  • Im 35 and working as a senior soft dev kaso may halong project management. Walang kaso yan basta gusto mo ang soft dev. May iba nga dyan. Ndi IT ang course pero malupit magprogram. Advise ko mag master ka ng isang programming language. Then sabak ka.
  • ok lang yan basta sapat ang skills at experience wala kaso ang edad, at wag ka mag expect ng suweldo at posisyon basa sa age, sa IT nasa skills and experience ang sukatan, expect mo din na magkaroon ng team lead, manager, team mates na higit ma mas bata sayo. Dami na ding MNC lately dito na naghihire ng local fresh graduates na software engineers, may smart nation initiative kasi at start-up culture na dito kaya dumadami na ang IT/Engineering grads nila, in the next few years onti onti na ma suplayan ng workforce nila yung needs, mababawasan yung need to hire foreigners.
  • Wow senior soft dev ka pala admin. nice. Ang knakatakot ko lang po kasi e baka pag nagapply ako after 2 years e mareject employment pass ko because 33 na ako with only 2 years of programming experience. baka isipin nila e dapat nasa senior role nadin ako pra sa age ko. Ok naman po saken f mas bata mga boss ko.
  • hehe oo, check mo tong thread na to (http://pinoysg.net/discussion/13/introduce-yourself/p1) baka may makita kang ibang software dev rin. pero try i pm sila or i mention mo ang name nila dito using "@" para manotify sila. Ive started my career sa web developer some 15 years ago pero halo halo na language kasi iba ibang company. good and bad pag chapsuey ang skills mo. walang problema ang 2yrs programming. pero sabi nga ni @tambay7 wag ka mag expect ng malaking sweldo. may paraan naman dyan sa sweldo. once kama first step ka dito sa SG.
  • @Admin @foreignflag buti nasabi nyo yang mga yan. Honestly kasi gusto ko sana sumabak sa IT industry kaso hindi ko alam kung saan ako magsisimula.Wala kasi talaga ang direct background sa IT though may idea ako kahit papaano. Hingi sana ako ng suggestions or recommendations. Balak ko din kasi magprogress sa Project Management pero sa technical field na.
  • Laking tulong nga nitong site para sa kagaya natin. Nung una kasi nawawalan na ako pag asa. At least ngayon ginaganahan ako ipush yung pangarap ko maging soft dev kahit medyo matanda na ako. @burubum may mga junior project manager sa jobstreet. Tyempuhan mo lang. Di ako gano makapagadvise kasi kahit ako e hirap magsimula ulit. And sugal yung gagawin ko coz di ko alam if after 2 years ba me makakapasok ba ako sa sg. Sana lang.
  • @foreignflag halos magka-age lang tayo eh. Kaya natin to hehe. Actually gusto ko pa lang din simulan ang project management career. di ko lang talaga alam kung saan magsisimula. yung tipong entry level lang muna.
  • @burubum ako naman nakaswerte sa isang local SME. medyo malupet kasi hindi lang ako developer, pm at support rin ako. pamatay talaga. kung baguhan kasa development. yari ka. payo lang, importante rin ang magandang pakikisama sa loob lalu na sa management. hindi ako sipsip sa boss, just be real and honest. yan ang moto ko, at wala kong tinatapakang tao, kung anu ang alam ko at suggestion ko un ang ibabato ko sa table. hindi ako pala comment or kontra sa ibang local. importante yun. kasi marami kang local na makakasalamuha at sa oras ng pangangailangan nandyan sila para tumulong sayo. wag tayo mag stereotype na kung eto ang lahi e lahat sila masama. depende sa bawat individual ang ugali. iwas lang sa mga taong sipsip.
  • @Admin sa assessment ko naman, base sa previous employments ko eh, kaya ko naman makisama nang maayos. Gusto ko lang sana humingi ng advice kung saan ba ako pwede magsimula kung gusto ko magshift sa IT industry or IT-related na project. Kelangan ko ba mag enroll sa kung saan or hanap ako ng parang crash course?
  • @Admin advice din admin. Kasi ang knakatakot ko is pag nagshift ako to soft dev, baka masayang lang pag hindi ako makahanap ng job sa singapore. Torn ako. Big gamble kasi gagawin ko lalo na sa age ko. Pag nag stick ako being a desktop engineer, parang anlabo makahanap sa sg. So torn ako if stick ba ako or shift to network engineer or soft dev. Desperate kasi ako makahanap sa sg kahit anong work. Willing naman ako magbayad ng kahit 100k sa agencies or kahit sa magrerefer saken sa work. Kaso wala talaga dumadating. Kahit nga hindi ko field e okay lang. Basta mahalaga e makahanap ako. Baka naman may mkakapagadvice po dyan.
  • @foreignflag malaking sugal nga yan. lalo na kung may anak ka na. ang importante sa pag shift e, 1st dapat eager ka talaga sobra, kasi aalis ka sa comfort zone mo. 2nd timbangin mo kung software development ba talaga ang gusto mo or baka nakikita mo lang cya na malaki ang chance mo makapag sg. mahirap kung ung 2nd ang reason. mas mabilis kang makakapgshift pag programming tlaga ang desire mo. :) susunod na money :)
  • Oo nga e. Confused na talaga ako sa career ko. Possible ba makapasok sa SG kahit 1 year exp lang sa software dev? Or required na mas mataas pa exp?
  • sa IT kasi dito the lesser the experience and skills the lesser the chance, kasi may mga fresh grad na din ng IT dito at mas maganda curriculum nila base sa mga colleagues ko na local devs. at mas in demand na tung full stack skills sa software development, skills na hindi agad agad nakukuha sa 1yr experience. Sa tanong mo na kung may chance eh meron, wala kasi makakapag sabi na walang chance, ang tanong ngayon eh kung malaki ba ang chance o maliit. Advice ko at least 3yrs solid experience sa software development lalo na sa greenfield to full cycle projects. Hindi yung pa support support lang, unless support job ang aaplayan mo.
  • kung mag shishift ka into software development make sure na gusto mo talaga yung field na yun, you enjoy coding, problem solving, debugging, etc etc...do it for the right reasons, mahirap mag succeed sa field na yan lalo na ngayon na from any educational background magagaling na mag code because it's their passion. kagagaling ko lang pinas for a short vacation, got a chance to talk to old friends and colleagues, surprisingly laki na ng hinabol ng salary sa IT/Software Development field industry diyan sa Pinas, dami ng Dev dyan na sumusweldo ng equivalent to S$3k junior/senior to S$5k for senior/lead/pm roles.
  • for career shifters, you can start by choosing a language, malaking industry ang software development, at sa gusto niyo na fast paced progression you don't have the time to be a jack of all trades. Choose a development language at platform na gusto niyo maging competency niyo.

