I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

WALK IN SCAM (Job hunting) PLS READ! MONEY SCAM!

edited April 2017 in Job Openings
My boyfriend just lost $450 na pangbili nya sana ng camera nya but he chose to pay for me instead because we are desperate to find a job (for me). Sg citizen ang bf ko, pero parehas kami walang idea pano maghanap ng work for foreigners like me.

Ganito po ang nangyari..

Nakita ko may hiring call center agent sa newspaper, may number na binigay send email daw. Send naman ako. Then nagreply mag walk in daw on saturday and prepare $50 registration. So nagpunta po kmi ng bf ko. Pag dating namin dun normal naman lahat and nakita ko ang daming resume sa may right side ng table nung chinese guy, at may go pro na nakatutok samin, siguro they use it as cctv. Then may pinakita sya samin na paper, yun yung parang terms and agreement, at may list din ng foreigners na naka sign, i think pang 50th something na ako na magsa sign dun.

Ang sabi sa agreement, we need to pay $300 para iprocess NILA ang application ko, isesend daw NILA sa 200 companies ang resume ko and 80% chance of getting a job daw, at ang magandang part pa, eto mismo ang sinabi nya "if you don't hear anything from us within one week, you may get refund". Sobrang convincing ito para samin at convinient dahil sila na daw ang bahala sa lahat (yun ang sabi nya) feeling namin safe lalo na pwede palang mag refund. At humirit pa sya na may express pala, mag add lang daw $50 para mas mapabilis and process dahil gagawin daw akong priority. So ang bf ko naman go lang kasi gusto na nya din ako mag ka job.

Pag ka bigay ng credit card at pag ka bawas ng pera sa card ng bf ko, saka sinabi nung chinese na $450 daw ang binawas kasi yung $350 pala ay in USD sa kapag SGD ay $450, dun na kami mejo nagkaron ng masamang kutob. Tapos may binigay na paper sakin. Pag uwi ko daw open ko yung website then ipasa ko dun yung resume ko. Sa isip ko "akala ko sabi mo kanina kayo magpapasa". Pero okay nlng sinabi ko kasi baka for records lang nila.

Pero pag open ko ng website. Dun na namin na confirm na wala to, scam to. Dahil yung website ay parang jobstreet lang. Kelangan ko mag sign up, at mag apply, ako lahat gagawa. So basically parang nagbayad lang kami para maaccess yung shitty website nila. Bakit shitty?? Kasi hindi mo makikita kung anong company unless magamit mo yung 200 credits na binigay sayo, meaning 200 applications lang yung pwedeng magamit. So nag apply nlng din ako para makita ko kung anong companies yun, at na-down talaga ako lalo nung nakita ko na yung mga companies, actually hindi companies, puro recruitment agencies, at ang masama pa, tinawagan ko na ung mga agencies na un at sabi nila "no quota for foreigners".

SINABI SAKIN NUNG CHINESE 80% CHANCE OF GETTING A JOB. PANO MAGIGING 80% CHANCE YUN KUNG NO QUOTA FOR FOREIGNERS NAMAN UNG MGA AGENCIES NA NASA WEBSITE NILA.

Regarding sa refund, wala hindi pwede dahil nakalagay sa receipt na kapag may nag view ng resume ko, hindi na pwede mag refund. Hindi samin ito sinabi nung chinese guy, ang sabi nya "if you don't hear anything from us within one week". Hayyyy

JOBSIN** yung name nung website. Pag nag text sila walang nakalagay na company name or agency name. Located at international plaza, anson road. Heads up lang po para sa mga kapwa kong pilipino na naghahanap ng job sa sg. WALANG BABAYARAN SA AGENCY UNLESS SURE NA NA MAY WORK KA or kapag kelangan na nila iprocess ang work permit.

Sana mashare po natin ito sa iba para iwas scam na sila. Lesson learned.

