I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

ICareer Consultancy

24

Comments

  • edited May 2017
    Actually I wouldn't say modus per se, kung mapapansin mo ang banat ng icareer e... hindi sila scam???

    Totoo naman by definition, hindi sila scam but It's more of mapagsamantala sila dahil alam nilang kapit sa patalim ang mga nag hahanap ng work na Tourist dito. kung baga e, sige susubmit namin ang resume ninyo sa mga company dito pero bahala kayo sa buhay niyo kung hindi kayo matanggap. Yan ang usual na ginagawa ng ibang mapagsamantala. so kahit ako pwede rin ako magtayo ng ganyan business pweh!

    Ang question is alam kaya ng MOM na nag entertain ng tourist ang mga ganitong agency at ganitong kalakaran???
  • @makisig ung modus kasi nla ssabihin na i kekey in na so dpat magbayad kna un pala d nman pala kney in.. Same experience kami ng kaibigan n lucy kaya mssabi ko un ung gnagawa dn nla sa iba.. Kung d cla scam dpat may receipt ung mga deposit slips nla un ung mali namin nag rush kami kaagad
  • @lenzy lesson learned. Salamat sa pagdetalye ng pinagdaanan mo.

    I suggest i post mo dito screenshots ng usapan nyo. Sana meron text or email. Ng makita namin kung panu sila makipag usap.

    Pwe!
  • edited May 2017
    @lenzy i suggest you do the advice of Kebs especailly sa receipt na kinaclaim mo. para magkalabasan na nag baho. tignan natin kung papalag pa.
  • edited May 2017
    you can search SG companies business info at www.uen.gov.sg click on more info if you need further details, the fee is $5.50 for this additional infos.

    may dalawang ICAREER sa www.uen.gov.sg but both status aare DEREGISTERED
  • @ordonez_lucy @lenzy guys kindly post the account number so we can track the person and we can see if you all have the same account number. And by this we can get hold of the person and investigate on this..
  • stand firm, wag niyo i-delete thread, panakot lang yan, mas malaki mawawala sa kanila kung sila mag go public dahil malalaman yung modus nila via media, bakit ka matatakot kung mareklamo ka kung totoo naman ang sinasabi niyo na hindi nila binalik yung deposit.

    kaya dami naloloko dito dahil nagpapadaan sa takot.
    hanapan niyo sila ng details at license kung pwede ba sila mag operate, yung mga pinoy na employee nila hanapan niyo ng valid pass, baka ngtatrabaho ng walang pass.

  • edited May 2017
    @ordonez_lucy ibalik mo yung title, gawin mo na lang "Questionable Agency not returning deposit Money"
    wag niyo delete yung thread, patigasan lang yan, dinadaan sa lawyer lawyer, baka mang uto muna yan ng 100 na deperate for jobs para maka ipon pambayad lawyer.

    hanapin niyo kung licensed at registered recruitment agency talaga sila, kasi quenstionaly na walang company email, walang registered number at office.
  • You can also check their company here:

    https://services.mom.gov.sg/eadirectory/

    Anjan din ung list ng agencies under surveillance, license revoked.
  • Nanahimik na. Sana sumagot sila ng magkaroon ng chance na mabalik pera nung mga nagrereklamo.

    No company details, just FB page. Simple lang - palit lang sila ng name at email, palit SG numbers, ignore na to completely, tas balik ulit. lahat cguro nasa pinas so swabe lang operasyon nila. Yung contact nila dito invisible yan.

    Prove me wrong.

    Pwe!!!
  • Isa pang tip.

    Kapag ang domain name ng email ay generic, i.e.

    1. @yahoo.com
    2. @gmail.com
    3. @hotmail.com

    Wag nyo na patulan.

    Yung mga legit na employers/employment agency, may sarili yang domain name, usually name nung company.

