I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Na offload

18911131429

Comments

  • @madi07 bat kaya last time nakita ng IO ung records ko after they scanned may PP?
    nasan daw ung NEW IC ako, that time hindi kopa nacollect ung IC ko nung nag bakasyon ako.

    well nasa sa inyo na yan. what if tanungin ng IO ung Sister mo bakit pabalik balik sya ng SG? sasabihin nya bang may pending pass sya or magbabakasyon lang uli..

    kung hindi nakikita ng IO ung records na may pending pass, pwede na pala bumalik dito agad ung mga nagexit sa ibang bansa para hintaying lumabas ung result ng pass nila like @qwaszx hmmm...

    wala pang FIN kung rejected
  • Based on first hand experience. I agree w/ @Vincent17. :)
  • edited October 2017
    I also agree with @Vincent17. Imposibleng di nila makita yung pending pass ng sister mo.
  • @madi07 yep same situation po ako sa sister mo. Pending pass po ako kaya di pa ako maka alis alis dito sa Bangkok. Nakakatakot lang din kasi sumugal bumalik sa sg baka ma question... kaya dito nalang muna ko.

    Pero kung ipupush thru nya po, balitaan nyo ako hehehe
  • @madi07 IF REJECTED WALANG ISSUE YUN. THEY STILL CAN NOT TRACE IT, Ung iba nga nawalan ng work and bumalik dito nakakapasok and work ulit. Ang nattrace lng nila ung entry mo and how long ka nakakapag stay sa SG. Of course hindi naman sila bobo para hindi malaman na nag work ka dito or hindi pa.
  • @vincent17 sir sa situation mo may approved PASS ka na kaya hinanapan ka na ng IC, nabasa mo sa IPA ung mga "CLAUSE" and instructions nila bago issue ang IC FIN card?. Minsan kasi marami dito na pinoy kaya napapahamak hindi binabasa ung clause and instructions sa IPA. IPA is the correct paper to follow once approved na pass mo. Up to you if you will
  • @jm2017 Sir bat nalaman ng IO na nagrenew ako ng pass at naapproved na pagka scanned ng PP ko? hindi kopa naman binibigay ung IC ko? anong clause ung instructions sa IPA paki share naman.
  • @Vincent17 Sir hindi ko po kabisado ung mga clause pero may mga instructions doon na very clear on what to do once the pass is approved. Isang impt doon ung validity ng IPA, within a certain period of time you need to accomplished and secure your FIN ID. Secondly, your approved pass is already tag to your PASSPORT which they don't know the validity of your IPA, better show your IPA to the IO once you arrived. Since already tag to your passport meaning your VALID to stay in SG and that's the reason their asking for your IC card. Other than that, you need to submit all the requirements needed in MOM for your IC application.
  • @Vincent17 ung insight ko lang po dun sa mga nakapending ung pass pero nasa labas ng sg is usually po matagal ung process ng pass, madalas po di nakakaabot sa 30 days SVP nila. so no option po sila, kaya sa labas sila magaantay ng approval and better bumalik na lang pag approve na kasi para smooth ung pag pasok sa sg.

    @jrdnprs @ezzy na experience nyo po ba mag entry ng sg with pending pass? what happened po?

    @qwaszx ask ko lang po, nakailang balik ka napo ng sg? and may family ka po ba dito incase ask ka ng IO san ka mag stay? tama po kasi si @Vincent17 na tatanuningin bakit frequent ang pagbalik sa sg, kung wala naman po ikaw bibisitahin or realtive to sponsor you to stay in sg talaga pong red flag sa IO un. considering pa ung PATTERN OF TRAVEL mo po which is un ung 1st na inaassess ng IO. kaya mas prefer mo po na mag antay na lang sa labas ng sg.

    @jm2017 sir, thank you po talaga sa mga advice, di naman po false hope ung sinasabi mo pero atleast, there is a chance or probability na pede makapasok. better to try na din kesa regret na hindi nag try. ulitin ko lng po sir ung question ko, and status po ng sister ko e pending, hindi rejected. hindi pa rin po ba makikita sa record ung pending? may nakapag sabi lang kasi saken na ung makikita lang ng daw po ng IO is kung employed ka or unemployed. hindi ung status na pending or rejected or approved.

