I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Ramdam na ang mga pag babago :(

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na this coming January 2020 dagdag sahod na naman ang mga espas and bababa ang qouta ng 13%. Kasunod neto ang pag baba ule ng quota to 10% ng 2021 at pag taas ule sa ng salary requirement.

Ramdam na ramdam na to dito sa work place ko, karamihan ng mga Pinoy na ka trabaho ko hindi na na renew ngayong taon at next year. Reason is hindi ma justify ni Company na taasan ang sahod tapos same job lang din naman gagawin. Medyo mapalad tayo at na promote ng isang level kaya nadagdagan ang skill set and work load.

Halos 70% and hindi na renew na espas sa department namen. :'(

Nakaka awa lang yung ibang kababayan naten na marami pang binabayaran sa pinas, yung iba kaka simula lang sa mga house loan nila/ car loan.

Ramdam narin ba sa inyo?

_WintySpider_
«134

Comments

  • Samen freeze hiring ng foreigners since last year pa. Ganun talaga no choice kelangan maging handa sa mga changes na magaganap.

  • Nakakalungkot nman. Mabuti at pinalad k kabayan.

  • @zhypher33 kaya nga e, ako nalang matitira sa department na pinoy. Nakaka lungkot lang talaga.

    Kaso walang magagawa, hirap na talaga sa ngayon.

  • @Michaeltan ganon tlga sir. Hindi natin masisi ang gobyerno nila. In the end lets all be thankful that we were given a chance to live and work in this wonderful country.

    For me, 2021 renew ko. I am also worried but positive since the company has a very strong local population.

  • @zhypher33 wala naman din kami problema sa qouta e, siguro nasa 1200 plus local namen. Ang problem is yung increase kasi. Ayaw na pumayag ni company na mag dagdag sila ng sahod for the same job.

  • @Michaeltan yap, dito din samin sunod-sunod ang mga reject sa renewal ng s-pass. hindi lang pinoy, may ibang lahi din. may mga unang renew pa lang (after 2 years) na hindi pinalad makahanap ng ibang trabaho at nasa Pinas na

    ganyan talaga. yan ang mga bagay na hindi natin hawak

    kaya tayong mga nandito pa, samantalahin at gawin ang tama at mabuti para na rin sa mga susunod pang susubok dito sa bansa na to

  • @kabo tama.

    Sa huli talagang performance nalang ang batayan, matira matibay kumbaga.

    Gf ko kaka renew lang last week, 3 years na binigy ng company nya saknya. Sinecure na sya .

    Nakaka lungkot lang talaga, nakaka awa mga kababayan nten na hindi pinalad.

  • @Michaeltan congrats sa gf mo. at least sure na 3 yrs nya

    kaya do our best at dasal na lang.

  • @Michaeltan Epass si GF mo tama? Kasi ang balita ung ibang Spass 1 year lng binibigay eh.

    Hayz kinakabahan tuloy ako. kakastart ko lng dito this Jan 2019. Sana pagbigyan p ko sa 2021.

  • @zhypher33 espas sya. Yung friend namen 1 year lang binigay. Depende ksi yan sa company nyo.

    Kung tingin ng company nde na nila kakayanin at ng qouta nila talagang nde na yan mag bbgy ng mtgl na extension.

    Mabuti nga at 3 years na agad binigay sa GF ko.

  • @Michaeltan

    pwede pla, sabi kasi dito up to 2 years lng eh. https://www.mom.gov.sg/passes-and-permits/s-pass/key-facts

    Anyways sana ako din ma renew saktong sakto p nman ako. Jan 2021 expiration nung spass ko eh.

    Question po pla.

    Kapag eligible k s E-pass as far as salary is concerned pero S-pass ang na issue seo. mabuti po b un or masama pagnagrenew n ko s 2021?

  • @zhypher33 ang alam ko po kasi pag EPASS wala naman qouta, so mas okay yun siguro.

    spass ang tlagang apektdo next year and 2021. Mag pa EPASS ka na, para ayos na hehe

  • @zhypher33 tama si @Michaeltan may advantages and Epass over SPass. pero take note na hindi lang salary ang requirement para sa Epass. minsan kahit abot sweldo mo, Spass pa din ang binibigay ng EmOEm. may mga instances din na below Epass ang sweldo pero nakakakuha ng Epass (depende sa klase ng trabaho)

  • @Michaeltan @kabo As far as i know E-pass ang inaapply ni Company pero S-pass and nagrant kahit malaki ung lagpas ko s minimum ng E-pass. Yes, po totoo n malaki advantage ng E-pass s S-pass. Kaso aun nga S-pass nabigay skin.

    I am using the example of sir @Michaeltan don s office nila n maraming naalis since ayaw n "dagdagan" ung sweldo ng mga pinoy dahil nga mahihirapan madefend s MOM at hindi nman nagbago position.

    Parang naisip ko lng na how does it affect pinoys like me na kahit paano above nman s minimum ng S-pass, dapat ba taasan ulit sweldo ko kahit way above minimum aq ng S-pass or hindi ako affected dahil nga lagpas ako s S-pass minimum requirement s sweldo. Hehehe.

