I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Finding a job in 2017. Is it harder?

1567810

Comments

  • @Vincent17 opo sir marami pa po gamit sa sg. :( pwede kaya yun na reason na ma follow the ticket nalang instead of a to a..

    Thanks po

    @jrdnprs

    Opo nag email at whatsapp na po ako sa kanila pero until now wala pa pong reply. Ibig sbihin mo kapag hindi na sila nag appeal, pahirapan padin pumasok ulit as tourist kasi makikita ng immigration as rejected pass ako? Better bang umuwi.nalang po ako and try again nxt yr?

    Akala ko po kasi mahirap lang pumasok kapag pending... pti pla kapag rejected. :(
  • edited October 2017
    @qwaszx, I actually cannot answer you. Kasi I never experienced na nareject yung pass application. But syempre, alam naman ng IOs na kaya ka babalik in a short span of time ay dahil naghahanap ka ng work. Unless majustify mo na turista ka talaga. Ang reasoning is ang liit lang ng SG to stay for 30 days then trying to enter for another 30 days again.

    Though may mga swerte talaga na 30 days ulit na chop, madami din yung denied entry.

    Wait mo muna action ng employer mo. Don't surrender yet.
  • kung may rejected pass application ka makikita ng ICA yun kaya ma flag ka upon entering.
    about appeal, hindi mo masasabi gano katagal pwedeng few days or 3-4 weeks, unknown factor kung sino ung mabibilis ang result ng appeal at sino matatagal kaya nothing to gain on thinking about it, just ask them kung mag appeal sila o hindi. ang mahirap lng sa appeal eh kapag tumagal na pending, hindi ka maplayan ng new application ng bago/ibang employer hanggat pending yun.

  • edited October 2017
    @qwaszx
    sorry to hear that. Go on.
    Usually it takes 2-4 weeks to appeal, you may go back to PH first or Come to SG and fine new Employer.
    Regarding sa SAT for Spass, sigurado bang may Quota sila ng FT? Believed meron naman. You can ask HR to check with MOM what went wrong.
    God bless you!
  • Nag reply na po sila. I appeal daw po nila ngayon... siguro magstay po ako sa TH for 1 more week pero kung wala padin uwi nalang po muna ako. Hahay
  • Awwww...sad to hear that. Sinubaybayan ko din yung story mo @qwaszx. I hope na positive result na this time.
  • hi @qwaszx ung bf ko, year 2015 around 2nd quarter inapply sya ng SPASS pero nareject, then nareappeal sila twice yata nareject ulit. Kahit may record na sya na rejected sya, nakapasok parin sya ng SG Dec 2016 ng walang kahirap hirap (nagstay lang sya sa SG ng 4 days then pumunta ng dubai) . Then this Sep 2017 bumalik sya sa SG as work permit na,binigay lang ang IPA, nagfingerprint then okay na.
  • Thanks @brienne
    Baka kaya po wala nang kahirap hirap kasi ang laki na ng gap. From 2015. Tas dec pa ng 2016 sya bumalik. Sa case ko kasi gusto ko sana magtry ulit if ever di nila appeal.

    Pero since inappeal naman na daw nila. Dunno kung panu yun nagwowork, still seeing rejected e. Hintayin ko nalang muna results dito sa thailand. Or sa pinas...
  • Kababayan help po

    Yung employer ko po nag pasa na daw po sila ng appeal and it takes 3 to 5 weeks daw yun to process. Pero gusto nila magstart ako ng work on monday.

    Sabi ko may friend ako na na A to A just last week kasi ganun din sinabi ng employer. Ito yung exact na sinabi nya

    "I see please check with the immigration if you can enter to Singapore or not. Let me know once you have check. Thanks"

    Ano ibigsbihin nya? Mag book ako at magtry pumasok? Or pwede ba tawagan ICA? San kaya ako makakahanap ng proof na bawal yun?
  • pwede ka naman sumubok pumasok, pero BAWAL mag work ng walang PASS.
    may mga magsasabi sayo na nagawa nila, pero do you really want to risk it.
    kahit local company pa yang employer mo na nagsasabi na mag start ka na, BAWAL pa din yan, at dahil wala ka naman pass, di ka covered ng manpower act, so di sila obliged bayaran ka, at kung di ka bayaran at mag rereklamo ka, eh mas pina komplikado mo lang buhay mo.

  • If I were you po, wait na lang sa appeal result kesa ma A to A. Pero up to you if you want to try to enter SG.
  • @qwaszx

    Yung kakilala ko nag appeal 1 week lang approved na. Depende kasi sa requirements.
    Yung bang "friend mo " same employer kayo?
    Saka mo lang malalaman na pwede kang makapapasok pag nandito ka na.
    Kasi babalik ka dito with SVP (tourist), need to prepare your RT to Pinas. This time 2nd entry mo na, kaya galingan mo nang sumagot. Mention not your Work pass status.
    Bawal talaga mag work kung wala ka pang IPA.
  • edited October 2017
    Na fe-feel ko po talaga ang tension mo @qwaszx

    Nka abangers din po ako sa journey mo kabayan. Heheh.