    *Domain name nga ba tawag sa ganyan? Sorry hindi ako sa IT field.
  • tama si @jrdnprs, kung free email ang gamit mag duda na kayo, mura lang naman ang doman, at mura lang din site hosting kasama na dun ang own email, kaya kung wala silang budget para sa ganun mag duda na kayo.

    wag kayo papasindak sa mga ganyan kung alam niyo na totoo lahat ng sinabi niyo, lalo na sa mga quesntionable na identity na yan, patas laban dito kung honest ka at lahat ng claim mo ay facts naman, wala ka dapat ikatakot sa pag sindak nila, remember kayo ang na argabyado.
  • Hi po sa lahat salamat sa mga nag comments nbalik napo ang refund today lang..kung d pa ako nag post dto d dn cguro nla ibabalik..
  • @Kebs need ba talaga mag mura?? Wag naman sana kayo masyadong harsh magsalita. First of all: You take a risk so you must expect any consequences either good or bad. I've been there in this situation na naghanap ako nagwork nagtry sa mga agency pero pag sinabi nila may bayad nagdadalawang isip ako at humihingi ng advice dito sa group, family and mga nakikilala sa mga inaaplyan ko. And I choose not to pay any amount of money. Dahil kung andito talaga sa sg ang kapalaran mo ibbgay at ibbgay yan ng Diyos. God will prevail! Second unfair din naman sa mga ibang agency na gumagawa ng tama. Wag lahatin lahat. For example mga lalaki manloloko at playboy does it mean lahat manloloko at playboy na? I'm sure ssbhn nyo ndi db? Likewise for them. Infact may isang agency dito na nag hint sken na mag apply dw ako sa company ko ngayon dahil direcr hire sila at na approve dw ang pass ng isang pinay din. Without any returns he gave me an oppportunity to work here. And I am so thankful for him. [email protected]
    Try to contact this person. I haven't met him or known him for so long but I know deep inside he is one of a kind. Thank you from the bottom of my heart.
  • P. S
    Wag lahatin ah. Wag din mag mura agad agad. Ndi porket nangyari sa iba mangyayari na din sayo. It is all about choices. CHOOSE AND THINK WISELY! That's all. Goodnight and have a great day tmrw.
  • @stacey basahin at unawain mo ng mabuti kung sino minura ko. Hindi ko nilahat ng agencies. Ang sinabi ko is putanginang mga agency na manloloko.
  • @kebs kahit naman murahin mo sila dito. May mangyayari ba? It will be the same. Ndi din kasi maganda basahin mga mura2 eh. #just saying. Thanks.
  • Ok sorry po. Gawin ko nalang special characters next time. Peace.
  • edited May 2017
    Hi, I want to stress out my opinion on this discussion. Bakit kayo lahat nag-rereact without knowing both sides? I am currently working here in SG with the help of iCarrer Consultancy. Yes, they are all based sa Pinas at kelangan talaga magtiwala lang to take risk. Pero madame silang counterpart na agency dito sa SG. Na-refer lang din sakin yang agency na yan ng friend ko na halos lahat sila galing sa same agency na yan. Madame din silang hawak na employers dito sa SG. Direct contact. Nagawa nila mahabol ang visa ko noon dahil nandito ako sa SG for 30 days lang at nahanapan ako ng work. Hindi man sila ganon ka-constant sa pag communicate pero yun eh dahil busy sila at babalikan ka pa din nila kapag may update na sila. Wala akong nakita sa mga nag comment na hindi na talaga totally nabalik pera nila. Kasi talaga namang nag rerefund sila kapag hindi na talaga kaya at kapag walang employer na gustong mag-hire sayo. Syempre kahit may agency ka, may qualifications pa din ang employers lalo na sobrang higpit dito ngayon at yun lang din ang gusto ng iCareer na ma-meet. Naalala ko simula pa lang ng pag deposit ko sakanila sinabihan na ako na hindi talaga ganun kadali makahanap ng employer pero naghintay pa din ako, sumugal pa din ako. Hindi ibig sabihin na hindi na sila nagrereply eh nabiktima na kayo. I was in that same position, naisip ko, I took the risk so I need to face the consequence, pero thankful ako kasi before matapos 30days ko nahanapan nila ako ng work. At take note, walang nasayang sa bayad ko. Yung initial payment ko, deducted pa sa buong placement fee. Mas reasonable pa ang sinisingil nila na placement fee kasi kung dito ka sa SG magbabayad aabot ka ng SG$6,000-$7,000. Sana po wag kayo agad magbagsak ng masasakit na salita kasi ginagawa naman din nila trabaho nila. Salamat po.
  • if nsa pinas sila mas madali nyo sila maireklamo..walang pyansa ang illegal recruitment kaya ano pa hinihintay nyo reklamo nyo na sila para makulong na.
  • 6 years ago na experienced ko din yan pero hindi ko tinuloy. usually ang mga sinasabi nila is kapag e key in ka dapat deposit ng ea (500$) if rejected refund (300$) goodbye na sa (200$). tapos if approved ka bayad mo is 2 months salary as placement fee. either full pay or installment for how many months. para lang ito sa mga desperate makahanap ng work like wala na ibang choice kundi agency.

