I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
1st Time Singapore Job Hunter: Needs Tips and Advice
Hello!
First time kong susubok na mag-apply sa Singapore. Nagre-research ako sa internet nitong mga nakalipas na araw, pero limitado ang research ko kaya naisip kong humingi ng insights sa mga Pinoy na nasa Singapore na at nagtatrabaho. Marami akong mga tanong, pero sana merong mga makasagot.
Application and Recruitment Agencies
I've been browsing through job sites at halos lahat ng nakikita kong job ads ay mukhang posted ng recruitment agencies. As much as possible sana gusto kong dumiretso sa employer mismo, pero mukhang mahirap kaya susubukan ko na rin just in case.
Paano ba nagwo-work ang recruitment agencies sa Singapore?
Iyong kasing mga naranasan kong recruitment agencies / headhunters sa Pilipinas (Jobstreet, John Clements, etc) ay binabayaran nung companies na naghahanap ng employees kaya hindi sila naniningil sa applicants. Paano ba sa Singapore?
Tanong lang: Sino ang nagbabayad kanino at magkano ang mga dapat kong i-expect na fees kung meron?
Minimum Salary
Sinubukan ko ung S-Pass Self-assessment Tool ng MOM. It said na likely lang akong ma-approve for an S-Pass kung makakakuha ako ng work na may sweldong 3,000 SGD and above. Meron akong ilang job ads na nakita na tugma dun sa amount at sa qualifications ko, pero dapat ba akong mag-rely dun sa nakapaskil na sweldo? May nagkwento kasi sakin dati na ang sweldo sa pinirmahan nyang kontrata ay 2,200 pero pagdating nya sa SG, 1,600 lang talaga ang sinusweldo nya at hindi siya makaalis sa work kasi natatakot siyang di na ulit makakakuha ng S-Pass.
Gaano kadalas mangyari ang mga ganitong scenario at anong options ang pwede mong gawin kapag nakakuha ka ng ganoong klaseng employer? (like pwede ka bang mag-file ng complaint, makakakuha ka pa ng back pay para dun sa dapat na sahod mo na nadaya sa iyo, mahihirapan ka bang humanap ng bagong trabaho pag ini-reklamo mo iyong nandaya sa iyo?)
Restrictions
Kapag wala bang nakalagay na "Singapore citizen only may apply" sa job ad, automatic ba na ibig sabihin nun, open siya sa foreigners o minsan, nakakalimutan lang ilagay nung job poster?
Monthly Expenses
Gumawa ako ng initial computation ng possible kong maging expenses kung magwo-work ako sa Singapore based sa nakita kong ads ng accommodations at saka iyong naging gastos namin sa food and transpo nung minsan kaming nag-tour sa SG. Ang lumabas sa computation ko ay more or less 1,000 SGD a month as long as hindi ako gagastos ng outside sa rent, food, at transpo. Malapit ba sa actual monthly expenses ng mga nandiyan iyong computation ko o may mga bagay na hindi ko alam na kailangan kong i-factor sa computation?
Accommodations
Ano ang pinaka-common na set up ng pagbabayad ng upa (in terms ng number of months ng deposit, advance, at kung may mga narerentahan ba na hindi nagre-require ng deposit at advance?)
Miscellaneous Tips
Bukod sa mga naitanong ko, meron ba akong mga bagay na dapat malaman o paghandaan, especially pagdating sa mga bagay na maaaring mag-cause ng problema or mga reality sa pagtatrabaho sa SG na madalas ay hindi pinag-uusapan pero dapat kong pag-isipan?
I would be really grateful kung may makakapag-offer ng advice and suggestions.

Comments
Balak ko sanang mag-apply na writer / editor.
agencies - applicant ang magbabayad usually 2-3 months depende sa kasunduan kung pwede hulugan.
Below minimum - yan ung kapit sa patalim na tinatawag, pag nahuli.. deport at wala ng chance makabalik dito.
