I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Success Story of a first timer - The Calculated Risk

13567

Comments

  • @jayshei28 wow congrats! claim mo na po iyan :) also tips naman po on how your online application became successful! Para samin mga kabayan mo and aspiring na makapagwork sa SG! :)
  • Hi @cdesperat. Thank you :)

    TIPS:
    1. update your profile in linkedin, glassdoor, indeed etc.. yung tipong pagtingin nila sa profile mo eh imimessage ka nila agad. Ako kasi, I'm always updating my profile sa Linkedin. Also pati na din yung resume/cv. Make sure you included lahat ng ginawa mo sa previous and current company mo. Also, make it simple. Sakin 1 page lang resume ko pero andun na lahat yung information na need ng recruiter.

    2. Don't stop. Nakailang pasa ako sa isang araw, pag nakita kong fit ako sa position na yun kahit na hindi tugma sa working experience ko eh pinapasahan ko pa din haha. Also, wag ka panghinaan ng loob pag may magrireject sayo. Part yan pero atleast diba nagreply sila :smiley:

    3. Maging madiskarte. Minsan mas okay if isend mo yung resume mo directly sa email nung hr nila. Pero mas maganda if mismong recruiter nila ang makausap. Karamihan naman sa kanila ay nasa linkedin. Pakapalan lang ng mukha, di ka naman kilala haha.

    Ayan lang po pinaka-tips ko. I hope makatulong sa ibang naghahanap ng work :)
  • korekkk wag mawawalan ng pagasa, un yon. sa 500 na maipapasa mong job applications, swerte na kung magkaron ng 5 na interviews. normal lang na 99% rejected.
  • Sana all :(

    Miss na miss ko na Sg! April to May 2017 ako nandyan to look for a job but no luck.
  • @jayshei28 kamusta process ng apply nagdaan ka pa ba POEA? o lumabas ka na lang ng pinas as tourist?

    @cheskapot Try mo lang po ulit. wag mawawalan ng pag-asa. minsan hindi po tlaga nkukuha sa isang pasada lang. may kakilala nga ako first attempt nya nag 60days siya tapos after 2months nag try ulit siya. ayun sa 2nd time siya nakahanap ng work.
  • @isorn4x thru online ako nag-apply. Pasa sa indeed, glassdoor at linkedin.

    Pero yung papers jan nako sa sg mag-asikaso. Hopefully tuloy tuloy na po ako jan sa sg.
  • @wersurshock pareho tayo. Nagrerender na lang din ako. Baka magkasabay pa tayo ng flight haha
  • @wersurshock sa ngayon ay dapat ang nakalagay sa kontrata sa kwarto ay 6 na buwan pataas. pero kung may kakilala ka dito, pwede kang makisuyo para matulungan ka nyang maghanap ng matutuluyan
  • @wersurshock ok. ok kung S-pass. yap, tingin ka ng rooms tapos patingnan mo sa kakilala mo pag may nakikita ka. or malay mo sa mga nandito sa group, baka merong may bakante
  • @wersurshock oo meron.. utility room nakuha.
  • Hi kababayan. Ano pong gawa niyo after niyong magpasa CV ng umaga? Nagtatry ba kayong magwalk in sa companies o nagtatawag? Medyo magastos kqsi yun pero effective kaya?
  • @miaracca hindi ako nag walk-in. Naglalaro lang ako pag wala incoming interview pampalipas oras. Pag meron sched interview nag aaral ako ng mga possible itanong sakin, nag rresearch ako ng company background, mga possible question na pede ko itanong sa interviewer. ang natatandaan ko na pinag gastosan ko ay nag top up ako ng prepaid load para ako mismo tatawag sa mga company na pinag applyan ko.
  • bawal paupahan ang utility room paalala lang
  • @isorn4x slamat. Medyo fail ako sa ibang application ko. May tumatawag rin saking agencies pero parang di ako kumpyansa sa offer nila dahil nabasa ko rin nmn mga kwento dto. Aral aral talaga for interview at mga companies.
  • @geneFlynn construction. CE ako. Kmusta ang work o application?
  • Ano po usually hotel n mgandang ibook pag first time pupunta jan? Mga Holiday Inn levels b? Ano tourist spot?
  • Hello po :) okay din po ba mag apply ng Jobs sa Changi Airport? :) kasi yung line nang work ko sa airport
  • Hello po ulit. Ok lang kaya January pa lang mag send na ng applications pero sa March yung flight ko pa SG. Iniisip ko kasi kung medyo maaga..and sa Feb, Chinese New Year based sa ibang comments nahihirapan sila makahanap ng feedback sa employers. Ilan weeks po kaya before mag back to operations ang mga company sa SG after CNY? And if okay na magsend agad ng applications after CNY? Thank you! :)
  • @thisisit you can never tell, do it now
  • edited December 2018
    Hi pinoysg, newbie here pero matagal na akong nag babasa dito sa forum. Thank you sa mga helpful responses! Ngayon lang
    ako nag sign up. Need ko lang po ng advice.