    Kung sa game eh gusto mo ba maging assassin, o maging magician, soldier, o kung ano man.
    Make sure na ni research niyo mabuti ang mapipili niyo. Hindi porket inaral mo at marunong ka na da isang language eh lahat na mg programming/developer jobs eh pwede mo na aplayan. Kaya make sure well researched kayo sa options bago pumili.

    Kapag nakapili na, mag aral at train pwede online pero ma ok kung dun sa mga may certifications, sa UP, DLSU, Meralco, may mga short courses, sa Makati maraming training providers, online universities meron din, maganda kung may certifications para mailagay sa resume, remember mag aaply ka as if you're a fresh graduate.

    Then after training, mag isip kung papano maipapakita yung skills mo at portfolio and proof sa mga aaplyan na companies. Kung WebDev ka mainam na may maipakita kang ginawang website, kung MobileDev may app ka na gawa mo, kung GameDev may game ka na gawa mo, etc etc. You'll think of something kung passion mo yang pinasok mo, otherwise eh wala ka talaga maiisip.

    Then, mag hanap na ng mga job online, entry level, fresh grad, trainee level, kung wala ka talaga programming experience you have to swallow your ego for this, hindi ka pwede maging choosy o maging mas demanding sa Computer Engineering, ComSci and IT fresh graduate just because you have x years of experience in a completely unrelated field.

    When I was starting after I graduated, may mga ka batch ako na 6-8yrs older than me, mga career shifters dating mga Accountant, Statisticians, Teacher, Chemist, at wala sila arte at ego, they really started as if fresh graduates, and some made it and some didn't, some gave up mid way the training.

    Goodluck.
  • @tambay7 maraming salamat sa lahat ng advices at tips. Napakalaking tulong po.
  • Any ideas ano career progression ng Desktop Support Engineer? Sa nakikita ko kasi para syang helpdesk or technical support. Next level niya na possible is System Admin, tama po ba? Na pwede mag MCSA/E, VCP, Linux etc. For certifications..
  • Hi po! Any advice what would be the first steps in finding it software/support jobs in sg? Thanks po
  • @foreignflag either maging technical ka like u mentioned network or sysadmin or customer oriented setting. I would go for sys admin kasi mas malaki ang kita heheh.
  • Hi there, I am web developer and my skills are PHP html,css and Javascript. I searched through the salary guide and found out na mejo mababa pala compared sa JAVA developers ang salary sa web. now my question is this, I plan to look for a job sa SG and since d ako msyado marunong sa JAVA, are there any courses sa SG para mag aral ng JAVA?just in case magwork nlng ako muna sa WEB then shift to JAVA for a better pay.
Sign In or Register to comment.