I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Job Hunting(Accounts/HR/Admin)

Hello! Share ko lang job hunting experience ko dito sa SG. Accounting ang field ko, nagtry ako mag-apply nung December 2014. Nagka-job offer ako within 2 weeks, urgent, kailangan na magstart agad2. Di ko na tinuloy kasi may work pako nun sa Pinas at nakabakasyon lang tlga ako sa SG nun. Then December 2015 nagresign nako sa Pinas. Bumalik ako SG Feb2016, nagjobhunt ulit. Nagka-offer ako on my 3rd week. Pero di inapply agad ung pass so nagexit muna ako sa JB. So ayun, nung nagstart nako work March2016, anghirap. Pinagpupustahan pa ng officemates ko kung ilang weeks ako tatagal sa company namin, kasi lahat ng nahire sa position ko 2wks-2mos lang daw itinagal, tas nagreresign na. ung iba biglang di nalang daw pumasok. Haha. Ang backlog kasi since October2014 pa. Walang system. Excel lang lahat,problema ko pa pagdesign ng templates and formulas. Actually may napurchase ng accounting system at payroll system, pero di pa naiimplement. So ayun, bilang matiyaga naman ako, at matindi ang pangangailangan,tinapos ko lht ng trabaho. Nagresign ung finance manager ko, 2mos pa lang ako nun, sakin tinambak lht ng work nya. Medyo kinaya ko pa. Natuwa ung boss, tinaas sahod ko, 4mos nako nun. Tapos isa2 nagsipagresign or tinerminate ung HR manager, mga HR assistants, accounts assistant, at lahat ng nasa admin. Dalawa na lang kami naiwan. Trabaho ko na pati HR at Admin. 200 plus ang workforce namin so anghirap talaga. Tapos salbahe pa ung boss kaya walang makatagal sa kanya. Naninigaw, nagpapahiya, masyado imposible ung expectations, parang robot ang trato samin, at kahit walang valid na dahilan iteterminate ka pag trip niya. Mabait lang siya nung umpisa sakin, haha. Jan2017,nagstart nako magapply2, may magfeedback man, Local/PR ang hanap. Pagdating ng May 2017, di ko na tlga kaya ung ugali ng boss, napikon ako, nagresign ako, kahit wala pa ako nasesecure na ibang trabaho. Kung may alam kayong job hiring, pa-PM naman po. Accounts/HR/Admin kaya ko yan kahit tambak ang trabaho, aasa na lang akong hindi kasingsama ng boss ko ung magiging future boss. Hahaha thanks :wink:
«1345

Comments

  • edited May 2017
    @maya SME ba company mo? walang HR and accounting software? mahirap talaga yan. construction company ba yan? may proper turnover ba sa pagigiging accounts? kasi alam ko iba yung handling accounts dito sa sg sa pinas.

    madami pinoy sa singtel esp sa customer service dept.
  • Hi @AhKuan thank you sa link! Tatry ko.

    @Samantha1 small company lang, yes under construction sector, bale ung main business eh nagsusupply ng manpower/engineers para sa power/cable works ng MRT. Wala ngang proper turnover, pagdating ko bahala ako sa buhay ko hahaha. Ung HR software, ako naglead ng implementation, ngayon gumagana na. pero ung implementation ng accounting system, naka-hold pa.
  • @mariaklara ito ung reason bat ako nagresign. hehe
  • @maya I like your spirit, you can still laugh, I don't blame you for your decision . All the best. God bless
  • @maya yung friend ko sa isang construction company west side, 6days a week work niya tapos yung sahod less than 2k. nagtagal din ng 1 year at nakahanap ng iba. nag resign kana? kailan effective date mo? sana wait ka muna makahanap ng bago then resign. goodluck sa job hunting. may plan si lord para sayo. pang maalaala mo kaya story mo.
  • @carpejem thank you! :wink:

