I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Finding a job in 2017. Is it harder?

15681011

Comments

  • edited September 2017
    Mas mabuti po na SPASS ang itarget mo. May mga CSO jobs naman na spass agad. Kung kaya pa hanap hanap po ulit. Good luck po.
  • @AhKuan oo nga po eh. Hindi ko nalang po kukunin. Still have 23 days. Kung para sa akin naman, ibibigay naman ni Lord. Hehe. Maraming salamat po!
  • @qwaszx usually pag WP, provided na Accommodation mo. With that offer is quite fair. As long as they can give you Pass, just grab it, Too picky is unwise move. If I were you, i will take the chance before ending in regrets. Your choice!
  • truth! hirap humanap ng work sa SG eh, friend ko nagstart 1800sgd lang, buhay naman sya. as years go by, nag increase naman. mahalaga for now is meron ka Pass that permits to stay in Singapore. pwede ka naman siguro lumipat after ilang months if di ka satisfied talaga. mas mahirap kung dadanasin mo ang exit exit, worse yung di papasukin ng IO pabalik SG.
  • salary wise naman ibang SP 2k din nakukuha.
    any particular reason bakit mas gusto mo SP over WP? kahit initially lang for a year?
    meron ba sa mga current restriction ng WP na you can't live without even for just a year?
  • @qwaszx Baka wala sila quota kaya WP bibigay sayo? Hindi mo ba tinanong kung after ng confirmation mo tataasan ang sweldo mo? Pwede mo naman syang tanggapin tapos hanap ka na lang ulit pag naconfirm ka na. Sa panahon kasi ngayon ang hirap na talagang humanap ng trabaho dito.Oportunidad na yan eh sayang naman kung papalagpasin mo.Ang mahalaga may pass ka para makapag stay ka dito.Madali ng maghanap ng ibang trabaho pag may pass ka na at wala ka ng iintidihan sa pag exit mo.
  • @qwaszx swerte nyo naman po. At least ilang days lang kayo jn nka hanap agad. Na subaybayan ko talaga mga paghahanda mo. Hahaha. Ang informative din po ng tips nyo.heheh.

    Kaso may chance kaya ako pag hanap dn ako ng work jan?huhu. Haha

    I have experience naman po
    claims tester 3years+ sa us based insurance company na nag outsource dito (accenture to be exact po company ko)
    IT project coordinator for 1 year only
    Tapos ngayon sa new work ko 3 months palang.

    Thanks in advance.
  • Thank you sa lahat ng advices mga kabayan. Na-turn down ko na po kasi yung offer bago ko pa nabasa mga replies nyo. Akala ko po kasi madali lang naman maghanap ng work kasi nakakuha ako agad ng interview on my 1st week. Hindi pala.

    On my 2nd week, as in Monday to Sunday, wala talaga. Zero interview, zero calls. Nagtry pa nga kami mag walk-in sa orchard and all, wala talaga. Ginulo gulo ko na mga tito and friends ko dito, wala talaga. Si bf? wala din. Umiiyak na ako nun gabi gabi kasi sobrang nagsisisi talaga ako sa tinurn down ko yung unang offer kasi WP siya. Bakit ko tinurn down? Akala ko kasi madali lang makahanap ng iba.

    And then suddenly I got a phone call sa AIA Singapore, nakita daw nila resume ko sa JobsCentral, and wants to interview me sa financial services consultant post. Sa sobrang pagkadesperada - kahit wala akong ka-alam alam sa financial financial na yan, papatulan ko na lang. Magkatrabaho lang. Pero buti nalang nakita ko sa one of the threads here na hindi pala maganda dun, insurance sales pala sya sa kapwa mo pinoy. Hindi ko nalang tinuloy interview ko.

    After nun, just 3 days ago, may tumawag nanaman sa akin. I thought eto na talaga yung employer for me. Pero ang weird kasi freelance job daw sya na ang sahod ko daw ay 2.6 million pesos every WEEK! Tapos gusto pa ako sunduin ng employer sa Choa Chu kang at mag uber daw kami together papunta sa interview location. Hindi ako pinapunta ni bf. At syempre ayoko din. Nakakatakot kaya.

