I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Covid-19 Panu kung Confirmed Case ka? tutulungan ka ba ng Government or ng Embassy?

2

Comments

  • @zhypher33 Medyo tricky po kapag may pre-existing conditions kasi hahanapan nila ng butas kapag nag claim ka at idadahilan nila may kaugnayan doon sa pre existing mo at di nila icocover. Kaya advise sa lahat na habang wala pang nararamdaman o problema sa kalusugan, kumuha na ng health insurance para walang hassle pagdating na kakailanganin mo.

    Admin
  • @AhKuan aun ang need ko tlga. Medications for my Psoriasis. Wala kasing lunas eto eh. it comes and goes. I've had my bad days and good days.

  • @AhKuan sir matanong ko lng. ung costs po b ng mga plans na nakasulat ay 1 year or monthly premium? Binabasa ko po kasi ung link n binigay nyo.

  • @zhypher33 May annual po na nakalagay.

  • @AhKuan pasensya n sir. ung ganito po.. Yan po b ay Monthly premium or annual premium cost? Ibig sabihin ung 144$ B Lite is monthly n bayad or isang taon lng?

    Premiums & Benefits B Lite Plan B Plan A Plan A w/ Booster
    25-Year-Old Premiums S$144 S$212 S$314 S$376

  • Based sa recent na nabasa ko sa Yahoo SG. Sagot ng SG ang long term pass holder.
    ipopost ko sana dito pero di ko natuloy i post sa ibang thread.

    Pero may catch hindi ka applicable kung nag travel ka at bumalik ka lang ng March 20.

    Reference: https://sg.finance.yahoo.com/news/covid-19-pay-101801737.html

  • edited March 2020

    actually pag spass ka, covered ka at least 15k hospital insurance, dpende sa group plan ng company mo. pero hindi sapat ito. so ako naginquire ako sa aia, great eastern at prudential. prudential kinuha ko sila pnkaaffordable at swak ung benefits sa requirement ko. isa sa pnkamahal na insurance ang aia dto sa sg, pero at least sila pwedeng wala ka ilabas na pera pag maconfine ka, hingi ka lang guarantee letter kung hindi urgent ung case mo. tsaka pwede monthly ang bayad, di gaya sa iba na annually.

    so dpende sa edad mo ung premium na babayaran mo. ung basic plans nasa 90% coverage ung maclaim mo, dati NOON pag may rider ka, icocover ng rider ung additional 10%. pero dahil inabuso ito ng iba, wala na to. pag may rider ka, 95% nlng macocover. ung 5% manggagaling na sa bulsa mo.

    mas maganda pag agent mismo kausap nyo, para maexplain mabuti, feeling ko kasi pag friends ko lang nageexplain noon, tunog scammer sila. so baka tunog scammer din ako hahaha. hindi naman klngan magsign up right away, go makipagmeet kayo sa mga agents. pero piliin nyo, mas ok kung established na sya. ang mahirap kasi sa agent na spass holder, may quota sila yan, pag di nila nareach, tatanggalin din sila sa work. kaya pag pipili kayo agent, dpt ung hindi lang makabenta ang goal, kundi may malasakit din. at matutulungan kayo sa claim processing pag nangailangan kayo.

  • medyo mahirap intindihin sa umpisa pero hingi kayo brochure in advance at basahin nyo bago kayo makipagmeet

  • basta ang masasabi ko lang, a must ang hospital insurance sa sg. dhl pag wala ka nito at nadali ka, ubos ang lifetime savings mo. hanggat maaari wag nyo na declare ung existing conditions kasi di naman required ang check up pag magavail. hehe

  • @zhypher33 agree ako ay @AhKuan number on my list is hospitalisation. mas ok kung kaya mo din kumuha ng rider para ang babayaran mo if ever ay yung lowest possible amount

    ang current ko ay sa Great Eastern. kinuha ko din buong family ko ng rider

    I can give you my agent's contact kung gusto mo. meron din akong isa pang agent sa AIA naman

    base sa experience ko at mga nabasa, almost the same naman lahat ng provider. nagkakatalo na lang kung may promo. ang pinaka-importante para sa akin ay yung agent dahil sila ang tutulong sayo in case na kailanganin mo

    tungkol naman sa pre-existing, discuss mo sa agent mo. pero hindi pa rin naman kasi sila ang approval nyan dahil check pa din ng panel nila kung magkakaroon ng clause sa insurance mo o wala

  • @kabo sige sir, pero wag muna ngyon. pagisipan ko muna. so far enough nman ung coverage s office. Aside from my Psoriasis wala n ko ibang iniisip. I just have to keep it in check.

  • @zhypher33 pareho tayo no idea. medyo nagspend lang tlga ng time sa pag-aaral kasi kailangan. ito ung mga maishe-share ko sayo bilang 1st timer (di ko alam kung nabanggit na sa iba kasi haba na ng pinag-usapan nyo, haha)

    1) iba-ibang klase yan. merong VUL (savings + insurance, tapos marami rin klase ito na hindi ko na idedetalye), merong hospitalization, merong accident, etc etc. iyang tatlo lang ang alam ko sa ngayon kasi tingin ko ito ung kailangan.

