I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Renounce PR

1235

Comments

  • Patulong naman po. Pano po ba mag renawns ng Pi-Ar kapag nasa Canada na?
  • edited November 2018
    @bobong baka makatulong

    If you are overseas, you can usually visit the nearest Singapore embassy/consulate or courier them the required documents for processing. Double-check with the embassy/consulate of Singapore in your jurisdiction for their exact procedure & requirements. There is no fee charged for cancellation of your Singapore PR. Once your documents are processed, the ICA in Singapore will send you a letter confirming that you are no longer a permanent resident of Singapore.
  • Buti pa kau ng rerenounce ng pr kami naman ng aaplay ulit hubby ko haha for the 5th time ng agent n kami un previous appocation namen eh puro online lng. Sana sa ika 5th namen sa awa ng diyos eh maapproved na. Kung pwede lng ipamigay pr nabigyan na kmi ng kapwa pinoy natin na mag rerenounce hehe.. ang swerte nio po hehe.. godbless po
  • @Jamila subok lang ng subok. not sure kung tama or mali, pero sa tingin ko ay hindi nakakatulong ang agent/agency sa pagkuha ng PiAr. ang tingin kong tulong nila ay kung hindi mo alam ang proseso at mga ilalagay at kakailanganin sa pag-apply ng PiAr

    good luck and God Bless
  • @Jamila ..haha matagal na po akong umasa na ma pepeAr ang asawa at mga anak ko, kaso walang swerte. Nag apply na nga rin ako upang maging citizen kasama mga anak ko, sabi ko huling baraha ko na ito. Kaso hindi tinangap. Kailangan daw PR asawa ako at mag apply daw kami ng buong pamilya.i do not see the logic,or maybe im blind..hahaa..love na love ko pa naman ang SG kaso ayaw samin ng SG.hhahaa
  • Hay sana nga po kung swertihin kami talaga parang toto lng yan hehe pag na approved eh di na swerte po diba. Tama po kau subok lng naman subok hehe. Godbless po
  • Thank you sa reply @sundays ... naku sana nmn December makuha ko na din ung sa akin..para mas merry ang christmas... :)
  • @raffles47 nakuha ko na..7 weeks tingal. Via telegraphic transfer
  • @sundays diretso po ba natransfer yung pondo nyo sa Bangko sa Pinas?
  • Yes @bobong telegraphic transfer sa bangko sa pinas..nagopen ako ng singapore dollar account at dun ko pinatransfer
  • @sunday @raffles47 hingi lng po ng tips,eto po plan ko:

    1st day - lastday of work
    2nd day - punta sa ICA para mag renawns
    3rd day - punta sa CPieF opis
    4th day - jalan jalan,emote ,empake
    5th day -flight to pinas.

    Kaya po ba ng 2 day yung sa ICA+CPpieF ?
  • edited January 2019
    Kaya po ng 1 day yung pagrenounce. Pumunta po ako 9am sa ICA natapos ako ng 10am. Dumiretso ako cpf sa Maxwell took me 30 mins to finish. I was given 31 days stay sa sg. PR pa din ang hubby at anak ko.
  • @bobong kung nakaplan na yung pag renawns mo at pag widrow ng sipief..kumuha ka ng appointment online sa ica at sipief para diretso na on your selected date and time. Pede 1 day lang yan..umaga sa renawns at sa hapon yung widrow..ganun ginawa ko kse after 2 days lumipad na rin ako
  • Hello po.
    11 yrs na kaming PR. Ako po ang main. But since 2017 when we renewed our RE ENTRY permit ng apply na po cla on their own, except my hubby, kasi of legal ages na po cla.

    Question: pg ng renounce po ako ng PR ko affected po kya ang children ko?

    Tks for the answer
  • 17 workings day lang makukuha na ang pera sa cpf not counted ang weekends at public holiday sa bilang. Direct from your bank here in SG kaya wag nio muna iclose ang bank nio dito before kayo magrenounce, hayaan nio lang sya naka open mag automatic close naman yan pag wala ng funds at nakuha nio na☝️
  • edited March 2019
    @Peacetayowagmokoaway saan po kayo nag renawns ng PR?
  • @Belenducks
    Yes affected p din mga children mo dahil sponsorship mo pa din sila, unless sila ay naging PR in their own Merit
  • @Bong
    Qrious lang po sa reply kay @Belenduck, may actual cases nor experience na ganon nangyari? paano po yung family members na may work as PR?
  • Nakapag renounce na ako nung dec 31 pa. Pero hubby and son ko PR pa din. Si hubby main applicant. I'm still in sg. Under tourist Visa.
  • @lhetski yap, kung hindi ikaw ang main, pwede kang mag-renounce na hindi apektado yung ibang members of the family. ang medyo hindi pa sigurado ay pag yung main ang nag-renounce tapos may anak na syang 21 or above
  • edited June 2019
    Plano ko din po mag renounce ng phee-ar at mag wdraw ng si-pee-ef.. ask ko lang po... kung pa telegraphic transfer ko po sa Philippine bank lets say BPI or BDO.. may section po sa si-pee-ef form na BANK CERTIFICATION... May naka experience na po ba sa inyo na mag pa certify sa Philippine bank?
  • @lhetski... nakuha nyo po ba ng buong buo ang agimat? see-pi-ef?
  • @Peacetayowagmokoaway, sir yan din isa ko option... ipa credit ang agimat sa D-B-S ...tapos i remit ko na lang online from D-B-S to phil bank.. mas ok po ba ito?
  • @maestro may kakilala ako na pina-diretso sa Pinas bank ang pera
    - unang padala papuntang pinas bank, reject
    * ang hininging additional ng Pinas bank ay certification/e-mail galing SiPiEf kung saan nanggaling ang pera
    - pangalawang padala, ok na
  • hello po... itanong ko lang po if may nagrenounce na ng PR pero hindi nila muna kinuha ung cpf nila?
  • @liklikja ??? normally kasi ang dahilan ng pag-renounce ay para makuha mo na din ang pera mo. kung hindi mo pa kukunin, pwede ka namang umalis ng SG na hindi mo renounce ang PiAr mo
  • Hi po, Ask ko lang, kung nasa oversea ka at malapit nang mag expire ung Re-Entree permit ng PiArr , pwedeng huwag ko munang kunin yung sepeef

  • or do i have no choice kundi kunin ang seepeef .. kasi mag expire na ang ree-entree permit

  • Meron po bang ngrenounce ngayong may pandemic?

  • @MC21 meron po akong kakilala. nasa Pinas sya nung nagka-covid. pero nakabalik sya dito para ayusin ang mga papeles

Sign In or Register to comment.