    yung mga nag aagency dapat nasa tabi kayo ng mag kekey in ng info nyo sa application of work pass or if hindi dapat kunin niyo copy ng kiney in nila. wag masyado pa obvious na gullible kayo. be smart kasi mga agency pag nakita nila inosente ka, lalong e entice ka nila mag bayad. to be honest walang agency dito na maayos na alam ko lol.
  • Lenzy,

    ang refund nabalik dahil yan pinag usapan at yun ang dapat gawin di dahil sa post. we were in constant commnunication with you to let you know the status. ang dali mag block at goodbye na but we informed you of the status and we assured you na mabalik ang pera. you were alarmed because sa post ni lucy. nawala ang phone namin but we informed you to let you know of our new number. ( conversation with hubby can prove ). we are not interested in something that we have not worked for. .if there wasnt any intention of giving back, di na kami magkontak sa inyo. Remember, your husband was interviewed 2X. the first one should be epass but we were not so sure of the approval keso masayang ang pera nyo, di namin pinatuloy. kung gagohan lang, ni apply na yun at tapos na ang pera nyo pero hinanapan pa uli ng employer at nang time na na key in, nag back out kau. nagalit ang emplyer sa amin but we did not take it againts you. nag exit kayo sa batam, nag usap pa kami ng asawa. even sa batam, nag check pa kami kung ok kau.

    We volunteered to give the full refund pero sabi ng hubby mo, 200 na lang dahil alam nya na trinabaho namin ang application nya..pero we insisted na makuha nyo in full. You got the full refund (400). we understand the doubts pero it does mean may gaguhan nangyari. An arrangement and assurance was made. ( conversations can prove ). Nagpa sorry ang hubby mo dahil sa nangyari. Dont get us wrong, we are not saying na wala din kaming pagkukulang, and so we apologized for it as well. Another learning experience but one thing is certain, walang gaguhan nangyari.

    We did not harass you, we called to talk things out.

    Lucy,

    napakdali mag post ng kung ano ano. sana pinatunayan naman para legit ang post. di naman pede yung ganon ganon na lang, insinuating na scam tau. I suggest ibalik ang post mo, at prove it to all. kung may gaguhan talaga, we take responsibilty. unfair naman na mag comment lang ng ganun, tapos wala naman proof.
    FYI, di na nga namin kilala si lucy. there wasnt any threat at all. ofcourse, we need to do something to protect us.
    nakapa unfair naman ng ganito lang. sana sa tama lang. katulad ni lenzy, she narrated her side, we needed to give ours.wala taung issue dun kahit may communication kami. ok lang yan sa min, basta tama lang lahat.

    Lugi naman tau dito dahil deleted na ang post. speculations na lang lahat. nagreklamo ka tapos di mo pinatunayan. di mo nga mabigay ang name ng friend mo, thats very unfair.

    FYI, alam naman natin lahat na marami nangyayaring gaguhan sa sg recruitment pero hindi naman nangangahulugan na lahat gumagwa nun. at di lhat ng nag reklamo ay valid. mahirap ang recruitment dahil may perang involved at walang perfect na process.kunting pagkukuklang e nangagago ka, ang sa min, we explain naman lahat ang processo namin at di pinilit. kung duda at ayaw, wala naman problema. walang pilitan. marami na kaming natulungan na tao na gumanda ang buhay ( we are willing to prove that ). di dahil sa isang post na di naman na prove e judge na tau. di kami nagsasamantala ng tao. trabaho lang sa amin. Marami di applicante na di nag bayad pagkatapos tulungan, aawayin ka pa but never did we cancel any pass.