    And then ayun, tuloy tuloy ang malas, iyak lang ako ng iyak. Nanghihingi na nga ako sa lola ko ng pang agency. Ayoko na kasi talaga. Parang nawalan na ako ng self-confidence. Nagbook nalang kami ng ticket to Bangkok for exit. And try another month nalang. Tinanggap ko na lang na wala na talaga.

    Pero sabi nga nila good things happen when you least expect it. I received a phone call yesterday for an interview earlier sa Newton. Interview went well. Ang babait ng bosses. Panel interview kasi. I received an offer for s pass, customer service assistant post, okay naman sahod, 6 days work week pero at least 8 hours lang. Good reviews naman sa company tapos contract signing tomorrow. God is really good.

    Si bf din, nawawalan na pagasa. Mahina daw talaga nursing jobs dito kasi healthy daw mga tao dito which is nakikita nga namin, sobrang active nila sa exercises. Sumuko nalang din sya at uuwi nalang daw sya sa pinas. Then suddenly nakita namin sa dyaryo na may opening for Illustrator. Childhood habbit nya talaga magdrawing. Nanghingi sa kanya ng samples ng drawings nya tapos sa saturday may final interview na sya sa boss at kailangan nya patunayan na sya talaga nagdrawing ng mga sinend nya haha. Hopefully makuha na din sya. Please pray for my boyfriend mga kabayan! Please!

    Pero to sum it up, thank you thank you sa lahat ng nagreply sa thread na to. It has been a journey talaga. Kapag binabalikan ko una kong post sobrang nakakatawa nalang kasi wala talaga akong alam at all. And now here I am. All thanks to this thread I am now on my way to make my SG dreams come true. I know it's too early to celebrate kasi di pa natin sure kung ma-approve ng MOM pero I am just supper happy and blessed.

    Prayers lang talaga. Yun lang naman kasi talaga dala ko lagi eh. Tambay nga ako lagi sa St. Joseph church sa Bukit Timah e. Hehe.
  • Wow, congrats girl! Claim it!! Approve na yan ng MOM.
  • Wow! Congrats @qwaszx Tuloy tuloy na yan. Pamcdo ka na sa Lot One sa unang sweldo mo.Hehehe . Try mo din magsimba sa Church of St. Mary of Angels sa Bukit Batok, ok din dun. Good luck sa inyo ng bf mo at sana makakuha din sya work para happy kayo pareho.
  • @mariel89 thanks po idol! Magdilang anghel ka pleeease hehehe

    @ezzy taga CCK din po kayo? Haha sige ba. Sige po puntahan ko din po yang church na yan. Thanks po!
  • Yes @qwaszx. Baka nga magkapitbahay lang tayo. Hehehe Dyan din kami nagsisimba dati sa Bukit Timah. Tagal kasi ng bus pabalik ng CCK minsan tapos malimit tayuan sa dami ng tao. Hehehe
  • pa-chickenjoy ka na! Hehehe @qwaszx
  • @qwaszx sana magtuloy tuloy na yan. wag ka magstop magapply hanggat di approve pass mo.
    Godbless u.
  • @ezzy sige po bukas Sunday punta kami sa church na ni recommend nyo po. Yun nga rin po reklamo ko andami tao. Haha.

    @mariel89 basta ba ma approve hehehe

    @Vincent17 salamat po. Opo hindi po ako magst stop. Salamat

    _____

    Question lang po, matagal po ba bago ilabas yung IPA? Paso na kasi SVP ko sa 30 at pinag eexit muna ako ng employer ko sa thailand, dun ko nalang daw hintay IPA. Is that normal po ba?

    Also, si bf naka salang ngayon for final interview sana mabigyan nyo sya ng kahit konting time lang na ipagpray hehe. Salamat po
  • @qwaszx Lose not your hope! Pray to God. Be positive! All things are possible with God!
  • Thank you so much. I will not lose hope hehe @carpejem
  • Hello ask ko lang po kung normal ba sa sg na ikaw magbubukas ng bank account mo tas dun nalang nila ihuhulog sahod mo?

