I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

JOB-Hunting Websites

1101113151618

Comments

  • Nagka job offer na kasi ako and clock is ticking na sakin here, biglaang lipad kasi sya sa bora. So kahit di na kami magpunta sa ICA no? Basta online nalang?
  • edited May 2018
    Hello po, ung SIM card ba sa singapore gagana pa pag bumalik ako ng pinas? kasi sa september pupunta ako SG for 4 days to familiarize sa place kasi wala ako kakilala sa SG then next year doon na ako mag try mag stay.

    tyka po ano ibig sabihin nung my quota?

    Thanks kabayan.
  • edited May 2018
    @rmonzon sa starhub 6months ata, singtel ay 3months, mas maigi tawag ka sa customer service nila.
    Ang quota ay numbers of local alloted to Foreign talent. (e.g. 5 local = 1 FT depende parin sa MOM may be less or more)
  • edited May 2018
    @carpejem bali tayo is foreign? tama ba? sorry hehe. mas ok wala quota ba?

    thank you.
  • ngek... @rmonzon season...ibig sabihin ni @carpejem mall in jurong eh...ganire........sa bawat 5 na local na empleyado.......pwedeng mag hire ang company ng isang foreign talent...... yan ung sinasabi nila na meron silang available na quota......kung pwede sila mag hire ng foreign talent kung na achieve nila ung requirements or quota to hire Foreigners...pag di nila na achieve ung requirements di sila pede mag hire ng FT.....

    sana malinaw ang pagkaka paliwanga ko......
  • Hi @Bert_Logan na gets ko na hehe. salamat last na ung foreign talent is ung mga taga labas like us? then local is ung mga local residence sa SG? thank you
  • @rmonzonagain mas okay kung may Quota, nasagot na ni @Bert_Logan Car yung iba... SGlocal citizen/PR...
  • ay bakit @monzon rain....may offer ka na ba? ..... congrats kung ganun...
  • @Bert_Logan wala pa, kasi wala ako kakilala sa SG e kaya wala rin ako matanungan, kaya ng ga gather ako ng mga information about SG. sana magkawork ako sa SG hehe :)
  • ah okay po tina @rmonzon palma .....kala ko pa naman meron ka na offer kaya ka napa yehey..... oo mas maganda yan alamin kung anong dapat malaman bago ka sumugod dto para kabisado mo na pasikot sikot at kalakaran pagdating mo dto.... hirap ng kakapa kapa lalo na ngayon...not only here in SG affected ng economy recession
  • Hello po sa lahat,
    may chance po ba na makakuha ng work 43 yrs old software engineer sa sg or may age discrimination sila mga company?
    Thanks in advance.
  • @cbobsharp sa pagkaka alam ko pag Working Permit meron, pero pag S/E/ pass ay wala.
  • edited May 2018
    @carpejem thanks, so kapag S/E/ pass wala age limit ganun po ba? kasi plan ko mag-apply sa sg by next month.
  • @cbobsharp pang managerial na siguro ang position mo based on experience. All the best! God bless your plan
  • pagka ganyang mga age mga pang bossing na yan...yung mga pakuyakuyakoy...pautos utos....hehehhe..peace
  • Guys, hindi ba tayo pwede mag pasa sa website ng careersfuture directly? Parang sayang kasi, ung ibang job posting dun lang nakikita and wala sa ibang job sites.
  • @batmanburger gagawa kapa ng singpass account para makapag create ng account sa website nila.
  • ano po ba usually ang reasons na di na-aapprove yung S-pass? I've tried doing their online self-assessment and the result is "unlikely to be qualified". I've got a bachelors degree, almost 7 years of experience and yung uni ko is nakalista nman siya dun sa dropdown list. I've inputted a 2,200 SGD salary since yun yung minimum for SPass right? Ano po kaya reason na unlikely to be qualified ako?
  • yung self-assessment ay guideline lang naman. pass or fail, ok lang yan. kasi in the end, malalaman mo lang naman pag may nag-apply na sayo ng pass. good luck on your job hunting and sana ma-approve ang pass mo.

    yung line of work ay kasama din sa tinitingnan ng officers and yung company na mag-aaply sayo...
  • @mariamaurer try mo taasan salary. usually di tlg approved pag 2200 lang kpg may experience na.
  • @mariamaurer $2200 is for new entrants at depende din yun s edad, work exp etc. Add ka ng pa fifty fifty dollars.
  • Thank you po for all your feedbacks. I'll try to do your suggestions. Sana nga po magbunga yung job hunting ko. :smile:
  • I'm new to PinoySG. Sayang hindi ako nakapagbasa dito para makapaghanda sa pakikipagsapalaran sa SG. Ang sources ko lang ay dalawa kong kaibigan from college.

