I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
Comments
Yung sponsor, depende sa reply, meron namang hindi na kelangan ng local sponsor
.
About dun sa E-XTEND kabayan wag mo isipin yung mag i-sponsor. Para dun lang yun sa magpapa entend ng 89 days (kung hindi ako nagkakamali).
Katatapos lang ng E-XTEND application ko ngayon lang, nai'submit ko naman siya.
Nandoon sa pinaka baba yung "Main Menu", i'click mo lang yung pang 30 days na application (individual),
then fill up kana, tuloy tuloy na yun.
Note: Napaisip ako dun sa DE Card na requirement kaya niresearch ko muna about it bago ako nag proceed sa application. Yun pala yung pina fill up'an sakin dun sa immigration pag lapag ko dito sa SG. So hinanap ko pa yun, kasi parang alam ko naitapon ko na (buti nalang naitago ko pala sa bag ko).
So yun! kailangan mo i'enter sa application form yung number nung DE Card mo, then proceed. yun lang!
Apply ka na ngayon ng E-XTEND kabayan at samahan mo narin ng dasal.
Goodluck sa approval natin bukas.
PS: Always keep your DE with you or better attached to your Passport.
How was the result?
so yun! ganun talaga. need to accept.
@Eriksown balitaan mo kami sa E-XTEND application mo ah!
@carpejem thank you kabayan. Kailangan din pala. (noted).
yea i already attached it to my passport kasi important din pala yun.
hmm about the result, ayun! as i've said unsuccessful. so last option ko na yung pag exit ng Johor Bahru
or umuwi nalang ng Pinas pag wala parin talaga mahanap na work til nextweek.
@bobong thanks kabayan. napasahan ko yun ng resume from last week and siguro mga 10x ko na naulit ulit pasahan yun, kaya lang wala talaga. hmm pwede kaya mag walk IN dun? and Agency ba yun kabayan or direct?
capita staffing & Search Pte Ltd
Embrio Consulting Pte Ltd
magprint ka mga 5-10 CV.
Magpalamig ka muna sa JB , mas matipid kesa uwi ka pa sa Pinas.
Important: Please prepare your Plane Ticket (return sa Pinas), they will ask you from both Immigrations.
@Vincent17 ah sige kabayan search ko yung sa International Palza na yan, puntahan ko bukas.
@carpejem oo kabayan, inisip ko nalang may ibang plano SIYA para sakin. kaya ito tiwala lang.
Hmm risky daw mag Johor Bahru kabayan pero handa naman ako suungin yung option na yun kung kelangan na talaga, tsaka yun nga makakatipid kesa umuwi ng Pinas.
Sabi ng marami nating kababayan, mahirap na daw ngayon mag JB kasi nga gamay na ng immigration ng SG at Malaysia yung deskarteng "U-Turn" lalo na daw pag Pinoy/Filipino, kine'kwestyon daw talaga.
Prepared narin naman yung "return ticket" ko (SG to Philippines. naka book na sa last day ng stay ko dito sa SG).
Kaya lang ang tanong ko dun,pag nag JB ba ko e mag stay pa ba ako doon o balik din agad ng SG the same day?
Anyways mga kabayan and sa ibang mga kakosa kong job hunters, na hire na ko today. Tinawagan ako nung isang nag interview sa akin last week. So i was hired and na process narin nila today yung S Pass ko sa MOM kasi sinabi ko malapit na mag end yung 30 days stay ko, so wait daw ako ng 3 working days. Sakto hindi lumampas sa 30 days stay ko. Kaya sana ma approve.
But the challenge is...
pag na approve e need ko parin daw mag exit ng SG sabi ng Employer ko, kasi mag me'medical pa daw ako and IPA pa lang ang ininigay sa akin.
so advise ng Employer e dalhin ko yung IPA ko pag nag exit ng SG, and mag Johor Bahru nalang daw ako,
and the way na may IPA na ako hindi naman na daw ako tatanungin dun basta ipakita ko lang IPA ko.
and then balik narin daw agad ako ng SG after an hour ko sa JB. Wag na daw ako lumabas labas dun at delikado daw dun sa JB, hindi daw dun tulad ng SG.
last challenge ko dito is yung payment kasi nga headhunter/agency yung nag refer sakin dun sa Employer ko na nag hire sakin.
I need to pay 2 months ng salary ko before ng 1st day ng work ko sa Employer/Company.
then ayun, wala na silang paki sakin after nun
so totoo pala talaga yung sabi ng mga kababayan natin na pag nag headhunter ka dito sa SG e 2 months ng salary mo yung babayaran mo sa kanila.
bigat!!!
so mga kabayan kong job hunters sa thread na ito, and sa mga new readers/members or sooner newbies,
i hope na itong situation ko e makapag bigay info sa inyo.
na'ishare ko lang para you can have some idea/s.
1. Risky talaga yung U-turn (at least stay there 5-7days)
2. If wala ka pang IPA, better stay there and wait
3. Have confidence in yourself, don't listen to others, as long as you have legit papers & ticket , nothing to worry.
4. Baka naman Agency yan at hindi Headhunter (usually FOC sila)
5. Usually, if online takes 1-2days, by this time baka may result na.
6. Mag-exit ka nalang muna JB, maraming mabait din doon, saka maraming pinoy naman.
7. All the best!
God bless you!
Sorry hindi ako nakapag reply agad sa inyo, Disapproved din kasi yung E-XTEND ko kaya kinabukasan nun nag exit na ako sa Malaysia. Nag log out ako sa lahat ng account ko para walang masilip kung sakaling maipit ako sa immigration.
Eto masaklap, ang balik ko sa SG is kaninang umaga. Tapos naharang ako sa immigration at pina-deport sa Malaysia. Kinuha yung Passport ko at yung return ticket ko na SG to Manila tapos hindi binigay sakin hanggat hindi ako nakakakuha ng return ticket from KL to Manila. May isa rin akong kasabay na Pinoy ganun din yung pinagawa sa kanya. Hindi lang kami nagkaroon ng time makapag usap kasi may mga bantay kami sa immigration office. Ngayon andito ako sa KL airport, nagiintay na lang ako ng flight ko pabalik sa Manila mamaya na uwi ko.
Anyways, on a lighter note, ingat pauwing Pinas and kung wala naman tinatak sa passport mo, you can always try to enter SG again. Palamig ka na lang muna siguro for a couple of months.
Kung may alam pi kayung agency mga kabayan??
Sana matulungan niyo po ako.. salamat!!
Plan B ko nun if d pa din approve extension request is to exit sa Vietnam kc d pa daw gasgas na lugar un for exits unlike Malaysia or Indonesia. Tsaka ung immigration d din daw ganun ka strict. Makakabook ka ng roundtrip tickets for 3k dun if mejo malapit na tlga ung date of travel. If earlier, mas mura pa. So un. Sana maka tulong toh sa inyo.
@kcp, IntersoftKK yung yung tumawag sakin tapos recruitment agency sila.
Congrats @n0vember_raine! buti nasakto pagkaapproe ng IPA mo
Sana matulungan niyo po ako.. salamat!!