    Ilang months din ang plan at apply ko sa SG before finally going here. Sunod2 ang interview ko for 3weeks pero dalawa lang ang medyo positive ang feedback (3 out of 5 binagsak na ako) hehe.

    Anyway, si company A ang mas gusto ko pero they're still deciding pa daw kahit naka 2nd interview + panay follow up na ako. Si company B naman, binagyan na ako ng letter of offer at hiningi na ang mga necessary documents. Mag fo-fourth week na ako so um-exit muna ako for a few days (while umaasa pa rin kay company A na nag promise mag reply the other day pero wala pa rin update). Actively applying pa rin ako sa mga job openings, btw.

    Matapos ko binigay ang documents kay company B, sinabi ko sa kanila na 2600 ang amount na pumapasa ako sa SAT, thinking na useful to na info (kasi lower ang offer nila pero starting lang naman daw yun and tataas after 3months). So ayun, nag reply si company B na "please note that we will be applying work permit for easier application for your case".

    I was expecting na s-pass ang iaaply nila sa'kin kasi wala naman sa list ng work permit skills/job categories ang inapplyan ko. Tanong ko lang po anong pros and cons of getting a work permit (sa employee side)? Di na kasi ako sure kung tatanggapin ko pa rin ba ang offer or hindi.

    Edit:
    Only source of info ko lang about work permit is ang mom website, google, and mga back read ko dito sa forum. If pwedeng ma share ang experience nyo na may work permit malaking tulong na po 'yon para ma enlighten ako nang konti. Salamat po sa mga mag rereply!
  • @sailoruranus congrats! kung ako sayo company B na ko tsaka nalang isipin na mag hanap ng mas magandang offer ang mahalaga muna sa ngayon meron ka nakuhang work, pa clarify mo nlng sa hr nio na kung yung sinasabi nia ba na work permit eh s-pass sa experience ko sa company ko ganyan din eh ewan ko baket work permit sila ng work permit di nlng pass sabhin hehe dun siguro sila sanay at wala pa ko nababasa na for example IT field pero work permit ang hawak.
  • @sailoruranus yap, clarify mo. sa sweldo na around 2+, normally s-pass category yan. and kung s-pass nga yan, kung ako tatanggapin ko na kung pasok naman sa hinahanap mong trabaho. saka na yung mas magandang trabaho at mas malaking sahod.
  • Hello po. I got a job offer in SG, sinagot ng company airtix at accomodation para lang sa mainterview ako. At nagpasa na rin ako ng mga docs ko, Passport Details, Educational details, although hindi ako college, yung High School diploma ko lang ang isend ko. Binigyan nila ako ng final answer bago mag Dec 15 kung tatanggapin ko ang offer. I'm 35, married with 2 kids. Ano po kaya maipapayo niyo sa akin bilang first-timer since diyan na ako magwowork sa SG next year? Thanks po
  • @ronaldsb payo kung tatanggapin yung offer? tama ba?
  • @ronaldsb mukang okay yan company nakuha mo ah, sa pag kakaintindi ko inapplyan kana nila ng pass tama ba? payo ko lang mag basa basa ka ng mga threads dito sigurado madami kang matututunan about sa transpo rent food. congrats!
  • edited December 2018
    @ronaldsb Mahirap malayo sa family, but singapore is just 3.5hrs away from Ph. Mukha naman malaki offer ni company sayo at galante sila dahil sagot nila Air and accomodation mo para sa interview lang. so mga 4-6times makakauwi ka sa PH =) what you need to take note is yung cost of living dito, usually 2-3 times ang price ng bilihin. Same goes with the house/room. sagot din ba ni company ang bahay mo?
Sign In or Register to comment.