I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Need help mga kababayan ko! Naghahanap po sana ako ng trabaho

Hi mga kapwa ko Pinoys!

I'm TJ po from Imus Cavite Philippines. Last 2011, nagpunta po ako ng SG para magbakasakali maghanap ng work. Pero dahil po nahirapan ako maghanap ng work dahil hindi po ako college graduate noon tapos may importante ako balikan dito sa Pinas, kinailangan ko umuwi.

Nung makabalik po ako ng Pilipinas, nagsikap po ako mag-aral at ngayon po ay graduate na ako ng I.T. Sa ngayon po nagttrabaho ako sa isang IT industry dito sa Pilipinas. Pero totoo po, mahirap pa rin ang buhay dito sa bansa, kaya gusto ko po makapunta ng SG para magtrabaho.

Nung namatay po mama ko last January netong taon, doon ko po lalo napatunayan na hindi sapat ang benepisyo na nakkuha ko sa company ko ngaun at higit sa lahat napakabigat ng gastusin sa pagpapa ospital pa lang at ang trabaho ko ay dito sa Pilipinas.

Sana po matulungan nyo po ako, mga kapwa ko Pinoy, na makahanap ng trabaho dyan sa SG. Software Engineer po ako ngaun dito sa Accenture, Tester po ako dito.

Sana po matulungan niyo ako at magabayan dahil kagaya nyo rin, hangad ko po maiahon ang pamilya ko lalo ang tatay ko matanda na at kailangan ko makapaghanda at makaipon para sa oras ng pangangailangan.

Ngayon pa lang po, nagpapasalamat na ako ng marami sa inyo inyo po na may mabuting kalooban na makakatulong po sa akin.

Pasensya na po at madrama ako. Gusto ko lang po talaga kapalan na ang mukha ko at makiusap po sa inyo.
«1

Comments

  • Hi @tj.sarte welcome sa forum. ilang taon ka ng nagwowork sa pinas? Software Engineer ka ba? or Tester? Advise ko lang medyo mahirap ang buhay ngayon sa SG. Even mga PR or Locals e hirap, ang daming layoffs. I'm happy to hear na sa Accenture ka nagwowork. Swerte ka kasi hindi lahat nakakapasok sa Accenture. way back 2004 nag bakasakali ako dyan kasi hindi pinalad. malaking company ang accenture. magipon ka ng experience dyan at malayo ang mararating mo for sure! kasi pag nilagay mo yan sa resume, mapa US or Singapore e mapapansin sigurado ang resume mo. wag ka magmadali. ipon ng experience ang need mo.
  • @Admin salamat po sa mga advise. sa Accenture po ako ngaun nagttrabaho, ang plan ko po after 2-3yrs stay ko, dun na po ko maglilipat ng work. I agree po na malaking company ang Accenture. Medyo hindi lang po talaga enough yung nakkuha ko kada sahod na masasabi kong sapat para mabayaran ko yung bahay naming na malapit ng ma-elite ng Pag-IBIG kase po retired na po father ko tas mama ko po wala na. Plan ko po xe kahit hindi ako papalarin magtagal na magtrabaho sa SG, at least maka ipon po ako enough na makagawa ako ng way na maiayus ko po mga problems sa bahay. Last time po kse nung naghanap ako dyan ng work back 2011, sabi po nung napagtanungan ko nung andyan ako is hindi naman po hinohonor yung prev work pag galling sa Pilipinas. Hindi ko po cgurado kung totoo po yun.
  • nope, inohonour ang past experience mo ofcourse. kilala ang Accenture. may bayaw akong nag wowork dyan na napadala na sa US para sa assignment. maganda talaga sa Accenture alaga kayo. kung ako ay babalik sa pinas, gusto ko makapag work dyan :) try mo magstay. subukan mo gumawa ng ibang way para mag kapera ka. try mo magfreelance para extra income. nghihinayang talaga ko sayo pag aalis ka sa work mo.
  • Dito po xe sa Accnture may iba na po sila process s pagppromote.. tawag po Performance Achievement, kaso neto pong December nakausap ko po isang Manager namin nagulat din at nalungkot sila xe less than 20% ng junior Software Engineer ang pinromote, sabi po dahil sa budgeting. Kasama po ako sa mag 2 years na sa Accenture pero hind napromote this year. nagugulat po ko sa ginagawa ng Management ngaun sa decisions nila. Need ko po talaga ng magandang trabaho na mapapasukan ko na maayus ang sahod na kakasya po sa gastusin sa bahay. Magbbakasakali na po ako sa SG.

