I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
Investment Opportunities
Hi fellow OFW, sulit kaya na investment ang AIA insurance at real estate condo sa
Comments
pero kung ako ang tatanungin sa landed property ako..
investment for casino financing...if interested pls e-mail...I cannot give full details here...
Im a condo owner in manila and as mentioned nga properties talaga nde ka lugi. Of course consider checking the developer. I am now connected with SMDC and we have wide choice of good investment for you all to check. I hope we can invite you for a talk in Aug 19 in Novotel Clarke Quay. Free dinner will be served. No commitments, we will just showcase the new project line up that you might be interested in investing on.
Please send me a private message or tx me at 82863586.
Thanks
Tapos their after service customer service also sucks. I google nyo lang.. madami complaints. Sabi ng friendsk o keylangan mag threaten pa sa HLURB para kumilos. isang malaking head ache lang ang SMDC.
Payo lang sa inyo before u part with your hard earnt OFW money (tayo kase ang tinatarget ng mga developers na yan, yung may kaya na konte, at wala na man masyadong alam sa true market sa atin kase hindi tayo dun based).
But yes, go for the free food hehe.
Tara attend tayo kasi may free food. May free uber or grab vouchers din po ba?
1.
Claim: Yung monthly amortization ma cocover ng rental income the moment ma transfer na sa inyo yung unit at napaupahan na.
Fact: Sa dinami dami ng condo na para ng kabute sa metro manila, kapag na transfer na sa inyo, hindi magically lalabas ang tenant, ilang months bago makahanap ng tenant, may mga umaabot pa na years na bakante ang unit bago mgka tenant. At ang rental rate ay most likely hindi sapat to cover yung monthly amortization ng loan, dahil nga sa sobra ang demand ng units, ang baba ng rent. Kaya yung iba sa Airbnb ang bagsak, at tanungin niyo yung management ng condo niyo kung i-allow ba nila ang Airbnb, kasi yung iba ayaw gusto nila sila mag manage ng pagpapa upa.
2.
Claim: Luxury living dahil sa amenities, security, at management ng condo
Fact: Strict rules na tipong pati bisita mo eh may head count bago ka makapasok o makapag invite sa amenities.
Management sucks na kapag may ni-report ka eh tagal kang mag hihintay bago ma address yung issue na nireport mo. After sales is non-existent ika nga, bayad na ng bangko ang unit eh, wala na sila pake sayo. Rude pa ang mga guard at mga tao sa management office ng condo na daig pa mga may ari ng unit kung umasta, tratuhin kang tenant instead of resident.
3.
Claim: Investment, maibebenta ng malaki after X years.
Fact: GOODLUCK! after X years, mas marami na ang condo kesa sa 7/11 and MiniStop outlets combined sa Metro Manila, bawat kanto may condo na, kaya hindi yan mabebenta with a premium.
Attend lang kayo sa events nila dito, masarap mga pagkain at may mga freebies ba, pero wag kayo mag commit ng hindi niyo inaral ang market back home at kung di kayo nag basa ng mga reviews online. SMDC and DMCI notorious ang reputations online from disappointed condo unit owners.
lalo nay yung mga century at ayala properties sa makati at BGC na sobrang out of this world.... 270K price per sqm ...CHE! Mas mahal pa than some states/countries sa US/Europe na mas maganda ang government and infrastructure.
at hindi nyo ba na pansin satin... pag mag sign up ka sa preselling.. wala man lang credit check haha. justkolord it's one big financial disaster waiting to implode. para lang yang US housing crisis noon na bili lang ng bili hindi man lang pinag iisipan yung fundamentals. Only buying because you're afraid it will be higher tomorrow, which is only proliferated by these sales tactics.
so have fun going to the free dinners,but u better have a nerve for it, for the true price is if you're weak and they get your signature on the dotted line.
Especially the quality of materials they used.
When we went back to Phil last Dec 2016, we saw their units nakakaawa ang itsura
Meron sila pang mass housing and meron premium daw. but the premium version is overrated.
Sorry sa term ha parang "Tenement" ung isang nakita namin na SDMC sa Tagytay.
Reklamo sa actual unit: Meron tayong 2 years warranty sa unit after turnover, basta hindi voided ang warranty wala ka dapat problemahin.
CI/credit investigation: Hindi ganoon kahirap or kahigpit ang CI. Bakit? kasi ikaw ang nagbabayad ng down payment sa developer. For example. 30% Down payment 70% bank financing... Makakakuha ka sa developer ng unit sa pagbibigay ng simpleng valid IDs, Billing address, at reservation fee. Bakit? kasi ang babayaran mo palang bilang buyer is yung down payment, kapag hindi ka nakapag bayad ng down payment sa isang pre-selling project, ibebenta lang ulit ni developer ang unit mo. mararamdaman mo ang matindi at mahigpit na CI pag nasa part ka na ng bank financing.
Luxury living dahil sa amenities, security, at management ng condo: This is true, sa developer tulad ng DMCI Homes, having many amenities is like living a luxurious life. baba ka lang building may pool, akyat ka ng building may gym, punta ka rooftop may bar and ect.... eto yung mga bagay na hindi lahat ng pilipino ay nagagawa... about sa security and management, siguro nagkataon lang na sadyang may mga guard na hindi mabait or mapangsita. kahit naman sa opisina or sa ibang lugar, laging may isang kups. diba?... pero hindi ibig sabihin neto ay napaka pangit na ng isang condominium.