    Unlike sa ph na yung company ko na nagbigay ng ATM haha
  • yes qwaszx, maayos kasi tech and connection ng mga banks dito, companies will ask for your personal bank account kung saan mo gusto itransfer nila ang salary or will let you choose and open your own bank.
  • Thanks po sir @tambay7. Mga magkano po kaya mag open? Tsaka anu po ba ang magandang bank dito?

    Update: hindi ako na inform na ang career fair sa sg ay diretso interview na pala agad. Akala ko parang philippines na bigay resume lang. Napasabak kami ni bf dun. At nakakaloka at naka tshirt lang kami haha.
  • @qwaszx it depends kung saan ka magaapply. POSB normally $500 pwede na the rest of the banks kasi $1000 and initial deposit. Almost of the banks naman dto are equally regulated kaya defining "magandang bank" is really personal. But I suggest POSB kasi mababa ang service charge nila if you fall beyond the monthly balance. mga $2 lng compares to others na asa $10. Anyway all the best to you.
  • @rexhynson Thanks so much for answering po. Sige po I'll research more aboout banks here and will take your suggestion in to consideration din po. Salamat ng marami
  • lahat naman ng banks dito ok at halos maganda lahat services, kung madalas ka mg reremit / transfer pera sa Pinas, suggest ko eh DBS or POSB, plus marami sila ATM islandwide. Pero kung mostly ng pera mo ay gusto mo dito lang eh any bank will really do.
  • @qwaszx WOW as in WOW... Ang tagal ko din sinubaybayan at hinihintay itong success story mo..
    Lucky enough ka nga kasi unang punta mo pa lang may nakuha ka na kaagad na job... double thumbs up for you... Pray natin na approve na approve na yang pass mo...

    Ako been there twice na din ,sa accounting field ako pero waley din..I will try again this coming Nov. sana makapasok na din.. Ndi ko lang sure paano ako makakalagpas sa IO dito sa pinas at SG kasi kagagaling ko lang jan last May for interviews. . hahaha sana makalusot naman...

    nagtraining pa ako ng mga accounting softwares just to add sa skills set ko.. kaya hoping and praying I will get it this time.. Pagpray mo din ako huh haha god bless.

    :blush:
  • @tambay7 Thanks po. Will keep that in mind. Hindi pa rin pala ako makakapag open kasi wala pa akong pass haha

    @buBbles Thank you po! Nakachamba lang talaga. Nagkataon na urgent yung post at yung hinahanap nila na experience sakto sa akin. Pero ayun nga, hindi padin tapos ang laban. May pass pa. haha. Thanks, kabayan. Will surely pray for you, too! Makakapasok ka na nyan, positive thinking lang. At prayers. Kung catholic ka, magnovena ka hehehe. Goodluck to both of us!
  • edited September 2017
    @qwaszx Pwede ka mag inquire sa DBS bank sa CCK. $500 ang initial deposit dati. Di ko lang sure kung nagbago na. Pag may pass ka na pwede ka na mag open ng account.

    Andun kami sa COSMOTA kahapon. 11 am mass.
  • @qwaszx hahaha araw araw na nga ako nag.aattend ng mass before ako pasok sa work .. paano ba naman pinagdadasal ko din mga iiwan ko sa company... lol..

    Thanks.. hopefully lumabas na pass mo nyan.. ;) God bless.
  • @ezzy sige po sana nga 500 padin. Wala talaga akong budget haha. Bukas po punta kami dun, bago kami umalis pa bangkok haha. Hindi kami nakapunta ng sunday kasi pinipilit ako ng lola ko mag career fair sa mbs kahit wala akong exp sa fnb haha

    @bubbles ay nice po yan. Pray lang lagi. At naway magdilang anghel ka. All the best!!!

    ____

    Question lang po

    Meron daw pong part sa mom website na makikita ko kung na key in na ako ng employer ko para magka ipa at machecheck ko daw po yun using my passport number weekdays until 530pm? Pwede po ba malaman san iyon kung may ganun talaga?

    Hindi ko po kasi alam kung bulag ba ako or what pero di ko tlga makita e. Puro may mga kung anung log in na hinihingi na hindi ko naman alam kung ano.
Sign In or Register to comment.