Monthly - http://pinoysg.net/discussion/1296/sg-expenses-good-for-1month#latest
Restrictions - bawal kasi maglagay sa jobpost na open sa ibang lahi. (AFAIK)
Maraming salamat sa info!
Katumbas ng buong sweldo na makukuha mula sa employer for 2-3 months?
Hala... Kahit sa huli mo na lang nalaman na below minimum makukuha kasi naloko ka.lang ng employer kunwari?
Ahhh... Ganoon pala un. Salamat sa links, btw!
Sorry kung marami akong tanong. Tinatantiya ko pa kasi iyong pros at cons ng paghahanap ng work ngayon sa SG.
Yup. Web content writer talaga hanap ko, pero kung may opportunities din sa newsrooms, go lang din. Medyo madugo sa movies and entertainment programs though, kaya siguro hindi muna dun. ^^
then ibibigay naman ung totoong sahod then ibabalik mo sa company ung sobra.
(pero wag mo isipin yang mga bagay na yan) hehe
ung work mo naman parang hindi agency type yan, mukhang direct yan.
May ganoon pala... Wala akong idea. Thanks sa tip!
Yup, meron akong mga nakitang direct, pero iyong mas malalaki ang sweldo, karamihan mukhang via recruitment agencies base sa description. Sinusubukan ko kasing habulin iyong salary requirement based sa self-assessment tool ng MOM.
Itatanong ko na rin pala kung okay lang, iyong S-pass ay nilalakad after may final ng kontrata between employer at applicant, tama nga ba?
Paano iyong regular na kalakaran sa pagre-report sa trabaho habang pending iyong evaluation ng S-Pass application?
Pinapapunta na ba sa SG nung employer kahit di pa sure kung ma-aapprove iyong application or hihintayin muna nila iyong approval bago pagsimulain ng trabaho iyong applicant?
May nabasa kasi ako dati na sa pagkakaintindi ko ay nagtatrabaho na siya sa SG kahit pending pa processing, tapos, in the end, na-deny kaya kailangan nya umuwi kasi bibitawan na sya ng company after ma-deny pati iyong appeals.
Once naapprove ang pass doon palang ung contract signing.
I see... Ganoon pala. Maraming salamat sa matiyagang pagsagot at pagpapaliwanag! ^^
Tanong lang: Sino ang nagbabayad kanino at magkano ang mga dapat kong i-expect na fees kung meron?
Iba-iba ang employment agencies (EA) sa Singapore. Some of them are:
Minimum Salary
For the given scenario, kung below the declared salary ang binibigay sayo ni employer at wala kayong "under the table" agreements, pwedeng pwede mong ireklamo sa MOM yung employer. But of course, unless kakapalan mo mukha mo araw-araw para pumasok sa company na inireklamo mo sa MOM mapaparesign ka talaga and, macacancel yung pass mo. Hanap work ulit.
Restrictions
Just try to send in your application kahit may nakalagay na "For local/PRs only" or wala. Magrereply naman sila sayo (or di ka nila papansinin) kung di sila naghahanap ng foreigners. Mas maganda yung na-try mo magsend.
Monthly Expenses
Okay na yung 1k per month. Syempre sa first month mo medyo magaadjust ka pa pero once you learn the tricks in surviving SG, baka nga sobra pa yan para sayo
Accommodations
Yung arrangement will depend sa tutuluyan mo kasi iba-iba sila dito. Ako, I'm fortunate enough to find a room na walang advance or deposit, utang pa yung bayad sa 1st month (di kasi umabot sa first sweldo hehe). Pero yung iba, requirement yung advance and deposit.
Miscellaneous Tips
Basta if nandito ka na sa SG, be mentally and spiritually prepared. Wag ka magpapadaig sa pain of rejection kasi di mo maiiwasang ma-encounter yan. Dapat eyes on the prize, ika nga. And of course, magdasal lang palagi to ask for guidance and strength.
Maraming salamat sa tips and advice! Malaking tulong sa pagpa-plano.
Will do. Maraming salamat ulit!