I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

COVID-19 Epekto sa mga OFW

168101112

Comments

  • @maya sa totoo lang gusto ko na bumalik nakaka 12yrs na rin ako bilang PR

    zhypher33
  • @Bert_Logan kung marami na savings, ok na umuwi. Ako din gusto ko makapag retire ng maaga sa pinas. Masarap pa din sa pinas basta me pera.

  • ahahay 12 yrs.. so long. at ito si @Bert_Logan namihasa na sa WFH, kami nga ndi pa nakakaexperience nyan. haha.

    wala pa ring announcement, may "plans" pa lang na one week - 2days, next week - 3days na WFH salitan daw. ok lang daw na wag kami magwork pag WFH pero expected na pag nsa office kami eh "maximize" daw.. kung kelangan daw magstay until 12am, ganyan ang gawin. binawi lang din ung mga araw na WFH, mas malala pa :/

  • @Bert_Logan mag-asawa ka muna, wait mo si @ladytm02

    @ladytm02 grabe naman yon? Dika nga magkakacovid, ibang sakit naman dahil sa puyatan. hehe

    ladytm02
  • ngayon nag plaplano ang company namin na full blast WFH wala na muna papasok sa opits...yung amo kong CFO pinapagawa ako plano kung paano implement....haisssst sakit sa ulo

  • @fibz07 wala pang final number. meron pa bukas at sa Friday kasi ibang shift naman. semicon ako

    merong Pinoy; halo-halo

  • @ladytm02 agree, lahat ng sobra masama. kaya masama din sobrang tipid. tama na may ipon at investment. pero opinyon ko lang naman, not to the expense na mukha ka ng kawawa dahil hindi mo na ma-enjoy ang buhay mo

  • @kabo Hahahaha. Agree ako lalo na sa huling part na sinabi mo. Tumpak.

  • @maya grabe nga. kung hindi mag-iimpose ang gov, walang balak.. ngayong nagbabalak, pahihirapan naman ang empleyado. huhu.

    @kabo ganyan kase ako non. sa sobrang tipid ko, mukhang kawawa. tipong pag mag-iistarbaks mga opismate ko (na hindi naman madalas), hindi ako sumasama. pag may outing mga friends, hindi ren. hahaha. sanay ako sa ganung lifestyle kase mahirap lang kami.. medyo natuto na ko.. paminsan minsan lumalabas na ko. salamat sa pag-agree. nagi-guilty kase ako pag gumagastos pra sa sarili ko. haha.

    @Bert_Logan gudlak sa planning mo... kasalanan mo yan pag di naging successful ang full time WFH nyo.. :D

  • edited April 2020

    @ladytm02 ok lang yan. di naman kawawa ang di sumama pag starbucks. napakamahal kaya? di ngako magsstarbucks kung di dahil sa voucher ng aia vitality. hahaha. kuripot din ako kasi laking hirap sa buhay. tapos nung nakapagwork na at unti unti nakakatikim, hindi pa rin nagbago lifestyle ko. kuripot pa rin ako. haha. kami lang sa circle of friends namin magasawa ang di makikitaan ng mamahaling gamit. mas masaya akong nakakaipon, nasstress ako pag gumagastos ako. ang luho ko lang siguro sa buhay ay magtravel, ayun, sa travels ako gumagastos na di nagiguilty. pero mura mura lang din naman travels ko, pag sale lang at tipid travels tlga.

  • BREAKING NEWS! covid -19 is confirmed as airborne and remain 8 hrs in air! So everyone is required to wear mask everywhere!! BREAKING NEWS:
    Coronavirus - confirmed to be airborne!!!
    Copper, Steel - 2 hours
    Paper, Plastic - 3-4 hours
    Air - 8 hours or more depending on conditions.
    https://www.cnbc.com/2020/03/16/who-considers-airborne-precautions-for-medical-staff-after-study-shows-coronavirus-can-survive-in-air.html

    WHO reversed their earlier position that Covid virus is not air borne. Pls avoid all public places with aircon especially small or confined ones

  • @maya ok yan.. kanya kanyang luho lang tlga.. ^_^ good for your nakakapagtravel goals kayo ni hubby kahit tipid tipid. malaking bagay din tlga mga budget airline ngayon.

