I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Becareful on some agency

24

Comments

  • Hala. Mas maganda if walang bayad sa pagaapply ng pass. If rejected yun (wag naman sana) goodbye 200 :(
  • Balak ko pa naman sana mag punta dyan this coming saturday Dec 16. Sa 18 po kasi yung face to face interview. Mahal pa naman po ng air fare.
  • natanong nyo na po if may quota daw ba yung employer? malimit kasi daw yung mga recruitment agency dito, pa-interview ng pa-interview tapos i-apply na daw ng pass pero walang quota naman for foreigner. so ang ending, rejected naman. sayang lang yung ibabayad.
  • @goblinsbride natanong ko po if may quota sila for foreigners, yes you can apply sabi po nya. Yun nga lang po upon application ng spass need mag bayad 200 ☹️ Then once na approved 4000 po yung agency fee. ☹️
  • Na forward na daw po Cv ko dun sa employer, kaya face to face interview daw po gusto nila. Nag ask po ako kung di po ba pwede thru skype, di daw po e. Kaya iniisip ko po kung itutuloy ko na ba. Chance na din po kasi dba?
  • Sinabi ba sayo name ng employer at kung anong position. Kung masyado sila secretive sa details baka masayang lang pera mo, pano kung rejected pass application, refund ba nila yung $200?
    anong job/industry ba inaplayan mo?
  • @mcamille ang mahal naman! tapos magkano offered Salary? do the math.. baka mahirapan kayong mabawi.
  • @carpejem @tambay7 yung agency po integra recruiters asia, pero yung company di pa po sinabi yung name, once na schedule po daw yung interview by this coming saturday or monday sasabihin din yung name ng company, pero sabi po nya aircondition services daw po yung company. Tanong ko din po, talaga po ba hinihingi nila agad yung copy ng passport and diploma kahit hindi pa ako naiinterview? Thanks po. Admin po yung job na inapplyan ko.
  • @carpejem 1500 daw po offer. Mababa po ba? First time ko din po kasi mag apply apply. First time din po may nakapansin sa CV ko. Kaya hndi ko po alam kung ano gagawin.
  • @mcamille hello po parang over pricing naman po cla sa agent fee $1500 sahod tapos singil ka nila $4000 up check mo rin po if my quota cla ha. Sayang din kc. Anyway goodluck po sa pag aaplay.
  • Hi po, Tanong ko lang po, normal po ba yong magbabayad ka ng 4000 sa agency? and spot cash po ba yan? what if wala kang ganun kalaking pera? balak ko rin kasi pumunta SG and I'm considering agencies as my second option kung wala talagang makitang direct.

    Salamat po sa mga sasagot....
  • @pandawong25 hello po. Sa mismo po ba company ko itatanong yun? Or sa agency? Sa agent po kasi ako nag ask Kung may quota sila, sagot nya yes you can apply.
  • @pandawong25 ask ko din po kung talaga hinihingi po agad nung agency yung copy ng passport and diploma? Kahit hindi pa po ako naiinterview? Yung agent palang po nag interview sakin thru phone.
  • @mcamille I think sa mismong company mo dapat itanong as what I understood sa reply sa taas po. Kasi Normal na sasabihin ni agent na meron kahit wala para makabayad ka. but my own opinion ko lang po kasi di ko rin alam yong kalakaran sa SG...
  • @mcamille hello po as my exp s mga agency po hingi nila docu mo para pwede nila icheck sa mom sa assessment tool if eligible ka sa s or e pass un ung working visa mo po sa sg, then pwede rin nila ikeep docu mo para in case my employer ka na nka ready na po un. mas maigi po malaman mo rin sa agent mo kung ung company papasukan mo ay may "quota" pinaka impt po un kasi usually sa mga naaplayan ng mga job seekers po lage quota ang prob kahit sa dami nila exp ang mkakalaban po jan ay quota. Bsta advice lng sis impt makita ni employer ung cv mo at sana naman mainterview ka initial sa skype pag ok saka mo sya imeet personally sayang po kc pag ng bayad n tau pera sa agent. Dami ko na nasayang pera jan hehe share2 ko lng po. Salamat
  • Sa batas ng MOM, hindi ka pwedeng hingan ng agency fee na higit pa sa 2mos worth ng salary mo. Kung 1500 lang offer sayo, questionable na yan. 2200 ang minimum para maapprove na spass.
  • @mcamille wag mo ituloy pag ganyang may bayad delikading ding yan.....at siguradong bye bye na sa $200 dollars mo....sasabihin lang syon hindi na approved....madami dto ganyan ang modus...mapanamantala dahil maraming pinoy na gustong gustong makapag work dto at yun mga taong eager na makapag work ang kanilang laging binibiktima.
  • @mcamille scam yan, bawal na sila maningil ng more than 2mos ng salary, at sa $1500 di ka ma approve niyan, $2.2k minimum sa spass, sobra layo ng $1.5k, habol lang nila yung $200 na application fee sayo.
  • @tambay7 may chances bah na mag aaprove sila ng Spass kahit lower than 2200 yong salary? meron kasi ako nababasa na internal agreement nalang na sasabihin na ganito sahod but yong totoo is very low. May kaibigan din ako nagsabi construction cya dati yong nakasaad na sahod niya was 3500 but yong natatanggap nya is 1300 lang...
  • edited December 2017
    @Knight69 illegal yun, kapag nahuli ng MOM na ginagawa yun both yung employer at employee mananagot, for employee pwede ka ma deport after ng investigation at banned from working in SG. Employer mag pay lang ng penalty/fine pero employee ma deport at banned. At maraming nahuhuli niyan, ilang pinoy na ang na din ang deport at na banned na gumagawa niyan, not worth the risk and the money.

