I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

WALK IN SCAM (Job hunting) PLS READ! MONEY SCAM!

24567

Comments

  • edited February 2017
    @Grace19 Anong klaseng experience mo dun sa integra? may mga fees din ba sila?
  • Buti na lang @Grace19 na post mo toh. Baka ako din mabiktima. Naka receive ako ng text sknla twice. Tssk! Dapat punta na ko next wee. Haay!
  • @Macoyguevs yes may fees, pero kapag nakapasa ka na sa interview and iprocess na spass mo dun lang sila hihingi fees. Fee for the spass muna yung babayaran mo then pag na approve next na yung placement fee, pwede daw half muna yung bayad then sa next month yung other half ganun. Pero once na hindi na approve Spass, hindi na kelangan mag bayad ng placement fee kasi di na nila itutuloy processing, pero wala na refund yung binayad mo for spass processing.
  • @Grace19 Thanks makapagpasa din pala sa website nila ng resume. Half month na ko dito wala pa rin makuha. Kahit interview man lang. Sana makakuha man lang ng response bago matapos vacation ko dito para may kasama Kapatid ko dito.
  • @Grace19 magkano singil nila for spass processing? :)
  • @Macoyguevs ako 2 months na dito. Mas madali pa ata kung agency from philippines ka manggagaling eh, yung iba kong nakilala recently lang dito na pinoy na may jobs, galing agency sa pinas. Yun ang next plan ko pag expire ng visa :smile:
  • @Vincent $200, placement fee $4000
  • @Grace19
    70sgd ang bayad sa E/Spass application.

    Take note lang sa iba ask nio muna kung may quota ung agency, kung wala bye bye 200, kung ipipilit na Epass iapply sa inyo.. (tumalikod na kayo)

    Dyan sila kumikita, apply ng apply ng pass wala naman quota hehe.. (isip isip lang mga kabayan)
  • @Vincent17 hindi naman po pinagbabayad if hindi makakapasa sa interview dun sa employer mismo (hindi dun sa agency interview). Sa 2 agencies na nakausap ko, lahat sila 200 ang fee for spass, so I think ganun talaga yung price range sa agencies? Dun lang sa 4000 placement fee nagkakaiba.

    Na-heads up na din ako ng ibang friends dito na pinoys na mahal nga daw talaga agencies kaya last resort na lang dapat mag agency.
  • @Grace19 i see. mukhang mas viable yung option na yun. ako eh ika-17 days ko na wala pa rin ako puro "Received" pa lang status ng mga forwarded CVs ko sa mga companies dito. Laking tulong din kasi sa Sister ko kung makakuha ako ng work dito. Siguro suntok sa buwan lang talaga yung makakuha ng work dito sa SG ng within a month.
  • @Macoyguevs recession period daw kasi ata ngayon eh, mejo wrong timing. Kahit nga fast food at sales assistant eh open for locals and PRs lang. Sobrang naghigpit na nga kasi ata talaga. Pero while may time pa kayo, try lang po ng try :smile: God bless!
  • @Grace19 sya nga. hehehehe tiwala lang. Good Luck lahat sa atin and God Bless din!
  • Yes totoo yan malaki ang ikunabagsak ng retail sales ngyn. Last 5yrs ago may mga kilala akong nakakauha ng mga retails sales na job but nowadays since naglipana ang mga online shops, malaki ikinalugi ng industry na to. Mapapansin nyo karamihan sa mall maraming ang walang tenant.
  • HI po mga kababayan. tanong lang po kung may alam kayo hiring nasa SG po ako now and naghahanap ng work kaso wala pa po tumatawag sa mga na applyan ko na khit isa. Civil engineer po ako w/ 4years experience as a site engineer..