    We understand that we cannot stop people from speculating especially if there is an issue like this. We wont curtail you of that right. We just hope that judgments are fair.

    Kung gago kami, indi na kami papatol dito. manahimik na lang kami. we are willing to face anyone which ever venue you want it. sa tama lang tau. kung may mali kami, inaaus namin at hinaharap namin dahil wala kaming masamang intensyon.

    Nevertheless, we are thankful for this forum. All comments have been noted and taken into account ( though not pleasing to read but respected ). As what we mentioned, another learning experience. An opportunity to review our process. However, we wont stop helping other people just because of unproven post.

    Kebs, I challenge Lucy to name her friend. sana man lang sabihin nya ang totoo. di naman pede mawala na lang at nag iwan ng di magandang imahn sa amin. we are open for any discussion. ayaw natin lahat ng gaguhan. we understand your concern regarding our kababyans na naloloko. we appreciate it.

    Gusto natin laht mabuhay ng maaus, tahimik at walang inaagrabyado.

    Thank everyone!
  • @icareer nanghihingi po kmi ng detalye ng inyong company. pati si admin po ay humingi ng detalye upang mawalan ng doubt at malinis ang pangalan nyo. Kayo po ba ay lehitimong ahensha sa pinas?

    Kung tama po ang aking pagkakaintindi, kayo po ay dapat makikita dito: http://www.poea.gov.ph/cgi-bin/agSearch.asp

    maaring malinis po kayo sa trabaho nyo ngunit hindi natin masasabi na sa isang pagkakataon ay meron kayong pwedeng gawin kalokohan at hindi ibalik ang refund. kapag nangyari po iyon, wala pong protekshon ang kabayan natin dahil pwede lang kayo maglaho.

    Example po ay ang appstore. lahat po ng apps developer jan ay kelangan magkaroon ng certificate number from apple bago sila makapagrelease ng app. so in case me gumawa ng app na scam, maaaring pong ishutdown/itrace ng apple yung company.
  • edited May 2017
    Yung Cheska napa create lang ng account para magbigay ng positive feedback sa agency na to.
    Sus pati ba naman dito may mga troll, para namang pinanganak lang kahapon mga tao dito,
    create pa kayo ng mga 100 accounts na mag bibigay ng positive feedback sa inyo para mas kapani paniwala.

    Kung legit kayo, post niyo dito yung license/registered name or number niyo sa POEA at MOM, yung verifiable ha hindi yung huhugot lang kayo sa langit ng mga numero. Para ma verify kung license kayo mag operate diyan sa Pinas at dito sa Sg.


  • reklamo nyo na ksi para makulong na dapat makulong..dina pinatatagal yan..
  • @ordonez_lucy , how's your friend now? If he/she felt outlawed he/she can report to Authorities to solve issues vis-à-vis on above conversation for both parties.
  • Hanggat walang nagrereklamo sa mga manlolokong agency, hindi titigil mga yan hanggat may nabibiktima sila.Kung may ebidensya naman kayo, wag matakot magreklamo.
  • Parang napaka unprofessional ng replies ni icareer. Parang pang kanto lang makipagusap.

    *grabs popcorn*
  • share ko lang meron manloloko na agency at meron din manloloko na nasa agency na ginagamit ang agency. kung walang details na binibigay malamang hindi alam ng agency o yung head mismo ginagawa ng employer nia kasi ganyan ngyari sken pero bute nlng nabawi ko yung pera kc nag usap lang kame ng employer ng agency sa labas lang o parang private convo lang kaya nakakapang duda.
  • pag wala name nila sa POEA or MOM it means illegal lahat transaction nila tama ba?

    advised nrin sa mga naghahanap work, wag po medyo magpabaya check nyo mna agency inaapplyan nyo kung legal ba sila bago kayo magbigay ng pera, hindi kung kelan kyo nkapag bigay na saka palang nyo che-check..
Sign In or Register to comment.