    @Samantha1 natawa ako sa pang-mmk hahaha. binalak ko din naman na saka na magresign pag nakahanap ng bagong work, kaso sobrang hirap ko na. 6days a week din ako dati, tapos ginawang 5days nung naconfirm ako, wala naman ako problema sa sahod, ung boss tlga problema. kabi-kabila ang kaso namin sa MOM, di pa kami makabayad sa mga suppliers na naniningil kasi wala ng pondo. lagi pa delayed ang sweldo. di ako makatulog sa gabi pag naiisip ko ung dami ng problema sa office. hanggang mid of june pako. pero since singpass account ko ung nakaregister sa mga government portals at ako lang may access, baka di pa muna icancel pass ko hanggang makahanap sila ng kapalit. sana!
  • edited May 2017
    Huhuhu same tayo.. march 20,2017 ako ngstart.. manufacturing company sya at magisa lng ako sa accounting ganyan na ganyan din boss ko.. super pagod ako araw araw , yung trabaho ko pang apat na tao namin tintrabaho yun sa pinas.. di ko inexpect na ganito makukuha ko work dito.. nung nagapply ako AP and AR lang nkalagay sa offer pero sken pala papahawak lahat.. yung fs dapat 1st week of the month mabigay na.. minsan nakakaiyak lng isipin, gusto ko na din humanap ng new work kaso 2 months pa lng ako nagiisip pa ko ng reason for leaving if sakaling magkaron ng interview.. super hirap nkakaubos ng ganda sa sobrang dami ko hawak :(
  • @DETH016 lahat ng kakilala kong accounts, patayan din trabaho. Kung sana mabait lang ung amo ko tyatyagain ko pa.kaso malala sya,walang puso. Apply lang tayo ng apply,malay natin makaswerte din. Walang kasiguraduhan kung makakalipat tayo sa mas maayos, pero hindi ntn malalaman kung hindi susubukan. :smiley:
  • Dati 3 kami sa finance, tas may 3 sa HR, 2 sa admin. Ngayon magisa nlng ako sa finance, may katulong ako sa HR kaso hindi fluent magenglish,so anghirap. Ung mga magagaling na engineers namin,nagsialisan na.nagpull out ng workers ung amo ko,tntrain sa paggawa ng tender.jusko lord, pati pagcompose ng email papatulong pa sila sakin eh andami ko na ngang trabaho.tas di sila marunong kht simpleng math.huhuhu.iguide ko daw sila sbi ni boss.ano namang alam ko sa tendering?kaya yun,kada mali ng bawat isa,ako ung napapagalitan. Die lah. Haha
  • helo @maya ganyan din experience ko sa amo ko pero sa uae naman yun. yan din dahilan bakit umalis ako dun at hoping na mkahanap ng work sa sg naman this time. sana makahanap tayo ng work na may maayos na amo.
  • Hello @maya finance din ako Haha.. Whatsapp tayo hope to meet you guys here! sana makahanap na ko work!
  • @maya ung pinakaboss namin okay naman. Ung galamay lang ung ndi. May nag resign na accounts samin kaya malamang may quota. Ung accounts 4yrs at ung isa 5yrs naman tumagal bgo nag resign. Try mo smin apply. Pero ndi ko lang masure if ung mga galamay is okay ba or not kasi ndi ko sila nakakawork. Ung sweldo ok din above minimum ako eh. 2++++++
  • hello @maya and @stacey ... baka pwed kau mkarefer ng work for accounts. galing din ako sa accounts. salamat po!
  • Hi @stacey thank youuu nagmessage ako sayo.
  • good luck sa lahat, kakilala ko din accounts/hr/admin background at currently naghahanap ng work. advantage ang merong accounting/hr software d2. dami competition.
  • Hi kababayans

    Newbie here (just created the accounts minutes ago)

    I'm currently looking for a job. Nag work n ko dito sa SG before from 2008 to 2015 Pero I went back sa pilipinas for personal reason. And after 2 years ngayon lng ako uli bumalik ng SG...
    Kung may alam kayong job hiring painform naman. Work background ko is Call center sa pinas and ung previous job ko here in SG is Admin cum Sales, customer service.

    I only have 20 days left as pumunta ako dito as tourist.. hopefully guys you can help me. Thanks.


  • @dith just replied to your thread (a minutes ago :smile:
  • @dith gusto mo sabay tayo mag apply apply? Walk in? Do you have whatsapp?
  • @cheskapot cge sabay tayo... yup I do have whatsapp
  • @cheskapot message ko sa yo WhatsApp ko
  • hellooooo. kumusta na sa mga nagjojobhunt? ako waley pa rin. samantalang last year, wala pako sg experience nun, pero dami interview, daming pag-asa. ngayon angtumal. mukhang malapit na matupad ung pangarap kong maging housewife nyahahahahahaha :wink:
  • @maya apply lang ng apply.Good luck!
  • @ezzy oo nga eh. Thanks! :smiley:
  • Hello.. sino gusto sumama sken? Mag aapply ako next week tueday. June 9. Maghahanap din ako ng new work. Haha.
  • edited June 2017
    @stacey ano line nila? mag wawalk in ba?
  • @maya congrats sa J.O., pano yan kung may biglang mag offer sayo na maging housewife ano pipilin mo. lol!
  • Thanks guys! Hahaha part-time housewife na lang ako.kailangan kumita eh hahahah
Sign In or Register to comment.