I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Panu makisama sa mga katrabahong iba ang lahi?

edited September 2016 in Working and Job hunting


Just thought of creating this thread para sa mga baguhan. Na-mention kasi sa kabilang thread ang work life dito sa SG. Nakaisip ako ng listahan at welcome ang mga suggestions nyo kung panu tayo makikisalamuha sa ibang lahi lalo na sa mga Local.

1. Respect
- iba ang definition ng respect sa pinas. Aminin natin karamihan sa mga pinoy ay mahilig sa salitang "FREEDOM" , wagas ang definition ng RESPECT sa mga taong lumaki sa Pinas. kung sa Pinas lagi mo pinagmamalaki na respetuhin ka ng ibang tao sa karapatan mo. iba sa SG. Pag nandito ka sa SG ang salitang respect sa kapwa, e kalimitan pagpapakumbaba sa ibang tao at paggiging pasensyoso kahit ikaw at medyo tinatabla ng iba. Isa to sa susi para tumagal sa isang trabaho. Pero hindi maiiwasan na may ibang lahi na ubod ng sama, parang sugo ni satanas. wag kayong papatol dahil hindi tayo kagaya ng mga ilan salbe dito. Tandaan natin na bawat kilo o galaw natin, naka silip ang ibang mga lahi sa ating Nationality at hindi bilang isang individual.

2. Huwag maging mayabang
- Medyo related sa point 1. alisin ang pagiging hambog at palitan ito ng pagiging mapagkumbaba. Tandaan natin na tayo ay naninirahan sa ibang bansa, lahat ng action natin, ang unang reaction nila e "Pinoy kasi yan" pakita natin sa ibang lahi na tayo ay humble at mahaba ang pacencya.

3. Maging Socialable.
- Bawat tao e may kanya kanyang personality. Pero pag nasa SG ka. magswitch ka na ng personality. Introvert ako pero sa larangan ng IT, at kung gusto mo umangat sa trabaho, kailangan mo maging sociable, hindi ibig sabihin nito e Sumip sip ka sa amo mo. apply mo sa lahat eto, at remember pagiging social ang isa sa susi para makahatak ka ng network at eto ang magiging vital sa survival mo sa SG kung ikaw ay pass holder.

4. Walang personalan, matutong magpalampas
- Makakaharap ka ng mga hinayupak na tao sa Trabaho na aalilain ka to the max, panu mo matitiis ang ganitong sitwasyon? Tandaan ang trabaho mo sa company e hindi forever. Kahit tumagal ka pa dyan, darating ang panahon na yang upuan mo e mapapalitan. wag mo damdamin ang mga pasaway na ibang tao, wag mag stereotype at isipin mo na ito ay na sa individual character. at the end of the day trabaho lang yan. pag ikaw ay natigok kawawa naman ang mga mahal mo sa buhay. Chilax!

Eto ay ilan lamang sa mga suggestions. Welcome ang lahat mag share lalu na sa mga Veterans dito sa SG :) Panu kayo nakakatagal at nakikisalamuha sa ibang Lahi dito ng matiwasay?

Comments

Sign In or Register to comment.