I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Applying for OWWA Membership

1235

Comments

  • hehehe. 4yrs na po ako sg.. madami dami nadin tatak ko sa passport. try lang sa makakamura na derecho sg. pero kung risky na direct sg, mag vietnam nalang po ako transit sa sg. ok naman po un no?
  • @madi07 back as tourist and follow maya advise, maganda yung suggestions nya
  • edited May 2019
    Totoo yung tungkol sa new policy ng Phil Embassy.

    Recently lang nag apply yung mga workmates ko mga 5-6yrs na sila dito sa SG pero since nagchange sila ng employer need pala na pumunta ng embassy directly then mag request ng panibago para sa OEC. Kaso di rin nila naprocess kasi may binigay sakanila na form/checklist na need daw ipapirma sa employer. Yung employer naman namin nagtataka bakit daw ngaun lang sila nagrequest ng ganon eh may 1yr na sila nagstart sa company namin at ang ending.. HINDI RIN NILA PINIRMAHAN! Kasi naka indicate dun na sasagutin njla lahat ng expenses if ever may mangyare sayo dito. So ang ginawa nila nag issue nalang ng COE sa dalawang workmates ko at yun daw ang isubmit.

    Bumalik yung workmate ko sa embassy para sana ipasa yung checklist na walang pirma at yung issued na COE ng company. Pero ang swerte niya kasi hindi hinanap yung checklist. Baka siguro depende rin siguro sa matapat sayo na staff (naka 2-3x na balik siya sa embassy) naissuehan naman na sya ng new OEC at pinag renew daw ng OWWA.
  • @xxonk hindi required ibigay ng employer yung sa checklist. pag binigay nila okay pag hindi pede naman gumawa ng waiver or ng letter na state mo lang na personal expenses mo lahat pag may nangyari sayo. Hindi sinasabi ng emnassy sa atin na pede ganon. Yun ang ginawa ng mga iba dito and yung kasama ko na kinuha natin from Cebu.
  • Hinde ba kaya may OWWA tayong binabayaran para dyan sa mga assistance ng gov kung ano man mangyari sayo sa ibang bansa, bakit ngayon nirerequire nila na dapat employer ang mag asikaso nyan.
  • Actually ung checklist n bibigay seo hindi naman kailangan lahat may check ako din, kaka apply ko lng ng OEC, same din ng ginawa s inyo. mga 3 beses ako bumalik ng embassy s loob ng 1 week, para maayos lng. Ang ggwin nyo lng check ung mga items n nasa contract nyo. the rest leave it blank saka nyo papirmahan s employer nyo. ung skin pinirmahan after ko paliwanag s knila. ung ksamahan nyo n hindi hinanapan, nakalimutan lng un hanapin pero SOP po yan ngyon, kaka umpisa lng daw nila ng new process n yan.

    https://www.philippine-embassy.org.sg/labor/overseas-employment-certificate-oec/

    eto po ung checklist n snsabi nyo.

    http://www.philippine-embassy.org.sg/wp-content/uploads/ComplianceLetterFEB2019.pdf

    eto nman po ung requirements for verification ng contract.

    REQUIREMENTS FOR CONTRACT VERIFICATION AND AUTHENTICATION

    Before applying for an OEC or before the scheduled date of appointment for OEC, the OFW who is not exempted from OEC should first have his/her employment contract verified by POLO and authenticated by the Consular Section of the Philippine Embassy in Singapore. Verification and authentication of contract takes five (5) working days.

    The following are the requirements for verification/authentication of contract:

    For S-Pass/E-Pass Holders and Work Permit Holders who are Non-Domestic Workers

    Signed employment contract (one original and one photocopy);
    Company registration/business license (e.g., ACRA/BizFile) (two photocopies);
    Valid S-Pass, E-Pass, Work Permit or IPA (two photocopies);
    Valid passport of worker (two photocopies); and
    Any valid Identification of employer/authorized signatory to the employment contract (two photocopies)

    Administrative Fees

    The following fees shall be paid at the Embassy upon submission of complete requirements:

    SERVICE FEE (in SGD)
    1. OEC Processing $ 3.00
    2. Contract Verification $ 17.00
    3. Contract Authentication $ 42.50
    4. OWWA Membership $ 36.00
  • Hi guys anyone here po na naabutan ng new process ng POEA na pag di ka naka kuha pa ng oec before ay sa Pinas na po kukuha? Kindly share your experience po. Thank you
  • @14160718_ merong discussion re your question. try to search OEC
  • any news sa bagong OWWA process?

