I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Na offload

1235729

Comments

  • Kung personal laptop di naman siguro.
  • Tanong ko lang, halimbawa mag exit ng malaysia or thailand, kailangan ba yung nakalagay sa ticket mo papinas na ipapakita sa IO eh within sa 30 days na pass na binigay nung unang dating?
    Halimbawa po eh dumating ako ng jan 21 so bale exit ko dapat eh jan 20, pero etong jan 15 balak ko lumabas ng sg para makaextend, ang return ticket ko ba sa pinas eh dapat jan 20 din? Or pwede mag exceed...salamat po ng marami
  • @DaleC pero meron silang right na ipabukas sayo ang laptop at e check so advise ko sayo para safe burahin mo lahat ng pwedeng ma trace nila na mg jojobhunt ka. Clear cookies, save mo nalang sa google drive softcopies ng cv mo. Ito ay to the extreme lang naman kasi nangyari na ito sa pinsan ko na hinalungkat nila lahat pati cp at laptop nya. Although sa SG IO ito coming from KL to SG. Mas ok na rin prepared ka. Hindi naman ka nila pag hihinalaan kahit may laptop ka. Dala ko laptop ko dati at hindi naman nila na check although yun nga walang trace or anuman na makikita nila na im planning to apply that time. Case to case basis pa rin at depende sa IO.
  • salamat sa advice, @Tonski. Gano katagal duration ng stay na dineclare ng pinsan mo? ikaw?
  • @DaleC yung pinsan ko less than 5 days thats from KL to SG. Ako naman 5 days frm Manila to SG. At nung ng exit ako more than 5, sa JB naman ako ng exit. Try 5 days para mukhang mag to-tour ka lang talaga.
  • edited February 2017
    Share ko lang mga kabayan experience ko, paumanhin sa mahabang post:

    Nasimulan ko nang magtanong dito sa forum from another topic tungkol sa paghahanap ko ng work as Software QA/Tester. Bale nag-comment ako habang nagrerender ako ng 30-day notice sa previous company na pinagtatrabahuhan ko sa Pilipinas, tapos nabanggit ni @Admin na mahirap talaga yung competition kasi "Sa sg hindi lang mga pinoy kalaban natin sa paghahanp ng work. Pati ibang lahi, even mga puti. But dont lose hope". So after ng last day ko sa previous company ko sa Pilipinas, nagpahinga lang ako ng 1 week tapos tsaka ako umalis at pumunta dito sa SG (last week of January) Tinapat kong Chinese New Year kasi may ilan-ilan na nakapagsabi sakin na mas marami nang konti yung opportunities after nun. Pero habang nasa Pilipinas pa ako nagsa-submit na ako ng mga applications online. Tapos binura ko na lang lahat sa mga dala kong gadgets yung lahat ng related sa paghahanap ng trabaho para if ever buksan nila, wala silang makikita.

    Noong kinakausap ko na yung IO sa Pinas, ang unang tanong sakin, kung sino yung bibisitahin ko sa SG. Kumbaga nag-assume na sya na may bibisitahin ako. Mabuti na lang na-set ko na sa isip ko na papasok ako as tourist so ang sagot ko lang "Ay wala naman". Tapos pinakita ko yung mga documents ko (Passport, Flight Itinerary, Hostel Reservation, Tour Itinerary, at Company ID). Then ito yung mga sumunod na tinanong sakin:
    1. Ano position mo sa office?
    2. Ano'ng business na ginagawa ng office na pinagtatrabahuhan mo?
    3. Ano'ng course mo noong college?
    4. Ano'ng nature ng work mo mismo?
    5. Ano mismong ginagawa mo?

    Kada tanong nya nagpo-pause yung IO na parang iniisip pa kung ano pang mga dapat itanong. Habang sinasagot ko yung mga tanong nya, tina-type nya yung mga sagot ko. Tapos sa huli kinunan ako ng litrato tapos ok na pinayagan na ako umalis. Mabuti na lang at nakalusot. Medyo nahalata kong nagdududa yung IO sakin kahit na yung porma ko pang turista talaga.

    Ngayon ika-2nd week ko na dito sa SG, pending na yung status ko sa Ministry of Manpower. Sana swertehin na ma-approve at direcho nang makapag work hehe. Uulitin ko lang yung sinabi ni @Admin, na kahit aware tayo na mahirap ang pagdadaanan "dont lose hope"
  • @Eriksown pakidelete nalang ung part about id's baka may makabasang IO haha
  • Copy sir. haha salamat sa paalala
  • @Eriksown - sir san po kaung site or app nakahanp ng work?plano ko din pmunta sa march.sso far eto na ung npaghandaan ko
    1.created a separate email(malinis at no job hunt related stuff)
    2.cleared all browser cache,history,etc
    3.deleted fb conversations na may nabanggit na pgwork sa sg and ve started chatting my friends how i wanted to visit my fiance for a few days bgo magackaso ng business pg uwi..ngaun i have a few questions in mind.