    God bless you po. Nkakakaba talaga mag hanap sa sg ng work. Huhuhu.

    Kahit may bf ako na local, natatakot padin ako mag risk talaga.
  • Ang risky ng gusto ni employer. It means na gusto ka nga nila talaga pero scary yung risk na kailangan mong i-take if magwork ka without pass.

    Nakaka-praning talaga mag hintay. Ako din naghihintay. Prayers for both of us. Goodluck satin! @qwaszx
  • based on my experience @qwaszx uwi ka muna po. ang daming documents kelangan asikasuhin para makakuha ng visa ulit sa ICA kapag na atoa. abala pa sa employer. minsan pag nalaman ng employer na troublesome ang pag asikaso, ni lelet go na nila ung employee.
  • nakuha mo @madi07, the risk is too high, kung ma A-to-A ka tapos hassle pag nalaman pa ng employer kung ayaw nila ng hassle pwede nila i-cancel yung IPA anytime, IPA is not a license to work, kailangan mo ng pass mismo.
  • @Bethgavz "Kahit may bf ako na local, natatakot padin ako mag risk talaga."

    ano meron ateng?
  • yun talaga ang napansin ni ate @Samantha1 lol
  • @qwaszx - nakakatakot talaga mag take risk. may job offer din ako before 2 company. same scenario. gusto nila ako mag work kahit hnd pa nila inapply yung pass and hindi ako pumayag. mahirap na. hnd natin bansa ito and dapat talaga sumunod sa rules nila. dahil kapag nagka prob tayo hindi din naman nila tayo matutulungan..

    then nung sinabi ko na e apply muna nila yung pass, hnd na ko inupdate. hindi nila inapply..

    much better kung sundin mo nalang advice ng iba na sa pinas ka nalang mag hintay. dahil kung gusto ka talaga ng employer, papayag sila and alam naman nila na bawal mag work ng walang pass.
  • edited October 2017
    @faith @qwaszx meron din kasing mga ganyan company na kailangan lang nila ng temporary worker, pero wala sila makuha na contractual o magastos kumuha contractual, then kunwari mag hire sila ng foreigner tapos while waiting ng pass application at approval, pg trabahuin na nila, pero the job really needs 2 weeks of work (lalo na mga clerical, temp sales, surveys, accountings, inventories) pag natapos na eh biglang sasabihin na rejected ang pass at hindi ka na nila aappeal/re-apply. Nagyayari yan dito, heard of few cases way back, mga nagpapauto at desperate nakababayan na nag ri-risk usually ang victim,
    Kaya nga mag regulations ang MOM to prevent those cases from happening, kaya dapat mg trabaho lang kapag may pass, pumayag lang na i-apply ng pass after mabasa at mag agree sa job contract/offer.
  • Thank you po mga kababayan. Noted po lahat ng sinabi nyo. Decided din na I will not fly back to sg without IPA talaga. And will not work without a pass.

    Currently still here in Thailand. Ayaw ako pauwiin ng mama ko hahaha. Mas matagal na yata ang stay ko dito kesa sa pag job hunt ko sa SG. Lol.

    Will update you po sa magiging resulta.

    Salamat ulit.
  • Hanap ka na din work kaya dyan @qwaszx?
  • Opo yun na nga po ang plan B. Mejo mababa lang ang sahod compared to Sg. Pero sobrang dami hiring. At walang hassle sa exit. Magbabayad ka lang mg 2000 baht sa immig. Another 30 days nanaman. Lol.

    Pero syempre as much as possible,gusto ko dun sa gusto ko. Gusto ko sa Singapore. Kaya Hanggat may pagasa pa, hihintayin ko muna. Sa ngayon, pending pa din yung appeal. Lol
  • Nasa singapore na po ako ulit. Pending padin yung appeal. Rejected padin yung pass. Haha. Todo dasal pako na di ma A to A. Swerte lang. May nakakalusot padin talaga. Wala tinanong sa akin kahit isa. Good mood yata si kuya sa immigration. Naka smile pa. Haha.

    Bali dito ko nalang hihintayin approval ng pass. Kung mareject, babalik ako thailand at mag teateacher nalang ako dun. Hehehhe
  • hi @qwaszx Don't lose hope :) welcome back to sg hehe
  • @qwaszx goodluck! Sana positive result!
  • Been working in singapore close to 10 years now.. First job ko dito na kagad

    Para sa mga naghahanap ng work sa SG i still and always ask them.. Bakit? Alam ba nila kung ano ang pinapasok nila?

    At lalo na dun sa mga mas bata, hindi niyo lang alam na madaming option diyan.

    If i were a kid again and had the money too job hunt in another country id pick a western one. For obvious reasons.
  • @mariaklara hehehe. May I ask lang what made you decide to start working there sa sg?
Sign In or Register to comment.