    Sana matulungan niyo po ako.. salamat!!
  • @redford d naman sa tinataboy ka but malupit talaga lately :( kahit local or PR dito hirap rin .
  • @admin
    Legit ba yung email na [email protected]? Tumawag kasi sa akin pero walang nabanggit na company.
  • @Admin bakit nabanggit ako? Haha. Anong +1. Lol
  • @redford syang tunay ako ni isa walang interview invitation na nareceive kahit daan-daang online applications ang ginagawa ko araw araw hanggang maglapse na yung Social Visit Pass ko. Kahit yung mga walk-ins na napuntahan ko kalimitan eh di nag eentertain ng mga kailangan pa i-secure ng work pass.

    Mukhang ang trend nila ngayon ay mga local lang at with permanent residence status lang. Kahit kapatid ko nga 8 years or more sa work nya di sya makalipat kasi ayaw nya i-risk yung baka di sya maapplyan ng Work Pass.

    Super sawi talaga ako sa experience ko sa job hunting sa SG.

    Pero the positive side is naglose ako ng 1 kg kaya medyo sumexy ng konti at nakapag tour naman sa mga magagandang lugar sa sg habang nag hahanap ng work. At nakakilalala ng mga mababait na lokal at mga ibang lahi.

    Hopefully sa time na i-sponsor ulit ng pinsan at ate ko yung ticket at accomodations ko dyan eh may makuha na.
  • Palagi ko yang nakikita sa posting ng classified jobs ng Straits times. minsan Admin executive, minsan sales executive, minsan customer service ang pinpost nila. Ireklamo kaya natin sa Straits times? false advertising yan eh...
  • Hi mga kababayan, with regard sa SCAM na yan, dalawa kami naguyo ng kasama ko we paid 300 USD each including yun 50 USD pang pa expedite daw ng process, so thank you na rin siguro yun, is there any help na makukuha natin sa embassy natin dito or anything just to help us out na lang din siguro para mawala na yung ganitong kabulastugan..I was so depressed talaga, hindi lang isa kundi dalawang resume distributor yung binigyan ko ng pera (singapore-jobs.com yung isa) same thing nangyari samin, everything was well explained, assurance nila na refundable lahat pag wala nangyari samin..grabi talaga pagkadismaya ko, sa kagustuhang makahanp ng work, nabiktima pa ng mga ganitong karumal dumal na SCAM..sana merung makakatulong sa atin sa mga ganitong bagay.
  • edited March 2017
    try nyo magreklamo sa CASE,,

    pls refer link below:
    https://case.org.sg/complaint.aspx
  • hindi ata sila pwede sa CASE, hindi naman kasi consumer - retailer yung relationship ng job hunter at agency.
    at malinaw naman yung agreement between sa job hunter at agency bago sila mag bayad ng fees, never nag guarantee ang mga yan ng job or pass approval, sasabihin lang nila na ihahanap ng employer at tutulungan mag submit ng pass application "kapag na hire", eh chances are wala sila mahahanap na employer at hindi ka naman talaga maha-hire.

    kapag nag complaint din sila magiging out in the open sila na tourist-jobseeker sila dito.

    yung mga ganyang cases kasi na naloloko ng agencies, pumapasok ang mga tao na aware sila sa posibility na scam yan pero pinapasok pa din out of desperation, pardon me for saying na desperation breeds stupidity.

  • @tambay7 Tama Desperation breeds stupidity talaga. Ako kasi muntik na rin mag risk sa kanila. Kaso na isip ko lang. wala nga mag entertain sa akin sa mga walk ins na pinupuntahan ko. Saka sa trend ng online registering sa mga job fairs, eh nafifilter out na yung walang NRIC or current work pass/permit holder. Kaya nafilter out na nila ang mga tourist job seekers na pumupunta ng Singapore.

    Lalo na ngayon eh Recession daw kaya medyo tight ang Qouta sa Foreign Workers.

    Di ko lang alam ngayong March ang sitwasyon sa hiring ng manpower. Besides yung mga Millenials nila is kailangan na masecure nila ng employment sa mga dadating na taon.