    2) rider = ito ay optional add ons. Say, nag-avail ka ng hospitalization plan na $50 monthly. usually pag basic, tulad ng sinasabi nila ay 90% coverage. tapos ang rider (na you may or may not choose to purchase) ay ung coverage ng another 5% - na dadagdag sa monthly mo, halimbawa ay $40/month ang rider na ito. and then another rider na magbibigay sayo ng hospital income, example ay $10/month. meaning each month ang babayaran mo ay $50+$40+$10 = $100/month. take note though na optional ito. pag-isipang mabuti kung ano talaga ang kailangan mo at ung kaya mo bayaran.

    3) Ung mga plans, tumataas ang premium as your age increases..

    4) makipagmeet sa maraming agent (iba-ibang providers) para makapag-offer ng best plan na sakto sa needs mo. take your time before deciding. mas maigi rin na pinoy (na mapagkakatiwalaan) ang agent mo kasi mas naiintindihan nila ang pangangailangan ng pinoy OFW. humingi ng recommendations sa kakilala.

    5) pag nakapagpurchase ka na, make sure basahin mo ung laman ng policy na ipadadala sayo. pag may hindi malinaw, ask your agent to explain to you. may free-look period yan, kung saan pwede ka pa magcancel pag hindi mo pala gusto ung terms ng plan mo ( mga 30 to 60 days ganun). hindi kasi lahat ay maipapaliwanag ni agent sayo. minsan mapupuna mo mo na ung napurchase mo pala na rider ay redundant sa ibang coverage mo - sayang pera di ba. :)

    blood618
  • ung vul - pinagsamang savings at insurance, ito ung bnbenta ng agents madalas dahil malaki kita nila dito. meron ako nito, pero nagsisi ako. kasi sobrang mahal ng insurance, panget pa reviews, over 20yrs na daw ung sa iba, di pa rin magbreakeven. so mas maganda tlg lagi hiwalay ang insurance at savings/investment, mas controlado mo.

  • @maya Kailangan po ideclare yung pre existing condition kasi malalaman din naman nila yan at masasayang lang yung mga premiums na babayaran.

  • @ladytm02 salamat po s info. Actually ang main concern ko is ung "medicines" ko for my Psoriasis. Actually covered nman sya ng HMO nmin s company. Wala n ko binabayaran kada ko ppnta s GP/Specialist, kasama n ung gamot. Gusto ko sana malaman kng ganon din ang insurance? or dahil 90% lng coverage nila without rider. does it mean n kpag nag punta ko s specialist ay babayaran ko upfront ung buong bill including meds tpos mag claim n lng ako for refund "subject to approval"? or tulad ng HMO ko n ppnta n lng ako s clinic tpos kukuha ng gamot ng walang binabayaran? Pasensya n po ah very specific ung concern ko dahil yan lng po tlga ang dahilan kng bkit iniisip ko kumuha ng insurance.

  • edited March 2020

    @AhKuan ganon ba un, haha. iba kasi sbi ng agent ko, ay baka iba lang intindi ko.

    @zhypher33 need tlg bayaran upfront. tas reimburse na lang. pero sa aia nga meron sila nung pre-approval muna kapag di urgent ung case mo, ito wala ka na ilalabas.although hindi ito openly sinasabi ng agents, need mo ask.

    or if spass ka, pede magissue ang company ng letter of guarantee.

  • @zhypher33 ok lang, ganyan din ako magtanong. sympre bat ka bibili kung hindi mo pala kailangan di ba?

    hindi nila kinocover ang pre-existing condition. ang masama pa don, lahat ng possible mangyari sayo na may connection sa condition mo ngayon ay hindi rin claimable. di ko lang alam kung may rider para don, pero i think highly unlikely. may declaration pa yan na kelangan mo pirmahan saying you have this, tapos iimbestigahan ka pa ng provider.

    kasi ganito yun: kapag wala kang sakit at di nagcclaim pero nagbabayad ka ng premium, kumikita sila sayo. ngayon sa case mo, alam nilang kukuha ka lang kasi may condition ka na, ibig sabihin from day1 wala sila kikitain sayo. kaya ipapa-waive nila sayo ung coverage mo for that sickness. ang insurance, totoo naman na itong mga agents ay may malasakit sa clients nila. pero don't forget, business din ito, not charity. ang ginagawa ng iba, pag ang sakit ay hindi obvious at hindi medically diagnosed, hindi dinedeclare. pero once nagclaim ka, iinvestigate pa rin nila yan. kaya if you plan on doing this, best to ask an agent tapos be honest. kasi pwede ka nila sampahan ng fraud pag di mo dineclare.

    besides, medyo familiar ako sa psoriasis - skin condition yan di ba? may mga insurance din na di nagcocover ng skin conditions, be it resulting from to cosmetic surgery or not.

  • @ladytm02 yes po. Its a "non contagious" but "hereditary" skin disease. I guess familiar keo s Eczema, Skin Asthma or Dermatitis. Magkakamaganak kasi yan. Hehehe.

