I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
undecided
JOB HUNT 2019 (Tips + Application + Exit Strategy +++ )
Ang lahat ng mababasa ay base sa tunay na buhay. Pasensya na po kung may masaktan man o maling nasabi, tiisin nyo nalang po sana. Hehe. Medyo marami to kaya kapit lang mga bes! ☺
Tip#1: MAGDASAL.
Ipagdasal bawat plano at desisyon sa buhay. Plus sipag at tiyaga lalo na sa paghahanap ng trabaho.
"Get on your knees and pray,
then get on your feet and work."
-Gordon B. Hinckley
Tip#2: MANALIKSIK.
-Isearch sa mga job portals kung in demand ba yung work na hinahanap na dapat ay akma din sa educational background at work experience (ang dalawang ito ay kasama din kasi sa criteria para maaprove ang work pass)
-Makibalita sa straits times, forums at mga kakilala sa SG regarding sa status ng job hunting /filipino/foreign workers qouta.
-Malaking tulong ang pinoysg.net, marami kng matutunan kahit mag back read kalang.
Tip#3: MAGSIGURO.
-Para macheck kung bebenta din ang credentials, magupdate ng curriculum vitae CV/ resume at magapply online. If may magrespond o magview o magconsider ng resume mo, positive to meaning may chance ka na mainvite for interview sa SG.
-Magsearch ng mga updated at effective format ng resume (google&youtube), usually in bullet types and included yung accomplishments na nagawa mo sa bawat company na napagtrabahuan na.
-Kung may kakilala ka sa SG, try mo manghiram ng address at phone no. Nila pra mailagay sa CV, mas pinapansin kasi ng employer pag yung impression is parang nasa SG ka na. If ever may tumawag din sa kakilala mo,at maginvite ng interview, magask lng to reschedule the interview ng 1 or 2weeks after. Isuggest kung pwede yung interview is through videocall lang muna via skype,messenger or whatsapp.
-Or kung may kakilala na nagbakasyon sa SG or uuwi, magpabili lang ng SIM, ipaactivate sa SG at iparoaming lang sa pinas para if ever may tumawag ikaw mismo ang makausap ng recruiter. Make sure na may load to para makarecieve ka ng call from SG.
-Gumawa ng accounts sa diff. Sg job portals.
* Jobstreet.sg
* Jobsdb.sg
* Fastjobs.sg (madalas dito F&B industry)
* Jobscentral.sg
* Indeed.sg
* Monster.sg
* Linkedin.sg (eto yung latest at pinakaeffective sa lahat ng job portals para makapag reach out sa company/ recruiter, kasi mkakausap mo sila directly. Para tong facebook ng work/ career ang pinaguusapan )
Tip#4: MAG-IPON.
-Before everything else, prepare your budget. Yes, Php40K-Php50K is enough for 1 month stay sa SG pero hindi pa kasama dito yung ibang pwedeng mangyari na scenarios like if wala kapang work at magexpire na yung social visit pass SVP mo, need magexit sa nearby countries plus yung another 1month stay if ever makapasok ulit. Plus kung magka job offer man at magantay ng In-Principle agreement IPA, need to exit ulit sa nearby countries if sakaling di umabot sa duration ng SVP mo. Plus yung panggastos mo ng another 1month ulit if ever magka IPA at before makatanggap ng sahod. So safe na ipon ay Php120K-Php150K.
Tip#5: MAGHANDA.
-Ihanda ang sarili emotionally (kasi malayo sa pamilya at bayan at yung hirap ng pagaapply), physically (mahirap magkasakit lalo magisa ka lang), financially (magastos, sobra..), mentally (nakakapagod magapply at magisip ng gastos, hehe) at spiritually (stand firm in the faith kahit ano mangyari).
