I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Na offload

1232425262729»

Comments

  • @jibbaluyut Ah kasi para makalabas ka ng bansa (Pinas), dapat may hawak kang OEC... May kaibigan ako may work permit din pero sa Germany siya kaso need niya din iprocess ang OEC para makalabas ng bansa. Meron din ako kakilala sa SG na ganun din ginawa.

    Pero tama po sabi ni @maya kasi need may entry approval muna from MOM bago ka makapasok at mahirap yun makuha. Although meron na ako mga 2 kakilala na nakapasok. Kaso mga existing wokers na sila...

    Bakit hindi po kayo pinapaasikaso ng OEC? Requirement po kasi yun para makalabas kayo ng bansa ngayon kasi bawal po pumasok ng Singapore as tourist.

  • @jlbbaluyut ung owwa kasi di na saklaw ng employer mo un, kumbaga ay batas na sa pinas un. baka di nila alam ano requirements sa pinas para makalabas as ofw.

    LadyOtacon
  • @jlbbaluyut hi, ask ko lang what happen na on you? Nakalipad kana ba?

    Kase same tayo na hire din ako nung february pero inabutan ng lockdown and twice na inextend ang employment pass. Currently, reading lang ng updates when pwedeng makalipad.

  • Hello! Kamusta po. Huling login ko po dito is February 2020 before chinese new year nasa SG na ako nun. Nakadaming interview naman po ako Network/Security IT Field. Then may isang company ako naointerview, Then after interview hiningi na lahat ng requirements ko nag photocopy na sila pero di na ko natawagan. Umuwi po ako pinas 1 day before lockdown nung march 2020. Kamusta na po sa SG ngayon nagbabalak ako bumalik po.

  • @juanderer naku ganyan ginawa sakin ng IO wayback 2016 cebu pac un sasakyan ko jusko last call na ni cebu pac saka ako ni let go ng officer pasara na un pinto ng plane tagal ako hinold almost 3hrs din kaya dapat agahan mag check in parang ng aasar lng po cla haha para cguro mag book ka ulit tiket. Buti un nsa ground inantay pa ko para masabi sa FA wag muna mag close door. Tips talaga jan agahan mag check in para in case madami cla tanong ready hehe

  • @Jamila hahaha hindi lang pala ako nakaranas, buti nalang talaga nahintay ka kung hindi magbobook ka ulit lol

    yep yun talaga agahan talaga lagi pasalamat talaga ako nakaraos ng time na yun. God is good talaga ?

  • @cardentoinkss antay pa konti. bukod sa mahirap makabalik dahil sa mga requirements, mahirap din makakuha ng work dahil inuuna pa nila ang mga nawalan ng work na lokal at PiAr

    opinyon lang po. wag muna this year. hopefully next year ok na ulit

    anbeeh
  • Hello. Question lang sana po may makasagot. Plan ko kasi magpunta ng esgi this year once magopen na ang borders and 30 days sana ako magstay. Bf ko is working dun so meron ako pag stayan. Pwede ba kahit wala na akong hotel booking na ipakita at ilagay na lang address ng bf ko?

  • @gracewiley_ payo ko lang po ngayon palang dapat nag pasa pasa kana po online i think kahit mag open border dito galing sa atin mas lalong mahigpit kasi sa mga nawalan na work dito..

    gracewiley_
  • Yes po. Nagpapasa po ako online. Ang ikinaka worry ko lang kapag nagpunta ako and walang hotel booking, hindi kaya ako mahold?

  • @gracewiley_ for now, madaming requirements bago ka makapunta dito. pre-approved entry permit, negative 72 hour swab test, quarantine.. among others. so without these, sure na hindi ka makakalabas ng Pinas

    pre-pandemic, pwede mong gamitin ang address ng bf mo kung papunta ka dito

    opinyon lang po, malabo pang magluwag within this coming months lalo na from Pinas kasi madami pang kaso natin dyan

    suggest na ang targetin mo ay next year

    good luck

    gracewiley_
  • hello @kabo we're checking for the last quarter of this year or if not, next year na talaga.

  • Hi Kabayans, anyone here nakalipad to SG 2021 without OEC, just IPA/Entry Permit/Negative Covid test lately?