    Yes, actually meron n ko nakausap dati s Prudential nung 2nd month ko p lng dito s EsGee. Sinabi ko sa knya and parang ang tanda ko nag email sya skin saying na macocover nman nila pero hindi n ko nagtuloy kasi nalaman ko n may coverage nman ung company na papasukan ko.

    Now i am seriously considering n kumuha. I guess the only answer is to talk to an "agent" and find out kng ano masasabi nila s condition ko. Kasama to s nagpakaba sakin at nagdulot ng takot dahil dpat ideclare at dineclare ko to during the Medical Exam as part of EsGee's requirement for foreign workers. Salamat s dyos nung kinausap ako nung Doctor sabi lng nya "hmm ok thats fine" Hahaha!

    Napaka mahal kasi ng Gamot considering n balat sya. Sa pinas i used to spend about 15k a month (Matipid pa un) para s mga orals + topicals. Simula nung na diagnose ako 5 - 6 years ago, inubos nito ung savings namin magasawa at lahat ng pangarap nmin naglaho dahil s gastos.

  • edited March 2020

    @zhypher33 grabe nga mahal ng gamot sa skin condition.. i feel you kasi nagkaron din ako once, not psoriasis, but something na di ganun ka-common pero hindi chronic. 10k din ubos in one month. wala pang consultation fee yun kasi covered ng company. nakalimutan ko tawag sa treatment, pinapasok ako sa isang malaking cubicle na nagbubuga ng UV light something. di covered ng insurance, napakamahal huhu. tapos may dlwang topical and recommended soap.

    nakakalungkot, di ko alam na ganyan ang gastos sa psoriasis. alam ko itsura nyan kasi may classmate ako nung college na merong ganyan. nung una akala namin an-an, tapos nung lumalala inisip pa namin surot. nung nadiagnose saka lang kami natauhan lahat. haha. nakakaawa sya kasi kahit summer, nakajacket pra di makita braso nya. :(

    anyway, mas mabuting magtanong sa agent. malay mo meron ngang magcocover. kaya lang since foreigner tayo, medyo iba ang plans natin compared sa PR/citizen. mas expensive ng kaunti kasi wala tayong medisave. tapos di tayo subject sa fixed price. ung kakukuha ko lang na plan last yr, this year nagtaas ng $10 ang monthly. :/

    bennet
  • @ladytm02 Phototherapy. Nag phototherapy din ako before pero i have to attend 3 sessions a week. Hindi feasible at nasa call center ako. Actually simula nung umalis ako s call center "usually graceyard shift" i felt better. Kasi nag normalize ung tulog ko.

    ung classmate mo alam ko pakiramdam nya, you are being judged by people dahil s itsura ng balat mo. hehehe! thinking n pinandidirihan k kasi syempre hindi nman common ung condition mo pero in reality dapat ung psoriasis patient ang dapat mag ingat dahil super sensitive ung balat nmin. "kutis mayaman" hahaha!

    yes, My dream right now is wear shorts publicly in broad daylight. Mahilig p nman ako mag shorts pero noon un, Now I can only wear shorts kapag nasa loob ako ng room. I cannot even go outside to buy food ng hindi naka pajama or pants.

    Kaya when i started working here last January 2019. It made me realize that this is a gift from God, parang equalizer kumbaga. Kaya aun hopefully i get to keep my job even with this Covid-19 pandemic.

    Kapit lng tyong mga pinoy. Godbless sating lahat.

  • @zhypher33 tama ka, phototherapy nga.

    kutis mayaman ka pala. bawal maexpose, haha!

    anyway, i hope all goes well sa mga pinoy dito. sana mabigyan ng chance makabalik pa ung mga nawalan ng trabaho.

  • @maya yap, nakita ko yan pero hindi ko pa nabasa details. magandang balita yan para sa atin

  • pano po yan? gobyerno ang magbabayad ng pagtaas ng sahod ng empleyado? aplikable ba ito kahit hindi PR/citizen?

    subsidised naman pala mga employer.. pero tlgang ayaw kami pag-WFH.. sad

  • kasama ba dyan FT? my colleague said: for Singaporean only, but is good la, will keep the economy going and u will also have job

  • yes. malaking support ito for companies. feel na feel ko kasi sa finance ako at sobrang hirap ngayon makasingil. pag walang pumapasok na pera, kami ang pinaka-stressed. at least sa pamamagitan nito, ma-ease konti ung cash flow namin. kahit papano may pandagdag sa pambayad ng expenses ng company.

  • @carpejem Yan din ang tingin ko, PR/local lng para din impromote ung paghire s mga local/PR instead n mga FT tulad natin pero on other side, damay tyo kasi hindi magsasara ung mga company n meron malakas n presence ng local un nga lng kapag marami keong FT, mahihirapan tlga ung company.

    Tama lng naman un kung perspective ng pagiging local ah.

  • para sa employers yan. iba pa ung subsidy para sa locals.

    zhypher33
  • @maya mabuti nga tlga kng ganon, para din masuportahan at mabawasan ang job loss. Salamat nman kng ganon. :)

Sign In or Register to comment.