I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
Comments
@maya yap, naglabas na memo ang Philippine Embassy
kwento ko lang yung officemate ko pinoy, nareject ung renewal ng pass niya dahil sa salary requirements. wala na sana balak iappeal ng company dahil siguro ayaw na din iincrease ung sweldo, maghire na lang ng mas mababa sweldo. pero dahil sa lockdown at rejected din lahat ng new pass applications, no choice kundi i-appeal ung rejected pass nya, pag renewal kasi pwede pa which is good news. kahit papano, na-save siya ng covid19 hehe
@maya na approve? sana nman.
@kabo Correct. Well, better than no job at all. I always look at brighter side of things. Mas marami p din kababayan natin ang sobrang nahihirap lalo n ngyon s lockdown.
@zhypher33 yes naapprove, tumaas pa sahod nya. tuwa nga kami lahat.
@maya mabuti nman po kung ganon. Ako s Jan 2021 expiration ng pass ko. Sana ma renew din. 1st renew ko kung sakali.
Ingat po sa mga babalik pa lang ng SG na OFWs. Wag po basta basta na lang babalik dito. May approval dapat.from MOM.
=========================================================================================
@AhKuan nangyari na ito sa mga galing China, 500+ ang narevoke last month. naulit pa, hayst
+82 new cases ng Covid-19 satin. Sad but i am expecting this to be hundreds on a daily basis lalo n kapag dumami p ung tests kits. Madaming matigas ang ulo eh. sablay p ung ibang namamahala. Kelan kaya tyo magkakaroon ng disiplina at kelan kaya "mababawasan" ang corruption satin. Sagad kasi hanggang buto ang corruption satin. kakalungkot.
nakita ko nga ung post ng phil embassy sa fb, nagdonate ng test kits ang singapore. nalungkot ako, hanggang palimos na lang ba tayo ng test kits? tas kung makademand ang mga tao ng mass testing, kala mo dami test kits eh haha. anyare dun sa test kit na inimbento ng UP scientist?
@maya akala yata nung iba ay normal lang na blood test na anytime pwedeng gawin.
pero sana nga soon sumunod na mga tao. dun kasi sa sablay yung ibang nasa gobyerno, nandyan na yan eh, sa next election pa ulit makakabawi dyan.
sumunod at gawin na lang muna sana ng lahat ang tama para sa sarili na din nilang kaligtasan at para na din mas maagang makabawi ang Pinas
ingat guys sunod lang tayo sa mandato ng govt. buti na lang nakabalik si misis last month. before lumala ang covid. pero sa company nya finorce quarantine rin cya for 30days kahit d pa uso ang 14 days.
Yung mga epal na celebrity kung makapost sa account nila akala mo tatlo singko lang lang ang test kits.Ang daming nagmamadunong na gunggong sa Pinas.
Good to know na umaaksyon na rin ang MOM about sa Sunday off ng mga kasambahay. Its a matter of when magkakaroon ng infected cluster kung patuloy silang di magiingat.
Last Sunday I over heard from one kababayan natin na Pinay venting out her frustrations sa impending directives ng gov abt Sunday off. Medyo galit si Ateng kasi bihira lang daw silang lumbas then pipigilan pa daw.Hayyy....maski dito dala pa rin ang pagiging pasaway.
@voltesV kaya nga, may pahashtag mass testing pang demand ang mga tao. namamalimos na nga lang ng test kits ang pinas sa ibang bansa eh, mass testing pa more?
@Admin good at least safe na si misis mo dito
kaya din umuwi agad ako last month para bisitahin ang aking tatay na may sakit dahil nga ang naisip ko, kung March pa ko uuwi ay baka hindi na ako makauwi
kaya sa ngayon, I love EsGi muna tayo at hindi muna tayo makakalabas
share ko lang sa inyo:
yung may ari ng bahay na tinitirahan ko, medtech and nagtetest na rin sila for COVID. So dahil ako naman eh di mapigilan ang curiosity kasi nakakagigil nga nangyayari sa pinas. Tinanong ko sya kung gano katagal ginagawa ung testing. Sabi nya, di nya masabi eksakto pero ang turnaround time daw nila eh 24 hrs. meaning within 24 hrs dapat may resulta na. Then, itong test kits daw ay mas matagal lumabas ang result. Meron daw dapat machine para mas mabilis.
