I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Applying for OWWA Membership

1246

Comments

  • Hello! First time ko po mag aapply ng oec. Mag appointment po sana ako online, kaso hinihingan ng owwa memership sa mga requirements. Eh wala pa po ako nun, paano po kaya yun?
  • @qwertyuiop pwede mo pag sabayin yan pag kuha ng owwa at oec punta ka lang ng maaga
  • Hello! Tanong lang po. When you say long process ang pag apply sa POEA sa atin, gaano po ba yun katagal usually? Ilang days? Weeks? Months?
  • Hello Ladies and gentlemen, Pwede ba tayo magrenew ng OWWA using OWWA APP? Dinownload ko kasi ung application kaso landbank and gcash lang mode of payment? Sino na po sainyo nakatry?
  • @bobby check mo reviews sa playstore puro negative at daming reklamo may bug daw sa mode of payment kaya baka masayang lang pera mo, sa app store naman wala nag tatangkang gumamit wala pang nag ddl o nag popost ng review eh, ikaw bahala kung gusto mo pa din itry.
  • Tanong lang po. Nagrenew po kami ng pass, approved na sya under same company. Pero yung OWWA namin ay expired na since 2 years lang ang validity. Uuwi po kami ng CNY season sa Pinas, need pa po ba namin magrenew ng OWWA? O enough na yung OEC exemption na document na ipakita sa IO sa Pinas?
  • Hello Ladies and Gents, my previous post is if pwede tayo magrenew ng OWWA MEMBERSHIP sa OWWA APPLICATION, dinownload ko po ung app via Appstore nagtry and YES! Pwede po. Pwede na po tayo magrenew Via mobile app po as long as my LANDBANK/BANCNET/GCASH for mode of payment.
  • @jrdnprs based on my exp ln to, 3 years ako sa dating work, renewed once tapos oec exemption ln lagi pinapakita ko sa io. bali nagapply ln ako ng bagong owwa nung bago na employer ko.
  • Question po regarding OWWA and OEC, not sure if natanong na before or may sticky.

    I recently got an offer from a Singaporean company. Yung last time ako nag OFW is 2017 pa and for a Thai company. So, need to change my employment sa BM Online. Similarly, my wife also received an offer.

    Question is: for OEC, kailangan ba kunin eto before maprocess yung EP or after na ma-process. Sa pagkakaalam ko, yung EP Processing is matatapos mo if nandun ka na sa SG. Yung experience ko kasi dati with TH, pinayagan naman ako makakuha ng OEC kahit wala pa ako sa TH.

    If mauna dapat ang OEC before EP, sa pagkakaalam ko IPA lang ang ibibigay muna then tatapusin mo yung process while nasa SG ka na.

    If mauna naman yung EP sa SG, ano yung normal na process sa IO kapag wala pang OEC/OWWA membership.

    Meron na ako membership before pero hindi ako dumaan sa PDOS na inapprove naman. Ang sabi lang nila, if ginagawa mo na yung work and kailangan mo na umalis, ok lang naman raw. Same pa rin ba eto hanggang ngayon?
  • @randmcnally pag nandto ka sa sg mauuna ep bago oec, after mo makakuha ng pass mo punta ka ng embassy nten dito para kumuha naman ng oec
  • @geneFlynn

    salamat sa reply.

    Would you know if wala naman sa SG. Yung interviews ko kasi done remotely lang kaya wala pa rin ako sa SG. If ganoon ba yung case, uunahin ko yung OEC. Yung experience ko kasi before, nakapagapply ako ng OEC na wala pa akong work permit pero for Thailand yun. Actually, sa tingin ko mali yung process na ginawa ko before at nakalusot lang ako that time.

    Thanks in advance
  • @randmcnally Pass muna bago OWWA/OEC. kung wala ka pang Pass/Employment Contract, lalabas ka ng Pinas na turista dahil AyPiEy pa lang ang hawak mo

    ang AyPiEy ay sa SG AyO lang pwedeng ipakita. pag sa Pinas AyO mo ito pinakaita, malamang hindi ka makakaalis
  • @kabo

    thanks sa advice. Yun ang hassle sa Pilipinas eh.
    Kung aalis ka para magtrabaho sa labas na legal, hindi ka naman makakakuha ng OEC kasi wala ka pang EP kahit may contract na kasi required raw ang EP.

