I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Na offload

1212224262729

Comments

  • Salamat po..

    May work na din po ako, nahired na before pumunta hehe.

    Thru online po ako nagpasa, linkedin, glassdoor at indeed.

    God bless us all!
  • @jayshei28 congrats and welcome to SG
    akosieunice
  • Pwede po ask advice un friend ko kumuha ng helper sa pinas my ipa na un helper kaso nung nasa naia na sya na offload po sya then after 3 days ng attempt ulit pumasok sg sa clark dumaan offload pa rin. Ask ko lng po may record m po ba sya sa immigration kc 2x sya na offload eh. Ang tamang way po ba mag re reroute n lng po sya tapos dapat may kasama sya paalis para di n maharang sa sg. by the way friend ko asawa local un po ng sponsor sa kanya pati ng apply ng wp nya ok n lahat kaso un nga naharang ng IO dumaan daw sa poea at mahaba process pala pag helper my training pa. Need advice po thanks
  • connected lahat ng i o, scan lang passport mo alam na nila meron ka record na offload. kahit siguro mag reroute sia o may kasama mahihirapan kasi alam na meron siang ipa
  • Hello po, may sceneario po nawala ung spass card sa pinas pero may oec at photocopy sya ok lang po ba un sa io ng pinas?
  • mag pa affidavit ka nalang na nawala mo, pero minsan OEC lang tinitignan. depende yan sa IO.
  • @bobby tama si sir, need lang affidavit of loss. Pero yung sa utol ko me affidavit of loss xa saka ininform nya din un HR tapos nireport agad ni HR as lost then me paper xang proof from EPOL na naireport un card nya as lost. Tingin affidavit of loss oks na. Mostly, di din nmn hinahanap yung spass pero xempre depende yan sa IO. Ty!
  • Ayun naliwan din. Maraming salamat @iamanndee at @carpejem .
  • Question lang po.. Kapag nag renew ka ba ng passport nasa system pa din ba nila yung records mo? Nag woworry kasi ako dahil i try to find a job way back 2012 then 3 months ako nag stay sa SG? Ngayon lilipad ulit ako sa SG as a tourist and with blank passport may chance kaya na maquestion yung stay ko dati kahit 6 years ago na??

    Thanks po
  • as long as clean un record mu nun 3months stay mu last 2012,.allowed nman sa sg up to 90days visit per year. cguro hindi na maquestion un and matagal n naman na un,.

    Share ko lang expeirence namen ng husband ko. Mejo mahaba to,. hahaha,.
    Last 2013 nagkawork yung husband ko dto sa SG but nacancel din yung pass nya July 2013 so naghanap ulet xa ng work.
    July - Aug - have 30 days social visit pass after pass cancellation
    Aug - Sept - nag 5 days kmi sa Thailand another 30days pagbalik sa SG , Changi Airport
    Sept - Oct - nag 1 week stay sa Malaysia another 30days pagbalik sa SG , Woodlands Checkpoint
    Oct - nag 3 days Jakarta Indonesia nman kmi another 15days pagbalik sa SG , Changi Airport
    medyo di pa ganun kahigpit SG IO kc nakailang balik kmi, basta confident kmi nagtour tlga,.nkaOOTD pa haha at my cash sa wallet at return ticket to manila xempre,. salamat sa Jetstar rebookable bundle. hehehe

    pero hindi prin xa nakahanap ng work,. 2013 ay hindi tlga pra sknya,.
    October 2013 umuwe na xa ng pinas.
    Sa kagutuhan namen makabalik ulet xa.

    November 2013 nag file xa replacement ng passport kc damaged kc nabasa (kunwari :wink: )
    December 2013 nakuha nya NEW passport nya.

