I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Sapalaran na this coming June

1468910

Comments

  • @iamannedoi tingin mo okay lang papasok ule kami SG girlfriend ko tomorrow ?
  • ok lang yan. ung friend ko within the day pa. basta may IPA.
  • Salamat @maya. Sige balitaan ko kayo bukas. :)
  • @Michaeltan expect muna maoopis ka sa JB once pinakita mo ung IPA mo for verification lang naman.
    congrats.
  • edited July 2018
    Yan ang wala pa akong experience. Yung alam ko lang if naka 60days na SG, need to be out dito ng minimum 5days. Pero sabi mo nga, 30days ka plang. Try mo call ICA call centre if undecided ka. Yung IPA, sa SG-IO mo lng yan papakita if ever. Pagexit ng JB, normally wapakels na cla kc palabas ka na bansa. Balitaan mo kmi kabayan. Best of luck @Michaeltan
  • Salamat mga kapatid ! Balitaan ko kyo bukas. Wala naman nga ako makita dahilan pra nde papasukin since my IPA ako and kelangan tlga andun ako sa singapore dhil mag medical ako. Salamat ule sa inyo ! Subok na maasahan :)
  • Singapore na ule ako mga kapatid. Na office nga ako , dmi tinanong bat daw sagad 30 days but thank God tinatakan na ule ng 30 days. Chineck din nila IPA ko and ayun ok naman. So payo ko lang susunod wag naten sagarin 30 days haha pra mas smooth. Prang medyo badtrip ksi IO.
  • Congrats kabayan!!!!
  • Welcome back and enjoy SG life. hehe
  • edited July 2018
    Salamat sa inyo.:) deretso ako chinatown ngyon kakaen ng aking favorite noodles. Hehe. Bukas pinapapunta na ako sa office aayusin daw bank ko ,medical saka ung pag issue ng spass card. God is goood !
  • Congrats po. :) ang galing nkakainspire. Ask ko lang @Michaeltan kung magpaparegister ka na sa owwa as an ofw. Ang alam ko kasi madami nang condition if direct hire na ofw.
  • Makakapagregister lang po once hawak na ang spass/epass card. Madali lng process dito s emabassy.
  • Yeap tama si @iamannedoi, wait ko muna spasscard ko tapos pnta na ako owwa pra legal na ofw na :) samahan naman ako ni gf so all good tayo dyan hehe. Ansarap balikan ng post ko na to simula umpisa, naaalala ko mga pinag daanan ko tapos ngyon eto na :)
  • yown, kasama pa si GF. Mas matamis ang pagkaka aprub ng Spass! hehe.
  • #LdrNoMore hahaha
  • LDRnomore na talaga, kanina pag labas ko sa office ng ICA naluluha girlfriend ko. Kinakabahan ksi sya baka mag ka problema pa. Pero thank God smooth naman lahat. :)
  • I feel u. hahaha ganyan kami ng ex-bf ko non. kabado sya kasi naofc ako at antagal nya naghintay sa labas.
  • edited July 2018
    Hi mga LODI,

    Need ko po sana ang advice niyo sa plano ko to look for work.

    July 25- July 31:
    Roundtrip ticket namin sa SG. Actually, itong timeline po ito is a planned family vacation. So pasyal pasyal muna with parents.

    Then Plano po kase namin mag 1 day pasyal sa Kuala Lumpur.So mageexit po kami ng July 30 then balik din ng July 31 (madaling araw) Then sila erpat uuwi based sa rt ticket namin na July 31.Ako naman po is maiiwan sa SG to look for work.

    Questions po
    1. Marerefresh po ba un 30 days svp ko once magreenter ako ng SG ng July 31? Para may 30 days ulit ako to look for work.
    2. Then magiging issue po ba if ndi ako kasama bumalik ng mga erpat ko sa pinas kapag nasa immigration sila pabalik ng pinas? Un Itinerary po kase namin is isa lang (1 booking ID) for 4 names.
    3. Any consequences po ba if ganun way gagawin ko?

    Maraming Salamat po! :)
  • 1. yes. basta walang maging problema. tingin ko nmn wala, kasi family kayo.

    2. no. wala na tanong2 yan palabas ng sg at pabalik pinas.

    3. kung dka mahanap ng work in 30days, mas lumabo na chance mong makapagexit at makabalik ulit to get another 30. kasi nakaexit kna dati. although possible, maliit nga lang chance.
  • Ou nga, sayang isang exit mo mggamit mo agad if punta ka KL. Pero malay mo naman katulad ko mangyari sayo na within a month na hire and nag ka IPA ka, no problem na sa exit exit. Try mo kabayan, hindi sayang effort mo pag naka kuha ka work dto :) dasal lang palage at syempre gwin din naten part nten sa bwt interview s.
  • Thank you po sa mabilis na response!

    @maya ay ganun po ba, meron lang po ba limitation if ilang exit pede gawin? If ever magexit ulit ako, mas okay ba un country na thru flight (like Vietnam/Thailand) then stay for 5 days tapos balik ulit SG?

    @Michaeltan idol nga kita sir, nga pala wintel ka? hehe
  • strict dito sa exit exit. kung nagspend kna ng weeks dto at nagexit ka, kht 1st exit mo pa yan, at napaghinalaan ka, pwede ka dna papasukin ult sa sg.
  • @maya ahh so mas okay po if extension kpag malapit na 30 days? Need po ba PR ang magaaply on your behalf or kahit relative living in SG pero ndi pa PR?
  • try e-extend at least 3days before expiry ng svp mo. if rejected, pwede mag-appeal in person sa ICA, pero need mo sponsor na PR/SC, kht di relative keribels. or mag-exit ka.
  • Thanks @maya sa response. Worst case scenario lang if ever lang wala akong nahanap na work then magexit ako 3 days before expiry ng SVP ko, tapos re-enter ako sa SG to have 30 days ulit. Need talaga ng ticket going back to Phils na ipresent sa SG immigration? or pedeng dummy ticket?
  • klngan mgbook ng return ticket kht wala ka balak gamitin. sayang pera, yes. pero ganun tlg. wag na wag ka mgppresent ng fake ticket. the io would know. checheck nila yan.
  • Ang reservation or dummy ticket my oras lang ksi na valid yan. For example ngyon yan binook ng agency hanggang bukas lang yan ng hapon valid. Tpos I cancel na nila yan. Pag cancelled na dyan na lalabas na fake ticket yan. Malalaman yan ng io baka mag ka record ka dto, mhrp.
  • @iamkrisdg advise lang po. don't use dummy ticket. kasi pag nahuli ka, malamang goodby sg life (either temporary or permanent) ka
  • @iamkrisdg ingat baka magaya ka kay @Deca02 :) pero pinagsisihan na nya un at nakabalik na ng SG.
  • Maraming Salamat sa mga advice LODI's. Sundin ko po lahat ng payo niyo.

    By the way, okay po ba dalhin ko na un mga supporting docs (diploma, TOR, COE) then ilagay sa check-in luggage or sa hand carry bag? TIA!
Sign In or Register to comment.