    Yes i know the company will apply for an E-pass for me s 2021, pero syempre don tyo lagi s worst case scenario para mpaghandaan.

  • @zhypher33 so far ang mga na-reject sa renewal ng S-pass sa kumpanya namain ay yung ang lampas sa minimum ay 400 and below. yung sa mga lampas ng malaki sa minimum, wala pang due for renewal

    pwede mong subukan sa SAT kung ano ang minimum na sweldo na papasa ka sa s-pass para magka-idea ka

  • edited December 2019

    meron tinry na e pass sa SAT last apr2019 yung sahod is 5k pwede maging epass. tapos nung aug2019 aapply na sana ng epass pero spass yung outcome sa SAT na 5k at minimum 7k for epass. kaya hindi naka pag apply ng e pass at buti meron quota ng s pass. naka pag pirma na ng employment letter kahit hindi pa na applyan ng pass.

    i think ang mom tinaasan din ang salary requirement sa SAT ng mga pinoy. the more exp and older u get, the higher salary required.

  • balita ko lang sabi ng isa namin lukel na iba naman daw lahi ang open nagbabawas na sila mga datihan, parang mga french, aussie, nz, parang ganun daw gusto nila cater.....

  • @Bert_Logan talaga ba, nako kawawa naman mga kababayan nateng hindi papalarin. Tsk.

    Talagang kelangan lang mag ipon ng mag ipon para kung ano man mangyari may mggmit sa pinas.

  • yup malapit na rin halalan for sure papogi na naman sila sa tao, dami ksi wala trabaho lokal.

    https://www.straitstimes.com/singapore/manpower/unemployment-rises-to-highest-level-in-a-decade-in-q3-2019-but-employment-growth

    so asahan nyo prayoridad muna mga tao dto

  • As per sa HR namin priority next year ang Malaysian, saamin nasa 30 na Spass na yung pinauwi since Jan 2019 preparation para dun sa mga deserving for renewal, kung mapapasin nyo or baka samin lang hindi na WP ang binibigay sa Malaysian kung hindi Epass, bakit priority yung Malaysian? Ayon sa kanila walang foreign levy na ipapataw sa kanila. Isa nga siguro ako sa uuwi dapat ngayon Dec kung rejected yung PR ko. Buti na lang talaga sinuwerte.

  • ayun PR na sya grats.... bawas na sweldo mo ng 14%

  • @Bert_Logan 5% pa lang naman binabawas for the first year.. Next year 15% na.. My consideration naman ang sg gov para mag adjust.

  • nice atleast may additional share naman ung company isipin mo nalang ipon mo na rin...

  • @kabo nagtry ako ng SAT. 7k minimum para magin epass ako. halos same ako nung example ni @Samantha1 nilaro ko ung dates and experience ko same result laging 7k minimum para maging epass.

    Ung nakuha kong room nmin ng family ko ngyon 8 yrs n ata dito s SG aun hindi n din daw na renew, Umuwi n ng Pinas. Hayz, sana nman tlga palarin p n mabigyan ng additional 2 years dito s 2021 renew ko eh.

  • @zhypher33 kung s-pass at base sa estimate ko sa sweldo mo, basta may quota malamng ok ka pa. pwera na lang kung e-pass lang ang consider ng company mo

    good luck sayo at sa iba pa. dito samin sunod2x ang non-renewal (reject ang renewal) ng s-pass kasi mga hindi masyadong malaki lampas sa minimum at base sa SAT ay kailangang madagdagan ang sweldo para pumasa. kaso, ayaw ng company magdagdag ng sweldo

  • @kabo siguro try ulit ni company apply ako as E-Pass pero d b may option don na kapag rejected ang E-pass apply for S-pass. Alam ko kasi E-Pass tlga inaapply skin dati kaso aun S-Pass naibigay. Salamat ulit!

  • @zhypher33 Uu pwede ka naman e apply both epass at spass. Meron yan option in case ma reject ang e pass mo Pwede ka sa spass. Considering the company has spass quota.

    Teddy
  • @Samantha1 99% sure ako Spass ulit ako kng sakali. Nag try ako ng SAT eh, kahit anong laro gawin ko s experience same p din nalabas 7k minimum para s Epass. Ang layo ko s minimum.

  • Pahingi naman po ng tulong. Kasi po natawagan po ako direct hire. Ibibigay daw po sa akin ay E pass pero ang sweldo po ay 1800 sgd tas free accommodation. Hindi ko alam kung sunggaban ko na ba or hindi na lang? Salamat po

  • @Gellie mahirap yung gnyang arrangement. epass minimum salary sa pinoy ung may atleast >7yrs experience, nasa 6.5k dapat sahod

    malamang mangyayari jan magsosoli ka sa knila ng pera which is illegal

    need mo rin bayaran ung malaking tax due sa high salary declared nila kay mom khit na 1.8 lng natatanggap mo

    sinuggest nila yan kasi walang quota ang epass pero malaki salary reqt

Sign In or Register to comment.