I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
Question sa WP at SPass
Di ba pwedeng mgapply ang isang filipino ng WP kung sya ay nasa service sector? Minimum na ba talaga ngayon Spass kng sakaling sasabk ka sa F&B?
Salamat po sa pagsagot
Comments
Eto po ang link to know more about WP:
https://www.mom.gov.sg/passes-and-permits/work-permit-for-foreign-worker/sector-specific-rules/services-sector-requirements
Ang alam ko kasi WP mostly sa mga taga Malaysia, China, HK based sa previous comp ko. If sa Pinoy naman, me mga nakilala ako nurse aide or heatlhcare workers.
@neuronsmisfiring tama po si @iamannedoi hindi po kasama ang lahi natin na pwedeng wp sa service sector
@iamannedoi @kabo ganun ba, ay edi napakaimposible nang maemploy pa sa F&B nyan lalo na't tumaas na min. pasahod sa mga espas, hirap din kasi rami ala quota ):
@neuronsmisfiring hindi naman imposible pero mas challenging at mas kaunti ang makakapasok. sa panahon kasi ngayon, maraming nawalan ng trabaho na taga-rito kaya uunahin muna nila yun. bukod pa sa maraming humina na mga kainan at naging via 'delivery' kaya mas kaunti na ang taong kailangan.
at kung ikukumpara mo nung early 20xx, mas marami ang nabibigyan ng oportunidad na mga hindi taga-rito. pero sa ngayon, mas naging challenging talaga. ang magagawa lang natin ay mag-upgrade para mas madaming bintana ang magbukas para sa atin
good luck. habang wala pang oportunidad, mag-aral o mag-upgrade para pag lumakas na ulit ang ekonomiya dito, mas malaki ang pagkakataon na makapagtrabaho dito
@kabo nagtake ng 1 yr diploma dito gf ko matatapos internship nya ng dec. Sadly to say ala daw quota yung current company nya ngayon. Hospitality management tinake nya at F&B yung current company nya. 2 yrs exp nya sa F&B sa pinas plus 6 months dito at may magandang recommendation galing sa manager nya dito. Okay lang sana kng min 1.5k pasahod sknya, kaso ngaun min 2.5k n espas khit maemploy man xa i think malabo maaprubahan pass nya.
Manghihingi sana ako ng advice kng ano mga ggawin from here on pra mkpgstay p xa dito. Ngaalala kc ako sa sitwasyon natin sa pinas kng uuwi xa sa panahong ito dala ng Covid.
May mga naisip na ako kng sakali, sabi mo mgupgrade so try ko syang iapply sa local poly dito, or dumaan na lang agency. Ngttry pa rin ako mgapply direct sa gumtree kaso halos lahat alang quota sa espas, meron sa wp pro d nmn pasok ang mga pinoy.
@neuronsmisfiring for now as mentioned by sir kabo, locals ang priority nila ngayon (kahit saan naman). Ang last resort po ay umuwi na ng Pinas. No choice po, kung walang work makukuha dito - hindi din po tayo pwede magover-stay. Pinas pa din po ang balik natin.
Kung may budget, pwede din mag-aral pero hindi pa din yan assurance na makakakuha po siya ng work.
@neuronsmisfiring merong posting before re studying in sg
https://pinoysg.net/discussion/31449/help-me-decide-stay-or-leave/p1
not sure lang sa current status nya kung nagtuloy mag-aral ulit o umuwi ng Pinas
pero kung ako, mahirap man, papauwiin ko muna gf ko. balik na lang ulit pag medyo nagsimula na ulit magluwag dito. kasi sa ngayon, mag-aral at gumastos man kayo, hindi pa rin naman sigurado na makakakuha sya ng work after
malabo yan, kahit pag aralin mo dito (kung kaya ng budget niyo) malabo pa din magka pass yan kasi experience at expertise na ngayon magiging big factor sa pag hire ng foreigner. Kahit mag aral gf mo eh dami din taga dito na nag aaral, at mgkaka boost ng mid career shifter dito dahil sagot ng gov ang training expenses sa mga taga dito. Ang maga gain mo lang from putting her to school is yung time na magkasama kayo.
Another option is pakasalan mo na, sabi nga ni mareng beyonce, if you like then you should have put a ring on it, at apply mo ng DP.
@iamannedoi @kabo @tambay7
totoo man. kahit mgaral xa walang kasiguraduhan. tska narealize ko din na slim chance. if fresh poly grad nga halos 2k lng sahod pano pa makahanap ng 2.5k sahod pra espas?! pra sa mga may maraming experience lng yung opportunity na yun.
totoo na oras lang tlga na mgkasama kami ung makukuha namin sa pgextend nya dito. Kasal sangitna ng pandemya? hahah ang labo naman ata.
ngaalala lng naman kc ako sa pguwi nya kasi medyo out of control na ung cases sa pinas.
anyway salamat po sa mga payo, if ever ala xa makuha work uuwi na lng tlga no choice. Balik na lng pgstable na ulit. O migrate na lng Canada, feel ko mas malaking chance at mas maluwag sa mga semi-skilled at professionals.
@neuronsmisfiring yap, sa ngayon, agree ako sayo na kung walang work, uwi na lang muna.
dun naman sa sinasabi ni @tambay7 ito requirement ng DiPi kung sakaling kakailanganin mo
https://mom.gov.sg/passes-and-permits/dependants-pass/eligibility
good luck at keep safe