-Kung may work, wag munang magresign (para may babalikan just in case unsuccessful). Magfile ng 2weeks leave kung payagan, sbihin lang personal o family matters. Saka ka nalang magdagdag ng leave pag nsa SG ka na. (Emergency leave kumbaga. hehe)
-Wag mabahala kung solo o lalo kung babae ka man, kaya mo yan. Safe country naman yung SG. Update mo lang family&friends mo lagi ng whereabouts mo. Just have faith in God. Kaya nga nila, ikaw pa.☺
Tip#6: MAG-ABANG.
-Mag-abang ng seat sale sa mga airlines.hehe
Siguraduhing round trip tickets to for 3-5days only (mas mahabang days, mas tatanungin ni Immigration Officer IO)
-Try to search promo ng mga airlines:
*Singapore airlines (may travel fair sila every january worth Php12.5K ,roundtrip na to, all in with travel tax, complete meal at free 1day admission ticket sa universal studio
*Jetstar (may bundle daw to na rebookable yung ticket, magagamit sakaling magexit at stay for another month, pero di ko natry yung airlines na to)
*Scoot
*PAL
*Airasia
*Cebupac (expect delays,as usual,hehe)
-3hrs yung byahe mnl to sg plus mga 15-30mins from SG changi airport to city center so piliin ang time na convenient. (May iba na pinipili yung mga 4pm onwards para daw hindi na matawagan yung employer or kung sino man to confirm your employment kasi after office hours na to. hehe)
-Base sa mga nabasa ko, yung best month para magapply is 1week after ng chinese new year CNY w/c is every february, kasi maraming job opening gawa ng marami din yung nagischedule ng resignation nila sa CNY dahil sa bonus/ benefits matters. Pero asahan yung matinding kompetensya with other race.
-In my humble opinion, yung hindi naman magandang buwan para magjobhunt is from november to 2nd week of february. Pwera nalang po siguro sa I.T. (in demand kasi talaga yun). Kasi yung november, if ever na di ka pa nakahanap ng work in 1 month at magextend ka ng another month w/c is december, baka masayang lang kasi holiday season to pati ang january. NakavL din mga recruiter. Pero depende parin yan sa diskarte nyo. Kayo bahala. Hehe
-Mas maganda kung pumunta ng may kasama ka kahit magbabakasyon lang dun ng ilang araw, para less tanong si Immigration officer IO kasi gusto din nila maassure na safe ka sa pagpunta sa other countries.
Tip#7: IHANDA ANG MGA EPEKTOS
-Magprepare na mga kakailanganing dokumento.
-Para sa Immigration (na kelangan dala-dala sa handcarry bag going to IO):
*Passport (minimum of 6mos. Validity from date of travel, di ko lang po to sure)
*Roundtrip Tickets (w/ travel tax)
*ID (from your company or kung unemployed, bahala na kayo dumiskarte,hehe)
*Certificate of employment COE (hingin sa employer at kung unemployed naman, maghanap ng kapamilya o kakilala na may business,alams na. Meron din ibang klaseng COE to for travel purposes. Pakigoogle nalang po).
*Leave of Absence Certificate LOA
(Copy to ng approved vL form mo or certificate na nakaleave ka. Pakigoogle nalang po).
*Bank statement of accounts
(Baka hanapin ni IO if may enough money ka to support your travel. Tawagan din yung bank na may upcoming travel ka para manotify sila if may online transactions ka na gagawin habang nasa SG ka.)
*Credit Card statement of account
(If applicable. Tawagan din yung bank na may upcoming travel ka para manotify sila if may online transactions ka na gagawin habang nasa SG ka.)
