I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

WAG Tularan!

edited February 2017 in Bagong Balita
Kaya hindi ma approve approve and PR application natin dahil sa mga ganitong pangyayari. hays

http://www.straitstimes.com/singapore/courts-crime/staff-nurse-jailed-for-assaulting-taxi-driver

pinaguusapan nanaman tayo sa local forum sites
«1345

Comments

  • Tsk tsk damay nanaman imahe natin as a whole. #stereotyping
  • Korek. Actually hindi maiiwasan ang streotype kasi kapakanan ng SG ang nakataya. Masgugustuhin nila na wag na lang mag PR mga pinoy as a whole pra maprotektahan ang SG. Walang mawawala sa kanila. Hays, bad news sa mga namumuhay ng tahimik dito.
  • minsin ksi yung iba ntin mga kababayan nkakalimutan nila reason/purpose ntin bakit tyo nangingibang bansa..
    meron nman iba jan kalamo kung sino nkapagtrabaho lang sa sg taas na tingin sa sarili.
  • @reyven tingin ko ugaling dapat iniwan sa pinas, e dinala sa SG. :(
  • hehe tama ka @Admin kaya kawawa tyong mga nmumuhay ng tahimik ditto walang ginawa kundi trabaho at bahay lang.
  • lesson learnd, wag magtaxi kung walang pambayad.
  • FB popular search 29,764
    Arey Lauren Loretizo Dela Cruz sikat na sya..
  • Masyado pa ngang maluwag parusa sa kanya. Isang linggo lang. Dapat pinapauwi na ang mga ganyan.
  • @AhKuan oo nga, pero tingin ko deport yan pag katapos. wala ng kukuha dyan. sinayang nya chance nya dito sa SG.
  • Advise lang po wag maki pag suntukan sa mga taxi driver. Pwede po awayin sila pag niloloko ka. Heto ang paraan, 1. pag hinto sa babaan kunin ang receipt, 2. Labas ka muna at awayin mo na hahaha no contact, sigaw na isumbong mo siya sa LTA, Traffic police at sa Kompanya nila. At isara mo ng malakas ang pinto, Kung tatawag siya ng police sige. But, bago mo gawin yan gamitin nyo po apps sa distance guide. Pag lumampas ng 2km pwede na pong reason yan na sabihin mo sa pulis na niloko ka.pero dapat nakahanda ang pera mo. Tumakbo ka paikot lang sa taxi, hindi palayo, at sabihin mo na susuntukin ka. Ako po nag babayad muna, yung nakalabas na ako at mag sisigaw na isumbong ko siya at mawalan siya ng points hanggang di na siya maka drive, para lang po sa mga loko lokong driver yan.

    Medyo hirap yan sila minsan kaya pa andar din pusong mamon. Ngayon pag lalasing 101 sa Singapore. Hahaha! nagkaroon po ako ng klase sa inuman na dugtong po ang Friday night at Monday morning. Pero ni minsan walang away hahaha, nagkaroon po kami ng record na tig sa sampung bote na malaki ng Heinekin dyan sa harap ng Novena church dati. Nung una binabantayan kami ng may ari kahit sarado na sila, hehehehe. Alas dos suka na sa kalsada pero tawanan lang talaga uwi maliligo inom ng malamig na tubig. 2:30 punta ng Orchard Tower, hahaha uwi 4:30am tulog. Itanim sa isip na ang pag iinom ay happy happy period! At kung nasusuka ka wag ka muna sumaky ng taxi, punta ka sa malapit na 7-11 at hingi ka warm water at plastic bag sumuka ka muna.

    Medyo mahaba, sorry. Taxi riding 101 in Singapore. 1. check sa apps ilang kilometro at time. sakay ng taxi (sorry hindi plugging mas maraming mababait sa blue taxi). 2. Sabihin mo agad sa driver saan ang daan na gusto mo (yan pong nasa apps). sabihin mo na konti lang pera mo at wag ka i shopping, yung pinaka short na daan. 3. Bago mag bayad kunin ang receipt, check ang distance.

