I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
Enjoying SG benefits... How?
Hi po...
Comments
Kamusta madlang pinoysg..
Hindi ako Makahanap hanap NG topic about sa subject po na ito.. Hehehe
Pwede po ba kayong mashare about sa mga benefits na nakukuha sa sg.
Say for example sa mga vacation leaves, ganyan medical Ben. And so on.. Lalo na po sa mga nasa finance and accounting side... Paano na pag year-end walang uwi an itetch sa Pinas Para magnew year?
and ung benefits, hindi sya buong sg, depende pa rin sa company na mapapasukan mo.
Kung di ka naman payagan makapag leave ng year-end, I'm sure papayagan ka naman to utilise your leaves on other months, mahalaga be open and transparent sa Manager mo, plan it ahead.
health insurance(minimum coverage-15k hospitalization)
others na hindi required ng MOM:
AWS/13th month pay
bonus
dental
spectacles
company trip
alowances
company phone(pero ayaw ko nito,lagi ka maiistorbo)
others na hindi related sa company:
if meron kang personal insurance sa AIA, pwede mag-avail ng AIA vitality for 3sgd per month. or 5sgd na ata ngayon? daming benefits nito i would say, like discounts sa gym, discounts sa step counting devices, discounts sa sinehan, 120sgd cash back on 1st yr pag naachieve ang platinum stage, at xempre 5-10sgd per week na vouchers through walking/running. so mga 40sgd per month din yan, pwede ibili sa starbucks or cold storage. and kpg healthy foods binili sa CS, may cashback pang 25%. nice right? walang ganyan sa Pinas.
@tambay7 hmmmn duly noted po.. Pero hehehe ndi pa naman ako kadugo nyo Jan..
Ayos po sa tips... Thank you... Pero usually po ba dinidiscuss and nakasaad din sa contract Yung mga benefits?
@Samantha oo nga po... Like samin end of fiscal year na sooooobrang busy... Ganyan din po Kaya sa sg walang pinagkaiba dito sa Pinas? As in lumo eh..
@carpejem okies... Thanks po...
@RDG applicable din po Kaya yon sa accounting & finance... Eh what if ikaw nga Yung accountant ni company.. Hala eh di malabo labo ang two weeks nyan.. 2 days Lang tinatawagan ka na nga.. Hehe
ate @maya sa case MO po natry nyo na po ba Yung dalawa na yon.. Na mag. Isa ka sa company Ska ung sa may ka team... Ano Mas prefer MO po? Hehe base sa experience sa sg...
AWW Ganon po... @Vincent17 magkataon Pala nyan parang ndi ka na makakacelebrate NG usual na xmas at new year... Pero ayos Lang if pwede nman sa ibang months magleave.. Or option Dalin family here.
Concern ko Lang din mahilig kasi po ako magtravel travel eh ayon... Ndi ko lam if magagawa ko pa po ba yon if sakali magwork na me sa sg.. Patayan din po ba kung patayan... Kayod Lang NG kayod? Hehehe
ako din nun, concern ko travels ko. haha. pero tiis2 lang. naisisingit pa rin naman kht gano kabusy.
@tambay7 sureness po Basta Libre MO po.. Lol
@Kebs lasap na lasap po ba? Kahit yon Lang no po buhay na buhay... Sa accounting and finance ndi naman po uso ang profit sharing ndi MO nakukuha talaga lahat no po..
ndi Lang Asian tour ang abot.. Lol
@Kebs buti ka PA po atleast yan kinakikiligan... ako w*wi na Lang eh lol...
