I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Karanasan: bedspace, room and house sharing experiences =>

13468911

Comments

  • @tambay7 Thanks. Maybe, it has something to do with being cautious with the people whom I meet.
    Napaso na once eh. I talk to people around me siguro more on establishing relationship with them doon ako cautious. Lahat for me my boundaries. Kahit na nga sa mga housemates, I have to be tactful and mindful of my acts.
  • edited October 2017
    panu nmn Yung mga main tenant na kagaya ko na me 2 common room na pinaparent. Kami ang nasa Master
    1.Me anak ako at meron maid, pero kami nglilinis ng bahay, kitchen at cr.
    2. Yung housemate mong pagkatapos magluto ng prito na sobrang kalat ng mantika sa wall at sa floor wala man lng pakielam after.
    3. Yung housemate mong tinatambak ang mga hugasin sa lababo na wala ka ng space maghugas
    4. Yung housemate mong ng aaircon 24 hours dahil me baby at papatayin lng pag aalis ng bahay.
    5. Yung mga housemates mong d man lang nakaranas mag walis sa sala or sa dining area or sa kitchen at d naglilinis ng common cr
    6. Yung mga housemates mong ayaw isarado ang pinto ng dahan dahan
    7. Yung Housemates mong walang paki kung nakalimutang patayin ang ilaw sa CR
    8. Yung housemate mong tinatapon yung basura nila sa room nila pero yung basura sa kitchen na cla ang ngtambak ay iaasa itapon sa iba at kung mgtapon man d lalagyan ng bagong plastik

    Porke meron kaming helper lahat na ng trabaho pinaako sa knya. Hindi tlga perpekto ang lahat dahil kgaya nmn mabait kami at transparent sa housemate (30,30,40 hatian) PUB equally divided. Pero ikaw nmn ang lalmangan.Kaya ang solusyon, kung kaya magsarili magsarili nlng hehhee
  • @shire exactly, Kaya po magsarili na lang kayo. Yung ibang MT kasi napaka bossy, pare pareho lang naman nagbabayad ng agency fee.
    :neutral:
  • hehe, iba ba pinanggalingan iba iba ugali din. kaya mahirap talaga mag expect ng totally upright.
  • input ko lang, kung nandito ka sa sg para mag work nang maayos, try mo mag bedspace sa isang family na kasama mo lang sa room ang maid. a family of 4 (with 2 grown-up kids) and a maid lang ang nakatira. kagaya namin.
  • Input ko lang din po, kung parehong may trabaho mag asawa at may katulong sa bahay, mas mabuti ng magsarili. Di bale ng masakit sa bulsa kaysa sa masakait sa ulo. Kayo din tatanda kayo kaagad nyan sa sobrang kunot ng noo palagi pagdating sa bahay.
  • edited October 2017
    yup if parehong may work ang mag asawa tapos may anak at maid, kung kaya naman na kumuha ng 2 bedroom sa Pungool/Sengkang or Woodlans to Chua Chu Kang na nasa 1500-1600 ung 2 bedrooms eh mag solo na lang, kesa sa sakit ulo sa housemates.

    Kaso pansin ko ung iba kumukuha ng 3-4 bedrooms kahit pamilya na parehong working para mas makamura pa sa kasi papaupahan ung 2 extra rooms tapos ang hatian eh 40-40-20 (20% ung sa kanila) plus PUB/Cable/Fiber/Broadband na 50% lang ang share ng bata, mas malaki natitipid kesa sa mag solo.
  • Agree! Mahilig manlamang.
  • @Vincent17 next month po. May notice period, para may time din sila makahanap ng kapalit :smile:
  • @apple buti 1 month notice lang, yung iba 2-3months notice..
  • @apple yes normal naman ung 1 month notice. make sure na babalik sau deposit kpag hindi sila nakahanap ng kapalit mo. or pinagamit na sayo?
  • "I experienced once na kahit ang bottle ng liquid dishwashing ay may line"

    bwaahahahahahahahahahahaha para akong baliw tumatawa mag-isa sa station ko ngayon
  • Hello po!

    Baka sakali lang pong may makakatulong saken dito. Check out ko na po kasi sa hostel tomorrow lunch time.

    Kaso wala pa po akong mahanap na cheap transient or kahit bed space. Tourist visa holder lang po ako at nais kong gamitin yung opportunity para makahanap ng work dito sa SG.

    Sana may makatulong po saken dito. Thanks in advance.
  • @Vincent17 hindi ko pa nagamit yung deposit. ibabalik dapat kapag na less na yung mga PUB pag alis ng bahay :)
  • Hanap ka sa FB @plouie021 Filipinos in SG
  • Hihingi lang sana ng payo.

    Ano po ba dapat gawin kung yung dating bahay ay hindi pa nagbalik ng deposit at hindi rin nagrereply sayo, Seenzoned lang ang messages about sa deposit?
  • Question lang.