    Wag po gumawa ng bagay na makukulong ka. Mahirap ang kulong dito parang Marines boot camp x2.
  • edited April 2017
    Anak ng patis talaga nman. Dapat sa mga yan death penalty na. Hays. Kya hindi tyo hindi ma Pr Pr sa mga ganito. Sana pwede i suggest ma death penalty mga ganitong tao. Nakakagigil na.
  • grabe lakas ng loob..kawawa nman tyong mga inosente ndadamay.
  • kaya minsan naisip ko din hindi masaya dumadami tayo pinoy dito sa sg. haiz nakakawalang gana.
  • si @Samantha1 kasi ang hilig mag skirt kapag lumalabas, si koya tuloy.
    dapat diyan kay koya ma cane, nang maging tocino ang likuran niya.
  • awts, kamakailan pag nasakay ako nang bus parang gigil na gigil ang mga matatandang taga rito na ako ay awayin. naranasan niyo na ba yun? yun parang di sila mapakali, yun kamay nila tapos minsan tatadyak ang paa.
  • Sa mga ganyan @missingdev need palampasin. Matututo ka talaga ng pasensya. D tulad sa pinas. Magkatitigan lang away na. Wala tyo sa bansa natin pero kahit nasa bansa natin dapat mabago ang sarili at matuto mag pacencya at palampas.
  • edited April 2017
    meron n nman bago..pinoy nahuli kumukuha video mga nka skirt na babae. wala na talaga malapit na tyo paalisin ditto..

  • @popoy same ata yan nung kay @AhKuan :) yah mukhang malapit na tayong iban dito. sa mga bastusan ng mga ganyan. hays. napanuod nyo ba ung sa Tulfo? ungnag soli ng phone. ang bastos rin naman d ba? sinulian na ng phone nag reklamo pa na dapat daw inagahan ang pagsoli. sigh. kakiba talaga, epek ng sobrang Democracy sa pinas ata yan.

    Definition ng mga pinoy sa democracy ata e , FREEDOM to do anything. then since catholic country, e magsosory nalang at magbabago. bad combination ata.
  • edited April 2017
    @Admin hindi kaya nag iiba lang ugali at attitude ng iba ntin mga kababayan kapag nkapag trabaho na sa sg..

    ngwork nrin ako sa ibang bansa pero iba mga pinoy ditto sg..
  • casual dress lang po hindi yung skimpy na. uu nga dami mga mayabang dito na local. kapag alam nila foreigner ka iniintimidate ka nila tapos nilolookdown. kaya ako since dayuhan dito binalewala ko na lang. tapos low profile talaga ako kasi once meron makita sila mali sayo, generalise ka nila.
  • @Samantha, tama ka, ganun talaga. Kahit saan tayo magpunta, regardless ng pinag-aralan natin or estado ng buhay sa Pinas, we will always be 2nd class citizens.

    Minsan, hindi din natin sila masisisi dahil ika nga, we are just leeching on their resources. :)

    Right thing to do is to respect them regardless of how they treated us. At the end of the day, tayo yung nakikitira dito. Tama ka. Just ignore and move on.
  • kasi naman din kasi iiksi ng suot ng iba haha.. joke.. nasira tuloy ang career ni Kuya lol..

    basta ako iwas agad ang mata ko, pag meron akong nakitang ganyan.. kalimitan sa escalator kailangan syempre nakatingala ka, pero minsan napipilitan yumuko or maglakad pataas pag meron kang nakitang ibang kulay lol.. :)

  • Pag ba nakulong dito, after mo makulong, derecho deport na?
  • edited April 2017
    @jrdnprs most likely immediately deported.

    basic principle lang naman ang dapat iapply kapag andito, obey the law, do not inconvenience others, respect the racial and religious harmony of the society.

    mas makikipag ngitian pa dito sayo ang mga expats kesa sa kapwa Pinoy, kapag may pinoy na masyadong too close for comfort kahit naka salubong mo lang eh most likely Networking/MLM ang pakay niyan o kaya isasama ka sa Alive! Alive! Amen! lol!!
  • nung araw pag nakakita ka ng pinoy sa MRT mapapangiti ka at pwede mo batiin, kapag nagugutom ka punta ka lang sa may damuhan(noong di pa tinatayo ang ION orchard) madaming nagpipicnic na pinoy doon pag dumaan ka aalukin ka ng pagkain..
  • kamote talaga mga pinoy na pasaway sa ibang bansa. lintek na.
  • @bobong guilty ako nyan. ngayon if may makita akong pinoy dedma lang hahaha. tapos meron mga inconsiderate pinoy na malakas yung halakhak sa mrt at bus. yuyuko nalang ako .
  • TSK TSK TSK....yan napapala ng di makapagpigil....
Sign In or Register to comment.