I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Karanasan: bedspace, room and house sharing experiences =>

15678911»

Comments

  • @Guess_Hu Correct, yan lng ung drawback ng MT. Pero kahit ano p din meron at meron p din pasaway n makakasama s bahay. Siguro maari nating ihalintulad s Good Leadership ang pagiging MT, dahil kng isa tayong Follower maaring masakit tlga s ulo kng mag MT ka, pero kng ikaw ay may quality ng isang good leader maari kang mag MT pero dapat may $$$$. hindi pwedeng good leadership lng. hahaha!

  • @Guess_Hu @all Happy New Year... kakabalik lang online

    @jaegu as MT, nasa sayo yan, kasama yan sa priveleges mo pero syempre, wag ding aabusuhin. dun ka lagi sa patas. sakin personally, ito yung halimbawa ng nabigyan ko ng notice... hindi clean as you go sa kusina. minsan, acceptable. pero pag yun na yung norm, hindi na pwede. pagkatapos ng mga paalala at ganun pa rin, pwede na bigyan ng notice

    @Guess_Hu tama, mahirap din maging MT, pag walang tao sa kwarto, sagot mo yun. at syempre, ikaw din sa mga normal maintenance sa bahay. pero ganyan talaga, walng puro + lang, laging may katambal na - yan....

  • salamat sa comment @zhypher33 @Guess_Hu and @kabo ,natanong ko lang kasi ngayon ko lang din nalaman na pwede yung magbigay ng notice sa tenant. Sa ngayon wala naman ako balak. ?

  • kaso may mga MT din na pinagkakakitaan ung pagiging MT hanggat makalalamang sa mga nangungupahan ginagawa pero di naman lahat may iilan ilan lang

  • @Bert_Logan both ways lang yan. so pag hindi ka na ok, as MT man o as room rental/bed space, notice o lipat na lang. kasi maigsi lang ang buhay para magpaka-stress

  • @jaegu yap, pwede kang magbigay ng notice as MT. pareho lang na pwede ding magbigay ng notice ang room rental/bed space pag hindi na ok sa kanila or pag gusto na nilang lumipat sa kung anong mang kadahilanan

  • Hi guys, max of 2 persons lang ba limit ng isang room sa SG? Plan ko kasing dalhin anak ko so magiging tatlo kami kung sakali...

  • @bennet as far as i know, hindi per room ung occupancy cap kundi per unit/house..

    HDB with 3 or more bedrooms - 6 persons max
    HDB with 1 to 2 bedrooms - 4 persons max

    ang sabi sa akin may bilang daw ang kiddos, di ko lang alam san sa website ng HDB matatagpuan ito. pero ung occupancy limit, dito:
    https://www.hdb.gov.sg/cs/infoweb/press-releases/revised-occupancy-cap-for-renting-out-hdb-flats

    kung condo naman, hindi ko alam heh heh

  • @ladytm02 thanks that means i need to look for hdb with 1 or 2 rooms or rent 2 rooms.

  • @bennet welcome & good luck sa paghahanap :)

  • Curious lang po, ano na ang mga experiences niyo ngayong circuit breaker? Nakaka-alarm lang ung news earlier na andaming nagttext positive for coronavirus. May mga tips ba tayo for functioning? Like isa lang lalabas sa mga naka sharing, etc.

  • @Lady_Helen nsa pag uusap nyo yan ng ka share mo sa room. Give and take pede naman max hanggang dalawa lumbas ksi pag nasita kyo na check nila kung nag stay kayo same unit. Sa totoo lang nakakatakot dhil dami parin di malaman ng lokal na pamahalan kung sino sino ang mga nakasalamuha ng wala sa cluster.

    May forward nga skin mensahe ung isa kasamahan ko sa trabaho na may 20k daw na manggagawa na anaps ang nanunuluyan magkakasama. At itong mga manggagawang ire ay may kanya kanyang mga nobya dine sa ating lugar. Siguro naman pag ikaw ay nagagawi sa Lucky madami kang nakikita na mga kabababyan natin na naka angkla pa sa mga manggagawang aking tinuran.

    So ireng mga nobya ng manggagawang anaps sila ay naninilbihan sa kanya kanyang amo na may pamilya, ire namang mga amo at pamilya ay nag tratrabaho sa kanya kanyang opisina.

    So ang nais lang ipahiwatig ng mensahe eh wlang katapusan at mahirap mahagilap kung sino sino ang nahawaan na dahil bago pa mag sarado ang kuryente eh naikalat na sa maraming tao dine....

  • @Lady_Helen

    samin paalam lang pag lalabas. wala namang restriction. paalala lang na mag mask pag lalabas at suggested na bilisan lang pag lalabas. social distancing parin at pag uwi diretso ligo.

    ung mga nag eexercise ganun din jogging tapos pag tapos nun diretso sa banyo ligo hot shower. tapos pasok sa kwarto. social distancing kahit sa loob ng bahay lalu na pag galnig sa labas.

    madalas kami online order nalang para mas safe. pag dating ng items sa bahay disinfect tapos tsaka ilalagay. for perishable goods like manok gulay. hinuhugasan muna ng tubig bago ilagay sa ref.

    sa pera yung iba hinuhugasan din at binababad sa mainit na tubig. avoid cross contamination sa mobile phones. linisin sya every now and then.

  • @Lady_Helen

    kung gusto nyo ng government updates thru your phone sa whatsapp eto

    https://www.form.gov.sg/#!/5e33fa3709f80b00113b6891

    sign up kayo pra updated kayo sa government requirements, rules and policies.

  • @blood618 maraming salamat! ngayon ko lang nabasa to hehe

  • QUESTION PO: Sa pub po ba dapat kasama ang baby? 2yrs old ang baby. Thank you in advance. Sa amin kasi hindi kasama sa pub, pero tama po ba yun?

  • @apple equal sharing po kayo or may main tenant kayo?

    if equal sharing po kayo, normally kasama sya kasi babies also use PUB. though normally, ang bilang sa bata ay half

    kung may main tenant kayo and anak nila yung hindi kasama sa hatian, it is always your option to ask the main tenant about it and if hindi agree, move and look for a new room

    again, nasa pag-uusap nyo po yan. wala namang fixed rules as long as agreeable lahat

    apple
  • @kabo maraming salamat po sa sagot nyo :)

  • Hello mga Kabayan! Pa share naman po ng monthly PUB bill ninyo? Average namin mga $350-380 monthly. Lahat po may aircon Master Room,2 common and 1 utility. Master is 2 pax then the rest solo solo. Ang laba namin is 5-6 days, may TV ung dalawang common room. Isang naka WFH with fan only and laptop used. Thank you and Happy Holidays!

  • @juanforall almost same kami sa inyo... 4-room flat kami

Sign In or Register to comment.