    2 months na ako sa common room in an hdb unit,wala ako pinirmahan na contract. Pero kinuha nung may ari ng unit ung copy ng SPass card ko (front and back). Plus 300 deposit.
    May legal consequence ba kung magsabi akong gusto ko na umalis. Para kasing narinig ko kasi may sinabi na naisubmit na sa HDB ung name ko. (Not sure kung dinagdag sa contract ung name ko).
    Badtrip kasi kasama ko sa bahay, para akong may visor or parang masahal bayad nya kesa sa akin kung umasta. Kaya lalayasan ko na kesa araw araw ako stressed.
  • @nomad0430 You can request for the copy of Tenancy Agreement. Pwede naman na hindi ka pumirma but they can submit your name as sub-tenant. You can actually tell them pero mas maganda humanap ka muna ang papalit sa iyo. pero depende paring sa internal arrangement mo with main tenant, pwede rin 2months notice para makahanap ng kapalit sayo.
  • @nomad0430 normal lang hinihingi ng main tenant and IC dahil sinusubmit yan online ng may-ari, para maregister ka sa HDB ng owner. kadalasan sa contract nakalagay ung name ng mga tenant pero di naman required magsign at makita mo ung contract.

    wala naman problema magpaalam, 1 month notice naman yan.
  • Pano un, ayaw pumayag ng main tenant kahit 2 months notice na ibigay ko. Ayaw pumayag ng walang kapalit? Ako naman stressed out sa kasama ko.
    Example, kinailangan ko gumising ng 4 am dahil may gagawin ako, so lumabas ako ng kwarto, sa kitchen ako nag laptop. At hindi na ako ulit pumasok sa room. Pero nagreklamo pa din magdahan dahan daw ako kasi madali sya magising. Eh pag nagdahandahan pa ako next na nun lulutang na ako. Schedule ng laundry ko pero sya gumamit, sinabi ko na baka pwede magsabi sya kung gagamit sya ng machine kung hindi nya sched kasi ako naaabala, pero 3rd time na inulit. And many more....
  • @nomad0430 mahirap din kasi maghanap ng new tenants, pasanin mo yan. it's either you leave ASAP goodbye deposit or stay until you can still endure?
  • Legally wala naman ako magiging problem? Masisira lang is ung relationship ko sa kanila kung iiwan ko sila basta basta?

    Parang willing na ako iwan ung deposit ko, 1 year pa ung contract nila. Hindi na normal galaw ko sa bahay lately. Hindi ko kaya 1 year ang ganun. Ako naman magsasasuffer.
  • @nomad0430 wala ka naman pinirmahang contrata. talagang naisip mo pa ang relationship mo sa kanila sa kabila ng ganyang pakikitungo sayo. Baka naman kasi hindi ka nagrereklamo kaya sa tingin nila okay lang sa iyo. Speak and voice out!
  • Oo, kakilala ko din kasi ibang tenant. Nagkataon ung kasama ko sa room hindi. Mag meeting ulit kami about this, pero ipush ko na magnotice na lang ako.
  • Same tayo dati, nakakaasar ung ganyang roommate, napakaarte at maselan,di nmn afford magsolo. ang ginawa ko pinagsabay ko hanap ng lilipatan at hanap ng papalit sakin sa room. Magpost ka lang, meron at meron yan.
  • @maya natumbok mo. Saktong sakto tayo ng pananaw!

    Parang hindi nya alam kung pano ang room sharing. Nagreklamo pa sa akin, madali daw magising kaya kailangan ko pa magdahan dahan. Eh sigurado ako dahan dahan na ako nun.Kung madali ka magising magsolo ka ng room. Then gusto nya pagmatutulog na sya kahit may ginagawa pa ako papatayin na ung ilaw. So, wala ako choice kung hindi lumabas ng room dahil madali nga sya magising. At kahit malamok at mainit sa labas.

    Ayun nga, nag start na ako mag post ng availability ng room ko. Pero mukhang mahihirapan ako makakuha ng kapalit dahil sa setup nila kailangan talaga friend mo sila para matolerate mo lahat. Dont get me wrong, mabait sila (except sa room mate) pero nag iiba yata talaga pag usapang bahay at pera na.
  • @nomad0430 wala ba kayo dimlight sa room? bumabalik ung memories ko ng ex-room8 ko. Hahaha. Di kaya same person tayo tinutukoy? Bawal ako mag-alarm clock, bawal magbukas ng cabinet sa umaga, bawal magbihis sa room,dpt daw sa banyo na lang lahat. Kaloka
  • @maya walang dim light eh kaya phone na lang gamit ko pagnagbibihis sa room or gagalaw pag tulog sya.

    Halos lahat yan same tayo, except sa bihis sa room, hindi pa nya nasasabi. Pero ramdam ko next na yan, kasi mainit lagi ulo pag gising sa umaga bago ako umalis ng bahay.

    Hanap na lang talaga ako lilipatan, kesa 1 year pa ako magtiis.

    Meron naman mga nagpapaupa ng 6 months lang db? Mas safe siguro pag 6 months, if magkaproblem uli ako madali na umalis.
  • @nomad0430 regarding sa 6months, bago ka mag-agree, need to ask their terms first. put in papers if necessary.
Sign In or Register to comment.