I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Job Hunting(Accounts/HR/Admin)

135

Comments

  • edited November 2017
    @rayspire Yup. 2 actually ung job offer sakin on the same day. Same din basic salary na offered. Pinili ko nlng ung company na mas established na,mas malapit sa bahay,and ok ung benefits, at less work load. Haha. Pangatlong company na agad wala pako 2yrs sa sg. Simple lang naman pangarap ko, mkachamba ng matinong boss. Haha
  • @maya good for you, ano sinabi mong reason why you left your job even na ilang buwan ka palang dun? hehe
  • Diko na nilagay un sa CV ko. Bnbanggit ko nlng during interview. Nagsabi lang ako ng reason na katanggap tanggap kht npakadami ko sanang gusto sabihin. Hahaha. Diko na binangg it abt long hours. Sabi ko lang i've realized that the job was not adding any professional value to my career. Tas pinapaelaborate usually ng interviewers,tas explain ko konting examples ng tasks kong nakakabobo. Ganern lang,bumenta naman.
  • edited January 2018
    @maya hello, may kaibigan din ako nag babalak same job kayo.. ano ang tips mo at gaano ka katagal nakahanap/ilang interview ng 3rd job mo? nag work din siya sa SG nung 2015 so tinatanong niya kung ano chances nya.. punta siya dito feb 18, tnx
  • Medyo matagal din bago ako natanggap dito sa 3rd job ko, nagapply apply ako for 3mos din? Habang andun pako sa 2nd company, hanggang sa svp after icancel pass ko. Late nila nacancel pass ko so nakaextend ako ng stay dito somehow. Naka3 interviews ako, kaso di sinwerte. So umuwi muna ako pinas para makaexit. Bumalik ako after 1month, naka-2 interviews ako sa 1st week, but no luck, same reason mas prefer nila local. On my 3rd week, may 2 interviews ulit. But b4 ako nagproceed for interview,sinigurado ko muna kung open ba ung position sa foreigners. And yes naman. Nainterview ako Monday sa Company A at Wednesday sa company B. Then thursday morning tumawag si company B for job offer, then afternoon, tumawag dn si company A. namili nlng ako. So far dpa nmn ako nagsisisi. Haha. Totoong mahirap, pero marami namang maapplyan. Nakarami na ngako interviews, nagkakatalo lang sa kung tanggap b ako o hinde. Pero nakakapagtaka din na ung friend ko, na mas matagal na dito sa sg, same field kami, pero sure ako mas maganda experience nun kesa sakin.dpa sya nakakalipat ng work,andun pa rin sya sa 2nd company namin. Nagtataka dn sya bakit ako may interviews sya wala. Kaya mahirap dn gawing basehan at icompare sa iba eh, kasi kanya2 tayong kapalaran,kanya2 dn ng swerte. Youll never know unless itry mo tlg. Tips? Gandahan lang ang CV para makasungkit ng interviews. Yan kasi pnkamahirap,ung matawagan ka for interview.
  • @maya nag exit ka pa ba while waiting for pass o hindi na?
  • Yup,10days ako sa phuket. 2wks after job offer pa kasi bago inapply ng HR ung pass ko. DI naasikaso agad. Pero from application,7days lang inabot bago naapprove.swerte nako nun,ung iba kasi weeks tlga inaabot.
  • Hi maya sana mapansin mo ask ko Lang if ilang years experience mo sa ph before applying sa sg. Tapos tips naman I'm an accounting graduate with more than 2 yrs experience wala pko interview lgi email if or ba or local ako tpos d na sasagot ulit pag sabi kong Filipino. Pls respond po kasi I'm planning to try my luck sa sg pero two weeks lang natatakot talaga ako.
  • @ella8 4.5yrs experience. Pero 1yr dun hindi masyadong significant, un ung 1st job ko. Pero ung 3.5yrs, ok ung experience ko dun kasi sa intl org sya. And ung mga ginagawa, pareho ng mga hinahanap dto sa sg. If di napapansin ung CV mo, improve mo. Kung ano unh mga nababasa mong job descriptions ng account exec sa mga job portals, at ginagawa mo nmn un, kopyahin mo sa cv mo. Usually aapply ako today, bukas or within the week may call na. Pero may mga times din na wala tlga. Good luck sayo, sana palarin ka!
  • Maiksi ang 2wks. Sa ngayon, wala nako kakilalang nakakahanap ng work in 2wks time.
  • Hi @maya thanks po sa reply. Kailangan po ba may interview na before pumunta, wala pa talaga ako. Tapos yung two weeks yung IO kasi yung iniiwasan ko para d ako paghinalaan. Pwede ko naman po iextend yun db. Grabe po hopeless na ako since January pa po ako nagsesend online.
  • @ella8 usually yung post na hanap mo na account executive gusto nila usually andto ka di sila mag aaksaya ng panahon at pera pra lang hire ka...ksi I use to interview ng account exec pag may nag reresign sa department namin. Yung HR mismo namin ang nag screen kung andto ba sa SG kasi usually ang account exec biglaan pag nag resign kailangan humanap agad ng kapalit kundi pilay accounting/finance department.