    may mga na aaprove ba na below the min requirement, meron ata pero hindi ata spass, working permit. or yung mga dependent ng PR/EP holder may mga cases na nagkaka work even if less than 2.2k, pero dahil nga sa dependent na sila ng PR/EP at LOC na lang need to work.
  • @tambay7 thanks po sa info yon din kasi sabi ng kaibigan ko before ganun din nangyari sa kanya managerial position pa ang inapply sa kanya but yong trabaho nya talaga is labor....
  • @Knight69 nagbibilang lang ng araw yang kaibigan mo bago siya mahuli ng MOM, oo may nakakalusot nyan sa application pero it's only a matter of time ay mahuhuli din, not worth it lalo na kung magkaka bad record ka dito. Sakit din sa ulo at sobra hassle ma involve sa investigation ng mga ganyang illegal activities.
  • @tambay7 wala na cya dyan sa SG nag move cla dito ng GF nya sa Thailand then uwi na ng pinas for good... nadali din atah cla ng agencies kaya malaki pera nawala sa kanila kaya umayaw na....
  • Hindi ko na po tinuloy application ko, feeling ko nga po ganun siguro gagawin ng agency, ssabihin 2200 sahod ko pero 1500 lang tlga. Ganun din sabi ng boyfriend ko kasi daw 2200 tlga minimum ng spass. Nakakalungkot lang tlga na marami satin napag sasamantalahan ng mga agencies dahil nga naman sa eagerness natin makapag work sa singapore.
  • @mcamille nasa SG ka naba? if nan dyan kana, musta ang pag aapply?
  • Pandawong 25, almost same scenario tyo., last sept 2017 na kuhaan din ako ngbtaong yun at same agency.,

    Sa ngayon may communication ako sa agency na yan., mga bago na staff daw., ang nakakausap ko pinay, as per her ayaw na daw ni sofia i process ang mga transaction under kay reywin, kasi sila din daw ay bikatima ni reywin at nakuhaan din daw sila ng 40k sgd. sa ngayon daw nakademanda na si reywin at banned na daw sa sg., kaya lng wala n sa sg si reywin.

    Nakikiusap din ako if pede i carry over yun binayad ko kay reywin n lng., kasi nga di nman silang pumayag na irefund.,
    Ayaw din nika., kung gusto ko daw back to zero ako., as in magbabayad ulit sa knila.,

    I suggest we form a group sana, lahat tyong nabiktima ni reywin then tsaka tyo mag complaint., and if possible wag tyo sa sg mag file kundi dito sa pinas.,or try na din yun kay tulfo., ka sec. cayatano sa FB.

    Thank you and best regards!!
  • Yes pa tulfo natin si reywin totoo kaya banned na sya sa sg i will try to go to police station at makiusap sa mom actually my contact n ko sa mom si ms jessie lim. Case officer my plani n nga kami sa raffles kaso eto medyo na busy ako sa work gusto ko rin ma refund half ng 5k kay reywin. Paanu ba tau lalapit kay tulfo at ng mahagilap yan sa pinas.
  • Imposible biktima cla eh cla2 hati2 nkapag europe pa nga mga hinayupak itong oct oh diba mga pera natin pinang eenjoy n nila panalangin natin mabaon cla sa hukay ng buhay.. mga manloloko diba
  • Wag na kayo maniwala sa agency na yun, porket wala na yung tao it doesn't change the fact na ni nurture nila yung ganung practice sa firm nila. Sa simula pa lang you don't need to pay until confirm na may employment contract kayo at approve na pass niyo. Kung hindi nila binago process nila na naniningil pa din kahit wala pang employer at pass, then pretty much they are the same as before.
Sign In or Register to comment.