    2014 January bumalik xa with NEW passport at nakapasok ulet xa sg, wala nman tanong.
    January - Feb 2014 - naapproved extension ng short term visit pass sa online application (di pa mahigpit nun)
    March 2014 - na approved Pass application nya sa MOM and thanks GOD nagkawork na xa. mag 5 years na xa sa company nya na yun :)


    Good luck sa mga pupunta plang at maghahanap ng work,. tiyaga at tiwala lang at samahan ng sipag sa pagaaply at syempre dasal :)
  • edited January 2019
    Hello po. Andito po ako sa sg ngayon pero hanggang january 19 nalang po yung 3 months extension ko. Ang kaso po hinihintay ko na ma-approve IPA ko (kahapon lang po nasubmit) so malamang di po umabot hanggang jan 19 kaya kelangan ko mag-exit. Sa ate ko po ako nagsstay kasi PR po sila dito ng family nya. Nung nagpunta po ako dito as tourist ang reason ko po ay para alagaan ate ko kasi bagong opera po sya nun. Okay lang po ba kaya na mag-exit ako sa Pinas pero after 2-3 weeks ay alik uli sa sg? Wala din po kasi akong company id na mapapakita. Balak ko pa sana sabihin ay kelangan pa ng assistance ng ate ko. Kinakabahan po kasi ako sa IO sa pinas kasi nung papunta po ako dito, marami pong natanong saken saka gusto din po basahin convo namin ng ate ko though pinakita ko naman po pati yung sa opera nya. Kakagraduate ko lang din po kasi nung june 2018.
  • wait ka muna until 19, if wala pa result, exit kna somewhere near, wag lang Pinas. pag may ipa na, saka ka balik sg. magkakatalo lang kpg rejected.
  • @maya malaking chance po ba na maoffload ako kapag sa pinas nanggaling? If ever po kaya sunduin ako ng ate ko?
  • @liezyl tama si maya mag exit ka nalang sa nearby countries habang hinihintay mo IPA mo. minsan mahirap mag exit ulit sa pinas with same reason. may good factor naman pag kasama mo ate mo.
  • @liezyl i suggest, sa ibang country ka nalang mag exit thailand mura or Kl. Then wait for your workpass approval there. Aabot naman ata result nun ng wala pang isang linggo.
  • @liezyl exit na lang po sa ibang country. Sayang kasi approval na lang inaantay. Mas hassle po kasi kapag di ka pinalabas ng IO sa PH.
  • @elyoise , at sa lahat.. up to ilang times pwede i rebook ung jetstar pag naka avail ng bundle? actually ung pinabook ko para pumunta dyan, ung return ticket ay naka bundle hehe.. di ko lang sure kung upto ilang beses pwede irebook ng walang rebooking fee
  • For tourists -

    Ang experience ko before, hindi naman masyadong nagtatanong yung mga IO if medyo confident ka. Yung dati kong girlfriend nagttrabaho sa Singapore at ako naman sa Pinas. Halos every other week nasa SG ako for one year kasi medyo flexible naman yung work arrangement ko sa dati kong company.

    Everytime na haharap ako sa IO, minsan may tanong minsan wala. Wala rin akong dalang hotel accommodation kasi nakikitira ako sa girlfriend ko. Wala rin akong dalang COE. Meron akong dalang company ID kasi lagi naman nasa bag ko yung or sa wallet.

    Ang tip ko lang:

    1. Pag nasa IO, iabot mo lang yung passport. Wag ka magabot ng return ticket and wag na wag magabot ng COE if hindi hingin. If ikaw yung IO at alam mo ang kalakaran, hindi ba nakakapagduda if bigyan ka ng COE.
    2. Magdala ng return ticket or isave sa phone - hindi mo naman kailangan i-print yung ticket mo as long as available. Important eto kasi kailangan mo ng patunay na babalik ka. If wala kang return ticket, duda na talaga yan.
    3. If magsstay sa hotel, magdala ng hotel confirmation. If sa kaibigan, possible na magprepare ng letter from your friend.
    4. Magdala rin ng patunay na nagwwork ka sa Pinas like ID.
    5. Be honest - magagaling yang mga IO. Trained sila and maraming dumadaan sa kanila araw araw. Malalaman sa kilos mo if nagsisinungaling ka. Pwede kang makalusot, pwede ka rin i-offload. Tatanungin ka kung anong purpose ng travel mo - sabihin mo ang totoo.
    6. Make sure na may sufficient na pera ka or sufficient na source of funds - naalala ko yung kaibigan ko na bihira lumabas ng bansa, nung tinanong sya ng IO if meron sya pera to support himself, nilabas nya yung pera nya sa wallet sa kaba. Nakalusot sya at sinabihan sya ng IO na itago nya yung pera.

