I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
SG Job hunting from Dubai
Hi guys, i'm currently working here as a SAP(Business System) Coordinator sa isang malaking Engineering company for 7 months na, okay naman salary and company benefits. But yung family friend namin na may bahay sa SG, in-advise-an ako na magtry sa SG, since madalas sila umuuwi ng pinas, which is okay sakin. Actually, i already went to SG and Malaysia before just for vacay, na-swertehan lang ako dito sa dubai kaya after 1 week nagkawork kaagad ako. Andito din GF ko kaya naisip ko magandang start nadin, pero as time goes by, parehas na namin namimiss ang PH.
Unlimited contract ako dito sa dubai, so kung may mahanap nag work sa SG, pwede ako umalis agad, need lang magrender ng 30 days. Balak ko sana diretso na ng Singapore, di na ko dadaan ng pinas dahil sa higpit ng IO. Although madali naman yung pag alis ko ng pinas dahil kasama ko Dad ko that time na marami na stamp passport, at naghnda din ako bank cert. kung sakaling maquestion yung trip namin. Di biro PH IO, lalo na mga kasama mo sa pila, umiiyak nalang dahil pagkaalis ng immig dahil na-offload.
Balak kong by March, magresign na to seek job there in SG, para atleast nakacomplete na ko ng 1 year mahigit. nasa SG din kasi family friend ko na resident nadin ng SG. Gusto ko man humingi ng help from him, naisip ko na try ko muna on my own. So i'm gathering as much information as i could.
What do you guys think?
Unlimited contract ako dito sa dubai, so kung may mahanap nag work sa SG, pwede ako umalis agad, need lang magrender ng 30 days. Balak ko sana diretso na ng Singapore, di na ko dadaan ng pinas dahil sa higpit ng IO. Although madali naman yung pag alis ko ng pinas dahil kasama ko Dad ko that time na marami na stamp passport, at naghnda din ako bank cert. kung sakaling maquestion yung trip namin. Di biro PH IO, lalo na mga kasama mo sa pila, umiiyak nalang dahil pagkaalis ng immig dahil na-offload.
Balak kong by March, magresign na to seek job there in SG, para atleast nakacomplete na ko ng 1 year mahigit. nasa SG din kasi family friend ko na resident nadin ng SG. Gusto ko man humingi ng help from him, naisip ko na try ko muna on my own. So i'm gathering as much information as i could.
What do you guys think?
Comments
try ka muna mag online application, makikita dyan ang responses.
All the best!
God bless your plans.
iiwanan mo GF mo dyan or balak din nya maghanap dito? anong work nya if ever na pumunta rin sya dito?
kung susubok ka, go. basta make sure na may sapat kang bala para dka dehado pagdating dto. compare mo din salary mo jan at salary dto. apply ka muna online.
2015-2016 (7 months) - IT Security Analyst Asst. (in Financial Svc. Industry)
2016-2018 (1 year and 3 mos.) - Systems Analyst (in Eng. Industry)
Now, 2018 - Present (7months) - SAP Coordinator (in Eng. Industry)
Total is 2 years and 5 months po sir. Projected na experience ko when i get there is 3 years. As much as possible tatry ko makakuha ng maraming knowledge dito and certifications to atleast give my credentials a chance.
Yes ma'am actually, my salary here is less compare to what i can have there in SG, but...
in terms of savings, i think same lang. Lalo na may matutuluyan naman po ako dyan. Yung advantage lang po talaga for me is yung pag uwi ng pinas frequently tsaka yung possibility na di na magrenew GF ko here in Dubai at mag pinas nalang uli.
Balak ko nga po diretso na ng SG e, 30 days 'matic. Wala ng question sa pagalis dito ng dubai since may OWWA docs naman + OEC. Tapos exit pinas, then balik SG for another 30 days. I know it'll cost a lot and it's hard to land a job there at these times, but we'll never know if we'll never try.
Cisco and SAP po meron ako knowledge, and i have certs also for Cisco pero need ko pa kunin sa alma mater ko yung certificates kaya di ko iniinclude sa CV ko. Active po ako sa Linkedin, recently puro PH companies yung nakikitang kong nagmemessage sakin. Casually looking for Singapore openings po ako. As of now, talagang funds and knowledge ang focus ko.
Nakareceive po ako ng call from SG. IT Service Desk na Japanese speaker. Although inindicate ko naman na nakakaintindi ako ng basic japanese and might as well nakakapagsalita ng basic japanese especially greetings.
Delighted yung naginterview sakin via Call. I will have another round of interview via Skype after 1-2 weeks for assessment, they also told me handled nila yung Visa. So it will take 30 days (notice) + 14 days (Visa process) a total of 44-45 days. Medyo malaki yung offer, x3 ng current salary ko ngayon.
The problem is, 60 days ang need kong ibigay for notice and add pa nating yun bayad sa visa. Sinusuggest ng indian friends ko na kunin ko passport ko then sibat na pero emotionally di ko kaya gawin yun.
Kindly advise?
naguluhan din ako sa 30days notice tapos 60days notice. bakit may job offer na tapos may interview pa ulit? uhm, direct hire ba? ingat if agency. baka perahan ka lang.
Yung 30 days notice yun lang po yung palugit na binigay ng company from SG. Yung company ko naman po dito (Current employer), 60 days minimum notice + need ko po bayaran yung fees. So either tatakas ako sa dubai employer ko dito or yung SG company po maghihintay for 60 days, which i doubt.
Yung interview po sa skype is for my job description, briefing and main duties daw po, according to the company.
30 days simula paglabas ng IPA mo dito sa SG? o 30 days simula ng job offer?
tutal sinabi mo na din, parang hindi po tama na tumakas ka sa employer mo ngayon. sabi nga nila, do not burn bridges
kung ako ay dun ako sa tamang proseso. but again, wala ako sa posisyon mo kaya ikaw lang ang makakasagot nyan
Yan din po icclarify ko sa skype meeting, kung 30 days pagka offer or kung paglabas pa ng IPA.
Opo, dami ko nadin kasi hiningian ng advise, well gusto nila takasan ko lalo na po kasi mahigpit tong current employer ko sa mga leaves/resignation. Kasi 1 time po may nagresign after nya maka 1year, 2 months render + payment ng visa, 2 months worth of salary. As of now di pa po ako capable ng ganon, and i think di din papayag yung SG company ng ganon katagal. Pero yun na nga po desisyon ko, malinis akong makakaalis dito. In God's will kung di sakin, di sakin. haha
Opo nasa contract po binasa ko ulit at nagtanong tanong ako, sabi nga po nila uso daw po dito samin yung 1 month na render, tapos 1 month na bayad. Madalas nga lang daw po may mga iba't ibang hirit pa tong company namin bago po nila i-cancel yung Working Visa, like magpapabayad ng gnito ganyan. Which will take about 3-4x worth of salary ko. Talagang pinapahirapan po tlga nila yung mga nagreresign. I understand naman kasi crucial position po yung role ko.
Pero as i've said po, aalis po tayong malinis dito sa bansa. Kung di ko man makuha yun at nakapagresign na ko, may plan B na po ako na nakahanda.