    @Bert_Logan March 16 pa tong article ah? hmm. ano nga kaya? kung ganun eh bawal na rin magpunta sa supermarket.. :/

  • mag stock up na po kayo at ...

    Next two weeks crucial in Singapore's virus fight: Experts - https://www.tnp.sg/news/singapore/next-two-weeks-crucial-singapores-virus-fight-experts

  • @ladytm02 WFH k na? Kakabalik ko lng ng Unpaid leave ngyon s office, aun kakasabi lng skin about WFH pero negative p din. hahaha! pasok p din ako. hayz.

  • @Bert_Logan @kabo @ladytm02 @Samantha1 @maya @fibz07

    Godbless sating lahat at sa ating mga pamilya. Ganon n din s lahat ng nagsusumikap at patuloy n lumalaban s panahon ngyon.

    Hindi tlga ako maluho, eversince. nasanay n kasi ako s "pwede" n yan. Hehehe.

    Pero ngyon nakapag work n ko dito, i feel happy kapag nabibili ko ng gamit ung asawa ko at mga anak ko. Hindi luho ah. as in need tlga nila kahit paano branded na. Nung araw kasi SM department store or Robinson department store tpos as in lahat budgeted, kapag lumagpas ramdam agad nmin epekto s mga susunod n araw dahil kukulangin bago ulit ung susunod n sweldo.

    Siguro eto n lng ung mashare ko s inyo. Hindi n pinaguusapan kng magkano ang tanong ko lagi s sarili ko, "kailangan" ba? kapag OO ang sagot ko. Binibili ko. :)

    Tama din n gumastos paminsan minsan, we deserve it. Gaya ng sabi ng misis ko. "Work hard, Play hard".

    Thank you ulit s inyong lahat at sana malagpasan natin to ng may work p din at higit s lahat "buhay"

    ladytm02
  • edited April 2020

    @zhypher33 hindi pa eh..pinadala lang personal laptop namin para ipa-"set-up" daw sa IT. in preparation for WFH pero wala pang official na statement na tuloy na at kung anong set-up/schedule. sabi daw kasi, 2-3 days a week lang WFH. sinusubukan nilang talaga ung EmOhEm e. haha. sinabi na nga na "not some days, but all days" :D

    di na ako magtataka pag may lokal na empleyado na magninja at magsumbong sa EmOhEm e. haha

  • @zhypher33 pasalamat ka atleast kahit sa WFH ang result eh negative...sa panahon ngayon dapat ang expect mo muna result is negative....kesa naman sa positive ka na COVID19 patient....

    zhypher33
  • ang saya saya....simula ngayon hanggang katapusan ng Abril WFH na kami...yahooooooo

    zhypher33
  • may case na sa tapat ng bldg namin, kung saan ung nag-iisang kainan. sana naman walang mahawa...

  • @ladytm02 may laptop naman pala, dapat tlga wfh na lahat. andaming unlinked cases.

  • @ladytm02 WFH n ko starting next week. Depende n lng kapag badly needed ako dito s office. hehehe.
    @maya base s balita meron n din daw dito s building nmin kaso chismis lng. hahaha!
    @Bert_Logan matindi ang 2020 ano. parang isang dekada inipon ung sakuna para ibuhos s taon n to.

  • kasi year of the RAT alam nyo naman ang mga daga peste...tapos ang sanhi pa ng pinagmulan ng veerus eh ung Dagang may Pakpak...ayan.....napala buong mundo apektado

  • kumusta? affected company nyo sa stricter measures?

    nikz03
  • Pati mga affiliated Company namin mag iimplement na ng work from home starting April 6...

  • ano balita sa mga sector nyo? kami as of now kasama pa sa tuloy ang trabaho.

    sana naman ay walang napasama sa inyo sa mga matitigil ang trabaho o kung meron man ay trabaho lang ang tigil at hindi ang sweldo

  • pasok ang sector namin sa tuloy ang trabaho. work from home lahat ng pwedeng wfh.

  • sana matapos na tong crisis na to.

Sign In or Register to comment.