I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
Comments
Tama po @Bert_Logan , maging wais sa buhay at wag masyadong maluho. Kopi-O sa kopitiam pwede na.
ako nga ung kape nalang dto sa opit ang tinitira ko...nyahahahha
Buti pa sainyo may pa kape, samin kahit 2 in 1 wala. lol
@Gellie illegal po yan sa Employer side and delikado ang situation mo rin pag na huli ng MOM.
https://www.theonlinecitizen.com/2019/01/15/company-falsely-declaring-salaries-to-get-employment-passes-is-not-a-new-thing/
Personally, wala pa ako kakilala na natangalan na ng work ngayong 2020. Though sa church namin, me naririnig na ako na madami na daw companies ang nagbabawas ng foreigners and mostly pinoy ang natangalan ng work.
Tama si @Bert_Logan, hanggat maari mag ipon. Noong first year ko dito, narealized ko "one year na yun? Ang konti ng naipon ko and then isang taon nalang ang work visa ko." Kaya ako, medyo tipid na talaga para if ever man na mapauwi sa pinas (wag naman sana) or kung saan man palarin hindi ganon kahirap magsimula ulit.
ako nga naisip ko kung ung mga nasa pinas nakaka survive tyo pa kaya na galing abroad na may bitbit puhunan kahit konti....
kaya wag matakot kung mapa uwi man...go lang ng go
@Bert_Logan ang mahirap jan, ung iba satin sanay na sa lifestyle dito. parang ung kakilala ko, nung nasa abroad, syempre sanay ang pamilya na gumastos ng malaki kasi malaki din padala niya. nung nawalan work at napauwi, hindi nagadjust ang lifestyle, pero lumiit ang kita sa pinas, ang ending baon sa utang.
nung bago pa lang ako dito sa sg, sinaksak ko na sa utak ko na walang kasiguraduhan dito. kaya todo ipon kami ng bf ko noon na asawa ko na ngayon. every pass renewal, lagi namin iniisip na ahhh 2 yrs na lang natitira, pero sa totoo lang di pa nga guaranteed ang 2 yrs kahit marenew tayo, pwede pa rin mawalan ng work anytime. Kaya importante talaga magipon para sa future.
oo kaya dapat maging wise....pag umuwi wag mamihasa face the reality lalo ngayon di natin alam mangyayari dto sa esgi....haissst
@maya ako naman me friend ng friend ko, 5 years sa SG, napauwi sa pinas walang naipon and napundar. Kahit nasa pinas ako, medyo kuripot ako sa sarili ko. Hindi naman nabago ngayon kahit nasa SG na, haha.
Na abot na kasi ng esgi yung quota nila sa mga dayuhan ng manggagawa kaya medyo mahirap na makapasok o ma renew mga kontrata. Di katulad noon na yung gobyerno pa naghihikayat. Dati noon isang araw lang pey-ar at ngayon halos isang taon aantayin mo tapos di pa sigurado.
sinabi no pa
@fibz07 ako din kuripot na noon pa. hahaha sabi nila habang lumalaki ang sweldo, lumalaki din daw ang gastos kasi nagaadjust ang lifestyle, parang hindi naman sa akin ganon pa rin. hahaha. may kakilala din ako 8yrs sa sg, mga laruan at gadgets hilig nya. tas nung di na sya irerenew ng company, inadvise niya kaming mga baguhan na wag gumaya sa kanya, parang anglaki ng sisi nya na hindi man lang sya nakapagpundar. saaaddd
sa mga matatagal na dito sa sg, asan na ung friends niyo? Friends namin isa isa na umaalis. nasa malalamig na lugar na or nagbalik bayan na. nakakalungkot lang kapag isa isa mo nawiwitness sila na nagaalisan. dati pag gatherings angdami namin, ngayon wala na gatherings kasi wala na lahat.
@maya siguro nasa tao lang din talaga. Mas masaya ako na me nakikita akong savings kesa gumastos, shopping or kumain sa mamahaling restaurants. Haha. Though minsan minsan nirereward ko ang sarili ko and pumapayag ako sa invite na kumain sa mamahalin with friends, bihira lang hahaq. Collector din ako ng toys pero gadgets hindi na masyado, dami ko na din na collect na toys dito sa SG, magastos nga.
@maya marami na sa mga kasabayan ko na umalis na papuntang Osi, Enzi, Can at yung iba bumalik na sa ating lupang sinilangan
habang may work, ipon lang ng ipon para pag biglang nawalan. at least may magagamit
@ekme sayang, umuwi na siya ulit pinas? depende talaga sa lifestyle mo dito sa Singapore, kahit gano kalaki ang sweldo mo kung magastos ka naman, wala din. Meron dyan hindi naman kalakihan pero may napundar na kasi hindi maluho.
Eto mga money-saving plans ko (sana makatulong):
-- Hindi mag-upgrade ng phone (Note 3 pa rin)
-- $18 prepaid top-up (good for 5mths sakin)
-- No data (sapat na sakin ang Wireless@sg)
-- Internet @ $29.90
-- Cable TV @ 29.90 (gusto ko tanggalin pero need ni misis)
-- Palit Electricity (Union Power gamit namin)
-- 25C na A/C naka-timer (pag-off ni A/C, mag-on si Fan)
-- Naka-LPG
-- Walang dine-out at window shopping (excluding Valentines at Bday ni misis)
-- Online grocery or si Yaya na bahala
-- Twice a year lang kung umuwi (naka-Piso fare pa)
so @nubrid may $500K ka na bang ipon sa bank?....lol
@nubrid idol ko to. Business minded na, lakas din mag save.
