I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Renounce PR

1356

Comments

  • Kami din plano na magrenounce. Pero mauuna muna ako by June next year. Hubby ko to follow. Kkpagod na nga. Routine na Lang buhay sa sg
  • @lhetski nakailang taon po kayong PR?
  • Hi to all, pwede bang magrenounce ng PR kung nasa Pinas ka para di gumastos pabalik SG.
  • @EwanKho Pwede po. Punta ka sa SIngapore Embassy sa Manila at doon mo isubmit mga requirements.
  • Hello po mga kabayan, newbie here. Magtatanong lang po at hihingi ng advise base sa experince nyo. Pareho po kami nagwowork dito sa EsGee at sa ngayon ay gusto na po ng wife ko mag 4 gud sa pinas dahil may work na siya naghihintay doon, habang kami naman ng anak ko ay maiwan muna pang samantala habang tatapusin muna and pag aaral niya this year. Pwede po ba siya mauna mag suko na ng pee ar at kuhanin na sana ang cee pee ep?? Ano po mang yayari sa pee ar namin ng anak ko, hindi po kaya maapektuhan at pauwiin na rin kami? salamat po
  • edited January 2018
    kung si misis ang main applicant at dependent po kayo, kapag sinuko na nya ang Agimat nya, malamang babawian na rin kayo ng agimat. Pwede isang paraan, kahit magtrabaho muna sya sa pinas, tapos sa end of school year nyo nalang isuko sabay sabay..

    Hula ko lang po Secondary na anak nyo?..hehe
  • salamat bobong. opo malapit na mag sec. come to that option once good to go na anak ko, napag iisip din po sa kadahilanang good option sa amin na ako na lang muna maiwang maghanapbuhay dito.. mapayagan po na kaya na si wife na lang muna ang magsuko ng agimat on her own kasama anak ko since meron naman ako maayos na hanapbuhay dito at maganda gandang kumpanya din naman.
  • Hi - Been a year since Canada. got my car.. house is on the way.. thanks to si-pi-ep...
    masarap buhay dito.. kaya dont think twice.. get out of SG.. mas masarap sa labas.. para akong nasa Truman show nung nasa sg.. everyone is trapped in the fantasy land of glits and glamour.. pero in the end.. walang sense of permanence (kahit PR ka na).. exception is if Sgporean ka na
  • @bobong 12 years na kaming PR.

    Hi @Bod if hindi naman ikaw ang main applicant ok lang mauna ka. Hindi puede mauna si main kasi damay kayo ng anak mo.
  • @Bod kung dependent kayo sa PR ni misis meaning sya ang PR and yung application nyo ay na-approve based sa criteria na SPOUSE/CHILD of a PR, hindi pwedeng mag-renounce si misis kasi pati kayo kasama

    kung sarili mo PR mo and dependent mo anak mo, pwedeng nang mag-renounce si misis
  • Malapit ko na po isuko PR ko, pagkatapos ng di naman gaanong kahabang pag iisip at pakikipag palitan ng opinyon kay misis. Ganito pala pakiramdam medyo excited(yung feeling ng finally!!! New chapter ng buhay namin ) pero may halong lungkot din. Di ko namalayan napamahal na sakin ang SG..
  • Anu po ba ang advisable gawin sa tsipi-ef withdrawal. Idirect tranfer sa SG bank account(ex:POSB) or cheque?

    Gano po katagal ang processing kapag direct sa sg bank account at via cheque?
  • Paano po i-expedite yung processing? Kaka-apply ko lang last week ng June.. mag 2 weeks na sa lunes... salamat po sa sasagot.
  • @malamigdito via cheque or direct po sa Bank account nyo papadaanin cpf nyo?
  • direct po sa sg bank.. nag check ako last week, sabi processing, ngayon ang status naman pending document(s) ano kaya ibig sabihin nun.. hmm
  • Ngayon naman ang nakalagay Received Document.. malapit na kaya? haha nakakainip maghintay.. lolz
  • Sir @malamigdito , andito pa po kayo sa SG habang nag hihintay ng fund nyo? Kung sakali malapit ng lumipas yung 30day svp nyo at wala pa rin yung pondo, balak nyo po mag extend or uwi na ng pinas at balik nalang ulit sa SG? Salamat po
  • sir @bobong, umalis na ako sa SG 2 days after ko kunin.... kaya naiinip ako maghintay.. haha
  • 3 weeks na.. sabi nung officer 5-7 weeks daw.. may cases bang mas maaga sa 5 weeks nakakuha na agad?
  • @malamigdito may kakilala ako sabi nakuha nila after 7 weeks. Pag pumasok napo sa SG bank nyo yung fund babalik pa po layo dito to withdraw from the bank or wire transfer nalang po.
    Sa umuwi na po ba kayo ng pinas or lumipat sa malamig na lugar?
  • @bobong sir lumipat na kami sa malamig last year pa.. so talagang 7 weeks pa...wala naman na kong utang sa IRAS since di na ako nag-work sa SG simula mid-2017..hmmm.. wire transfer na lang siguro paunti unti.... libre lang naman ata pag DBS?
  • nakukuha ba agad ung pera ng buo or pautay utay? parang meron ata balita na pautay utay na ata bigay...totoo ba ung chismis???
  • Sa ngayun sir. Binibigay pa ng buo, baka later on utay utay na. Dami na kasi nag aalsa balutan na pr dito.
  • thanks for the info..I also check with Malaysian officemate at sabi nila pag land travel daw ung place mo SG-Malaysia utay utay daw pero pag via plane one shot daw...
  • kakarenounce lang ng friend ko buo naman nya nakuha.
  • gaanon katagal nila nakuha @lhetski? 4 weeks na wala pa din hehe
  • yung friend namin nagwork from starhub, 9 years PR, nagrenounce sya ng march nakuha na nya ng april. I asked her inlan weeks inabot sabi nya exactly 4 weeks. Nabilisan nga ako kasi yung iba 6 weeks inabot.
  • Update mo naman dito @malamigdito kung ilan exact weeks mo makuha kasi we are planning na din umalis early next year...
  • sige po.. balitaan ko kayo as soon as dumating na..
  • 6 weeks and waiting pa rin.. hayz.. manganganak pa naman si misis.. sana dumating na :neutral:
Sign In or Register to comment.