I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

JOB HUNT 2019 (Tips + Application + Exit Strategy +++) - Part 2

edited April 2019 in SG Guide and Tips
Tip#8: APPLY LANG.
-2weeks to 1month before ng flight, apply lang ng apply online. Mas maganda may interview invitation ka na bago ka pa dumating ng SG.
-Kung wala man invitation, okay lang yan. Mas malaki chance pag nasa SG ka na kasi matatawagan mo sila directly.
-Make sure na irecord yung mga inaapplyan sa notebook for traceability purposes.

Tip#9: MAGPAKA "TECH-SAVVY".
-Dahil high tech ang SG, eto yung mga phone Applications na magagamit mo talaga sa SG during your stay:
*Maps.me (offline map to, pwede to gamitin in diff. Countries)
*My transport (para sa mrt station at bus no. Na sasakyan mo from your exact location going to your destination)
*Singapore mrt (eto yung layout o diagram ng mga stations)
*Whatsapp (eto yung main communication media nila dito)
*Currency converter (para marealize mo kung gano kamahal ang cost of living sa SG at mkapagbudget ka,hehe)
*Hiapp (Sa singtel sim to. Dito mo makikita yung balance ng sim mo at status ng prepaid plan na inavail. May rewards na free meal sa kfc,gongcha,pezzo atbp pero isa lang)
*Mobile apps ng mga job portals (prioritize linkedin. Idownload lang job portals na to pag nakapasok na sa SG ha?)
-Isingit ko lang to kasi tech ang topic, hehe. Magdala ng adapter na "G" type (UK). Mas okay kung universal adapter. Iba po kasi ang socket dito sa SG. Pero meron din may mabibili sa SG, pero para lang makapagcharge agad pagdating ng hotel Pakigoogle nalang po.

Tip#10: MANALIKSIK ULIT AT MAGHANDA.
-Bago pumunta ng SG, magsearch na ng pwedeng matirhan as transient (condo or housing&devt board HDB) after ng tour2. Pwede ng magpareserve or iview nyo ng kasama mo after ng everyday tour nyo.
(Ikonsider kung ilan ang housemates, ratio ng babae at lalake na kasama at location kung malapit sa church at hawkers o kainan at grocery. Usual rate S$350-S$800 o P13K-P30K, pero syempre dun lang tayo sa minimum, magupgrade nalang pag may work na,hehe)
* pinoy.sg
* kapehan.sg
* pinoy next roomSG (sa fb to)
* filipino pinoy room & house for rent singapore SG (sa fb din to)

-Magsearch o manood sa you tube ng mga usual na tanong ng IO at tips pano makalusot sa immigration sa pinas at SG.
-Manood din sa youtube ng mga gagawin upon arrival sa SG changi airport.
-Madalas na tanong (Ano purpose mo dun- tourism, Ilang araw ka dun, Ano work mo sa pinas)
-Mas maganda daw na wag nalang imention kung may kamag anak o kakilala sa SG kasi mas madami daw tanong si IO.
-Dala lng konting damit at formal attire para sa interview (mas mahal kasi kung sa SG pa bili)
-Magdala lang ng Php40K-Php50K muna papunta SG, the rest sa bank account mo muna. Mahirap din magdala ng malaking pera kasi iquestion ng IO. Kung kailanganin, magtransfer lang sa kapamilya o kakilala at ipadala thru western union, less hassle yung transactions dito kesa sa moneygram.)
-Ierase yung mga email or convo sa messenger or history sa search engine about sa pagaapply. Wala dapat maiiwan na trace.
-Mas maganda makadala ng laptop (para sa madibdibang pagapply, dapat wla din history o nkasave na resume dito baka tingnan ni IO. Sabihin lang na gagamitin for photos and video uploading, vlogger daw, hehe.)

-Para sa mga first time magtravel abroad:
*Magsuot ng medyo may dating (parang rich kid ba,hehe)
*Check-in at bag drop muna sa chosen airline.
*Dala-dala ang passport at boarding pass, punta immigration at fill-up muna ng dis/embarkation d/e card (kelangan ng address at phone no. Ng hotel na pagstayhan)
*Pumila sa PH/all passport para sa IO clearance.
*Smile at igreet ang IO. (Pampa good vibes)
*Ibigay lang yung passport, boarding pass, d/e card at ID (postal o unified o PRC ID lang)
*Chill lang sa pagsagot. (Less talk,less mistake)
*Wag ilabas yung mga nkahandang dokumento para sa IO hanggat hindi hinahanap.
*Magdasal na sana makalusot.
*Pagdating naman sa SG Changi Airport, Diretso muna ng immigration at fill up ng arrival card (kelangan padin hotel add at phone no.)
*Pumila sa all passport/foreigner
*Same procedure basta wag makalimot maggreet at smile.
*Yung social visit pass SVP na itatatak sa passport ay usually 30days.
*Pag okay na, saka kunin yung Baggage (magsaya kasi nakalusot sa IO, hehe)
*Magpapalit ng php to sgd money (nasa arrival area lang ng airport)
*Bumili ng singtel sim (magpareg sa bunos top up na localsaver S$18 para may pangtawag sa mga aapplyan at pangnet pag nasa outdoor). Iactivate para magamit kaagad.
*Bumili ng ezlink card. Magagamit to sa pagsakay ng MRT at mga bus. Reloadable to ng minimum of $10 kapag naubos na. Gamitin lang yung app na "My transport" para sa bus no. At mrt stations na dapat sakyan going to your destination. Yung usual na fare ay $0.83-$3 per way depende sa destination. Paki google nalang po.

