I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
Comments
may mga tao talaga na may attitude issue! gaya ng sabi mo, umiwas ka nalang
at sa mga nakasama ko sa bahay, lahat ng nagkaroon ako ng problema ay yung mga nasa normal working hours. pero never ko sinabi na lahat ng nasa normal working hours ay mahirap makasama sa bahay
don't generalize
lol!!
nakakainis din minsan may roommate. Tapos hindi mo pa trip ang MT mo.
Kaya ako sinubukan ko magsolo.
kumuha ko ng one bedroom unit na condo. magisa lang ako nandun. masaya kasi wala akong papakisamahan. kahit buong angkan ko pa dumalaw at tumira sa akin ng 1 bwan walang mangingialam.
kaso sakit din pala sa ulo kapag umalis ka na.
In fairness naman, mabait naman ang Landlord ko dun. pero nung lumipat ako. 3 araw kong nilinis ang unit. lampaso. kuskos. pati pader nilinis ko na. tas nung ibabalik ko na ang susi. hindi sya masyadong satisfied sa linis. ayun.. ending pinaghire nya ko ng professional cleaner para ulitin yung ginawa ko. pati mga curtains pinaprofessional cleaning din. inabot din ako ng 300sgd dun. na wala naman kaming nagpagusapan sa contract na kailangan ng pro cleaner. kasi ang pagkakaalam ko. basta iniwan mong malinis. ok na. bahala na si landlord magpalinis o maglagay ng disinfectant o kung ano pa man dun.
tapos nakalipat ako sa HDB na 2 bedroom, 1 utility. hay nakoh. sakit din sa ulo. karamihan sa gamit pasira na at lumang luma. pangalawang bwan ko palang dun. yung bed nagcollapse. yung microwave more than 10 yrs na daw. pasira na. yung tv sa sala sira na rin. yung aircon 10 taon ata hindi nalinis sa dumi. nung pinachemical wash ko. nasira. tas sa akin sinisisi ng agent na working properly naman daw yun. bigla nasira.
isa pa. sobrang rude ng agent talaga. ayaw nya makipagusap sa asawa ko at talagang sinasabihan nyang, "I don't want to talk to you. "
porket ba tenant kami at agent sya ng landlord ganon na.
tapos in a year, pag nagdecide kami lumipat na naman. lahat ng bulok na nasira sisingilin pa rin sa min.
ang unfair talaga.
pavent out lang kasi inis na inis talaga ko sa agent.
ang bait bait nung nagviview palang kami. nung nandun na kami. lahat ng pwedeng isisis sa min sinisi na. kesyo kaya nagcollapse bed dahil tinatalunan ng 2 yr old kong pamangkin.
hay buhay talaga.
pero ang natutunan ko lang, mas mabuti na i-assume at paghandaan mo na wala ka ng makukuha sa deposit mo pag-aalis ka na. para kung may makuha ka, extra money na yun
pero ang maganda naman binigyan naman ako ng 1 month warranty. kaya yung ibang mga gamit naireport ko naman. gaya ng tv at microwave. alam nila. ang naging problema ko yung aircon. kasi kami ang nagpachemical wash nun. and pang 6th week na namin dun nun tas nasira. di na covered ng warranty.
tapos parang wala ng pakialam ang agent. bahala ka na sa buhay mo.
kaya natutunan ko din. sa susunod na lilipat kami. dapat yung aircon bagong chemical wash. hindi yung nakalipat na kami saka lang. pag nasira sayo ang sisi.
kasi nga sobrang daming gamit ng mayari. mga tambak nila na hindi naman useful sa amin. kunwari mga cord ng phone, sirang keyboard.
sobrang daming plato at pinggan na napuno lahat ng cupboard. e may sarili na kong gamit.
nung viewing ang linaw ng sabi nya sa amin na kapag may ayaw kami. sabihan sila at ipapakuha ng mayari. syempre sa 1st viewing hindi mo pa alam kung anong kailangan mo sa hindi. kaya sabi ko. ok sige ok lang.
nung nandun na kami. inipon namin lahat ng ayaw namin. nakipagaway na yung agent.
na kinuha daw namin bahay kasama pati lahat ng laman. ang sitwasyon daw paano kung yung LL wala din mapaglagyan ng gamit. kung sinabi daw agad namin nung viewing palang sana nakapagisip pa ang LL kung sa amin ibibigay o maghanap na sila ng ibang tenants na take all. ganern.
kainis talaga. ang ending nakatambak dun gamit nila. tapos wala na ko mapaglagyan ng gamit ko. pati mahjong table nakatambak sa utility. imbis magamit pa namin utility room as guestroom. >_<
bad talaga ng mga agent.
Shout out sa roommate ko dati na umuwi ng pinas, tapos bumalik ng SG ng alas 2 ng umaga. Salamat sa pag "unpack" agad ng mga supot supot mo, inunahan mo pa alarm ko. tapos hindi ka naman pala papasok ng araw na yun.
base kasi sa statement mo na:
Naiisip ko n kasi ung mga ganyang scenario dhil kahit nman mapasaang bansa ka ganyan tlga ugali nating mga pinoy unfortunately. Lahat n lng big deal.
wala sa lahi yan, nasa tao yan. ako puro pinoy mga kasama at nakasama ko sa bahay simula nung una kong dating dito. hindi man perpekto masasabi kong 99% ok ang mga nakasama ko.
mapapatunayan mo din yan kasi meron at meron kang makikilala dito man o kahit saang lugar na hindi ok makisama. mapa-pinoy man o anumang lahi
share ko lang. ang kasama ko sa bahay isang going 8yrs at isang 10+yrs
kung ang concern mo ay baka kumukita sya, hindi natin malalaman yan. saka kung hindi ka agad komportable sa main tenant, mas ok na huwag ng ituloy
tama din sya, kung may kulang sa bahay, ang main tenant ang nag-aabono
happy room hunting... based sa mga nakikita at kakilala ko, solo common room around 600 to 800 depende sa location at type ng bahay. meron ding mga mas mababa pero minsan utility room o walang aircon
good luck sa room hunting mo
pano naging 3 months yung rent mo? halimbawa..... bago ka mag-simula, magbibigay ka ng 1 month deposit. tapos halimbawa na June ka magsisimula, either end of May or June 1, bibigay mo yung rental for June (ito na yung advance). saan pa yung isang buwan na rent?