*Hotel Accomodations (book thru agoda.com-pwede kasi kahit pay later or pay at the hotel para sa walang credit card /or sa airbnb.com -mga condo stay pero bawal to sa SG) Try to book hotels na medyo may class para isipin ng IO na may enough kang money as tourist lang talaga. (Recommended: Great madras hotel - nice hotel&service plus malapit kasi to sa little india, rochor mrt at bugis = Php16K divided by 2 = Php8K for 5days stay)
*Tours (book thru klook.com kasi may discounts like sa 1day hopper bus, artscience museum, garden by the bay flower dome,cloud forest at OCBC supertrees = Php5K lahat)
*DIY itinerary (gawa lang itinerary just in case hanapan ni IO. Pakigoogle nalang po. )
*NBI (pahabol lang po, may ibang IO daw naghahanap nito)
*Letter of Invitation (para daw po to sa may kamag anak na sponsor sa pagpunta ng SG pero wla po akong experience dito)
-Para sa Potential Employer (na kailangan nasa check-in baggage bago pumunta sa IO):
*Passport (kelangan din to sa IO ha)
*COE ng mga previous jobs
*Diploma
*Training/ Professional License/ Certificates
*3 months current/ last drawn payslip
*Passport sized photo
(Dala hard copy at soft copy, yung USB pala sa check in baggage din.)
Tip#8: APPLY LANG.
-2weeks to 1month before ng flight, apply lang ng apply online. Mas maganda may interview invitation ka na bago ka pa dumating ng SG.
-Kung wala man invitation, okay lang yan. Mas malaki chance pag nasa SG ka na kasi matatawagan mo sila directly.
-Make sure na irecord yung mga inaapplyan sa notebook for traceability purposes.
Tip#9: MAGPAKA "TECH-SAVVY".
-Dahil high tech ang SG, eto yung mga phone Applications na magagamit mo talaga sa SG during your stay:
*Maps.me (offline map to, pwede to gamitin in diff. Countries)
*My transport (para sa mrt station at bus no. Na sasakyan mo from your exact location going to your destination)
*Singapore mrt (eto yung layout o diagram ng mga stations)
*Whatsapp (eto yung main communication media nila dito)
*Currency converter (para marealize mo kung gano kamahal ang cost of living sa SG at mkapagbudget ka,hehe)
*Hiapp (Sa singtel sim to. Dito mo makikita yung balance ng sim mo at status ng prepaid plan na inavail. May rewards na free meal sa kfc,gongcha,pezzo atbp pero isa lang)
*Mobile apps ng mga job portals (prioritize linkedin. Idownload lang job portals na to pag nakapasok na sa SG ha?)
-Isingit ko lang to kasi tech ang topic, hehe. Magdala ng adapter na "G" type (UK). Mas okay kung universal adapter. Iba po kasi ang socket dito sa SG. Pero meron din may mabibili sa SG, pero para lang makapagcharge agad pagdating ng hotel Pakigoogle nalang po.
Tip#10: MANALIKSIK ULIT AT MAGHANDA.
-Bago pumunta ng SG, magsearch na ng pwedeng matirhan as transient (condo or housing&devt board HDB) after ng tour2. Pwede ng magpareserve or iview nyo ng kasama mo after ng everyday tour nyo.
(Ikonsider kung ilan ang housemates, ratio ng babae at lalake na kasama at location kung malapit sa church at hawkers o kainan at grocery. Usual rate S$350-S$800 o P13K-P30K, pero syempre dun lang tayo sa minimum, magupgrade nalang pag may work na,hehe)
* pinoy.sg
* kapehan.sg
* pinoy next roomSG (sa fb to)
* filipino pinoy room & house for rent singapore SG (sa fb din to)
-Magsearch o manood sa you tube ng mga usual na tanong ng IO at tips pano makalusot sa immigration sa pinas at SG.
-Manood din sa youtube ng mga gagawin upon arrival sa SG changi airport.
-Madalas na tanong (Ano purpose mo dun- tourism, Ilang araw ka dun, Ano work mo sa pinas)
-Mas maganda daw na wag nalang imention kung may kamag anak o kakilala sa SG kasi mas madami daw tanong si IO.