    thank you po sa inyong lahat!!!
  • @madi07 How long na nasa PENDING STATUS? to lessen the risk, better wait for the result habang nasa Pinas, what is the reason bakit need bumalik kagad ng SG if may pending? to apply another job? hindi sya ma aapplyan ng pass if may pending na application. Much better, start to communicate with the HR ng company and ask why still pending ung status? bakit ba nagmamadaling bumalik? for what reason? if more than 2 weeks na pending there's something wrong with company's FT quota. So ask the real reason and status at least magkaron kayo ng plan B in case ma reject.
  • @jm2017 oct3 lang po na apply ung pass, and need po kasi sya ma meet ng employer. actually, ako po ang nag refer sa dati kong boss dun sa sister ko. then sabi nya na once applied na ung pass, lipad dito ung sister ko for her to meet and makapag training. kaya need po pumasok sa sg ng sister ko.
  • @jm2017 mahirap po kasi na hindi ko sundin ung advice nung boss ko kasi baka i cancel nila ung application pag hindi bumalik dito ung sister ko.
  • @madi07 hindi ba alam ng boss mo ung policy and rules ng MOM? once your pass is still pending you can not start anything regarding work? and kung talagang gusto ng boss mo ung sister mo he can wait kung ano ung maging result ng pass ng sister mo. Doesn't matter, if naka risk naman ung name ng sister mo sa MOM and ICA ng Singapore. Mas ok wait nyo na ung result and by next week may result na ung pass application if walang problema sa employer side. You should know how to play this game with the employer here, since na apply na just wait for the result even though hindi naman sya makikita sa ICA, up to your sister if kaya nya i take ung risk. Just to have peace of mind and smooth entrance sa SG ng sister mo, just wait nlng sa result and mabilis lng naman pumunta dto from Pinas.
  • sana po wala mag comment ng "i told you so" @jm2017 hello. update ko lang po kayo na a to a po ung sister ko. sad pero okay lang,life still goes on and lesson learned. pero di pa po namen sya nakakausap ng ayos kasi ung gamit daw nila kinuha. mamay na ung flight niya pauwi ng pinas. share ko na lang po dito kung ano ung nangyari sa loob ng office at kung ano ung possible reason bakit ganun nangyari para magkaron ng idea ung iba. dalawa daw kasi sila na pinay (pinoy husband working in sg) na ganun ung nangyari.

    ask ko lang po opinion and advice nyo ulit if ever po ma approved ung pass nya, okay lang po ba na mag exit sya sa pinas going to BKK, tapos pag pumasok po ba sya ng sg using the ff options wala po bang magiging problema?

    1. using IPA only kahit na may record na sya ng a to a?

    2. process POEA and lahat lahat (that we all know will take time and $$$) kahit na may record na sya ng a to a?

    any insights po. thank you!
  • edited October 2017
    @madi07. Hayyy. Sasabihin ko pa din. "We told you so."

    Yung experience ko, ako may IPA na, naoffice pa din. :(

    Anyway, yung IPA naman, nakalagay sa clause dun na this entitles you a 1 time entry to Singapore to process yung documents mo sa MoM. (Something like that.)

    So technically dapat makakapasok pa din sya dito sa SG once may IPA na.

    Wait pa din ng inputs from veterans here. But to be sure, mag email na lang sa ICA or tumawag directly.

  • edited October 2017
    @madi07 email nio ICA kung kelan sya pwede bumalik ng SG. pagkakatanda ko meron rin dito nagtanong nyan. na kailangan ng sponsor bago makabalik. looks like makakaapekto ang A to A sa application nia. GL and GBU
  • @madi07 in that case naka watch list na ang sister mo. I have friend na guy ganyan din pero nandito sya ulit ngayon, I think yung previous entries nya which is naka affect. Ung friend ko kasi Sg-Pinas lng sya, question ko ano reason bakit siya na A to A?
  • @jrdnprs ano reason bakit na office ka? from your case hindi talaga MOM-ICA connection yan, very clear you have IPA and you should enter SG on that period of time to process everything na hindi ka haharangin or dadalhin sa office, marami kami na pumasok dito na may IPA na pero never kami na office or what, smooth ang entry namin dito. so ano ba history mo dto sa SG? there will be a reason for them to bring you in the office.
  • edited October 2017
    @jm2017. I don't have any history here in SG. Not even a single cent of unpaid telephone bills/unpaid credit card bills/A to A record or whatever history. The reason being, I also don't know.

    It's my first time working here so wala talagang history.
  • @jrdnprs so anong sabi ng SG IO? ano reason nila bakit ka na office?
  • Ako din naoffice kahit may IPA na. Pero nasa JB pa lang ako,may nakapagsabi na sakin na iexpect mo ng maooffice ka pagbalik mo ng sg. Iveverify lang naman kung authentic ung IPA, that's all. Tapos okay naman na. Dati daw kasi,may mga namemeke din ng IPA.
  • edited October 2017
    @jm2017, hindi sila nagsasabi ng reason bakit ka iooffice. Basta naoffice ako.

    Kasabay ko yang si @maya naoffice. LOL.
  • @jrdnprs so that means, they just verifying if original ang IPA. and that clearly says, hindi connected ang MOM and ICA. Why they need to verify the paper if makikita na nila sa system nila na you are possessing an approved pass and IPA.