    Kaya sana po Sir kung pwede nyo po ako irefer dyan, sana po makahingi po ako tulong sa inyo. Tatanawin ko po malaking pasasalamat.
  • Up po mga kabayan, Software QA/Tester din ako for 4 years sa Pilipinas and nagbabakasakali na makahanap ng work sa SG. Balak kong pumunta jan after Chinese New Year :) Actually matagal ko nang gusto pumunta jan pero nagipon muna ako ng experience dito. Thanks!
  • may chance din ang mga QA/TESTER ditu sa singapore, I have a former officemate na may work na ditu as QA sa financial sides because ang work nya previous sa pinas is QA sa oracle financials. siguro sa tingin ko mas malaki ang chance kapag may experience ka sa financial side.. advise ko lang, wag mawalan ng pag asa at apply apply muna kayu online like for ex sa monsters.sg
  • Thanks for the reply, @jelcel hanggang ngayon nakakakaba pa din kahit may experience na at apply ako nang apply, walang pumapansin sa applications ko di ko tuloy sure kung sobrang kulang pa experience ko para mabigyan ng work jan hehe
  • @Eriksown sadya lang talaga maraming applicant. Sa sg hindi lang mga pinoy kalaban natin sa paghahanp ng work. Pati ibang lahi, even mga puti. But dont lose hope.
  • Thanks @Admin. Tapos habang inaantay ko yung pag alis ko, magsasubmit na lang ulit muna ako :)
  • try nyo sa monster.sg or gumtree.sg..mga kaibigan kong soft eng. at programmer nkuha sa mga sites n yan.
  • Salamat sa mga reply @jelcel @Admin @berdugo . Ika-2nd week ko na sa SG. This Monday may pinapirmahan na contract sakin (yun ba yung IPA?) tapos kahapon lang pinasa ni employer details ko sa MoM. Ang sabi ng employer, by next week (Feb 17) pa malalaman yung result. Ang kaso, next-next week yung end ng social visit pass ko. Kailangan ko pa bang mag exit or pwedeng hindi na kasi may pinirmahan na akong kontrata? Please advise.
  • congrats!

    yes need mo mag exit hangat wala ka hawak IPA or dpa lumalabas result pass mo.

    just incase pwedi ka nman mag exit tas sbihan mo HR nyo kung pwedi email syo IPA mo para dka mhirapan pagpasok ulit SG.
  • edited February 2017
    Yan yung employment contract mo. Yung ipapasa sa MOM ay yung para sa pass mo dito. Pag na approve yun, dun na lalabas ang IPA na tinatawag. Good luck po sa application mo.
  • @Eriksown congrats.. anyway Application form yung finillup mo siguro. contract is after maapprove ung pass mo.
    kung kahapon pinadala, more or less mga friday nga un.. pag pray muna maaga ung result.

    alam ba ng employer mo ung last day ng SVP mo? once naman maapprove ung Pass mo kahit hindi kana magexit.

  • exit ka nalang muna, sa JB may mga pension house, para makatipid ka..
  • Maraming salamat sa mga replies, mga sir. iba pa pala yung IPA hehe. Tama sir @Vincent17, idagdag ko na rin sa mga prayers ko na maaga lumabas yung result :)

    Yes, alam ng employer yung expiration ng SVP ko, kaso busy sila ngayon kaya kahapon lang naipadala ng employer sa MoM yung details ko. Safe na ba mag exit sa JB? sabi ng mga ka-unit ko safer daw kapag mageexit sa mas malalayong lugar para turista talaga yung datingan hehe
  • Tara JB tayo, balita ko sobra mura daw ang ceiling fans doon. Makatingin nga. hehehe ......
  • @AhKuan sama ko.. papamasahe lang.. haha
  • @Vincent17, ayus din talaga masahe doon. May mga amenities(pool, shower, sauna etc.) tapos may buffet pa na pagkain pagkatapos.
  • edited February 2017
    @AhKuan schedule na yan.. sama mo si @Admin at @reyven @tambay7 haha..
  • $50 SGD for 2 hours.

