I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Karanasan: bedspace, room and house sharing experiences =>

15791011

Comments

  • Thanks sa paalala.

    Mas ok talaga clear at on paper lahat kung pwede bago pumasok sa kahit ano. Para iwas sa abala sa lahat.

    Salamat guys. Ill start house hunting na this weekend.
  • edited December 2017
    Mas mgnda 3-6 months minimum contract nkailang lipat nko kc nghhnap ako malapit sa work and cheaper rent ska ayko din mga housem8s na d marunong sumunod sa schedule (ligo at laba). Mag solo/utility room ka nlng ska mas mdali mkhanap ng kpalit kung gsto mo lumipat pero bihira k lng mkhnap na with AC.
  • Kung friends mo ung ibang tenants, bakit di na lang si roommate ang paalisin? Ireklamo mo din na napakaselan nya, di sya pwede sa room sharing. Kasi kahit umalis ka jan, kht sino pa maging room8 nun, for sure walang makakasundo yun. Ito ung point ng main tenant ko noon dun sa dati kong room8, sa lahat kasi ng naging room8 nya, lagi may reklamo. So pinigilan ako ng main tenant namin umalis, and kinausap ung room8 ko. Tas etong room8 ko,since nauna sya sakin,feeling senior,medyo maangas,sinabihan si main tenant na kung di raw ako paaalisin, eh sya aalis. Tas sabi ni main tenant, di raw sya pipigilan kung gusto nya umalis. Haha. Pero ang ending, na-lay off si room8, natanggal sa work so umuwi na sya Pinas.
  • @maya kaibigan nya din ung tenants. Kami lang ni room mate bago lang magkakilala. Then nauna sya sa akin sa bahay. Medyo oo, ramdam nga ung seniority sa bahay lalo na dun sa room mate ko. Para kang bunso sa bahay, pero not in a good way. Ok lang, madalas naman kasi ganun takaga sa mga apartment sharing kahit sa pinas (although di pa rin tama).

    Kaya ayun,nagdecide ako na ako na lang aalis. Pero let see mag uusap pa ulit.
  • edited December 2017
    Kung 1 month lang naman deposit, at willing ka ma forfeit yun, wala kang ano man na obligasyon to stay, wala din sila magagawa kung aalis ka na lang walang kapalit since di ka naman maghahabol sa deposit. Ibalato mo na sa kanila yang deposit since nakaka insulto na hindi ka nila matulungan sa problema na yan knowing na friends kayo. Those bridge are worth burning ika nga.
    Sadyang may mga tao lang talaga na hindi pwede sa shared household o feeling owner pero di naman afford mag solo ng room, sarap prangkahin niyan para matahimik.
  • i remember ung isa sa housemate ko, mdalas ngdadala ng lalake sa bahay. ang msama yet interesting dun kung san sila abutin ng libog
    dun sa cla ngsesex. lol. mdalas ko cla nttyempuhan sa sala at kusina pg wlang tao. hahaha, msama dun mga mga bata kmeng kasma.
  • ang kati naman hahahaa. bigyan mo ng clarityn. hahahaha @oslakpepper
  • @oslakpepper wala nman sana masama if ganun gawin nila yun nga lang sana di marinig or makita ng mga bata.... buti di cla pinalayas nung main na nagrerent hihihihi
  • Share ko lang experience ko. Ingat din minsan sa mga pinoy housemate minsan makakachempo ka nung malilikot ang kamay hobby ang pagkuha ng hindi sa kanila. One time sobrang malate na ko nalimutan ko ilock yung room ko then paguwi ko after work naiba yung mga ayos ng gamit ko .. pinkailaman lahat kahit mga stock ko ng yosi kinuha pa at ibang maliit na baga hindi pa natapos lahat don kahit naliligo ako chempuhan nla pmsok sa kwrto.
    Kaya minsan hirap din magtiwala sa ndi mo kakilala kaya if may chance hanap ka ng mga kaibgan para magshare ng house.

    Note: pinalayas ko yung tao na yun after nung mga nangyari ako kasi ung main tenant.
  • Yung housemate na inuubos ang pagkain ko at stocks? Kahit pa itago, nahahanap. Kahit lagyan ng tape, pnpakialaman pa rin. Parang nakakahiya naman kasi sabihan kasi pagkain lang yun, di dapat pinagdadamot. Pero di kasi siya kasali sa budget ko. At nakakainis yung akala ko may lulutuin pakong groceries, un pala nakain na ng iba.
  • My gosh! That’s stealing! Kahit food pa yan. Pwede naman manghingi ng maayos diba? @maya
  • @goblinsbride true. Tsaka pwede naman paminsan2 at pakonti2,kaso hindi. Palagi na lang and maramihan tlga, tipong uubusin lht.
  • Yan ang pinaka malas makasama, yung mga malilikot ang kamay at pati maliliit na bagay at pagkain eh inuumit pa, na para bang ikayayaman nila ang pagtitipid ng sobra sa pagkain na halos isama mo na sa weekly budget mo ang mga kinukuha nila. Luckily never pa ko naka housemate na ganyan pero all too common yan kapag nagkaka kwentuhan with fellow pinoys.

    Yung mga makakati naranasan ko na magka housemate, at sa mga inuman at videokehan session with pinoy friends dito, eh common din yan sa ibang mga shared household ng mga kababayan natin. Sadyang madami lang talaga ang nagkaka kati sa katawan, hindi naman masama basta sa private lang gagawin, pero minsan kahit nasa loob ng kwarto na eh rinig naman sa buong bahay ang saya, lol!