----EDIT UPDATE----


Add ko lang, usually sa newspaper sila nag lalagay ng ad, 3 times na ko nag send ng sms sakanila kasi di ko naman alam na sila pala ulit yun lol, and dine-delete ko agad yung msg kaya not sure if iba ibang number gamit nila, ganito yung text message na marereceive (see image below)

I-clear ko lang din, Hindi nila sasabihin na agency sila or whatever, pero dahil sa explanations nila, iisipin mo na agency (lalo na if first time, gaya nung sakin kasi no idea pa ako that time about sa agencies) pero once na nagbayad ka na and may binigay silang set of instructions, dun mo lang marerealize na naloko ka lol (again if wala pang idea about sa agencies and job application sa SG, talagang maloloko ka lalo na if desperate, again like me lol)

ETO PO YUNG WEBSITE NA IBIBIGAY NILA ONCE YOU PAID.
http://jobsinsg.com/

Walang babayaran na malaking halaga sa agencies unless sure hired na, may isang pinoy agency na nagexplain sakin, kaya ngayon alam ko na :wink:
«134567

Comments

  • Isa rin ako sa biktima, $420 nadali sakin..hindi nla alam kung panong hirap bago tyo makakuha ng ganong kalaki.. :(
  • I will make this as sticky para sa info ng iba.
  • Ingat lang mga kabayan. madalas madaming nahuhulog sa trap nila. Never pay $400 or whatever big amount kalokohan yan.

    Eto simpleng example sken datin - mukhang job offer pero kung iiintindihin mong mabuti, kukunin lang CV mo para malagay nila sa database nila. $20 registration fee na you won't mind lalu na kung baguhan ka ksi pressured ka magka-work.

    Doble ingat.
  • @jireh08 yang picture ba ng tao ay na meet mo at siya mismo ka-transact mo, otherwise eh baka makasuhan ka diyan, kung yung agency eh kinuha lang yan as stock photo, tapos pine present mo ngayon as the man behind the scam eh hindi mahirap ma track ang identity ng mga tao sa blog/forum. Careful sa pag post ng mga photos.
  • EDIT:

    Thank You admin.
    dmi p kming pinoy n nkpagbayad dito.
    kwawa rin ung mga indiano.mas mlalaki p ang nkuha s kanila.

    EDIT:

    pcenxa npo, dapat nga pla dko n pinost pic nya, pero xa po ung nkatransact ko,
    ilang beses n rin kmi nagpauli uli,kya tumatak n ung mukha nya.

    @tambay7 slmat s paalala kaibigan
  • SIMPLE RULE: kapag naningil ng FEE ng hindi ka pa hired, walang job offer at walang contract ay wag niyo na patulan.
  • edited February 2017
    kung sa tingin nyo naloko kyo at hindi kyo satisfied sa service na pinangako nila, pwedi kyo magreklamo sa CASE.

    pls refer link below:
    https://case.org.sg/complaint.aspx
  • *AGAIN*
    IF IT IS TOO GOOD TO BE TRUE MAG ISIP KANA NA SCAM TALAGA YAN..
  • listen to @stacey, the best yan!
  • Siguro mas reliable ang Jobscentral SG, Jobs DB at Gumtree kasi sila yung mga detailed mag bigay ng job posting. Saka libre. 10 days na rin ako nag hahanap ng work dito pero di ko pa natry mag walk ins. kasi advise sa akin ng tinutuluyan ko dito na di uso walk ins. mostly Online forwarding ng resume.

    Sa Trend pa naman ngayon ang hirap mag hanap para sa mga Foreigners. Kasi priority na nila ang PR at singaporeans.
  • @Macoyguevs actually dati pa mahirap. mas mahirap lang talaga ngayon. dahil sa economy, hopefully maka recover na, last economic crisis was 2008 sabi every 10years daw.
  • @Admin oo nga po sister ko eh mag 5 years na dito sa company nya. Pero nung una nya punta dito last 2007 eh mahigit isang buwan din po sya nag hahanap ng trabaho.