    "Once you pay for a massage you are given unlimited access to their sauna, Jacuzzi and steam room, as well as entertainment and buffet food."
  • congrats sayo kabayan "Eriksown" kasi buti ka pa na hire na and MOM pass approval nalang ang inaantay mo.
    .
    Mga kababayan ko.. Ako'y dudulog lang po ng tulong at gabay. Ako po ay mag isang nakipag sapalaran dito sa Singapore dala ang mga dokumento ko, kakarampot na salapi para sa isang buwan ko dito, at mga kaalaman na nakalap ko lamang po sa Internet. Katulad din po ako ni "Eriksown" na nagbabakasakali dito sa Singapore ng work sa IT Industry. Sampung araw nalang po ang nalalabi ko dito sa Singapore bago mag end ang 30 days visit pass ko. Nasa field ako ng IT Desktop Support / Technical Support / Helpdesk Support. Marami na akong nasendan ng Resume's using my laptop dahil yun lang ang ginagawa ko the whole day at palagi akong gumigising ng 4AM para mag send ng CV/Resume sa mga IT job postings sa Internet kasi yun ang advise na nabasa ko sa mga blogs/forums (para daw pagpasok ng mga Company HR e tendencies na nasa kaunahang list yung Resume ko na mababasa nila, maybe first on 50 out of hundreds of applications). Nagkaroon na ako ng 3 interviews sa nakalipas na 20 days ko dito pero tulad sa Pilipinas "tatawagan nalang kita/we will call you again if you are suitable" ganun ganun ang sinasabi nila, so wala naman akong magagawa kundi mag antay at ituloy ang pag aapply at pag send ng Resume. Sa 3 interviews ko na yun ay isa Direct at yung dalawa Agency (kumbaga Client nung Agency yung nag interview sakin) at sa dalawang Agency na ito, sabi sa akin ay mag hintay lang ako for available interviews on the Client, then pag na hire na daw ako to one of their Clients e sila narin daw mag a-apply ng Pass ko to work, then pag na approve na ay may kaukulang bayarin akong kailangan bayaran daw sa kanila na nagkaka halaga ng dalawang buwan na sahod ko, pero nagtanong ako at sabi nila pwedeng yung 50% bayaran ko in Cash tapos yung balance na 50% e pwedeng installment.
    .
    Ngayon, ang idudulog ko pa ay...
    1. Halimbawang wala parin akong nahanap na trabaho bago mag end yung 30 days pass ko dito sa SG,
    mas ok po bang umuwi nalang ako sa atin sa Pinas o mas ok na subukan ko makipag sapalaran na mag Exit sa Johor Bahru Malaysia at pumasok muli sa Singapore para matatakan ang passport ko ng panibagong stay for 30 days.
    (Desidido naman po ako at may kaukulang sapat na pera pa naman po ako para suungin yung sinasabi nilang "U-Turn" Option na pag exit ng Malaysia, ngunit may mga katanungan po na bumabato sa isipan ko kung gaano ba katotoo yung nabasa ko sa mga forums/blogs sa Internet na mahirap yung ganoong Option dahil mahigpit na daw ngayon ang immigration ng Singapore at Malaysia lalo na sa mga Foreigners na sumusuong sa "U-Turn" Option sa Johor Bahru.)
    So sana po matulungan niyo ako sa paksang ito, at kung ano po ang magandang gawin at kung ano po ang mga maipapayo niyo sa akin ukol dito.
    2. Halimbawang nakahanap po ako ng Trabaho o na hire na ako bago mag end yung 30 days Pass ko dito sa SG,
    Ano po ang mas magandang way? Balik po ba muna ako ng Pilipinas o mag "U-Turn" option sa Johor Bahru?
    (kasi sa panayam ko sa 2 HR ng Agency na kasalukuyang humahawak sa akin, e pag na hire na daw ako ng Client nila, sila narin daw mag aapply ng Pass ko, pero sa pagka kaalam ko, few days or week/s pa yung result nung Pass decision ng MOM, so hindi ko alam kung maghihintay ba ako ng result hanggang mag end yung 30 days stay ko dito, o uuwi ba ako ng Pilipinas, o mag "U-Turn" option nalang sa Johor Bahru.)
    .
    Need your advises mga kababayan.
    Sana may mahabag na bumasa sa napaka habang nobelang ito :smile:
    at sumagot sa mga idinudulog ko.
    Salamat po.
  • @ian_ian
    1. Risky naman talaga mag U-turn bukod sa marami na talaga ang gumagawa niyan at alam na ng Immigration yang modus na iyan. Tyempuhan na lang talaga kung matapat ka sa officer na strikto sa pagpapatupad ng regulation.
    At totoo lahat nung nababasa mo na may nahuhuli, pinapabuksan ang cellphone, bags, laptop, interrogation, etc.
    Worst case scenarios na dapat mo pag handaan:
    1. Hindi papasukin ng SG, ibig sabihin from JB biyahe ka pa KL Airport at dun ka lilipad pabalik ng Pinas (Airport to Airport)
    2. Papasukin pero papayagan lang to stay until your flight date back to Manila.