    And the way I see it aside sa kwento ng mga isang dekada na sa SG eh Saturated na ng mga Pinoy ang Singapore. Pwede na nga magtayo ng Little Manila dyan sa dami ng mga pinoy.

    Kaya yung SCAM eh resulta lang ng exploit sa system na ine-exploit ng mga Tourist-Jobseekers.

    Point to say mas maganda pa rin na dumaan sa proper channels sa Pinas, kung maghahanap ng employment abroad.

  • For me, it's more because of lack of experience/knowledge about the situation. If alam ng lahat ng job seekers how legit agencies in SG works (process, fees, and all), no one would fall for scams like this.

    Anyway kaya nga nandito itong post at itong page to educate and give tips to everyone looking for a job in Sg.
  • Nangyari rin sken yan pero 20sgd lang nakuha sken. Una may tumawag sken for interview daw at eemail sken yung other info at yung position is for engineering assistant. Alam ko agency sya kaya nag baka sakali ako tapos interview tapos wala man lang nabanggit sa position na sinasabi nila at aapplyan ko at bigla cla nag offer na cla magpapasa ng resume ko for 20sgd nkakutob nko na scam yta toh kaya nag ingat nko at may pinapipirmahan saken binasa ko talaga maigi bka may smthing pero wala nman. Pero thankfully kay God nka hanap nman ako hg work without there help which i never heard from them. Pero may tumatawag sken na taga MOM tinanong regarding sa agency na yun at kung nakuha ko ba work ko dahil sa kanila sinabi ko na nakuha ko yung work ko on my own at tinanong nila ako kung nagbayad ako which is oo at ini invite akong mag testify laban sa agency na yun.
  • @Grace19 at s mga ibang kababayan jan ask ko lang i know theres a lot of call center jan sa SG. natanggap ba sila ng foreigners?thanks. and anu po yung quota?thanks
  • @misisjia "i know theres a lot of call center jan sa SG."

    you know nothing Jon Snow! lol! joke lang...NOT a lot and mostly multi-lingual requirement Mandarin especially.
    Like other developed and first world countries sa Pinas din or East-Europe ang call centers ng mga companies dito.

  • edited April 2017
    Fyi sa lahat. Isang topak at kalahati ang agency na nanloko kay grace. Magingat ng maigi. Mapapansin nyo na inedit na lang ang post for the purpose na tigilan na ang panghaharas kay grace. Sa mga interisado sa pangalan ng kumpanya. Mag pm na lang para malaman. Salamat at mag ingat sa mga opportunista.
  • edited April 2017
    Share ko lang mga kaPips eto matindi kung manghingi sagaran sa kapal ng mukha kababayan pa man din
    okay na sana eh kaso pangakong napako din.

    agency name: *Ginintuang Dragon* EMPLOYMENT AGENCY PTE LTD
    Peninsula Plaza

    may kababayan na empleyado dyan ang sistema wagas ang laki p ng hinihingi kawawa nmn ang mg inosente nating kababayan na pagkatapos magbayad eh lumipad na ang perang pinaghirapan.

    ganito ang kwento ng tinanong ko si ate ng may pag galang at propesyonal na pagtatanung kung may
    Joboffer sila para sa mga open pass sa foreigner eh bastos ang sagot ang sabeh eh ( mag hhire b kami kung wala di ba adelantadong pananalita) ang ganda ng sagot.
    unang hirit palang sablay na, kung ndi lang babae baka nasapak ko na eh.

    pro ang punto talaga mga kaPips dun sa hinihingi nya malaki man pero ndi makatarungan at walang konsiderasyon
    walang halong pagtulong kundi panggugulang. kung merun man pagtulong eh un ang ndi natin alam.
  • edited April 2017
    *1 HR*

    pakitandaan nalang po sablay para s amin yan nanghihingi agad ng malaki, paliwanag to the max para convincing
    pero sa huli kaduda duda.

    kung sino man ang nakaranas sa ahenteng ito magbigay ng kwento para sa mga kababayan natin upang makatulong.
Sign In or Register to comment.