I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
Comments
same question ko kay @gmmulawin. @voltesV pano mo nalaman na maganda mag-apply ngayon? Dito sa forum na to may mga recently approved akong nabalitaan (mid 2019). may nakalodge akong application, exactly 6 months na next week kaya ito.. crossing my fingers na hindi rejected.. pansin ko kasi 6 months ang pinakamabilis na rejection ngayon. pero backreading dyan sa taas, kay Meepok 10 months. napakasaklap maghintay ng 10 months.
Pano pala guys kung may ongoing kang PR application tapos bigla nacancel ang pass mo for some reason (retrenchment - sa panahon kasi ng Covid) tapos di ka nakahanap ng work? Eh di kailangan mo umuwi. tapos say, after 2 months nakahanap ka ulit kaya balik Sg ka. Maka-cancel kaya application pag ganun?
@ladytm02 oo macacancel, same case sa ex-ofcm8 kong malaysian yang question mo.
@ladytm02 based sa experience ng friend ko, hindi macacancel. Na approved PR niya noong nawalan siya ng work noong 2015 and while nasa PInas siya.
@maya @fibz07 salamat sa dagdag kaalaman. based sa magkaibang sinabi nyo, case to case basis pala.. bago lang yang 2015.. siguro applicable pa rin ngayon. kasi hirap nga naman di ba? matagal na kasi ung proseso nila ng pag-aaprub. di mo naman kagustuhan na mawalan ng trabaho (huwag naman sana) habang naghihintay ng resulta.
ang ending, tlgang depende ang approval kung gusto nila sayo. kung ayaw nila sayo, pwede nila gawing excuse na cancelled ang pass mo. ang tunay na roleta. haha
2017 ung sa ex-ofcm8 ko. malaysian.
so dapat pala mag hanap ng malaysian si ladytm02 para may chance
@ladytm02 nabasa ko din na madalas mag bigay ng result sa 6th month ng application, balikan mo ako kapag me result ka na. Malapit na din ako mag 6th month, 2 weeks nalang. God bless sa atin. Approved sana satin, in Jesus name.
@fibz07 oo naman.. nappraning nako.. 2 days na lang. hahaha
pag na approve @ladytm02 pakape ka naman....
@Bert_Logan hawker kopi lang ang afford ko.. haha
@ladytm02 pede na yan basta libre talo talo na...samahan mo ng isang pao pra naman may pambara
baka bukas lalabas na result mo CONGRATS....
@Bert_Logan harinawa huwag lumabas bukas. Hahaha. kasi pag lumabas bukas, reject yan. wag ka nga. hahah!
@ladytm02 ng di lumalabas kamo ang tagal ngayong lalabas na bukas ayaw mo naman....haisssst...lol
@Bert_Logan hahaha.. patunay yan na babae kausap mo.. magulo! hahaha
@gmmulawin God's grace nakapasok. dati akong contractor ng gobyerno tapos nagapply ako niloob ng Lord na makapasok.
@ladytm02 congrats ngayon na un maya-maya makukuha mo na result mo
@fibz07 @Bert_Logan salamat sa pagsama nyo sa 'kin pag-aabang. mali pala tingin ko, bukas pa! hahahahahah 25th Sept ako nagfile. hahaha
@ladytm02 natawa ako. Sige wait natin tomorrow. God bless you.
@MeePok paanong nakapasok bro?
@ladytm02 sge antay ulet natin isang araw lang naman bukas ng tanghali meron ka na matatanggap na envelop...galing sa gobyerno...at nasusulat dun ang kinalabasan o resulta ng iyong sinumiteng aplikasyon para maging isa sa mga residente dto...
@fibz07 si @MeePok ksi parang umuwi na ng pinas at nag apply ata sa govt parang ganun ang pagkaka intindi ko sakanyang mensahe
Dati ang approval ng peear is by sulat.Kapag manipis ang sobre,sablay...olat.
Kapag makapal,panalo si Joey.
Good luck sa mga naghihintay.
hindi, naabsorb lang ako ng gob. contractor nila ko dati. dito ko nagapply
thank you @voltesV
pending pa rin... stop na ko ng paghihintay at pagchcheck.. antay na lang ng sulat hehehe lagpas na sa 6 month mark
@MeePok God bless you more bro, next time PR na iyan.
Ganon ba yun @ladytm02, ako 2 weeks pa bago mag 6th month mark. Sana ako din ganyan at least it is a good sign.
@fibz07 di ko alam kung good sign, haha sa mga nababasa ko lang dito, may nareject exactly the 6th month e. though expected ko naman mareject.. di naman masama umasa. lalo na ngaun may mga PR na narevoke dahil sa Covid.. di natin ikinasasaya ang pagkarevoke ng PR nila, pero increased chance pra satin na may pending application di ba..
@ladytm02 and @fibz07 isipin nyo nalang hindi approve para pag na aprub mas masaya...parang ako sabi ko di nila approve un...tapos lumbas nag kapalng envelope...hehehehe
pag ung envelope na natanggap nyo manipis...PLEASE TRY AGAIN..
pero pag ang envelope ay makapal..........PARTY PARTY LAHAT NG KASAMA NYO SA BAHAY LIBRE NYO NA NG ISANG MEAL....
Goodluck alam naman ni LORD kung deserve mo na maging PR o hindi kaya wag malulungkot kung di man nyo makamit bka meron iba pa plan si LORD sa inyo...
Parang yung isang officemate ko na 5 times na nag apply dto reject...simula ng binata sya nag apply sya ika 3rd year nya nag asawa at nag try ulet hanggang ika 5times nya rejected....
So nag decide sya mag apply sa Aussie ayun.....one time lang approve agad.....di na nagpatumpik tumpik inayos ung mga kailangan at papeles, pera na mabibitbit ayun so until now nsa Ausie sila mag asawa at dun na rin nagka anak....
SO LAGING TATANDAAN ANG BUHAY AY WEATHER WEATHER LANG YAN....
Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will. Gamitin natin ito.
@Bert_Logan diko alam kung awesome ba dpt react ko o ano, sige LOL na lang haha
subok lang ng subok... sabi nga nila, try and try until magsawa sila sa pag-reject