  • @rnalus IPA lang pero for dependant pass then 21 days SHN, negative covid (accredited clinic/hosp)

  • @rnalus opinyon lang po.

    if kumpleto ang requirements mo papasok dito, sa EsGi AyO, makakalusot ka.

    ang mahirap ay ang paglabas ng Pinas, kasi hindi mo naman pwedeng sabihing magtuturista ka dito. at hindi mo din pwedeng sabihing for work kasi wala ka pang OWWA/OEC

    hope makakuha ka ng solusyon.

    good luck

  • eto balita kailan lang ala assurance kung madali makapasok

    ladytm02
  • hi . . ask lang po sana aq nang recommendation and suggestion regarding sa entry pass nang asawa ko papuntang singapore. . Bale last January 2019 nagtry magtravel ang asawa ko from ph to singapore, purpose is for vacation only, then unluckily na airport to airport cia back to our country. . may paper na binigay sa kanya ang nakalagay ay " refusal of entry due to ineligible for the issue of pass under ICA policy.. ngyon po is nagbabalak po ulit kami magtravel pabalik nang sg. . may pagaasa pa po ba cia na makapasok ulit??? expire napo ung passport nia last year / . . and plan po mag pa renew by this month. . possible ba na di na madetect ung pass issue nia sa singapore immigaration . . last time po na narefuse cia is single pa po cia.. then for this renewal is married napo ang status.. also never napo ciang nagtravel ulit after that bad experience. thanks . . hopefully may makatulong samin

  • @Neji nag-overstay ba dito ang asawa mo before. Yan kasi mga reason for denial of entry, kung may immigration violation ka. Kahit na nagchange ng status, change ng name sa passport, kelangan mo pa rin ideclare if you have been denied entry to Singapore before sa immigration car papasok dito. If nag-tick ka dun ng No, mahuhuli ka via fingerprint biometric kahit na iba name sa passport mo. So better declare properly.

  • @Neji base sa info mo, hindi naman ban ang asawa mo. not sure kung ano reason nya for a to a pero suggestion ko lang na mag-email kayo sa ica asking kung pwede na syang bumalik ng sg kung may worry kayo.

    pero unless may ginawa syang against the law dito, which is mukhang wala naman, pwede po syang bumalik dito at most probably ay makakapasok na lalo na at malinaw na for travel lang ang purpose nyo

    and remember po, tama si @ganteng always be truthful lalo na sa mga documents na sinasagutan papasok sa sg at kahit ano mang bansa

    good luck and god bless

  • @Neji barred to enter for what reason? overstay ba? or lack of doc?

  • @neji sa aviation po ako and normally pag nag a to a ka eh meron talagang kakulangan or inconsistencies sa mga papeles mo po or may issue ka sa travel record mo. yung pag nagrenew ka ng passport does not guarantee na makakapasok ka pa rin lalo kung meron po na hindi nadisclose si hubby mo na nasa permanent record ng ICA at hindi rin binanggit sa yo. instead of trying your luck coordinate with ICA and put all your hubby's information ahead para in case sa airport mismo maipakita mo prior communication with the ICA na pwede na po pumasok si hubby mo dito. post lang po ng update dito.

  • uso na naman offload

  • Yes @Samantha1 ! Exempted ba sa offloading ang mga residente dito? (Work pass, visit pass, pr)? Katakot umuwi ng pinas nowadays

  • @mariel89 if may valid working docs or residency ka po dito, unless may hit ang pangalan mo, almost no possibility na ma-offload ka

  • Hello po mga kabayan. Question lang po hehe. Can I pass thru immigration sa pinas po with IPA lang? hehe Thank you. Recently, nag punta me sa SG as tourist then apply apply. Nung umuwi na me, dun lang ako nabigyan ng job offer then IPA na. Pwede po kaya un lumabas ulit ng pinas after a week lang ng previous travel? Thank you po :D

  • Naku wag mong ipakita IPA mo, iredirect ka sa DMW. or iprocess mo nalang doon para safe
    or Labas ka nalang sa Pinas as tourist

  • Tanong po: if may IPA na, paano po ang proseso sa POEA? At gaano po ito katagal? Salamat

Sign In or Register to comment.