  • hahahah naranasan ko yan mismong maintenant tumitira ng mga noodles at mga frozen food na tinatabi ko para pag nagutom ako meron ako maluluto....

    meron pa ako nakasama sa bahay na pinoy jowa ng singaporean habang nagluluto ako ng sinigang na baboy pagpasok ko sa room ko tinodo ba naman ung apoy so ang labas naubos ung sabaw at parang pinangat tuloy ang labas ng sinigang ko...

    dami pa kaso talagang swertihan lang ng kasama sa bahay
    msidyllic
  • how about ung may kasamang ibang nationalities? kamusta naman po.
    Pros & Cons?
  • Dpnde, hindi siguro lht, pero sa mga napagtanungan ko dati, bawal bisita, bawal magluto.
  • Ok nman na may ksamang ibang nationality. Pero bago namin tinanggap initerview muna namin at nagbigay ng disclaimer about cultural difference. Pero mababait nman yung ksama namin. Nakakalungkot lng minsan kalahi mo pa ang walang respeto. :(
  • ako naman naexp ko ung roommate na madumi sa kwarto at banyo. ung buhok lageng kalat ket anong walis ko. tapos ung aircon lage gusto sagad ng baba eh inuubo ako pag sobrang lamig. tapos un naman main tenant namin lageng nagiinuman gang alas dos ng umaga. ingay to the max talaga.
  • Sabi nga ng kasabihan, habang tumatanda ang tao, paunti ng paunti ang kaibigan, yung mga natitira nalang ang yung mga totoong kaibigan.
  • as main tenant naexperienced nyo na ba yung may kasama kyo sa bahay na laging may issue sa pagbabyad ng rent? bakit kaya ganon yung iba stable naman ang work. pnpadala lahat ng pera sa pinas tpos laging sasabihn madami daw gastos kung pede sa susunod nalang yung kulang ...
  • Dapat po pinapaalis na yung mga ganyan. 1 to 2 times na nangyari tolerable pa pero kung habit na. Gumawa nalang kayo ng paraan para mapaalis.
  • hahaha! Naalala ko tuloy previous room mate ko. Magta-tapao siya ng dinner na para sa kanya lang. Tapos magugulat nalang ako, nabawasan na kanin ko sa rice cooker. In fairness naman sa kanya, magsasabi naman siya na hihingi ng kanin ko, nung tapos na siya kumain at nakalahati na niya yung rice cooker :D

    May one time pa, napansin ko wala siyang toothpaste sa banyo for ilang days na. So kinutuban na kami ng housemates ko na malamang, nakikigamit siya sa mga toothpaste namin. So nagkasundo kami na itago lahat ng toothpaste namin pagkatapos maligo. Ayun, kinabukasan bumili na ng toothpaste sa wakas haha!

    Di lang yun, pati fabcon, detergent, pati toyo at suka! haha sobra ang pagka-free loader. Samantalang S-Pass siya at WP lang iba naming kasama, hindi na nahiya. At ngayong nakalipat na ako, yung 3kg na Fab detergent ko, pansin kong tumatagal sakin ng 2 months compared doon na halos 3 weeks lang. hahaha! Good riddance
  • Mayron akong house mate dati akala akala ko relihiyosa.. isang araw nagmamadali ako umuwi dahil LBM ako. Pag bukas ko ng banyo nakaluhod nag BBJ kay kumpare.. nakalimutan nilang ilock ang pinto..i almost soiled my brief.
    ladytm02
  • Hi!kung may visitor ka ,di sya renting..need pa ba mag inform sa hdb?
  • Hi,

    Ask ko ln kung ano ba ung norm sa pag schedule ng paglinis ng common area? dapat ba ay per tao o per kwarto?

    scenario. 3 rooms, 2 rooms occupied by couple and 1 room occupied by solo main tenant.

    Ang sistema kasi ung solo minsan na lang maglilinis, di pa maayos maglinis.

    Please enlighten me.
  • Iba2,depende sa rules na nakasanayan sa house na yun nung lumipat ka. Natry ko na per tao, natry ko na din per room. Natry ko na din na kung sinong main tenant, sila responsible.

    Ang mabuti jan, kausapin nyo sya. Kung wala pang naset na rules, pagusapan nyo din.
  • salamat sa input @maya , sa ngayon per tao kami , balak ko suggest na per room na lang
  • @jaegu Yes, iba iba kc yan depende sa house rules nyo. Yung main tenant ko ngayon sila na ang nagaasikaso ng common areas such as living room, kitchen and laundry area pero ung banyo and room kami kami na. Pero meron din kc cases na like ung main tenant ay halos ka edad mo lang and prang kayo kayo lang sa bahay so alternate sa linis yun. Iba pag like yung tenant eh may family, oldies or helper kc normally important sa kanila ung room mo and banyo yun eh linisin mo.
  • edited April 2018
    Meron bang bedspace sa sg na worth 300 lg all in na? Ok naman kaya po ba sya? Usually saan pong location may ganon? Ska napansin ko po sa ibang ng papa rent eh prang ang laki nmn po ng mga rooms like nung common room pero 2 tao lg pinaparent nila. Di ba pwde gawin 3 dun? Ska ung sinasabing PUB para saan po un? Usually mga magkano ung ganon? Ska ano po ung mga tinatawag nilang agent fee? Para saan yun? Thank you
  • @maryan utility bills un, tubig kuryente gas.
    May max number of persons lang kasi pwede magstay sa hdb. Lalo ngayon, sa 3bedrooms unit, 6pax lang dpt.
Sign In or Register to comment.