I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Becareful on some agency

124»

Comments

  • Meron sa mga nurses lang ata
  • @carpejem Thanks Kabayan :) Naghahanap ako baka meron pa rin kasi somehow.
  • @iamjoyce sa mga dh and nurses meron.
  • That is a legit company as per Singapore registered company. But doesnt mean lahat ng transactions nila will be ok. Questionable para sakin dyan is ung REFUNDABLE. Ano specific terms, like 15 days pag wla pa nakukuhang work, refund? Considering you only have 30 days as a tourist pra makapag stay dito. Linawin mo cguro yun, baka merong T & C's apply. 2 months salary agent fee is normal, lalo pa na installment, its another way of saying salary deduction, so ok yun. Magiging make or break dyan yung reg fee, 600 is a big amount, almost 24K!
  • @teta225 600 na registration fee is ridiculous. NO NO. Think twice or even a million times. Iba agencies na meron registration eh hindi ganyan kalaki. Yung sa friend ko dati 3 years ago is 60 or 65 lang pero kahit 3 years ago na sya ang layo pa rin sa 600. Tama si RDG. Remember you only have 30 days as tourist kaya bbye 600 pag nagkataon. 2 mos salary agency fee pag nahanap ka nila work and ok na lahat sure na makapag work ka is standard na charge ng agencies dito. Good Luck!
  • Newbie here. Familiar po ba kayo or may naka-experience ditto sa agency na JOBER PTE located sa IMM Jurong? May 600 na registration REFUNDABLE daw kapag hindi ka selected, pero pag hired na 2mos ng salary yung agent fee nila na pwedeng INSTALLMENT. TIA :smile:
  • @teta225 , pls see our reply (me and pinkpasta). Naka-ilang days kna dito sa SG? I checked Jober Pte, they are duly registered here, pero doble ingat pa din kabayan!
  • @teta225 don't give them money. most probably, mahirap habulin yang mga yan.
  • legal po b yung qiang sheng management consultants? andito pa po ako sa pilipinas pero nagsend na ako ng cv s knila and ihahanap daw po ako ng work.
  • Kung walang ssingilin sayo, okey yan. Pero kung hhingan ka ng malaking registration fee, mag-dalawang isip ka na kabayan @ali
  • sabi po kasi kpg natanggap na saka magbabayad ng 3000sgd one time payment
  • Hanap ka review ng agency na yan online. Check mo din mom website if me naaprove na pass sila under Employment Agency Directory
  • @ali , agency ba yan sa Pinas o sa SG?
  • @RDG ndi po sya agency sa pinas, agency po sya sa singapore, @iamannedoi sige po try ko
  • Hi Kababayan,
    Need ko lang sana ng tulong ninyo kung paano gagawin ng pinsan ko nasa thailand siya ngyon hindi makabalik ng singapore sa dahilang iniba ang agent nya ang diploma ng kanya university para maapprove daw. Pakitulungan po kami hindi naminalam gagawin namin sa situation na ito. Salamat.
  • @ali , yang agency na sinabi mo: qiang sheng management consultants, is registered and active company sa SG. As Ive said, even if legit agency sila, sometimes meron pa din sila mga bogus agreement na suspicious. But as per company registration, yes, they exist and binded by the govt law.
  • @lynsor , sadly, it happens a lot of times sa mga kababayan na na-hire thru agent. Curious lang ako, nakapag work ba sya dati by that fake uni diploma or is this the 1st time? Why Im asking kasi if nakapag work sya dati, it means nakita nya sa IPA yung wrong info sa school nya, and hindi nya kinorek. Unfortunately, yung mga ganyang case is hard to dispute na innocent si employee. Papalabasin lang ng agent sa MOM na un ang sinubmit sa kanila, and the blame falls on the employee. Mahirap makalusot dito. Meron pa nga colleague ng sister ko, a long time IT engineer na napauwi kasi Univ of Recto (fake :D) pala yung degree nya, and nalaman yun on Pass renewal, not even sa new application. It means, nagra-random check tlga ang MOM sa mga docs na sinu-submit nten. To answer the question, if merong ban notice sa kanya, pwede sya mag file ng appeal for re-entry in Singapore thru ICA.
  • @lynsor Medyo challenging ang situation na yan. May kasama ako dati sa work Malaysian as in matagal na sya dito pero sa renewal din nahuli.. Fake cert kaya he was dismissed from the job and banned from working in SG.
  • @lynsor this is your cousin's first work/IPA in Singapore? If yes, suggest to discuss it with the agent/agency. kung nagamit na nya yan dati, mahirap yan