    Last year ko pa balak pumunta ng SG, puro online applications lang ako, job sites, direct websites. 4 lang na emails ang sumagot sa akin, lahat hindi umabot sa online interview. So kinausap ko ulit mga kaibigan ko, sabi nila na mas malaki ang chance kapag SG address and number ang gagamitin.

    Sumubok ulit ako this year, plinano ko na after Chinese New Year, iilan din nagsabi na lipatan season dahil nakuha na ang mga bonuses etc. Although naudlot ang plano pero kung gugustuhin talaga, hahanapan ng paraan. Habang nadismaya ako na naudlot ang pagpunta dito, naka abang ako sa airline fares. Nung nagkaroon na ulit ako ng opportunity nung March, sumakto lahat pati ang presyo ng plane ticket. March 18 ang nabili kong ticket to SG.

    Kasabay nung opportunity na iyon, pinalitan ko address at number ko to SG sa resume ko. Nagkaroon ako ng 1 online interview (feeling ko fake), 1 scheduled interview on March 20 (agency pala). In other words mas responsive ang mga recruiters kapag SG details ang gagamitin mo.

    Pagdating ko sa SG. Whole day ako nagsesend ng resumes. Sa kasamaang palad, hindi ako morning person, hindi ko nagagawa ang payo sa akin na magsend ng resumes sa madaling araw, tawad pa nga yung 530am, sinisend ko kaagad kahit gabi na. Nakakapagod maghanap at gumawa ng iba't ibang cover letters sa 100+ companies, double pa ang effort dun dahil maliban sa job sites, binibisita ko rin ang company website para mag email directly.

    Nagkaroon ako ng 2 interviews, 2 email confirmation for an iterview. Ang una kong interview, ay ang akin current and now employer, dahil wala akong luxury makapag stay ng mas matagal tinanggap ko yung trabaho. At first hindi ko tinanggap dahil malakas kutob ko na magkakaroon pa ako ng ibang interview dahil may mga iilang positive response sa email. Ang current employer ko binigyan lang ako ng 2 days to decide kung tatanggapin ko offer or not. Kinausap ko mga kaibigan ko, sabi nila pwede daw ang maraming IPA, then saka mamili kung alin may mas magandang offer (hindi ito totoo, kapag nakita sa MoM na may pending application ka na, hindi tatanggapin ang pangalawang application). So tinanggap ko ang offer.

    Ang pangalawa kong interview, mas inline siya ginagawa ko since nagsimula ako magtrabaho. Mas gusto ko ito kesa sa una. Nagustuhan na ako ng company pero na pressure ako dahil paulit ulit na tinatanong kung hanggang kailan na lang ako, so sa kasamaang palad, nabanggit ko na may pending application ako. From there, drinop na nila ang offer. Ang sabi na lang sa akin, kapag nareject ang application, contact na lang sila ulit. Nakakadepress pero after a while, magreflect sa mistakes and move on lang. They still gave me a chance naman.

    A week after mag eexpire na ang SVP ko, dahil optimistic kaming lahat, hindi ako nagtry mag exit sa Malaysia or Indonesia. Triny ko ang extend visit, nareject ako. Isa sa mga rason din kung bakit hindi ako nag-exit kasi makikita nila sa records na nagpapaextend lang ako. So napauwi na lang ako sa Pinas, kailangan ko rin kumuha ng mga damit at paper works na baka kailangan pa. Sa awa ng Diyos, lumabas ang IPA ko the day na nag-expire ang SVP ko at 6pm.

    So IO ph ang next problem ko para makabalik ng SG. After a week abang abang ulit ng mga seat sales, nakakuha ako sa PAL going to Malaysia. Mindset lang talaga ang tourist mode. Salamat sa Diyos at hindi kinuwestyon ang 29 days ko sa SG. Ang hindrance lang na naexperience ko ay sa papasok ulit ng SG, hinold ako ng immig para lang iconfirm kung tama or legit ang IPA ko. Since nakita nila na may 29 days visit na rin ako sa SG.

    At ngayon may S-Pass card na ako. Lakas ng loob lang mga kabayan at pananalig sa Diyos. Mindset ko talaga ay ready na ako umuwi kung wala ako makuhang trabaho pero pinagkaloob sa akin na dito na magtrabaho. Magpasalamat palagi at ibahagi ang pasasalamat ayon sa Kanyang adhikain.
  • Congratulations Ehran. God bless you and happy working in Singapore.
  • congrats @Erahn sana ay marami pang palarin na katulad mo. good luck sa SG life
  • Congratulations @Erahn Sana ay mahawaan mo lahat ng job seekers dito sa community. Goodluck!!!
  • congrats @Erahn! Enjoy SG! Wag kalimutan magpa-member sa OWWA para legit :)
Sign In or Register to comment.