I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Karanasan: bedspace, room and house sharing experiences =>

2456711

Comments

  • edited June 2017
    Kaya nga ang best advice ko diyan eh lipat lang ng lipat kada end ng contract, kahit taon taon ka pa lumipat, eventually makakatagpo ka ng maayos, mababait, matitinong mga kasama sa bahay. May mga matutunan ka pa sa experiences (good and bad) na makukuha mo bukod pa sa ibang "experiences" if you're lucky. hahahaha
  • hehe magtrabaho po kyo at luge kumpanya sa nyo..
  • Huwag masyadong bumili ng malalaking gamit kasi hirap ka palagi sa paglilipat.
  • @popoy haha nagtatrabaho po kami. wala namin kasing bumibili sa tindahan. tsaka sideline ko ang magreply dito. hahaha.
  • edited June 2017
    tama ka dyan @AhKuan napakahirap maglipat pag madaming gamit.sobrang nakakapagod.

    @alingnena matumal ang benta mo ngayon ah hehehe

    @tambay7 gusto ko yang mga ""experiences" if you're lucky. hahaha
  • @ezzy friday kasi. next week pa sahod. tapos maulan pa kaya matumal benta. buti na lang may pinoysg :P
  • hehe @alingnena san ba location tindahan mo ng makautang..
  • naku @popoy bawal po ang utang :D
  • @alingnena bawal ba utang? edi penge nalang po hehe..
  • Eto po ba tindahan nyo @alingnena? Parang sa sentosa lang ah.


  • @alingnena totoo po ba tsismis, bawal na magpasok eight o'clock juice ditto sg??
  • @AhKuan naku sana ay sa akin nga ang tindahan na yan, napaka ayos. may ocd ata may ari nyan eh :p

    @popoy wala ng libre sa ngayon. hindi ko alam kung bawal na yan, kasi di naman ako gumagamit nyan. nesfruta lang. dan dan dan
  • First time ko po na magsulat dito sa dito .Gusto ko lang e share itong mga karanasan ko at ang mga karanasan ng mga kakilala ko sa buhay.At pasensya na kung mali-mali man minsan salita ko.Mahina kase ako sa tagalog.hehe.

    Ang mga karanasan po na ito ay hango po sa totoong buhay at hindi gawa-gawa lang.
  • ay mali palang karanasan at maling forum napasok ko...nyahahahha
  • Reporter: Sir, mainterview ko lang po kayo saglit tungkol sa mga kalabaw niyo.
    Farmer: Okie
    Reporter: San niyo po sila pinapaliguan?
    Farmer:Yung itim o yung puti?
    Reporter: Yung itim po.
    Farmer: Ah, Sa sapa yung itim
    Reporter: E yung puti?
    Farmer: Sa sapa rin.
    Reporter: (tumaas ang kilay) ah ganon po ba. Ano naman po pinapakain niyo sa kalabaw niyo?
    Farmer: Yung itim o yung puti?
    Reporter: Yunng itim po
    Farmer: Ah, damo
    Reporter: Eh yung puti po?
    Farmer: Damo rin
    Reporter:(medyo napipikon na) E san niyo naman po sila pinapatulog?
    Farmer: Yung itim o yung puti?
    Reporter: yung itim!
    Farmer: sa ilalim ng puno
    Reporter: e Yung puti???!
    Farmer: Sa ilalim din ng puno.
    Reporter: (di na maitago ang inis) Bakit mo pa tinatanong kung itim o puti e parehas lang naman ang sagot mo?!
    Farmer: ah, kasi yung itim na kalabaw sa akin kasi yon.
    Reporter: E yung puti kanino?
    Farmer: Sa akin padin.
  • dati may house mate ako, magkumpare at kumare magkasama sa kwarto.
  • edited June 2017
    ay wala kayo sa kakilala ng kakilala ko.
    sina mister, misis at anak nila nakatira sa isang bahay sa master bedroom.
    tapos si mister nagkaron ng kalaguyo na kaopisina
    pagkalipas ng ilang panahon si kalaguyo umupa sa isa sa common room ng tinitirahan nina mister at misis.
    oha. sama sama sila sa isang bubong.
    pero sympre si misis walang alam.
  • @alingnena tapos pag tulog na si misis lipat ng kwarto si mister.hahaha
  • ay malamang ganon na nga @ezzy
    kalowka
  • @bobong baka naman nagkukwentuhan lang si kumpare at kumare sa loob ng kwarto.Hahaha
  • paglumalabas ng kwarto si kumpare palaging uhaw. nagbabaon ng 2 litrong tubig at tuwing weekend late na sila lumalabas ng kwarto...haha
  • @bobong nakakauhaw naman talaga magkwentuhan. hahaha
  • dumi nman iniisip nyo malay nyo bka mandidilig lang si kumpare..
  • hahaha, totoo yan, di ko alam kung magkakakilala tayong lahat at alam natin lahat ang kwentong yan, o masyado na talagang common ang mga ganyang pangyayari dito sa mga Pinoy sa SG, na halos same stories/events ay na wiwitness sa ibat ibang mga bahay.

    Kidding aside, napaka common ng ganyang pangyayari, little variations lang pero same gist.
  • edited June 2017
    @alingnena anu ngyari after 1 year, me plus1 na sa pub at naka-DP?
  • @tambay7 yeah ibat ibang housemate na ang naka sama ko sa loob ng 10yrs. I would say iba iba talaga ang tao. iba kasi ang mindset pag ang tao long term ang plan dito compared sa hindi. tapos iba iba rin ang trip. may nakasama kaming hindi malinis sa katawan, therefore hindi rin malinis sa kwarto. problema pag ikaw ang maintenant kasi ikaw sasagot sa may ari pag may aberya. kaya talaga mas mainam may rule specially pag d mo kakilala ang ksama mo. like tuwing kelan ang sched ng laba, open ng aircon, kwentahan ng pub. may point in time na ang hatian sa pub na nakasama namin gusto nila to the point na pag holiday (wala sa SG) e , proprated ang count. haha. maganda pag may ka housemate kayo e may atleast common friend.
  • edited June 2017
    Si Kumare pala ay kaibigan din ng asawa ni Kumpare, tuwing namamasyal yung kumander ni Kumpare dito sa SG nagbobongding ang dalawang magkumare.
  • @bobong sabi nga nila walang lihim na hindi nabubunyag, balitaan mo kami kapag pumutok na yan.
    lol! ang sarap ng buhay ni Kumpare.
  • bakit kaya dami nag post ngayon na room for vacancies? is it already a sign na madami na bumabalik na pinoy sa pinas? or talagang nagkaka hirapan na dto makahanap ng work or madami na di na renew ang mga pass?

    dami ko kasi nakikita na room and unit for rent....hanggang ngayon di pa rin nila inaalis ung TFC thing.....lalagay nila yung TFC para naman sa loob ng room ng upahan mo may TFC....haissst tao talaga...just to attract a tenant lahat ng modus gagawin...
  • @Bert_Logan sad to say hindi na sya ganun kadali nga compared to before. Kapit mode right now.....
Sign In or Register to comment.