    A.pag ung RT ticket ko po ba lets say mga 1 week lang,eh ang visit pass ko or ung allowed stay ko sa sg eh 1 week lang din?
    B.lets say mag legoland ako beyond sa date ng rt ticket ko,d ba ko sasabit?
  • @adrix16 kadalasan 30 days ang binibigay pagpasok mo sa SG. kahit ung RT mo ay 5 days. (1st entry)

    wag ka muna pumunta ng legoland kung maghahanap ka ng work. sayang nama ung 30 days na bigay sayo.
  • @adrix16 dapat within the week bago mg expire ang RT mo na mg legoland. Kasi pag nakita yan ng IO baka mapaisip at maitanong "bakit ka pupunta ng Legoland na paso na RT mo, balak mo ba magtagal?"
  • @adrix16 tama yung nabanggit nila na 30 days ang kadalasang binibigay regardless kung ilang days yung dineclare mo sa kanila.

    Regarding sa mga websites, naka focus ako sa monster, jobstreet, jobsdb pati linkedIn. Tapos kahit nakita ko na yung job ad sa kabilang website, inaapply-an ko pa rin hehe
  • Hello po! I will travel with my daughter this June to SG first trip abroad po namin dalawa and super kinakabahan po ako sa immigration because freelancer po ako and online english teacher. wala din po ako ITR last year. I already purchased roundtrip tickets, tour tickets, and paid na po accomodation namin. May business mom ko so hindi ko po alam kung magpapagawa ba ako ng fake company ID or what haha. Would it help din po ba if I purchase travel insurance? Thank you po!!
  • edited February 2017
    @happyj wala naman siguro magiging problema dahil kasama mo naman ang daughter mo, just bring birth cert nio magina just in case, at ung accomodation receipt at email
  • Question po. Kasi ung kuya ko ang mag iinvite sa asawa ko but hnd sya makapag leave pra iauthenticate ung IL . Ok lang po kaya na hnd authenticate ung ipapakitang IL?
  • @ianne Last time red ribbon pinakita ko. Tinignan lang nya apilyedo ko at ng pinsan ko kasi tinanong nya kung ka ano-ano ko siya. Sa kapatid naman ni misis ordinary letter lang at yung isa din namin ka kilala. Siguro depende na din sa IO. Syempre mas safer talaga kung merong red ribbon. Case to case basis lang siguro. Basta huwag ipakita sa IO ang IL kapag hindi ito hiningi.
  • edited February 2017
    @ianne kailangan nga magleave ng 2 days para sa Authenticated IL, pero pwede yata isang araw lang may extra cost lang.

    Medyo mahigpit nga ngayon makalabas ng bansa, lakasan lang ng loob. maging prepare sa mga docs at tanong ng IO.
  • Ung invitation letter po ba pinapa scan sa SG then ipapadala sa email address nyo ng government o ng inviting party?
  • @lancer Yung sa case ko it was mailed by my cousin to my physical address. Hindi sya scanned copy lang.
  • @lancer tama.. papa LBC pa ng kumuha un sa pinas..
  • thanks @Tonski and @Vincent17 ... Dito na me... hnd naman hinanap ung invitation letter ng IO... :) swertihan lang talaga
  • @lancer Welcome sa SG..

    Apply apply na.. :) Goodluck
  • Dumaan ako sa NAIA Terminal 3 kahapon pabalik dito sa SG. Napansin ko madaming mga tables sa may immigration lanes sa bandang kaliwa. Madaming mga IO na may mga kausap. Yun na ba ang interview room ngayon? Sobra na talaga higpit nila ngayon. Di ka pa nakakaalis, mapapasabak ka na sa matinfing interview. Parang training grounds sa actual interview pagdating dito.
  • @AhKuan yup yun yung interview area kapag hindi ka pumasa sa kilatis ng IO sa booth ipapasa ka nila dun sa room or table sa side for second review/interview
  • Grabe. Sana naman nakatago yung interview room inde nakikita ng lahat na dumadaan doon sa immigration. Yung iba umiiyak. Parang noong panahon ni Hitler. tsk! tsk! tsk!
  • dati sa loob lang talaga ng room yung interview, closed door, kaso maliit ang room at may 3-4 tables lang, pero usually 2-3 senior IOs lang ang tao kaya max 3 person lang ang ma interrogate nila at a time, eh sa T3 dahil CebuPac budget travellers, umabot na sa punto na higit sa bente na ata ang kailangan i-interrogate at a time kaya nilagyan na nila ng mesa sa labas at upuan para sa mga waiting. hahahaha

  • Yung kapatid ko nahold din sa immigration last month, kinuha yung phone niya at chineck yung conversation history namin sa facebook messenger. Better delete any conversation na related to your job hunt kung maghahanap ka dito nang work.
  • @missingdev grabe naman yan. ganyan na pala mga IO ngayon sa pinas? kahit personal msg mo sa family mo pakikialaman din nila? so far sa cebu at davao hindi ganun ka strict. sa manila lang ata.
  • bawal sa batas yun not unless bibigyan mo sila authority.
Sign In or Register to comment.