    Para makakuha ng OEC/OWWA, kailangan ng EP
    Para makakuha ng EP, dapat pumunta sa Singapore.
    Pag umalis ka naman na walang OEC, hihintuin ka.

    Dapat ayusin eto kasi walang kwenta yung proceso para hindi na kailangan tumakas.
  • @randmcnally sa ngayon wala tayong magagawa kasi ganyan talaga

    Para makakuha ng OEC/OWWA, kailangan ng EP
    - pagkakaalam ko ay makakakuha ka ng OWWA kahit wala pang EP basta may IPA at notarized contract galing employer. subukan mong search, may nabasa na ko dito nyan. hindi ko lang sure kung lalabas na dadaan ka ng agency sa Pinas for document purposes
  • @randmcnally - suggestion Sir kung kaya nyo mag risk or mag leave ng mahaba sa company nyo dyan punta nalang kayo dito para mag apply as tourist as long as may return ticket ka di ka haharangin ng IO basta no.1 rule is confident ka at di ka na iintimidate sa kanila.

    F.Y.I lang mga Sir and Maam not sure kung dati na implemented to kasi di ko na experience kumuha ng OEC sa pilipinas.

    Recently may hinire kami na IT sa Cebu para dalhin dito sa SG. Na approved na at may IPA ang problema sa atin yung OWWA bago ka bigyan ng OEC nirerequire na nila na dapat kasama sa contract in case na may mangyari sayo sagot ng company pagpapauwi sayo. So far sa mga napasukan ko dito ang nakalagay lang is covered ka lang upon or during nasa work hours ka. Ayaw pumayag ng OWWA so hindi mabigyan ng OEC yung IT na kinuha namin.

    Fast forward tinry namin sya dalhin dito as tourist after 2nd try nakapunta sya sa SG. (Kahit ano nakalagay sa contract mo dito at dito ka kumuha ng OEC kahit walang nakalagay sa contract mo yung gusto nila, walang kaso bibigyan ka ng OEC)
  • @mcbmaya

    Actually freelancer and part-owner ako sa isang maliit na local corp (hindi ko kailangan magresign) so wala akong masyadong worry sa pagalis at madalas rin ako wala sa Pinas at hindi naman ako nahaharang.

    Ang naiinis lang ako is kung bakit may mga policy ang gobyerno na imposible sundan natin pinoy. Gusto ko man gawin yung tama, hindi pwede.

    Ang mali lang ay napipilitan pa tayong hindi sumunod dahil sa contradicting regulations. Sumulat ako ng email sa OWWA, POEA, DFA, Embassy in SG, Undersecretary of Migration Affairs, office of the secretary ng DFA. Wala pa silang reply at nagpapasahan pa ngayon.
  • @randmcnally okay naman pala kung ganon Sir.. Basta may offer na kayo at gusto nyo i grab nyo na. Pag na approved ang pass pede kayo mag apply dito sa Embassy kahit ano pa nakalagay sa contract nyo hehe.. Usually ang process naman dito pag ka apply ng company ng pass 1 week lang hihintayin para malaman result. Pag meron na IPA pede kana mag stay sa SG, then medical check up para ma release yung mismong card.

    Naku Sir sasakit lang ulo nyo kung hahabulin nyo ibat ibang agency sa atin. Pero hoping pa din one day mas maging maayos lahat ng Govt. agencies sa atin.
  • Hi @mcbmaya, ask ko lang po if gano ka recent yung may pinasok kayo sa SG from cebu?

    First-timer po kasi ako OWWA reg and OEC application, and based sa website ng embassy and sa nbabasa ko din sa ibang thread, required yung contract verification thing and bizfile as new requirements effective Sept 2018

    If very recent nyo lang po naipasok sa SG yung IT nyo from cebu, so ibig sabihin hindi ganun ka strict sa embassy. :smiley:
  • @shakiraaa last year around Dec. ang ginawa namin is pinapasok namin sya dito as tourist nalang tapos dito namin pinaayos OWWA nya. nagkakaroon kasi ng problema sa pagkuha sa pilipinas ng OWWA and OEC since gusto nila may certain requirements sa contract ang hinahanap nila like incase na may nangyari sayo sasagutin ng employer mo lahat ng gastusin pagpapauwi. Ang problema wala kaming ganon sa contract and lahat ng contract dito sa SG iba iba ang items na nakalagay.