    @maya oh ok and that would be their reason, just to verify the document.

    @madi07 this is the clear picture that MOM and ICA doesn't share the info about pass status.

  • edited October 2017
    @jm2017 , ok.

    The girl was sent home already. If that's still not enough proof, I will just say ok.

    P.S. If they can verify the validity of the IPA right there and then at the point of entry, technically, connected ang systems nila. Yun lang. Bye. :)
  • @jrdnprs kahit ikaw pwede mag verify if fake un IPA or not? don't you know? by using the link below, you can verify if your handling fake IPA or even a pass application status. ok clear ba.

    https://eponline.mom.gov.sg/epol/PEPOLENQM007DisplayAction.do
  • Indeed you can check IPA on link above. First time ko lang nakarinig na may fake IPA, maaring kasuhan dito pag napatunayan.
  • @jm2017 kahit hindi sabihin ng IO dahilan kung bakit na A to A ung sister ni @madi07 obviously na nakita nila ung pending application kaya na A to A. kahit kasama pa ung kapatid nia.

    may kilala din ako vinerify sa office ng IO. take note hindi nya inabot ung IPA nya hanggang sa hinanap ng IO.
  • @Vincent17 it clearly shows na naka watchlist na yung sister nya. It could be the re-entering part of her sister from JB. If wala sigurong re-entry try sa JB and stayed for 2 months he could make it and hndi nasa watch list. Which sa case ng friend ko may pending pass application sya pero kahit isang tanong wala. Wala din sya re entry history from JB or Batam, SG-Pinas lng. So it clearly shows na nasa record ng re entry mo ung pagkaka A to A. It's not all about the pass.
  • edited October 2017
    ako sasabihin ko i told you so.. hahaha joke lang ngayon ko lang nabasa to.

    Anyway my experience few years back, papasok ng SG family ko as tourist, pero 3 days bago kami umalis pinas ng fill ako ng application form for dependant pass at sinend ko sa HR namin, nung nasa IO na kami inabot ko sa IO ung filled disembarkation card ng family, then sinabi ng IO na may pending DP application na daw pala para sa kanila. sumagot ako na oo sinubmit ko sa HR few days ago. For me enough na yun to know na they both shares info on FIN holders.

    I think basta ma issuhan ka ng FIN, approve or reject pass application man, basta may FIN ka na, yung information ng FIN holder will be shared across relevant agencies.

    Why do you think the HR asks for the number of your disembarkation card kapag susubmit ng pass application ng isang SVP holder, they need it so they can check from ICA kung valid yun at yung info nung turista, at the same time ICA can also ask for the same info from MOM, since electronic at linked ang system they can get the info within seconds/minute, the exact moment na nakatayo ka dun sa harap ng IO counter eh they can look it up if they deemed it necessary.

    Anyway, lesson learned, you're wiser now.

  • Hello po! upadate po sa sister ko and share ko lang. naka usap ko na po sya ng detalyado. ang nangyari daw po eh nakita ung tatak sa passport ng sis ko na follow the ticket sya from malaysia at nag ask ang IO kung na office sya. then pinapasok na daw agad sya sa office. tinatanong lang sya from time to time. hindi yung full interogations daw na katulad ng sa iba (na halos umiiyak daw habang kinakausap). ang question lang daw eh kung maghahanap sya ng work dito. sabi nya hindi, short stay lang. un lang daw. tapos ask kung san ung kuya namen, pinakita nya pic tapos hinanap daw ng IO sa labas ng office, pero di daw makita (which is impossible kasi nag aantay ung kuya ko sa tapat mismo; feeling namen kunyari lang naghanap ung IO). tapos un na. nag antay lang sila ng flight pauwi. Note: 2 silang pinay na AtoA, ung isa daw kasama ung husband papasok ng sg. eto pa, bago daw sila lumabas ng office nung pauwi na sila, nanghihingi daw ng 200sgd ung officer (parang feeling ko nangungurakot lang, kasi nung sinabi ng sis ko na wala sya pera, di namn sya pinilit magbayad. at wala namn pinakita na paper or receipt para san ung 200, verbally sinabi lang na para sa food and lodging daw. eh nag stay lang ung sis ko dun from 4am to 5pm. (meron daw tlaga room sa loob ng office para sa mga na AtoA, with bed at cr)

    ayun, nangyri na po, so move on and make new plans.

    approved po ung spass ng sister ko, kahapon lang. oct3 inapply tapos yesterday na approve.

    tatwag po ako sa ica bukas, ask ko lang po if may idea kayo na possible makabalik agad ung sis ko if may ay-pi-ey na sya? kasi for sure po may travel ban ung mga na AtoA.

    Thank you po ng madami!

Sign In or Register to comment.