I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
Karanasan: bedspace, room and house sharing experiences =>
Uy kwento naman kayo ng mga 'karanasan' nyo (sorry nakakatawa ata parang title ng cheap sexy movie). Whether nakakatawa, nakakaiyak, nakakainis, nakakaano pa man, for sure may matututunan kaming hopefuls at ang iba sa isheshare nyo... Also, Ano ba mga dapat at di dapat gawin for the sake of pakikisama, baka minsan kahit common sense na di pala common masyado kaya share lang kayo. Looking forward to reading your stories!
Comments
Asahan mo na ang weekly inuman, videoke, makatok ng pulisya, mga housemates na naglalaro mahjong, tongits, pusoy, at apoy.
Matuto ka makiramdam sa mga kilos ng isang housemate na ate at kuya na bigla na lang nagiging close at nawawala at the same time, at may mga asawa yan sa Pinas.
Kung marami naman kayong babae sa isang flat, eh sigurado may ilan na magaaway or di magkikibuan for something trivial o dahil di lang nila feel ang isat-isa (apparently it's a girl thing).
Mga hindi naglilinis ng banyo, sala, kusina, at sariling kuwarto.
Mga nakakalimot ng mga pinaghubadan sa banyo honest mistake ba or sinadya for you, just let your imagination fly.
May flat na maraming rules na nakapaskil, sa sala may nakapansil na rules, sa kusina meron, sa banyo meron.
May main-tenant na papatayin ang main switch ng aircon pagpatak ng 7am at bubuksan ng 8pm.
Kukuha ng TFC kasama ka sa mgbabayad pero di ka naman nanonood ng TFC even worst di ka nanonood ng TV.
May mga fun moments din kung kasundo mo mga kasama sa bahay, like trip/picni/biking to Sentosa, Pulau Ubin, St. John's Island, MacRitchie Reservoir, or makakasama mo sa mga trip to neighboring countries like Thailand, Malaysia, Bali, Vietnam...etc etc.
Enjoy mo na lang, eventually sa kakalipat you'll end up on a quite/peaceful household, and most importantly makisama ng maayos, do your part sa pag maintain ng household.
pero may magandang matututunan ka rin naman talaga sa pakikisama sa housemates.
Mas dapat ipag ingat yung mga housemates or main-tenant na madaya sa calculation at sobrang daming rules na allowed sila i-break pero hindi mga ibang tenant. At sa babae na gaya mo, higit na mag ingat sa mga lalaki na housemate na tutuksuhin ka, yung magpapabaga paunti unti hanggang sa ikaw na mismo magsilab ng apoy, lol, or worst eh yung mga naninilip at nangmamanyak daw, sadly may mga ganun ding stories.
Basta kapag di mo na feel sa bahay, let the contract expire and lipat lang ng lipat, eventually swertehin.
o kaya naman super bright ng cellphone nya na ang kaliwanagan abot hanggang sayo
madalas akong nagigising sa ilaw ng phone ng roommate ko kasi late sya matulog. tapos ako mulat na mulat ang mata hanggang madilang araw dahil nagising na ako ng ilaw nya, habang sya ay naghihilik na
may isang beses na nakaranas ako ng MT na calculated lahat. which is ayos lang naman kasi fair and square dapat. meron kasing mga common expenses na naghahati kami pati ba naman $0.25 na asin ididivide sa 6
mabuti sana kung kasama ng ibang expenses, pero mag isa lang eh so nakakatawa talaga
kaya naman sabi ko ng may pagmamayabang 'babayaran ko na ng buo ang asin!'
hahaha
no choice eh.. haha