  • @zhypher33 hello po, check mark po ba ang ilalagau hindi ekis?

  • @engrelle21 ma'am/sir, hindi ko n po matandaan tlga. pero tingin ko lalo n kng wala nmang instruction kahit siguro alin s dalawa. Pero kng tama ang tanda ko check ang nilagay ko.

    Ung time ko po kasi last Jan 2019. Alam ko ung mismong tiga embassy nag check nung walang check eh, tulad ng repatriation n parang magbabayad si Company, eh wala nman ganon s contract ko. Ung tiga embassy n nag check sabi skin. Checkan ko n lng to ah para maayos na natin. Ok lng ako ng Ok para tapos na.

  • pag same company pa rin at expired naung 2yrs na owwa, nagpaparenew ba kayo?

  • @maya dati expired na din yung akin pero hindi ako nagrenew..sa OEC naman makakakuha ka padin online basta same employer

  • pano kaya magrenew? may benefits din kasi. gaya sa lugar namin sa pinas laging binabagyo, kada bagyo kahit wala namang damage sa bahay namin, nakakapagclaim pa rin yung tatay ko ng 3k, 5k, ganon sayang din haha. calamity assistance ng owwa. pero required ung resibo ng owwa membership.

  • @maya nakapag renew ako gamit yung app nila. Nung feb lang ako nagrenew dahil sa takot sa virus ? isip ko kasi baka biglang magrepatriate tas di ma-include yung mga di nag renew ng owwa

  • ayy may app? anong name ng app? tas pano ka nagbayad? @xxonk

  • yan yung app. Tapos need mo magregister gamit yung email mo sa oec? Nakalimutan ko na rin pano ko nagawa ? then mag a-appear dun kung active pa ba membership mo o need na irenew. Then yung payment method may mga options ka pero pinili ko ung online payment sa Landbank (need may account ka na registered sa online banking nila, naghanap ako ng friend na may account sa Landbank kaya naging successful) may fee lang na Php25. @maya

    maya
  • thanks! @xxonk how much ung renewal fees mismo?

  • edited April 2020

    may ganito pala. thanks sa info @xxonk . bayad na rin ako. may point ka. heheh. di pa kasi ako nagpapalit ng employer, nag-expire na ung owwa ko.

    edit: so nagdownload nga ako. walang ibang online payment option kungdi landbank. :(

  • @ladytm02 ayaw gumana nung ibang payment option?

  • @xxonk walang ibang payment option eh. pag pinindot ko ung renew, hihingi sya ng log-in details. pagkalog-in, dumederecho sa landbank payment page.. walang laman ung app? nagtataka nga rin ako.

  • sino recently nagrenew ng owwa sa phil embassy? mandatory ba need bayaran ung philhealth na Php21,600?

  • last oct 2019 ako, $36 binayaran ko for 2 years. hindi naman mandatory ang philhealth that time.

  • @maya ito na ung sinasabi ko sayo, 2020 pa pala ang implementation. hangga't hindi pa nakasulat sa papel ang sinabi ni presidente na hindi tayo mandatory, mandatory pa rin to. hays. sana matuloy-tuloy ang pagrepeal katulad ng nangyari sa CPD Law. pero ang tagal din narepeal non e.. years din inabot :(

  • paano kaya yung mga mag paprocess ng OEC na hindi maka balik ng Pinas dahil sa lockdown and mas mahihirapan maka balik ng SG?
    may ganyang experience na kayo?

  • Hi All,

    I just want to ask po regarding the one of the requirements for direct hire

    • Proof of certificate of insurance coverage covering at least the benefits provided under Section 37-A of Republic Act 8042 as amended;

    May idea po ba kayo if tinatanggap ng POEA yung VUL insurance like Sun Life or Pru Life?

  • @jlbbaluyut ang pagkakaintindi ko po dyan ay insurance yan para sayo nung nag-hire sayo na company. hindi personal mong insurance

    antay pa rin tayo ng sasagot na directly naka-experience nyang requirement na yan

    jlbbaluyut
Sign In or Register to comment.