    Update lang guys mukhang nagiba na din ng policy yung embassy ng PH sa SG. Hinahanapan na din ng mga required items sa contract mo yung mga gusto nila ang problema like sa kasama ko 4 months na sya nagwowork sa SG pero wala sa contract nya ibang items na hinahanap sa kanya ng embassy so di sya mabigyan ng OEC. Hindi naman pede palitan ng company ang contract pala lang doon. Dati kahit anong contract pa yan inaaccept nila.
  • Confirmed simula nung Feb inimplement nila. Dati kahit ano nakalagay sa contract mo pede mo ipasa sa Embassy para mabigyan ka ng OEC. Ngayon meron sila nirerequire na mga clause mga 4 na items na hindi usual sa SG Employer na magbigay ng ganon. It is good para sa atin like pag may nangyari ang employer ang sasagot ng gastusin sa pagpapauwi etc. Pero wala pa ako na experience na employer na naglalagay ng ganon. Health insurance oo sagot nila pero yung gastos pag may nangyari sayo hindi nila sagot. Madami daw binibigyan ng memo sa mga bagong kumukuha.
  • @mcbmaya ok nga siguro yan pero dapat informed din ang mga ahensya dito para sila na mismo magsasabi sa mga kumpanya. kasi kung ikaw na empleyado ang magsasabi sa kumpanya mo, baka mawalan ka pa ng trabaho
  • Thank you @mcbmaya! Kung may Group Life Insurance, e.g., 5x of annual salary ang death benefit.. Pwede din kaya yun as stipulation na may funds naman magagamit if incase may mangyari?
  • @shakiraaa not sure about it. Kasi ang problema sa insurance depende sa policy kung covered ba nila lahat lahat. Tsaka kasi it will take time sa pag release din. Siguro kung istate sa contract ng maayos na ang insurance ang magaasikaso baka ihonor pa nila. Basta mabasa lang nila na may magaasikaso sayo in case na may mangyari hehe
  • annyeong!! :) may question lang po ako na medyo related dito sa thread.

    Nandito po kasi ako sa pinas, nag iintay po ako ma approved ung pass ko sa sg. medyo long story po, epass po kasi ako tapos nung nirenew ng employer ko na reject po until ma expire na po ung pass ko sa sg. so umuiw po ako, then recently lang po, inapply nya ko ng spass, so pending pa din po. same company po ang babalikan ko. nakakuha na din po ako ng oec thru bmonline since same company naman po babalikan ko. ang question ko po, is advisable po ba na lumabas ako ng PH IO presenting my OEC at IPA? possible po ba yun or need ko lumabas PH as tourist?
    another question po is expired na po ung OWWA ko, yet nakakuha pa din po ako ng OEC online. matrack po ba ng IO un at magka problem sa pag exit ko pag pinakita ko OEC ko? salamat po!!!
  • edited April 2019
    ang problema wala ka nung physical na spass card. di naman un maiissue na wala ka sa sg? so waley, tourist kpa rin eexit ng pinas. hindi pede ung ipa lang, klngan ung spass card mismo. tas ung oec, by right dpt nga 2yrs lang yun. kaso waley pa rin ang system ntn eh kaya di nila macheck kung expired naung owwa membership mo or hindi kaya nkkuha kpa rin oec.
  • @maya madam thanks po! un kasi pinag iisipan ko. so ok lang kaya na derecho sg na ko, mag almost 2mos na naman ako dito sa pinas. besides, sunduin ako ng bf ko dito na sa sg din nagwowork. or need ko mag entry sa ibang country?
  • edited April 2019
    gano ka katagal nagwork sa sg? dpende sa mattapatan mong io yan eh, wala makapagsabi. kailangan mo lang matindi tinding alibis. ung kakilala ko ang rason nya ay maghahandover ng tirahan/susi sa landlord, or wiwithdraw pera at icoclose ung bank account. mga ganern. pag sinabi mo kasing bakasyon at pasyal, mapagdududahan ka. kasi sa tagal mo nagstay sa sg, dka pa ba nakapasyal? or if gusto mo skip to, magdivert ka ibang bansa.
Sign In or Register to comment.