    Sa ngayon wala umaalis na tao kasi nga nagkakahigpitan sa work pass...madalas lang lumayas at mag jump ship ung mga local at mga PR...pero pag foreign talent kapit sa patalim sila... oo mas gusto ng company ang FT kasi di sila basta basta umaalis...kaso you need to be here pag may company nangailangan.....about sa work pareparehas lang naman process...basta marunong ka sasagot sa mga tanong ng interviewer about accounts exec work madali mo sila ma convince na i-hire ka.....try to learn excel advance kasi madalas pag mag report sa top management excel at power point lang concern nila at tama ung results......

    Wala sila paki alam kung ano pa system as long as tama ung numbers and info na provide mo sa kanila.....

    Kaya mo yan at lakasan lang ng loob...
  • Tama si Mang @Bert_Logan. Sa experience ko sa jobhunting, they wont wait 4u. Mas preferred ung makakajoin asap. While currently employed at nagaapply2 ako, wala tumanggap skn. Tas nung resigned nako and can start immediately, mas napapansin na. Dko din nagawa ung habang nasa Pinas nagaapply na. Kasi sa experience ko, aapply ako today, bukas or within the week may tawag na. Pero xempre it's always best na kung pagdating dto may nakaline up ka ng interviews or sa mga may work na,mas safe lumipat kung may confirmed job ka ng lilipatan. Hindi nga lang ganun ung ginawa ko, but my style worked for me naman.
  • @maya sang mga portals ka nkakahanap ng vacancies for foreigners? Direct ka b or ngagency ka din? My ano n kasi ako kaso agency. Kunin ko n b yun? Need ko pa kumpletuhn yung placement fee agad agad
  • Lagi direct, wala ako tiwala sa agencies, dami ng naloko jan. Sa jobstreet, may filter na direct. Sa jobsdb naman, makikita naman agad kung agency or direct. Sa 2 job portals lang na ito ako nagaapply pero marami pang iba.
  • Hi @Bert_Logan thanks sa reply mo. Yep yun nga po kadalasang email skin if Singaporean or sg pr then hnd n ssagot if sabi kong Filipino. Sige po isusugal ko na talaga pumunta. May current job papo ako here pero mabait po accountant ko she knows na I'm applying na po abroad and pwede ako igrant ng leave. Oo kabisado ko nadin po kahit pano yung excel kasi galing po ako ng government at audit firm. San po field nyo? Haha kuya pasabi po if may opening kayo. I can fly anytime po hehe.
  • @maya ate swerte nyo po sana palarin rin po ako. San na po kayo now baka po may opening sainyo? Kahit admin or bookkeeper nga po inaaplyan ko online hnd npo tlaga ako namimili kasi takot din po ako if my accounting knowledge would be competitive enough. Kaso no scheduled interview padin po ako. Pano po ba ginawa nyo? Nagpunta po sg then apply online pdin through jobstreet gnun po?
  • @maya Ang swerte mo dito pang SG ka tlga sis. Hehe.kaya nga nattakot ako magagency din tlga 5 days n ko dito. Onti n lang time ko wala pa ding tmtwag n direct sakin. Ano number mo sis?
  • @maya HR/Admin din kasi ako 7 yrs sa HR. Mahrap daw mkahanap ng office work dito sabe nila.
  • @ella8 sa accounts/finance field ako nakaswerte lang at medyo binigyan ako maganda position...sa ngayon wala hiring samin...pag meron nag resign timbrehan kita...last 3 months nag resign isa sa tao nga kasama ko yung CFO namin sinabihan ako na pasa ko ung isa ko tao...so wala ako choice kundi mag hire at mag train na naman.....