-Dala lng konting damit at formal attire para sa interview (mas mahal kasi kung sa SG pa bili)
-Magdala lang ng Php40K-Php50K muna papunta SG, the rest sa bank account mo muna. Mahirap din magdala ng malaking pera kasi iquestion ng IO. Kung kailanganin, magtransfer lang sa kapamilya o kakilala at ipadala thru western union, less hassle yung transactions dito kesa sa moneygram.)
-Ierase yung mga email or convo sa messenger or history sa search engine about sa pagaapply. Wala dapat maiiwan na trace.
-Mas maganda makadala ng laptop (para sa madibdibang pagapply, dapat wla din history o nkasave na resume dito baka tingnan ni IO. Sabihin lang na gagamitin for photos and video uploading, vlogger daw, hehe.)
-Para sa mga first time magtravel abroad:
*Magsuot ng medyo may dating (parang rich kid ba,hehe)
*Check-in at bag drop muna sa chosen airline.
*Dala-dala ang passport at boarding pass, punta immigration at fill-up muna ng dis/embarkation d/e card (kelangan ng address at phone no. Ng hotel na pagstayhan)
*Pumila sa PH/all passport para sa IO clearance.
*Smile at igreet ang IO. (Pampa good vibes)
*Ibigay lang yung passport, boarding pass, d/e card at ID (postal o unified o PRC ID lang)
*Chill lang sa pagsagot. (Less talk,less mistake)
*Wag ilabas yung mga nkahandang dokumento para sa IO hanggat hindi hinahanap.
*Magdasal na sana makalusot.
*Pagdating naman sa SG Changi Airport, Diretso muna ng immigration at fill up ng arrival card (kelangan padin hotel add at phone no.)
*Pumila sa all passport/foreigner
*Same procedure basta wag makalimot maggreet at smile.
*Yung social visit pass SVP na itatatak sa passport ay usually 30days.
*Pag okay na, saka kunin yung Baggage (magsaya kasi nakalusot sa IO, hehe)
*Magpapalit ng php to sgd money (nasa arrival area lang ng airport)
*Bumili ng singtel sim (magpareg sa bunos top up na localsaver S$18 para may pangtawag sa mga aapplyan at pangnet pag nasa outdoor). Iactivate para magamit kaagad.
*Bumili ng ezlink card. Magagamit to sa pagsakay ng MRT at mga bus. Reloadable to ng minimum of $10 kapag naubos na. Gamitin lang yung app na "My transport" para sa bus no. At mrt stations na dapat sakyan going to your destination. Yung usual na fare ay $0.83-$3 per way depende sa destination. Paki google nalang po.
Tip#11: APPLY + TOUR.
-Kapag nasa SG na, simulan ang bawat araw ng paggising ng maaga. Magdasal, Iupdate ang CV/resume at mga job portals ng new number mo at magapply2 kahit 2-3hours bago at pagkatapos ng gala.
-Ienjoy muna ang ganda ng SG. At pakiramdaman kung gusto mo bang mamuhay sa SG. Hehe
-Isingit sa schedule yung pagview o pghahanap ng matitirhan na transient.
Tip#12: MAGAPPLY NG BONGGA.
-After ng ilang araw na gala, eto na dapat yung serious mode. Maging masipag sa pagaapply.
-Gumising ng maaga at magdasal muna bago magapply2.
-Iupdate ang mga job portals na may primary descriptions gaya ng linkedin, iupdate eto sa "Actively seeking jobs in SG" o "Currently in SG to look for opportunity".
-Magsubscribe ng email on a daily basis sa mga job portals ng work na interesado ka para pagbukas mo ng email mo, maapplyan agad yung mga position na akma sayo.
-Karamihan hindi nag aacept ng walk-in ang mga recruiters. Email at online application lang.
-Gawin ang job hunt strategy na to:
*Kapag may nakitang job role na akma sayo, Itake note yung position, konting description ng duties o skills na kelangan, company name, contact person, at contact number. Kung wala contact no., isearch nalang sa google.
