I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
Comments
so kung hepa b positive ka, pag dineclare mo yun, baka hindi ka matanggap, sayang ang pagod at gastos mo. pag hindi mo naman dineclare at nalaman sa darating na panahon, problema pa rin kasi pwede kang tanggalin dahil hindi ka nag-declare ng kumpleto
opinyon lang po
for example, i will apply for an online extension then na reject, so before my visit pass expires i will exit out of sg then balik sg after 5 days, will the previous rejection of my online application of the visit pass extension affect my reentry to sg this time?
mas maka save ka lang talaga sa online extension in case ma approve diba? if mag opt ka sa exit out of sg, what is the best country nga maka exit ka? ilang days? and anong reason para maka balik ka sa sg?
good country to exit, as long as hindi malaysia at indonesia.
depende yan kung ilang araw ka sa ibang country. back read ka dito maraming nag eexit kahit sa indo at msia. meron nakalusot meron din na office at meron d nakapasok.
sabihin mo nalang roundtrip ticket mo ay pinas>sg>pinas at dapat meron ka maipakita at hindi matagal ang date ng return ticket mo pagbalik mo sa sg.
BEFORE APPLYING:
- Balak ko po nun mag vacation leave and mag visit sa SG and stay for 2 weeks para mag apply2x. Then I discovered this forum, nagbasa basa ako, and dun ko na realize na sobrang risky and walang assurance pag pupunta ako sa SG tapos 2 weeks lang. parang napaka-hirap.
- Nakapag-decide ako na mag hahanap ako ng work sa SG thru online habang nasa current job ko sa Pinas. Para mas tipid and para di risky. hehehe.
- I invested so much time when I updated my resume. As in nag research ako pano gumanda ang resume ko lalo na experience ko lahat eh working sa Pinas. Nag research din ako kung anong format ng resume bagay sa field ko. So I suggest, pinakauna talaga is ayusin ang resume. Kasi yan naman una titignan ng employer bago ka nila i contact.
- Nagpabili ako ng SG sim. Nilagay ko ang SG number sa resume ko para if magustuhan ni employer ang resume ko, di sila mag aalinlangan i-contact ako kasi SG number eh.
- Pray and pray and pray! Sinasabi ko lagi sa prayers ko na sana para sakin ang SG, pero kung hindi man, okay lang din. Tatanggapin ko kung ano ang talagang para sakin.
APPLYING PERIOD:
- tinignan ko lahat ng job portals (JobsDB, Jobstreet.sg, monsters.sg, linkedin jobs, gumtree, etc) araw araw after office, nag-send ako ng applications. Minsan sa gabing gabi na, kaso nabasa ko dito na mas okay kung yung mga office hours mag send ng applications. Kaya ginawa ko, minsan nag scre-screenshot ako sa gabi, tapos sa umaga ako nag i email. Di ko na mabilang total applications ko. Pero yun nga, lagi "not suitable" lalo na kapag recruitment firm/agency. Ang gusto ko sa jobstreet, nakikita ko kung naka-ilang view ang employer sa application ko. So dun ko napansin na yung mga MNC na inapplyan ko na same industry ng work ko sa Pinas, sila yung madaming views sa application ko. So baka mas okay na unahin applyan yung mga same industry ng company mo sa PH.
THIS IS IT PANCIT PERIOD:
- After 2 months, out of ilang applications ko po diba, may isang MNC recruiter (same industry ng trabaho ko sa Pinas) nag email if open pa daw ba ako. I said of course! Hehe. Tumawag sya sa SG number and sabi I schedule ako for interview. Sinabi ko na nasa Pinas ako if okay lang ba thru videocall. Pumayag naman po sila. So lahat ng interviews ko ginawa thru skype. During sa interview, tinanong ako ng hiring manager, bakit ako may SG number eh wala naman daw ako sa SG. Nagpakatotoo lang po ako, sinabi ko na para ma contact agad ako ng recruiter kasi gusto ko talaga makawork sa SG. Hehehe. Medyo mahirap yung interviews kaya akala ko nun wala na.
- 2 weeks after nung final interview ko, may na receive ako na email ng HR Head na hired daw ako. Naluha po ako sa saya and grabe ang pasasalamat ko sa Diyos.