    Nagtry lang ako dito kasi gusto ko makasama ate ko dito saka. Trying my luck na rin habang nabisita sa kanya at sa mga klasmayts ko na halos mag 7 years na din dito. Saka tamang sight seeing na rin.
  • tanong ko na din po, baka may nakatry na ng integra recruiters asia pte ltd sa inyo, thanks po
  • Mai-dagdag ko lang, lalo dun sa mga nagiinquire sa mga job posts sa newspaper/gumtree, if mag SMS kayo sa number at nakatanggap kayo ng auto-reply (yung tipong wala pang 30 seconds, may reply na and yung reply e pinapapunta kayo sa address + $XX fee na "refundable" daw), WAG NIYO NANG SUBUKANG TUMULOY. Sasayangin niyo lang oras niyo dyan, na pwede niyo ilaan nalang sa pagsubmit ng resumes online.
  • Guys, kailangan ko po ng tulong.. ask ko lng if reliable ba to RAFFLES HUMAN RESOURCE. Ung kapatid ko ng interview today and ung policy is mag bayad ng $100 for the very 1st interview then right after unlimited interviews na daw if hnd matanggap sa 1st try. Unfortunately nkalimutan nya kumuha ng recibo. Agent fee is $4500 cash and pag may employer na have to pay $1000 for the processing ng pass and the balance is payable once approved. If mareject daw $400 ibabalik.
  • NO. Pass processing is only $180 hindi $1000
    Pwede lang sila mag ask ng payment kapag hired na (may employment contract) at approve na ang pass.
    Kung naniningil sila ng wala yan pareho, talikuran niyo na agad, wag na pahirapan mga sarili niyo sa stress na dulot kapag gusto na ninyo mag refund.
  • @kathy it's likely no assurance better don't continue. In the end , they only want your money
  • edited February 2017
    minsan sa sobrang desperado makahanap work kahit anong advise mo dka pakikingan, kumbaga sa sugal natalo kna ngaun ka pa susuko, kumbaga sa boxing nsuntok kna ngaun kpa aayaw hehe..
  • wag mo nagpapaniwala palagi sa mga agency, same lang sila ng mga nagbebenta for a commission, kahit walang demand sa position at foreign workers, sasabihin na meron just to make you pay.
  • ask ko lang yung mga ibang lahi gumagamit din ba sila agency??
  • Meron din gumamgamit ng agency. Inde lang tayo.
  • sa IT mga indian, burmese, vietnamese, usually gumagamit din, mga caucasian usually headhunter or yung mga kilala na recruitment firms ang gamit.
  • If I may ask. Anyone familiar with this firm na nasa 1 Coleman Street #05-11A The Adelphi Singapore 179803
    yung CandidateAsia. Nakita ko lang ito kaka-search ng job openings sa JobsDB at Jobscentral. Reliable kaya sila. kasi may Program sila para sa Foreign Talents (Foreign Talent Recruitment Program).

    if gusto nyo makita candidateasia.com ang website nila.
  • @Macoyguevs apply lang ng apply, once tinawagan ka at nanghihingi agad ng pera then magdalawang isip kana.

    Kung ano mang program yan kung wala naman quota, bali wala.
    if they ask u na Epass iaapply sayo then need mo magbayad para makey-in nila online - magdalawang isip kana uli.. (rejected yan sigurado)
  • Isa pang bagay na dapat tandaan, yung mga agency/recruiters ang maitutulong lang nila eh ang i-connect ka sa employer, wala silang magagawa sa pass/visa approval, walang palakasan system dito, kahit gaano pa kalaki, kayaman, at kahit international or universal pa yang agency mo, kung walang quota ang employer o kung para sa MOM di ka qualified, reject ang pass mo. Kaya wag magpapaniwala sa mga agency na sasabihan ka na malaki chance ma-approve kung sa kanila ka.
  • edited February 2017
    @Vincent17 @tambay7 Gets ko na mga SIrs. Hehehehe I-eyeball ko na yung lugar at yung firm. yung Programme nila is may registration fee (300 SGD). Ganito na pala trend dito. Ako naman is rule of law ko if pag step-in mo at may fee or kung anong monetary na hinihingi di na ko na tuloy.

    Kasi as per past post na nababasa ko dito sa mga forum at threads. Chineck ko lang po if ever may na kaka-alam na. So now we know.

    As per previous threads din... Wala din assurance. I just try though.... If ok pwede natin ibalita sa ibang mga nagsusbok na magkaroon ng hanap buhay dito sa SG.

    For now... Medyo depressing lang kasi 13 days na ko dito wala pa rin ako interviiew invitations. Almost none stop na ko mag send online at mag browse sa STJobs, jobcentral, jobsdb at mga jobsearch apps dito sa sg.....

    Hehehehe.... pero any way ok naman online searching dito. unlike sa pinas na kahit isang veiw eh wala. Ganito pala talaga ang trend ng hiring dito.

    Its my dream talaga to work here. kasama ang Kapatid ko. Sana swertihin talaga.
  • @aaron11 mukhang OK.. may website :)

    anyway gaya ng payo ng karamihan pag may registration fee etc, or pera agad hinanap sayo, kapalit ng pangako na hahanapan ng work kahit wala pang pass. (tumalikod kana)
  • @yumyum sorry late reply, natry ko na integra, okay naman sila
  • @Macoyguevs na try ko na din yan, pupunta ka lang para mag pasa ng resume tapos tatawag na lang daw sila pag meron available na job. Legit naman sila, problem lang walang job na available lol
Sign In or Register to comment.