Ang tanong ko: bakit di bumili nito ang pinas? Tapos andaming ng sample pinapadala sa RITM. Ako mismo nakapunta na sa RITM (tga-munti ako at naconfine kapatid ko dito dati due to dengue), hindi ito malaking malaking institusyon na kaya ihandle lahat ng testing pang buong pinas. tapos napa-prioritize pa ang mga pulitiko.
Iyon pala nagdonate na si Singapore nung PCR machine sa pinas (along with test kits din). asa na lang sa donation? Nalaman ko rin na itong City Gov ng Muntinlupa ay interested magpurchase nitong PCR na to (hooray Muntinlupa!) pero kelangan pa ng approval from DOH daw ayon sa mayor.. kelan kaya ito maaaprubahan? Tila hindi sila nababahala. Yung mga LGU kanya-kanya na pra sa nasasakupan nila. Nagtitiis tayo sa test kits tapos ung isang LGU may kakayahan naman pala bumili ng PCR machine. wala akong pinapanigan na partido pero nakakalungkot isipin na ung walang balita kung ang nat'l government eh nagpprocure netong PCR.
PS gigil ako sa mga Estrada na 2x nagpatest
wala lang share ko lang. wala ko mapag-share-an ng inis e. hahaha
@ladytm02 Its part of who we are, unfortunately. Ganon ung kultura natin eh...
matanong ko lng pla. Regarding sa latest restrictions sa SG. How does it impact you? Kung tama ung intindi ko 1 month isasara ung mga gimikan at lilimitahan n din tlga ung mga pagsasama sama ng mga tao s public places. I hope wala nman mawalan ng work sa mga kababayan natin. Please share your experience. Salamat po.
Grabe tong effect ng covid. Kami ng partner ko bumalik muna ng pinas habang inaantay work pass namin. Nung natanggap na rejected parehas. First time namin magwowork sana sa sg. Mukhang lahat ata ng bago nirerereject talaga
@baconcheese nakakalungkot naman. sayang ung opportunity magtry kayo ulit after nito..
@baconcheese base din po s mga nababasa ko dito s forum. Tama po ung hinala nyo. Goodluck po s susunod.
@Teddy ung tanong mo kung may nag-uwi na ng desk top, marami ako nakikita haha. tas ngayon lang umuwi ung asawa ko may dalang cpu at monitor, work from home na daw sila hahaha
Guys paalala, iwasan kumain sa hawker at lumabas with friends.
1m social distancing is now LEGALLY ENFORCEABLE. $10,000 fine plus up to 6 months jail time.
Wag na tayo dumagdag sa madedeport, ok?
@ladytm02 only yung may mga SHN at quarantine order ata
FINALLY WFH NA COMPANY KO wef 30mar20
buti k p. ako BAU lng. huhuhu
@Samantha1
"SINGAPORE - From Friday (March 27), people in Singapore who intentionally sit down less than 1m away from another person in a public place or on a fixed seat marked as not to be occupied, or who stand in a queue less than 1m away from another person, will be guilty of an offence.
They can be fined up to $10,000, jailed for up to six months, or face both penalties upon conviction under updates to the Infectious Diseases Act made by the Ministry of Health and published in the Government Gazette on Thursday (March 26) night."
source: https://www.straitstimes.com/singapore/coronavirus-safe-distancing-rules-kick-in-failure-to-sit-or-queue-1m-apart-from-others
i suggest magsubscribe kayo sa whatsapp ni gobyerno (dot) esgi, naglalagay sila don ng mga bagay na dapat natin malaman. pra iwas tayo sa deport/penalty. wed ko pa natanggap ang info na yan sa whatsapp.... today lang officially nilabas sa straits..
@zhypher33 magcontest na lang tayo, patibayan mga company natin. hahaha.
just now: pinapirma kami ng declaration nagsasabi na aware kami about the distancing and penalty. para wala silang pananagutan samin. pero may pasok pa rin sa opis. idol ko na sila. haha
@ladytm02 salamat. pano yung sa public transport?
https://www.straitstimes.com/singapore/failure-to-keep-1m-apart-could-result-in-a-fine-jail eto yung bago
update ko din yung comp namin kaya browse2 ako palagi sa news
hinahanap ko pa yung official info from moh about this
@ladytm02 tingin ko mauuna keo mag WFH compare samin. May preparation din dito ng WFH pero logistically and business wise, hindi kasi tlga pwede dahil nga nasa Business Travel Sector kmi. The possibility n mag WFH is if mag lockdown tlga ang EsGee.