- Prinocess po yung pass application ko after ko mabigay mga requirements. After 5 days, lumabas na po IPA ko.
- Nag book agad ako ng flight, and of course may return ticket, pati hotel. Lumipad ako sa SG with my bf para di po ako ma flag ni PH IO. So yung booking ng flight namin sobrang kelan lang nun. Madaming tinanong sa bf ko yung PH IO, bakit daw 1 week, bakit kelan lang na book yung flight ah. Sobrang iiksi lang sagot ni bf, then nung ako na, di na ako natanong.
- Pagdating ko sa SG, nagpa-medical po ako agad. After my medical result, prinocess na po agad pass issuance then sched ng finger printing and photo imaging.
So yun po ang naging experience ko, sana makatulong lalo na dun sa mga hindi risk-taker kagaya ko. May pag-asa po talaga kahit di tayo lumuwas muna sa SG. hehehe. Napaka powerful na po ng internet ngayon.
Pasensya na po sa napaka-habang kwento. hehehehe
TLDR:
- Always pray and ask for guidance from above
- Update resume
- Buy SG Sim
- Apply online
- Maximize the “SEARCH” function sa forum na to.
anway anong sim binili mo? may mga sim like starhub you need to activate muna yung roaming before you can use it or you can try to select manual network instead na auto set. My kilala ako na binilhan ko ng sim ganyan prob kahit activated na roam nung sim wala pa din makuha signal. Na fix issue nung nag manual select sya ng network na globe.
I started applying last year September 2018 kase natapos na contract ko sa work sa PH.
So ako todo apply online Jobstreet, Monster, JobsDB, Indeed, LinkedIn etc.
Lumipad ako sa SG nung October 2018, ganun din ginawa ko gaya ng nakararami,
2 weeks ang ticket ko but planned to stay for 28 days.
After 3 weeks wala talaga akong mahanap na trabaho lahat na ata ng santo nadasalan ko na,
pati na din ung budha sa bahay ng tinitirahan ko sa sobrang desperate.
May mga interviews pero walang mga call back kase siguro dahil tourist visa lang ako.
Nung last week ko na nag try ako mag extend online pero rejected.
Tapos may tatlong company na tumawag saken for final interview a day before ng flight ko pauwi sa PH.
So in short umuwi akong luhaan sa PH kase wala akong nakitang work at walang tumanggap saken.
Yung tatlong company na nag final interview saken lang ang inaasahan ko if may mag follow up pa.
Umuwi ako saten after a month sa SG, sinabi ko na lang sa family ko na waiting ako ng results
ng mga final interview ko, kumbaga pampalubag loob na din.
After a month sinabi ko na sa sarili ko na wala na ko pag asa mag trabaho sa SG so nag apply na ulit
ako sa PH.
First week ng January 2019 may tumawag saken singapore number, bute tinawagan ako kahit na PH number gamit ko.
Sabi nya if interested daw ba ako for a job apportunity pero ang hinahanap nila is nasa SG na na locally available.
Sabi ko naman sa kanya babalik ako sa SG this week kahit na wala ng talaga akong plans.
So sabi nya sige daw, may initial interview ako sa fone and then sabi nya gusto daw ako makita nung client face to face
interview.
So nagbook ako ng flight pa SG kahit na sobrang mahal kase mabilisan lang ung flight bute na lang kakakuha ko lang
ng backpay ko that time. Then ayon smooth naman ulit pag pasok ko sa SG di na ko ininterview ng IO.
Pagka dating na pagkadating ko kinabukasan ininterview agad ako. Nasagot ko naman lahat at awa ng Dyos nakapasa ako.
Job offer agad after 3 days.
Pero ang problema wala na daw silang quota for spass
Bute na lang mabait ung client ung expected salary ko dinagdagan nila based on SAT para maging EPass ako.
First time ko mag tatrabaho dito tapos Epass agad ako. So sobrang blessed ko. after 13 days na approved na din agad sya.
Ngayon Working na ako dito since February with EP.
Totoo nga yung God has plan for you, kaya siguro hindi ako natanggap nung unang try ko kase may mas better na
opportunity na dadating para saken.
Other Info:
5 Years Exp ko sa PH
IT Industry (Database Management)
Bachelor Degree BsCPE
FnB field ko