Tip#11: APPLY + TOUR.
-Kapag nasa SG na, simulan ang bawat araw ng paggising ng maaga. Magdasal, Iupdate ang CV/resume at mga job portals ng new number mo at magapply2 kahit 2-3hours bago at pagkatapos ng gala.
-Ienjoy muna ang ganda ng SG. At pakiramdaman kung gusto mo bang mamuhay sa SG. Hehe
-Isingit sa schedule yung pagview o pghahanap ng matitirhan na transient.

Tip#12: MAGAPPLY NG BONGGA.
-After ng ilang araw na gala, eto na dapat yung serious mode. Maging masipag sa pagaapply.
-Gumising ng maaga at magdasal muna bago magapply2.
-Iupdate ang mga job portals na may primary descriptions gaya ng linkedin, iupdate eto sa "Actively seeking jobs in SG" o "Currently in SG to look for opportunity".
-Magsubscribe ng email on a daily basis sa mga job portals ng work na interesado ka para pagbukas mo ng email mo, maapplyan agad yung mga position na akma sayo.
-Karamihan hindi nag aacept ng walk-in ang mga recruiters. Email at online application lang.
-Gawin ang job hunt strategy na to:
*Kapag may nakitang job role na akma sayo, Itake note yung position, konting description ng duties o skills na kelangan, company name, contact person, at contact number. Kung wala contact no., isearch nalang sa google.
*Kung walang email address na nakalagay, igoogle nalang to, at direktang magsend ng email, maglagay din ng cover letter ng summary ng background at experiences mo at iattach ang CV/resume (pdf&word). May ilang recruiters kasi na preffered ang word kasi nilalagay nila to sa sarili nilang resume format.
*May email address man sa google o wala, tawagan ang contact no. At magtanong kung nagaaccept ba sila ng foreigner at kung oo, hingin ang email address na pwedeng mapadalhan ng CV.
*Isearch ang company sa linkedin at iinvite ang mga employees dun (HR man o hindi, kasi pag naaccept ka ng kahit sinong employee pwede mo sila iask na irecommend ang application mo sa HR). Make sure na sa invitation mo, magadd ka ng notes na interesado ka sa position at kung pwede kang marecommend. Pag naaccept na ang invitation mo, pwede mo na silang imessage ng cover letter at iattach mo rin ang CV mo. (Wag mahiyang makiconnect kahit sa CEO o Vce President o General Manager pa yan. Mas malaki nga ang chance kung sakaling sila mismo magrecommend sayo sa HR)
* Apply lang ng apply, madalas 1:100 ang ratio ng interview invitation at application (meaning isa sa bawat isangdaan na application ang magiinvite sayo for interview. Hehe)

Tip#13: MAGPAHINGA AT MAGSIMBA.
-Pagkatapos ng buong araw na pagapply, ugaliing magsimba at magdasal.
-Pampalakas to ng fighting spirit kasi nakakapanghina din talaga ang araw2 na pagapply.
-Isang paraan din ito para makalabas ka sa pinagistayhan mo, makalanghap ng sariwang hangin at maenergize ulit para sa susunod na araw ng pagaapply. Effective to talaga. ☺

**end of part two**
chisamonzkvnblue

Comments

  • @undecided, ginawa mo po ito? and i quote:

    *Isearch ang company sa linkedin at iinvite ang mga employees dun (HR man o hindi, kasi pag naaccept ka ng kahit sinong employee pwede mo sila iask na irecommend ang application mo sa HR). Make sure na sa invitation mo, magadd ka ng notes na interesado ka sa position at kung pwede kang marecommend. Pag naaccept na ang invitation mo, pwede mo na silang imessage ng cover letter at iattach mo rin ang CV mo. (Wag mahiyang makiconnect kahit sa CEO o Vce President o General Manager pa yan. Mas malaki nga ang chance kung sakaling sila mismo magrecommend sayo sa HR).

    :)

    kvnblue
  • Guys, ok lang ba hindi mo na isama sa resume yong mga trabaho mo na hindi related sa inaapplyan mo? di ba nila mapapansin yong gap na ilang months/years?

Sign In or Register to comment.