Depende sa assignment mo yan...saka sa pakiusap sa amo mo.........dapat kasi meron ka plan na pag nawala ka ano ano mga pending items na maiiwan mo kung pede naman gawin bago ka umuwi or pede naman sa pagdating mo nalang gawin.....
kasi madalas tatanungin ka ng superior mo mag leave ka matagal paano ung work mo...tapos latag mo sa kanya ung plans mo how to cover up your work na ung mga priorities eh tatapusin mo na agad...tapos ung hindi naman baka pede pagpaliban kahit ilang linggo muna...basta wag ka lang babalik ng cut-off or after cut-off date/closing date.
siguro naman alam mo naman kung sino ung binabayaran nyo na supplier palagi....pede mo naman accrue to make sure na ung expense is properly recorded...payment to follow at the same time ung alam mo na meron kayo babayaran at ung invoice eh di pa na submit try to send them chaser emails....advice them na may cut-off kayo if didn't reach your office on your cut-off period will be process and pay next month.....
Pero, pareho naman silang nakakapagbakasyon pag pasko - hindi nga lang pauwi ng pinas kasi sobrang mahal ng pamasahe pag xmas season daw, kaya last year nag-batam na lang sila (wala pa ako noon dito).
Yong isa may 7 annual leave (yong sa maliit na company), yong isa may 14. Minimum dito ay 7, so para hindi ka madismaya ay 7 ang iexpect mo.
11 lang ang holiday dito, isama mo yan sa consideration mo.. di tulad sa pinas na sobrang dami. bihira pa yong may 2 days na magkasunod walang pasok (usually chinese new year lang, tapos discretion pa ng company ung additional day/s). kaya kung tutuusin mo, yong 7 days leave mo, up to 13 days MAX sa pinas lang per year gamit ang breakdown na ito:
Sabado + linggo: walang pasok (depende pa sa company mo to.. meron may pasok ng sabado) (2 days)
Monday-friday: leave (5 days --- 2 days leave left after this)
Sabado + linggo: wala ulit pasok (2 days)
Monday + tuesday: kunwari tinapat mo ito ng public holiday/s para sulit ang uwi (2 days)
Wednesday + thursday: leave ulit (2 days -- 0 days leave after this)
Total: 13 days
I guess sa ganyang consideration kung magttravel travel ka pa eh hindi ka na uuwi ng pinas, unless puro long weekend ka lang tatravel.
Saka oo nga pala, in case hindi mo alam (isa kasi to sa mga pagkakamali ko kasi hindi ko to alam noon.. recently ko lang nalaman) - di ba sa pinas, pag naregular ka na, ipo-prorate yung vacation leave mo pero pwede mo na iconsume kaagad? Dito hindi.. ine-earn sya per month.. upon confirmation (regular) mo, ipo-prorate nila starting sa date na mahire ka, hanggang sa present date lang - yon lang ang leave na pwede mo na gamitin. Tapos madagdagan sya every month. Ibig sabihin, kung 7 days ang leave mo at gusto mo yan gamitin all at once, kelangan 1 year ka muna magtrabaho dito bago ka magleave..
Isa pang hindi ko alam (pero thankful ako nang malaman ko) - kapag meron kang health card na pwede gamitin sa mga clinics etc etc, kasama pala gamot don, libre din. Sa pinas kasi ung consultation lang ang libre, bibilhin mo sa botika ang gamot di ba.
Tapos yong bonus discretionary tulad ng sa pinas, pero since hindi mandatory ang AWS (13th month) dito, napapansin ko na isa ang bonus sa deciding factors ng mga empleyado kung sang company magsstay. Usually yan meron kapag Chinese New Year. Ang naririnig kong kwentuhan (since bago pa lang ako at hindi pa nakatatanggap ng bonus), ang pagkukumpara nito ay gamit ang iyong basic salary - ang bonus mo ba ay 1x monthly salary? 2x monthly salary? 3x?? Sabi nila meron daw 3x at napakaswerte ng ganon. Common yata 1x.
Sorry mahaba. Haha. Ako rin kasi noon andami kong tanong, wala nakatulong sakin (kasi late ko na nadiscover tong forum na to). Gusto ko lang din makatulong, hahaha yan ang mga natutunan ko dito so far.