    To be honest, marami akong experience with travel because of work and it will help rin. Madalas tinitingnan nalang nila yung passport ko at yung dami ng tatak at wala ng tanong. In fact, nagrenew ako ng passport last year kahit hindi pa mageexpire kasi paubos na yung pages ko and kailangan ko magapply ng visa. Reason lang na sinasabi ko eto is iba rin yung nagiging experience ko sa ibang tao. It will help talaga if nakita nilang pabalik balik ako.

    Pero, sa totoo lang, medyo nakakapagduda kung sobrang ready ka sa documentation. If na-offload ka dahil wala kang dalang bank certification, malamang dahil sa ibang rason yun.
  • Madali lng naman wag maoffload - kung may IPA pero di ka nagprocess ng OWWA before pumunta sa SG kasi "turista" ka e normal na kalakaran yan lalo sa mga IT agencies na may automatic hotel booking + return ticket na ibibigay sa yo kasi di nila usually pinaprocess sa OWWA ung staff talaga
    - kung ano tanong yun lng sasagot mo - ang tanong naman usually ano purpose ng trip mo at san ka magiistay at kelan ka babalik sa Pinas
    - magresearch ka kung "turista" ka ano mga lugar pupuntahan mo sa SG, may mga website na may suggested daily itineraries sa trip
    - pag hindi hinanap docs wag mo ilalabas agad, lalo yung IPA mo
    - pag nakalusot ka na sa Pinas medyo madali na sa IO ng SG basta fillup mo maayos ung embarkation card na bibigay sa plane
    - pag nasa SG na umorder ka mg salted chicken rice sa foodcourt o hawker at magpapicture sa globe sa labas ng Universal Studios
  • Hi, what if na-hold po ako kasi before sa JB last Oct. 2018 nainterview ng IO's hanggang sa chineck nila yung phone ko at nakita nga na nag aapply ako at inamin ko na din, pero natatakan ako ng 30 days to go back to SG, pero still di pa din ako nakahanap ng work.

    Now may nag email po sa akin and may quota na daw sila nag videocall interview na din po kami at pinapapunta ako sa SG after Chinese New Year.

    Sa tingin nyo po may record na ako sa IO ng SG at makakabalik pa po ba ako?

    Any advice naman thanks po!
  • may record na. i would suggest wait mo maapprove IPA bago ka bumalik, para di mo na problemahin sg IO.
  • Pero they want to conduct a Face to Face interview po for me, and dun nila malalaman kung i hihire nila ako.

    Iri-risk ko pa din po ba?
  • @maya hello, what if i-reach out ko po ito sa employer ko, okay lang po ba yon? Di po ba sila maghahanap ng iba?
  • @Julskie pwede mong sabihin sa employer mo yung naging problema mo sa AyO dati. pero tama ang naisip mo baka nga maging dahilan ito na humanap na lang sila ng iba

    kung talagang gusto mo tong work na ito at makapagtrabaho sa SG, kailangan mong timbangin kung worth it bang makipagsapalaran na hindi mapalabas ng Pinas o ma-A to A

    kung ako, maghahanap muna ako na pwede ang online interview. good luck at God Bless
  • @kabo thanks for the advise! I am willing to take risk po. hayy what else should i do pa po ba? gusto kasi ni employer na pumunta ako sa SG. And may sponsor naman po ako don na cousin ko.
  • if it is worth the risk and you are willing to take it, prepare ka na lang sa mga maaaring itanong sayo sa Pinas AyO at EsGi AyO

    And may sponsor naman po ako don na cousin ko
    - pwedeng makatulong pero kung ako ang AyO ay hindi. kung 1st degree relative mo sana mas makakatulong
  • @kabo what if mag sesend po si employer ng letter na for interview po ako sa SG, pwede po ba yun i-reason out sa PH or SG immigraion na yun din ang magiging purpose ng travel ko aside from tour? Thanks po
Sign In or Register to comment.