*Kung walang email address na nakalagay, igoogle nalang to, at direktang magsend ng email, maglagay din ng cover letter ng summary ng background at experiences mo at iattach ang CV/resume (pdf&word). May ilang recruiters kasi na preffered ang word kasi nilalagay nila to sa sarili nilang resume format.
*May email address man sa google o wala, tawagan ang contact no. At magtanong kung nagaaccept ba sila ng foreigner at kung oo, hingin ang email address na pwedeng mapadalhan ng CV.
*Isearch ang company sa linkedin at iinvite ang mga employees dun (HR man o hindi, kasi pag naaccept ka ng kahit sinong employee pwede mo sila iask na irecommend ang application mo sa HR). Make sure na sa invitation mo, magadd ka ng notes na interesado ka sa position at kung pwede kang marecommend. Pag naaccept na ang invitation mo, pwede mo na silang imessage ng cover letter at iattach mo rin ang CV mo. (Wag mahiyang makiconnect kahit sa CEO o Vce President o General Manager pa yan. Mas malaki nga ang chance kung sakaling sila mismo magrecommend sayo sa HR)
* Apply lang ng apply, madalas 1:100 ang ratio ng interview invitation at application (meaning isa sa bawat isangdaan na application ang magiinvite sayo for interview. Hehe)
Tip#13: MAGPAHINGA AT MAGSIMBA.
-Pagkatapos ng buong araw na pagapply, ugaliing magsimba at magdasal.
-Pampalakas to ng fighting spirit kasi nakakapanghina din talaga ang araw2 na pagapply.
-Isang paraan din ito para makalabas ka sa pinagistayhan mo, makalanghap ng sariwang hangin at maenergize ulit para sa susunod na araw ng pagaapply. Effective to talaga. ☺
Tip#14: PAGHANDAAN ANG INTERVIEW.
-Kapag mainvite for interview, pagaralan maigi ang position at company at magpractice ng sasabihin.
-Manood din sa youtube ng mga interview tips, madalas na tanong, tamang gesture at color ng damit at mga pwedeng itanong sa recruiter after interview.
-Maging maagap syempre at makipagshake hands before at after interview. Press the hand hard enough. Sign daw kasi to para mapakitang trustworthy ka. Panood nalang po sa youtube. Hehe
-Pabilibin sila sa tinatawag na "Briefcase Technique"
*Maghanda ng powerpoint presentation ng mga gusto mong gawin sa company o sa magiging work mo. Eto yung mga gusto mong ma accomplish sa magiging job role mo. At ipaprint ito sa handout format na may title na "COMPANY NAME: Project Proposal".
(Effective talaga to para mapabilib sila sayo at mag stand out among other candidates.)
Panoorin nalang po sa you tube kung paano.
Tip#15: EXIT STRATEGY
-Kung sakaling wala pang nahanap na work at matatapos na ang SVP, kelangan na magexit at magstay sa neighboring countries for 5days-1week.
-Ierase lahat ng email, job portals app at iba pang traces na nag job hunt ka kapag papasok ka na ng SG ulit.
-Gumala din sa morning at Saka nalang magapply2 sa hapon thru phone pag nasa malaysia ka na.
-Automatic may signal ang singtel sa malaysia kaya walang problema. Make sure may $10 na load para mkarecieve parin ng text at call from SG. Iparegister din sa roaming plans, yung DataRoam Pack A worth $10, 1GB na pwedeng gamitin sa Malaysia para may communication parin sa family sa buong byahe at exit journey. Pakitawagan nalang po customer service nila for more questions.
-Wag magdala ng laptop pag nagexit.
-Konti damit lang dalhin, backpack lang, mas kapani paniwala na nag side trip kalang talaga as tourist. Kausapin yung pinagstayhan na magextend ka pa for another month if ever makapasok. Ipack ng maayos ang mga iiwanang gamit kasi kung hindi palarin, ipadala nalang gamit mo sa kakilala na uuwi or sa pinagstayhan mo kung uuwi pinas. Or balikbayan box nalang siguro. Walang choice, ewan, hehe.