    and tama si @PinkPasta and @RDG maraming nagtratrabaho na and PR/SC na napauwi dahil sa fake docs. I know a case na napauwi and another one na tinawagan yung school nya though 10+ years na syang nagtratrabaho dito

    pekeng docs dito, malaking problem yan
  • HI,
    Yes po first time nya nag apply and approved sa work. Actually hindi pa sya nakakapag start kasi nung nagbayad sya sa approval nya sa agent nya thru deposit lang sa bank dun lang sinabi ng agent na may pipirmahan sya na LOC.kaya nagtanong sya sa agent nya na bakit ganun nangyari sabi nila sila bahala nagawa na nila sa iba daw yun. Paano kaya gagawin nya gusto na nya bumalik at bawiin nalang binayad nya.
  • LOC? Letter of Consent? para sa binagong details/diploma?

    if mababawi nya, suggest na bawiin nya pera nya. ang problem nya lang ay naka-record na yan dito. sa susunod nyang pass application, makikita na yan and pwede nang maging dahilan ng rejection dahil may conflict ang docs nya

    mahirap yang napasukan ng pinsan mo. damn if you do damn if you don't

    hope maayos nya yan
  • paano po gagawin nya ayaw po balik ng agent yung pera na binayad nya hindi po kami mayaman sinanla ng magulang nila ang lupa nila para makabayad lang.
  • malaking problema nga yan

    1) itutuloy nya - pwede syang mahuli at mapauwi/ban sa SG
    2) hindi nya itutuloy - bawiin ang pera pero walang assurance na mababawi
    3) hindi nya itutuloy - magreklamo sa kinauukulan (baka lalo syang mahirapan)

    * antayin natin ang iba, baka may maipapayo sila

    kaya sa lahat po, ingat
  • edited July 2018
    nagexit lng sa thailand? iniba ung name ng university? as in ibang university ang nilagay at hindi ung tunay na school nya?
    san nya nakitang iniba ng agent ung university nya? hindi nmn indicated sa IPA un. usually, magfifill out ka form, pero kung anuman ikey in nila, dna ntn controlado. nasa LOC ba? sana di sya pumirma.

    sa intndi ko, kkaapprove lang ng IPA, dpa naissue, so dpa sya nagstart sa work. pwede kaya upon card registration or pagpunta mom, iraise nya un sa MOM? sabihin nya iniba ng agent ung university nya at pinipilit sya pumirma sa consent, kung pwede bang itama pa ung record nya for future employment?
  • hi @lynsor , shady tlga yung transaction nya from the start. Bakit mag deposit ng pera if wla pa naibigay na IPA letter? Dpat kaliwaan, pakita nila na approved IPA then, deposit ng agent fee. Regarding sa LOC, bogus talaga yang agent na yan. My wife works via LOC, and auto approved yan. and Hindi yan gina-grant ng IPA. Wala din naman sya asawa na nag apply sa kanya as Dependent. So, andaming gray area ng transaction ng pinsan mo. Ano name ng agency na inapplyan nya? Pwede natin yan macheck if legit ba or raket talaga yan.
  • Mga kabayan maging maingat sa agency na ito ng ooperate nanaman cla at patuloy na nanloloko.
    http://www.raffleshr.com/
    Ingat ingat sa mga fees na babayaran at dapat ang ipa ay sakto sa ipapasahod hindi idedeclared ng 2600 tapos sahod 1400 mag suffer kau sa agency fee.
    Dati wala cla receipt ngaun ngbbgay n daw kaso dinadaya pa rin nila kaya ingat ingat di mahuli huli ito ng MOM kc nahihirapan cla kumuha evidence dahil sa dami nabiktima nito wala resibo binibigay kaya di ma aksyunan ng Mom gang ngaun under surveillance pa rin at ngaun iba nanaman front nila na pinoy na hr dun dati sila JP at Reywin mga walang hiya mang gagantyo ipagdasal n lng ng mga naloko nila ang kaluluwa ng mga hinayupak n ito naturing kapwa pilipino mga manloloko at gahaman sa pera kawawa ang mga naloko umuwi ng pinas na luhaan..
    Ingat ingat po.. salamat
  • P.I. ka talaga hayup kang Reywin ka wala kang awa.

Sign In or Register to comment.