Investment, maibebenta ng malaki after X years: Totoo to... totoo kung nasa tamang lugar ka or nasa tamang developer ang binili mo... Example, mandaluyong or pasig project (center ng metro manila) pre selling binili mo sa halagang 2,500,000. Ang construction may take 4 to 5 years by the time na nabuo na ito, totoong mas mataas na ang value neto pag binenta mo tulad ng kahit anong real estate investment. Mahirap ba ibenta? tulad ng kahit anong real estate investment oo mahirap ibenta kung ikaw lang ang magbebenta at sa tropa mong tambay mo lang ibebenta, kaya nga meron tayo mga brokers or agents na pwede nating lapitan para ibenta ito para sayo sa presyo na mas mataas sa binili mo.
Siguro may mga kulang pa akong sagot dito please let me know. I will be happy to answer every questions or negative feedback. I will be honest sa mga sagot ko. I will be honest because I am a father. I work because of my family and God. I know the feeling ng pag hihirap sa trabaho at ayaw ko din na ako ay niloloko. Bilang Pilipino, baguhin natin ang traditional na ugali na naghihilahan pababa. Dapat tayo mismo ay nag tutulakan pataas. Sagutin ng tama ang mga tanong, at kung may problema ay pag usapan. Sa mga kapatid natin jan sa singapore, I wish you all the best in life. Maging masagana ang inyong mga buhay jan at ang mga pamilya ninyo sa Pilipinas. All peace, one love! ingats.
wish ko lang ma adopt ng mga developer satin yung standard/quality ng constrction sa SG, yung tipong bago ka lilipat pasado na lahat sa QC/inspection...hindi yung paglipat mo saka mo palang mkikita mga defects..
"kaya ang iba dinadaan nalang sa social media bka ksi hindi nman sila pinakikinggan or walang action nkukuha..." May mga instances na ganitong nangyayari. Katulad din sa mga mamahaling villages dito sa Pilipinas. Pero may mga pangyayari din na talagang hindi nagagawan ng sulusyon. Masakit para sa isang naginvest. Kaya nga dapat, kung ikaw ay bibili ng condominium magreresearch ka muna at ang una mong hahanapin ay ang developer's background. Ang mga dapat mong alamin ay, gaano na katagal ang isang developer, saan sila kumukuha ng supplies, sino ang contractor nila, background ng contractor nila at higit sa lahat ano lagi ba silang delayed sa turnover o hinde?... Kapag ang isang developer ay delayed sa pag turnover ng unit, ibig sabihin mabagal ang pag gawa nila, kung mabagal ang pag gawa nila ibig sabihin hindi sila professional, hindi sila maaasahan... Kung jan palang may problema na, hindi malayong magkaproblema pa. Dito sa Pilipinas, meron tayong ahensya ng gobyerno kung saan tumutulong ito sa mga buyers kung may problema ang kanilang biniling prudukto. pwedeng lapitan ang DTI o kaya naman ang
"wish ko lang ma adopt ng mga developer satin yung standard/quality ng constrction sa SG, yung tipong bago ka lilipat pasado na lahat sa QC/inspection...hindi yung paglipat mo saka mo palang mkikita mga defects.." Hindi ko alam kung paano ang standards ng singapore. hindi ko din alam kung paano sila mag quality control. hindi din ako engineer. Hindi ko din alam kung papaano mag quality control or inspection ang ibang developer. Pero sa DMCI Homes, bago maitayo ang isang gusali/project ito ay dapat pumasa muna sa mga ahensya ng gobyerno natin at bago pumasa ito dapat ay ma-meet ng DMCI Homes ang mga standards na kailangan ng gobyerno. Meron din sariling quality inspection ang DMCI Homes bago mag turnover. Meron din tayong tinatawag na testing period ng units, kaya bago iturnover ang isang unit o project sa mga tao, ito ay dumaan muna sa masusing pagsusuri ng ibat ibang ahensya at tao na namamahala dito.
Ano bang quality ang gusto mo mangyari?... Quality ng building? Tibay ng building? Honestly, ang isang developer ay hindi makakapgpatayo ng isang gusali kung ito ay hindi papasa sa standards ng pagtatayo ng isang gusali. Magkakatalo nalang sa kung hihigitan ba ng isang developer ang standards ng gobyerno. Hndi ka kasi pwede mag tayo ng isang project or building kung ito ay below standards pero pwede ka mag tayo kung ito ay within standards or above standards. kaya nga ang binangit ko kanina, dapat ang isang investor or bibili ng unit ay dapat nag susuri inaalam ang background ng isang developer.
sir @popoy naiintindihan ko kung bakit ka iretable sa condominium, baka sakaling may masagot ako sa mga katanungan mo. Sirguro nagkaron ka ng badexperience noon at understandable naman kung ikaw ay maiinis...
I am also curious sa pinag gagalingan ng iyong kainisan sa condominium... Gs2 ko sanang malaman... sana ay mabigyan mo ako ng history na bumagsak na condominium dito sa pilipinas sa nakalipas na 30 years or problema sa quality ng isang gusali ng isang developer.... baka sakaling may dahilan yan at makita ko ang sagot...