I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

OEC hindi na daw nirerelease sa SG sa mga first timer

Dapat daw sa POEA sa pinas ayusin yung OEC para sa mga first timer mag aaply at wala pang record sa POEA. Ang hassle. Grabe talaga sistema natin sa pinas sobrang bulok.
«13

Comments

  • confirm po ba to? nakita ko sa ibang thread kelangan lang nung waiver.

    https://pinoysg.net/discussion/27296/new-requirement-for-oec#latest
  • According sa embassy staff mismo.
  • @Teddy Ito rin sabi sakin last friday, sa pinas daw asikasuhin yung OEC. May chance kayang di makuha yung OEC sa pinas kung sakaling umuwi ako, nakakatakot na tuloy umuwi :(
  • @robert may post na nakakuha sila ng OEC after gumawa ng waiver. natanong mo sa embassy? or hindi na applicable ang waiver?
  • hayst.. pahirap naman sila imbes na makatulong..:(
  • Hi guys nakita ko po to sa website ng embassy..
  • Pano kaya kung 4 days ka lang sa Pinas.. :( pano mo ma process ang OEC dun?
  • meron daw sa airport mismo kpg less than 5days ata.
  • Thanks, @maya. Okay lang din siguro yun kahit first timer noh? Then as long as complete lang yung requirements? May idea ka ba if ano ang possibility na di ka releasan ng OEC?
  • @kabo balik ako this friday sa embassy para kunin yung verified contract, tanong ko nadin kung pwede yung waiver.

    @shakiraaa yan din takot ko eh, yung chance na di ka releasan ng OEC, eh nasa pinas kana nun, di ka makabalik sa work on time :(
  • dko sure. paiba2 naman kasi. nkkapikon ang sistema nila. hindi pinagiisipan.
  • Yun nga eh, pa iba2x sila.

    Hi @robert, update ka lang dito after mo makuha verified mo na contract ha. By the way, yung contract mo ba, naka same sa POEA format?
  • Hi @shakiraaa , yup update ako sa friday. Yung binigay kong contract for processing is yung contract na originally galing sa company, hindi yung POEA format. So actually not sure kung maaapprove ba yung contract ko na yun or not. I'll update here
  • ask mo din kung pede ung waiver.
  • @shakiraaa ayun nakuha ko na yung verified contract galing embassy, pero advice sakin is sa pinas parin daw talaga dapat kunin yung OEC for first timers, pero ang magiging requirements lang daw ay itong verified contract + appointment from bmonline
  • @robert nagawa mo na ung pagreregister sa OWWA?
  • Hello @Playfish , hindi pa, kasi afaik, once makakuha kana oec, registered kana din sa owwa. So far ang nakuha ko pa lang is yung verified contract with red ribbon from sg embassy. Need pa umuwi ng pinas :(
  • @robert, uuwi ka ba soon?
    Buti naman tinanggap lang nila yung contract ni company noh.
  • Hi @robert me idea ka ba kung gano katagal processing ng OEC pag sa Pinas?
  • edited May 2019
    Hi @robert , question naman.. nung nagpa contract verification ka ba, nag provide ka din talaga ng ACRA/Biz File and valid identification ng signatory ng contract mo? Thanks in advance!
  • @shakiraaa nung umuwi ako last year sa pinas 5 days lang naayos ko Owwa ko sa airport and binigyan nila ako ng manual OEC ( yun ang tawag nila dun )

    Valid lang to kapag 5 days lang uwi mo sa pinas at wala ka ng time ayusin sa poea ung oec/ owwa mo.

    Need nila yung spass card, passport, return ticket mo na 5 days stay lang and job contract original.

    Ang problema lang since manual OEC lang to, magagamit mo lang to onetime sa mismong pag balik mo lang pero sa record mo sa website ng balik manggagawa wala ka paring OEC.

    So tingin ko hindi rin ito ung best solution sa problema mo since kung wala kang records sa website ng poea na OEC next na uwi mo ganun ule mangyyri.
  • bat npkainefficient pa rin ng sistema ntn sa pinas? pag iisipin mga ganitong bagay, nkkahiya, only in the pilipins.
  • May mga officemates ako dito mga pinoy na first time kukuha na OEC, lahat sila sa pinas talaga pinag ayos. Malabo talaga makapag ayos dito sa SG. 3 Hours daw inabot nila bago natapos sa pinas pag aayos ng OEC.

    I ready rin daw ang sarili dahil ginto ang presyo ng pag print and xerox hehe
  • buti 3hrs lang, dba usually days kasi pinapabalik2 pa? ung bakasyon mong ilang araw na nga lang, naubos pa sa pagkuha oec
  • Hi @Michaeltan, thanks sa info! May sworn statement pa ba prinovide ang officemates mo? Wala naman unexpected requirements hiningi?
  • edited May 2019
    @shakiraaa
    Eto mga ginawa nila:

    1.) Nag prepare muna ng details/ documents like company ACRA, Job contract, ESPAS/ EPAS card Passport ( Need to as proof na employed ka talaga sa company mo )
    May company na hindi nag bibigay ng ACRA katulad samen for security purposes, pag ganito sitwasyon gumawa sila ng waiver / printed or sulat kamay na sila ay employed under our company and then pina pirmahan sa HR namen. Eto ang kapalit pag wala kang ACRA if meron naman so okay na.
    2.) Pumunta sila sa PH embassy naten pinasa ang mga documents needed, nag bayad sila ng mga dapat bayaran and then after non binigyan ng sila ng " verification letter " eto ang letter ng embassy na verified employed ka talaga sa company mo.
    3.) Nag pa sched sila online para sa POEA sa pinas pra maayos na nila dun.
    4.) Pumunta sila sa POEA sa pinas at pinakita na nila yung verification letter, pinag byad din sila ng SSS at pagibig.
    Sa SSS 2400 daw binayaran sa pag ibig may option ka to pay for 3 , 6 or 12 months.


    Mas okay kung i pa xerox mo na lahat ng documents mo bago ka sumugod ng poea
    i pa xerox and print mo rin ung receipt na natanggap mo dito sa embassy and ung schedule mo kasi need din daw sa pinas un
Sign In or Register to comment.