-Ikeep mo pictures ng mga napuntahan mo, mga bus at plane ticket kung sakaling iask ka ng IO ng ebidensya na nagtour kalang.
-Magprepare ng DIY itinerary sa loob ng 5days sa malaysia. At ipaprint ito. Pkigoogle nalng po.
-Ipaprint din ang nabook na hotel sa malaysia at SG. Make sure na may nabook din na hotel sa SG. Sa agoda.com meron mga pay at the hotel na option kaya pwede mo lang din icancel without charges dahil di mo naman talaga pupuntahan.
-Wag mag enter sa SG thru Johor Bahru JB kasi siguradong magkakaron ka ng record na nahold ka. 100% true talaga to. Common na gawain na kasi mag U-Turn sa JB kasi malapit sa SG. 5mins away via train.
-May cases na 15days lang ang tinatatak na SVP once na nagexit na, kaya ipagdasal lang na sana mapayagan at 30days ulit.
-Magexit 1week or more bago magexpired ang SVP at bumalik sa SG bago parin magexpired ang SVP. With this, di masyado maghihinala na may purpose kang iba. For example:
* SVP february 9-march 9;
Exit at SG @ February 2
Enter to SG @ February 7
-Make sure na may plane ticket ka from SG to Manila MNL after 3-5days ng expiry ng SVP mo. Ipaprint ito. Pag tinanong ni IO, sabihin mo lang na mamili ka pa sa SG, or kung ayaw nya sabihin mo pwede mo naman iparebook sa ibang date, bahala ka na magpacute, hehe. For example:
* Original SVP february 9-march 9
Arrival at SG after 5days exit @ February 7
SG to MNL plane ticket @ February 12
-Gawing magkaiba ang point of entry at exit sa SG. Mas magastos pero mas malaki chance na mkapasok ng walang record sa Immigration. For example:
* Exit SG going to melaka, malaysia via BUS for 3hours travel (stay for 2days)
* Melaka to Kuala Lumpur KL via BUS for 2hours travel (stay again for 2 days)
*KL to SG via PLANE for 30minutes travel (on fifth day)
Tip#16: FIGHT LANG.
-Pag nabigyan ulit na 2nd month, sulitin na to kasi less chance ng maka 3rd month not unless may hinihintay ka na work o IPA.
-Gawin lang ulit yung strategy sa pagaapply.
-Magsimba at magdasal araw-araw.☺
Tip#17: MAGING WAIS SA JOB OFFER.
-Magdasal at magpasalamat pag dumating ang araw na to.☺
-Kung sakaling may job offer na, wag agad2 tanggapin lalo na kung may hinihintay ka pang ibang result. Magpahintay kahit 1 or 2days kung okay lang sakanila. Pwede mo sabihan na may hinihintay kang job offer sa iba and gusto mo lang malaman din offer nila para makapagdecide ka ng tama. Iweigh ang salary, benefits, location at itanong kung may experience yung company magapply ng work pass for foreigners. Kasi may mga iilan padin company na walang experience sa pagapply ng work pass, so malamang baka masayang lang yung 1week-2weeks na paghihintay ng result kung marereject lang yung application. Pwede mo kontakin yung ibang company if ano update ng result. Basta kaw na bahala dumiskarte kung sa tingin mo e parang positive yung sa isa pang company. Ang importante, malaman mo kung ano offer ng kabila, baka mas maganda benefits o mas mataas sahod. Pakisearch nalang po kung pano ihandle pag may dalawa o multiple na job offers.
-Kapag tinurn down mo yung isa, make sure na makatawag o magemail ka para wla kang bad record sa kanila. Never burn bridges, ika nga.
-Pero kung wala ka naman hinihintay na ibang result, gorabels na accept agad.hehe. Make sure lang na tama yung sahod na para sayo.