    Lucky scenario ay ang payagan ka pumasok ulit with a fresh 30 days stamp.

    Ang importante sa pag exit/U-turm ay dapat lagi kang handa sa negative result, kasi karamihan sa gumagawa niyan ang pinag hahandaan lang eh yung papasukin sila uli, kaya nabibigla at na ttrauma kapag na A-to-A.


    2. Same as the answer sa point 1, nasa sa risk appetite mo iyan. Kung gaano katibay ka sa pag harap ng risk at pag accept ng consequence o resulta ng risk na tatahakin mo.
    Kung kaya mo ang posibleng negative result ng risk, mas less hassle kung mag exit ka lang sa MY kesa bumalik ng PH, pero kung para sayo magiging hadlang sa future plans mo ang markaroon ng A-to-A record or ma ban eh mas makakabuti na sa Pinas na muna maghintay.

    Nasa sa iyo yan, walang makakapag sabi ng magiging experience mo until andun ka na sa mismong moment na iyon.
  • edited February 2017
    @ian_ian apply lang ng apply.. ung mga nasendan mo, ulitin mo uli..

    maswerte ka at may tatlong interview kana, ung iba umaabot ng isang buwan ni isang tawag wala.

    malimit lang sa IT ung may babayarang pera sa agency, pero takenote na wag ka magpapayad hanggat hindi naapprove ang pass mo.

    Risky ang U-turn, pero try mo mag Legoland, then wag mo kalimutang bumili ng kahit ano para may bitbit kang plastic ng legoland..

    Godbless u.
  • Pwede rin magpalamig muna sa Genting, Malaysia. Dami mga coach packages.
  • @tambay7 @Vincent17 @AhKuan
    salamat sa mga advises nyo kabayan. isang karagdagang kaalaman muli ito para sa akin.
    Sa ngayon napapaisip pa ako kung anong option ang magandang gawin.
    Sa ngayon pasa parin ako ng pasa ng Resume, and hopeful parin na makakuha ng work this week,
    then pag wala na talaga, then that's the time na magdedecide na ako.
    .
    May nakuha pa akong info sa receptionist na Malaysian dito sa dorm na tinutuluyan ko.
    Ang sabi niya may isa pa akong option which is yung E-XTEND online application sa ICA,
    and isearch ko nalang daw sa internet kasi makikita ko daw lahat ng info doon.
    So sinearch ko naman agad, pero ang sabi doon sa mag nasearch ko e NOT GUARANTEED yung approval nun and NO REASON in any case (approved or rejected).
    Then may nakalagay doon na need to pay 30 dollars pero kailangan ay VISA card or debit card yata (kung hindi ako nagkakamali), pero wala naman ako nun. So sinearch ko kung may option para bayaran in Cash, kaya lang wala naman ako makitang info o details kung pwede at kung paano.
    .
    Any full details na maibabahagi nyo sa akin mga kabayan ukol dito, pahingi naman po ng info.
    Maraming salamat
  • @ian_ian kapag approved saka magbabayad..
    so kapag approved let us know..

    or sa receptionist nio.. makisuyo kalang at bayaran mo sya ng cash..
  • ok din ang option na yan E-xtend, base sa mga aking kaalaman(though wala akong data to prove) mas may chance na maapprove ang e-xtend kapag ikaw ay boy.( I will not elaborate yung reason)

    About sa payment naman, once na maaprove tsaka ka mag bayad..if no CC/debit pwede rin sa singpost pakita mo lang yung IPA mo..

    https://www.singpost.com/more-services/applications-collections/ica
  • @Vincent17 @bobong
    salamat sa mga reply kabayan.
    your inputs are really helpful.
    .
    Anyways mga kabayan,
    desperate lang po kasi i'm running out of time na sa pag a'apply.
    Mayroon po ba kayong kilala or mayroon po ba kayong mairerecommend na pwedeng apply'an in the field of
    IT Support / IT Desktop Support / IT Technical Support / IT Helpdesk Support
    Any help po?
  • Salamat @ian_ian pero sa kasamaang-palad, hindi ako approved ni MoM at hindi na binalak ng employer na i-push yung employment ko sa kanila kaya sige apply pa rin ako ngayon hehe.

    Tinitignan ko yung e-xtend ng ICA pero ang nakalagay sa website is nagrerequire sila ng mag ii-sponsor na may SingPass account. Hindi ko sigurado kung magagawa ko 'to kasi wala akong kakilalang local na magsponsor sakin kaya kino-consider ko yung isang option para madagdagan ng 30 days pa yung stay ko
Sign In or Register to comment.