I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

JOB-Hunting Websites

11213141618

Comments

  • @miaracca nkpasok man sya na CS, mahihirapan na sya makabalik sa field nya, so maling stepping stone yon. focus ka lang sa field mo. mas malaki chance mo sa sarili mong field kesa CS na hindi in demand dito at locals na bilingual ang preferred. hindi rin madaling maapprove ang pass mo kung ung job ay di related sa tinapos at experience.
  • @miaracca baka naman IT CSR un schoolmate mo?
  • hi, tanong lang andito kase ako sa uae, and plan ko magmove sa sg, malaki ba ang chance nang engineer sa sg mechanical engineer
  • @titay depende po. Yung iba swertihan lang. Itry nyo pong magsend kng me mgrrespond sa inyo.
  • @titay apply apply kana online para malaman mo kung chances ng field mo dito
  • Hi..matagal ko na pong plano mag apply ng work sa Singapore and this March 2019 na ako pupunta and naeexcite ako hehe.. yung contact details ng resume ko ay sg address and phone no#(contact details ng family member sa SG).. ako lang din mag isa mag travel, pero may tatak na ng SG IO kasi nag layover na ako sa Changi before. Employed pa ako dito sa PH ( 3 years exp), and advice wag daw muna ako magresign..ok lang kaya if until present yung nakalagay sa work history and Philippines though contact details ko is for Singapore na...and ok po ba ang March 2019 for job hunting. Thank you!
  • @thisisit okay lang mapag uusapan naman yun kung okay lang sa kanila na need mo pa magrender o kaya urgent mag immediate resign ka nlng, tip lang iwasan mo yung mga holidays dito para 1 month mo sulit at mas maganda apply apply kana habang nasa pinas kapa para pag meron ka makuhang interview first week mo plang dito meron kana kagad pupuntahan. goodluck
  • @geneFlynn salamat sa tips..nabasa ko din dito sa pinoysg at least 2 weeks before arrival dyan magsend na ng mga applications, pinag iisipan ko din kung magreresign ako, need kasi daw ng company ID sa mga IO hehe. Natry ko din mag apply dati online gamit yung ph contact details at isa lang yung pumansin hehe, and hanap daw nila ay bilingual..
    @Vincent17 actually walang specific, business ad grad & nasa insurance field/outsourcing ako dito sa pinas.
  • @thisisit before ka magpunta dapat alam muna applyan mo :) hindi kasi pwede dito kahit ano nalang.
    for ID's sabihin mo nawala ID mo at hingi ka ng bago :)
  • mga boss patulong naman kung may alam kau available transient room. November balak namin ng friend ko pumunta dyan sa sg para mag hanap ng work thanks.
  • try niyo sa gumtree.sg

    chambahan lang talaga.
  • Hello po mga Kababayan, papunta po akong SG this coming February to explore po for new opportunities. Accountant po ako for almost 9 years dito sa Philippines. Any suggestions po sana sa mga pwede kong applayan. Thank you so much po and Godbless sa ating lahat.
  • @ms_justmine normally for your line, puro online at job portals. search mo lang sa mga threads re job portals.

    good luck and God Bless
  • Thank you so much po @kabo , pakisama na din po sa prayer na sana makahanap ng work.
  • Hi @gary_garlic nabasa ko experience mo mula nung nasa Pinas ka hanggang magkaron ka ng offer. Kamusta sa SG? Recruiter - Banking Ops ka pala. I've been sending my CV's since December last year sa mga banks jan sa SG kaso wala pa rin akong natatanggap na response. Btw, nasa Banking Ops ako, Global Markets Ops, Settlement function. Nakikita ko sa LinkedIn maraming job posts available kaso naiisip ko mukhang malabo may kumontak sakin kasi nasa PH pako at wala akong relatives sa SG para magkaron ng SG sim number and SG address. Can you help me ano pang pwede kong gawin aside from sending numbers of CV everyday? I have almost 3 years experience sa back offfice and 2 years ngayon sa Banking Ops.
  • Hi,

    Newbie lang dito mga sir/mam. Nandito na po ako sg since Feb 3. Nitong weekends lang ako nakapasa ng resume sa mga company dahil nakalocked phone ko last week. Any tips or baka may alam kayo opening for maintenance engineering, facilities engineering, or electrical/mechanical. Electrical engg grad po ko and 5years experience sa Pinas. Salamat po
  • @Aisaka hindi po talaga nila kayo iientertain pag wala kayo SG no. since most of the time gusto nila ang makausap ka nila through phone. Nung nag start ako sa SG nag wowork ako sa pilipinas at nagpabili ako ng SIM card sa kakilala ko kaya bago ako pumunta sa SG may interview na naghihintay sakin. Atleast mamaximize mo yung time mo na nandito ka sa SG. Kung taga Pampanga kayo, pede ko kayo tulungan sa SIM card.
  • Hi @mcbmaya kapag ba nagkaron ng SG sim halimbawa then macontact ako, okay lang na sabihin kong currently residing ako dito sa PH? And hiw about naman po sa address ko na nasa CV ko? Okay lang ba na address pa rin sa PH yung nakalagay though SG sim na yung contact ko na nandun?
    Hindi po ako taga Pampanga :( taga Roosevelt, QC po ako. :(
  • edited February 2019
    @mcbmaya hello, meron na akong SG sim, nandito pa po ako sa pinas.. nakakareceive naman ako ng tawag at call from SG.. pero di talaga ako maka send ng message or call palabas.. normal po ba un? haha or may di lang ako alam na kelangan i setup
  • @Playfish anong provider mo? tawag ko bukas kung gusto mo
  • Anyone na alam ang sagot sa mga tanong ko sa taas?

    Saka po anong kalseng sim ba ang dapat ipabili ko? Kasi yung friend ko nasa SG sya now and pinakita nya saking sim is nakalagay valid for 7 days lang.
  • @mcbmaya may friend ako taga Pampanga baka pwede naman para magka Sg sim ako. TIA
  • @Aisaka sorry late reply.. taga saan sya sa Pamp? kung gusto mo sa sunod na paguwi ko pa deliver ko nalang SIM. Sayang kakauwi ko lang last week, next ko uwi is next month na. I think address is okay lang, basta ma call ka lang nila enough na yun pero you need to tell them pag nagiinvite sila for interview. Madalas kasi gusto nila after call mag set kagad ng interview or meet up within a week.

    @Playfish anong sim card gamit mo? singtel, starhub or m1?
  • Hi @mcbmaya salamat sa reply! Sige okay lang kahit next month mabilis lang naman ang Feb saka para mas makapag prep pa ko kung sakali sa phone call nila. Super salamat!! Nasa magkano ba ang Sg sim? And ganun pala yan? May validity lang ng ilang araw? Taga Sto. Tomas, Pamp yung friend ko.

    Wow pala. Halos panay ang uwi mo dito satin. Salamat ulit!
  • @Aisaka okay pm sent din.

    Yun kasi kinaganda nang nasa SG madali tayo pede umuwi. 3 hours and 30 mins lang para ka lang na traffic edsa haha.. besides halos monthly may promo fare naman ang mga airlines hehe
  • Hi kailangan po namin ng senior software developer limang taong karanasan pataas with end to end software development skills. Padala niyo po sa akin [email protected] o kaya ay sa [email protected].
Sign In or Register to comment.