-Icheck sa www.ica.sg yung tamang sahod para sayo. Gawin ang self assessment tool. Ng sa gayun, kung sakaling magoffer si company ng mas mababang sahod, makakapagcounter ka na agad na kung pwede taasan para maging eligible sa kung ano man na pass ang iaapply sayo. Pakisearch nalang po ng types ng work pass (s/e pass/etc..).
-Pag naaccept mo na yung job offer (madalas thru phone call), antayin yung final job offer via email, ireview mo padin at iaccept din thru email.
-At this point, wala ka pang pipirmahan kasi magapply palang sila thru online ng work pass.
- Magapply2 parin sa iba kahit may work pass application na. Para may back up ko sakali.
Tip#18: MAGHINTAY.
-Hintayin ang result ng work pass application. Konting kembot nalang, makakamit na ang tagumpay. Hehe
-Icheck mo lang from time to time yung result via online sa eponline.mom.gov.sg. Ikey in mo lang passport no. At bday mo. Pakigoogle nalang po. Usually, 4days to 1week ang paghihintay ng result. Pero may ibang cases daw na 2weeks to 1month ang hinintay.
-Kung sakaling abutin ng expiration ng SVP habang naghihintay, mas magandang huwag ng umuwi ng pinas. Sa nearby countries lang. Kasi pag dumating ang result at positive, mahirapang makalabas ng bansa going to SG. Mas magastos din kasi kelangan mo pumunta muna other countries bago ka magSG para mapayagan ng IO sa pinas. Tiisin nalang muna pagkamiss sa pamilya, videocall lang muna. Kasi baka mapunta lang sa wala yung pinaghirapan mo. The end justify the means, ika nga.
-Pwedeng magexit sa JB pero pumasok ulit ng SG from other point o place ang. Kasi kung sa JB ka ulit papasok papuntang SG, kahit may IPA ka na, papapuntahin ka parin sa Immigration office. Makakapasok ka prin naman pero magkaka record ka na sakanila. Lalo na kung nagstay ka na ng 2 consecutive months sa SG. Proven and tested po ito.
-Mas maganda kung sa ibang place maghintay, pwedeng KL or Thailand.
-Wag na magdala ng maraming gamit, iwanan lang sa pinagstayhan. Same strategy sa first exit.
-Magapply padin online habang naghihintay.
-Magdasal.
Tip #19: MAGING POSITIBO.
-Kung sakaling approve na ang work pass, iinform agad si HR. Hingin ang soft copy ng IPA at Letter of Agreement LOA (employment contract)
-Pumasok parin sa SG as tourist pero dapat nakaprint na yung IPA at LOA kasi ito ang ipapakita mo.
-Ifill up parin yung embarkation card, pwede mo ng ilagay totoong address at contact no. Mo. Kelangan ito pag nagapply na ng work pass card sa Ministry of Manpower MOM.
-Di na kelangan ng return ticket to manila at hotel sa SG,okay?
-This is the time na pipirma na ng LOA (nakasaad din dun when ka magstart ng work tentatively) sa company at magundergo na ng medical.
-Kapag okay na medical at fit to work ang result. Tumambling na. Hehe. Iconfirm kay company kelan start ng work.
-Pwede na kasi magstart ng work habang inaantay ang work pass card.
-Sa start ng work may pirmahan na naman ng mga documents na kelangan for MOM. Pupunta personally sa MOM dala ang mga docs at embarkation card para magapply ng work pass card. Kuhanan ka nila ng picture at finger print.Yung ibibigay ng MOM na document ang magsisilbing stay pass mo sa SG until mairelease na ang work pass.
-Kapag makuha na ang work pass after 4days-1week, pwede ng magopen ng bank account.
Yeheey na to, syempre.hehe
-Wag kalimutang magpasalamat at magsimba parin araw2 kahit may work na.
About
- Username
- undecided
- Joined
- Visits
- 36
- Last Active
- Roles
- Member
- Points
- 144
- 11
- Badges
Activity
-
Not much happening here, yet.