IMHO tama ang mag-save at i-maintain ang lifestyle. Kulang ang savings lang. In fact, ang sinasabi sa mga investment books ay masama ang perang nakaimpok sa bank. Sa investment books din malalaman na ang utang ay nakabubuti kung gagamitin sa asset na kumikita. Tama din na hindi sweldo ang solusyong pinansyal. Ang kailangan ay Financial Literacy.
Para dun sa mga nagbabalak mag-Osi/Enzi/Can/Yues, panoorin nyo ito. Mas maganda pang mag-impok sa SG, mag-invest sa Pinas at magretiro sa Pinas kesa sa mga bansang iyan.
Sa totoo lang, nag-join ako sa Pinoysg para i-share ang kaalamang pinansyal na libre at no strings attached. Dedma ang karamihan dahil marahil napaso na sila ng mga scam o hindi nag-work ang investment o business. O marahil, maangas ang dating ko at feeling know it all. TBH, sa kababasa ko ng mga investment books, na-realize ko na ako'y bobo pagdating sa pinansyal. Kaya until now, basa ako ng basa ng iba't-ibang libro about investment, business, personality dev't at sales.
Gusto ko man tumulong pero kung ayaw, paano? Ano sa tingin nyo ang magandang paraan para mag-reach out?
@Bert_Logan tama! Paano mo nalaman?! Pero ~S$500K worth ng utang sya (hindi ipon). Tapos need ko pa ng Php300K in 2 months (pautang naman!). Ang maganda lang sa utang ko, cashflow-generating/value-appreciating asset sya naka-invest. Allergic ako sa savings dahil bumababa ang halaga ng pera dahil sa inflation at monetary easing.
Kilala nyo si Dennis Uy? Malamang, pareho kami ng binasang libro about investment XD.
@fibz07 naku, hindi ko deserve yan pero salamat! Newbie ako pagdating sa investment at business kaya tuluy-tuloy ang aral. Unfair Advantage, Powerhouse Principles, 7 Habits of Highly Effective People, atpb. Basa ng basa tutal wala akong data kapag nasa byahe.
agree ako kay @nubrid. pero importante pa rin na may insurance tayo at may ready cash na sapat. for emergency ba, kasi pag emergency, hindi naman agad2 na maeencash mo ang investments. madalas pa, nalulugi ang ininvest kapag hinugot mo ito ng biglaan dahil wala tayong cash. so important pa rin may savings, tapos saka iinvest yung sobra.
@ekme agree. It's my fault kasi sobrang eager ako i-share ang mga natutunan ko (sa libro at mga investor/business mentors). Partly kasi I feel this is the golden time for PH at crucial ang next 5-10yrs. I feel burdened na i-share yung info kasi if we miss the opportunity, we really miss the opportunity. Ayoko naman na ang makinabang sa golden time na ito ay mga banyaga (tulad ng china). Totally agree na baguhan ako kumpara sa mga fellow-investors/businessmen among my circle na nasa Php50M++ net worth na. Malamang isa ka sa mga yan, tama?
@maya totoo yan. Dapat din may exit strategy. Gaano ang liquidity ng mga assets. May iba pang paraan bukod sa savings/emergency loan tulad ng personal loan, equity loan, cashout refinancing, credit card, etc. Nagkaroon lang ng bad reputation ang loan at credit card kasi ginagamit sa liability at hindi sa cashflow-generating asset.
Ang pinaka-importante po ay planning. Kung walang 1/3/5/10 year planning o goal, risky talaga ang investment kahit may savings/emergency fund. E.g. sa planning ko, need ko ng S$50K by July 2020, another S$63K by Aug 2021, tapos positive cashflow nako by Dec 2024 (i.e. retired na!)
Agree ako mga brother maganda talaga maginvest sa pinas. Ang totoo dyan Asia ang mauuna in terms of finance/economic growth so maginvest tayo lahat sa pinas. Maraming banks ang nagsasabi nyan ayon sa forecast/study nila. Although ang negative naman is yung quality of life sa pinas sa ngayon. It will take lots of generations para magimprove ang pinas hindi yan tipong 5 to 10 yrs eh parang sg na sya. May mga kilala ako na nagpunta sa Canada. Magaling sila maginvest may 3 condo na sa pinas so may 90k passive sila every month going to Canada. Kaya na bayaran yung monthly mortgage nila sa bahay all from their passive source of income. It's a matter of choice din lalu na pag may family ka.
@maya * savings/emergency fund I mean. Wala pa rin ang edit option ko dito sa group.
@ryanc based sya sa data:
PH GDP Rank @ 24th place (2030), @ 19th place (2050)
PH GDP Rank @ 38th place (2018), @ 27th place (2030)
SG GDP Rank @ 37th place (2018), @ 41st place (2030)
PH Economic Rank @ 36th place (2020), @ 25th place (2029), @ 22nd place (2034)
SG Economic Rank @ 37th place (2020), @ 39th place (2029), @ 39th place (2034)
PH Most Optimistic in the World
Asian Century
Maliit ang 3 condo. Ako nga, 9 condo kulang pa rin . Yung mga kasama ko naglalaro sa 15-20 condos/properties. Yung veteran, mga 60+. Si Kiyosaki, 3000+.
yung sabi ni @ryanc about sa quality of life, isa yun sa dahilan kaya gusto ko tumakas sa pinas. parang sa ngayon, plan E ko lang ang magfor good sa pinas pag di nagwork ang plan A to D ko. nung naranasan ko tumira dito sa sg, wow grabe anglayo. so pwede naman pala yung ganito? safety pa isa sa kinoconsider ko din.