    pare parehas lang naman procedure sa accounting/finance...dapat sharp ka lang kasi minsan ka lang nila tuturuan..dpat pag turo nila syo isa beses or ikalawa kuha mo na....pag na hire ka mag take down ka ng notes...kasi kahit mga tao ko ayaw din mag turo ng ilang beses. Tanong ko sa kaibigan ko HR kung meron sa mga friends nila na nangangailangan ng tao...depende rin kasi kung may quota ung company......

    All the best and good luck sa job hunting sana palarin kayo....
  • @Bert_Logan thanks po sa reply. Pano po kayo nkapasok dyan direct po? Pumunta po kayo sg tska naghanap? Or ph palang may interview na po. Ang galing nyo po! Opo galing po ako ng audit firm Kaya pagod pagod din po medyo tinanggap na ng sistema ko gawi natin sa accounting haha. Kaya nga po ngquit ako then ngayon nasa maliit na local accounting firm and talaga Singapore na po Plano ko talaga, sana po pag punta ko dyan this May mahanap po ako ng work.
  • direct ako dto.....pagpunta mo try ko ipasa CV mo sa manager ng Deloitte na nag aaudit samin.....
    di sila mag entertain ng mga andyan sa pinas when it comes sa post na hanap natin need nila can start ASAP...
  • Hindi tlg ako HR, majority ng work ko sa 1st company full set of accounts. Pero nung nawalan kami HR, ako na umako nun, so lumawak experience ko. Local company kasi at maliit lang. Pero napakahirap ng multi-tasking, kakastress. Ngayon work ko, AR and collections na lang. Tinarget ko tlg applyan AP or AR lang, para magaan. Pero xempre, mas may edge ka kung full set.
  • Pano ba makahanap ng direct jobs. Hay. Puro agency. 180-200k need ko pay within 1 month.
  • I have 2yrs exp as Admin at 3yrs exp as Real Estate Agent, sa Pinas parehas. Mag 2months na ko dito sa SG, so far la pa din interview. Nagwawalk in ako ng apply sa Retail at F&B kahit parehas walang exp. Tas sa gabi, apply online ng Admin, Retail at F&B. Nakakawalang pag-asa twing gigising sa umaga..
  • Pano gngwa ngexit ka na? Hay ano b yan nkakadepress naman yan. Ngtry ks n ba magagency kaso magbbyad ka ng gnon kalaki sa isang buwan lang.
  • @Bert_Logan omg wow po Deloitte. Galing po ako PwC, australia, Singapore and hongkong po clients na handle ko. Oo nga po napansin ko po na laging di suitable comment skin. Nkakalungkot po ng sobra. Salamat po sa recommendation if ever. I can start immediately po kasi alam ng accountant ko now kaya ako ngquit Sa dati kong work is to pursue Singapore. Kaya support po nya ako besides maliit pong local accounting firm nilipatan ko po.
  • experience ko lang nag submit ako online mga 11pm hanggang madaling araw para kinabukasan pagbukas ng mga HR or ung mga company na inaplyan nyo ung CV nyo nasa unahan...style lang yan...kasi natatabunan mga CV kung ano ung latest emails yun una nila mababasa.....
  • Never pako nainterview sa mga agencies, kasi di rin ako nagaapply. Pag desperado ka na kasi, di maiwasang matempt pumatol kahit may bayad na.
Sign In or Register to comment.