I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Karanasan: bedspace, room and house sharing experiences =>

1567810

Comments

  • @kabo pasensya n sir hindi tlga ako marunong s ganyan. Ung one month advance and one month deposit mismo hindi ako marunong. Ang alam ko lng is ung one month advance yan ung pinaka bayad mo s huling month ng stay mo s room kng hindi k n mag eextend, tpos ung 1 month deposit eto ung ibabalik sayo kung sakali n walang sira don s room tama po b? So kunyari ganto. Mag rent ako ng new room start of November this year. usually may one month advance and one month deposit d b? tpos sabihin nating 6 months ung contract s new room. Paano kng January 2020 tpos n pla ung contract nung MT, tpos hindi n nagrenew. paano n ung one month advance and one month deposit ko? Ibabalik b un? May habol b ko kng sakali?
  • @zhypher33 halimbawa na November ang start mo
    1) before Nov 1, magbabayad ka ng 1 month deposit
    2) on or before Nov 1, magbabayad ka ng 1 month advance. itong one month advance na tinatawag ay bale renta mo for the month of November. advance ang bayad sa renta (sa katapusan ng Nov o sa unang araw ng Dec, depende sa arrangement nyo, magbabayad ka ulit... ito naman yung para sa Dec)
    3) so kung halimbawang hanggang January 31, 2020 na lang ang renta sa bahay, ang huling bayad mo sa renta ay end of dec or start of jan
    4) tapos kung walang problema, ibabalik din sayo ng buo yung 1 month deposit
  • @kabo ahhh. ayos! mabuti n lng tlga nagttnong ako s inyo. hehehe. eto ung nakasulat s contract. Since Jan lng ako nag start dito s SG mag work. Jan to Apr original contract ko s room tpos nag extend ako ng 6 months so huling bayad ko is katapusan ng Sep para sa Oct n renta. Pinagiisipan ko pa kng mag eextend ako kasi utility room lng sya pero gusto ko ung room dahil 450 lng may A/C and sarili ko CR tpos 1 min walk lng s MRT and 3 stops lng s office ko. Kaya ayos tlga. convenient na mura pa. Housemates is ok nman, very much tolerable. Eto ung dilemma ko, ung wife and kids ko at least twice a year ko balak dalhin dito, during Christmas Vacation at School vacation, obviously hindi kami kasya s room. Although papayag nman ung housemates ko n matulog sila s Living Area, hindi p din gnon ka comfortable ung wife ko. Last May nakahanap kmi ng room for the 4 of us in Macpherson s may circuit road. Mabait ung MT and i am considering n don n mag move after mag expire contract ko dito, para walang problema kapag dumating wife and kids ko. Kaso ung mga kapitbahay nya matatandang Local n kapag medyo maingay ung kids nangangatok or pinapalo ung pader. Hahaha! Kaya aun hanggang ngyon may dilemma p din ako, kung maghahanap n lng b ko ng transient kada ppnta mga kids ko dito or mag move out n tlga ko. Ung wife ko kasi walang problema kasya nman kmi s bed kahit pano, so ung kids ko lng tlga.



    10. The payment of rental for the subsequent months must be received in cash by the Lessor or
    credited into the Lessor’s bank account by 23:59 on the 1st of each month. An extra late charge
    of $20 per day is to be charged per day of late payment disregard of any reasons. The Lessor
    has the rights to ask the Lessee to move out without any refund of the deposit and the rental
    balance if the rental for the month is not received by the 5th of the following month. The rental
    is scheduled to be collected by cash or to be received by the Lessor through bank transfer.
    Please write the note and label your name when you make the bank transfer. The Lessee must
    send a proof of the transfer to the Lessor immediately when the transfer is made.
  • @zhypher33 mahigpit naman masyado terms ng rental mo, hehehe

    anyway, compute mo... saan ka ba mas makakatipid? pero kung ako ang may pamilya na bumibisita, mas gugustuhin ko na solo ko ang room (masters mas ok kung kaya) at kasama sa terms na anytime pwede bumisita ang family ko

    dun sa kapitbahay na nangangatok, ibig sabihin hanap ka ng iba. mahirap yan kasi pag ganyan, hindi na nagbabago yang mga yan
  • edited July 2019
    @kabo ok nman ung terms, kasi sure nman ako n makakabayad. May isang beses lng n muntik ko n makalimutan. hahaha! Good thing naalala ko. Ayoko ko ng master kasi nasa 1500 ata presyo non. Kaya ng sweldo ko pero syempre nagtitipid as much as possible.

    Kaya nga, saka bukod don si Kuya ata may "pinsan" n dumadalaw kapag wala si Ma'am. Nung minsan kasi lumabas ako ng room, nagulat ako may "Pinsan" kakalabas lng ng room at pumunta sa living area, at nagtanong agad kung new tenant ako. Tpos nagpakilalang "Pinsan" daw sya ni Kuya. Tpos nagtataka kmi magasawa kng bkit hindi nagaabot si "Pinsan" at si Ma'am. Kaya tuwang tuwa ako nung nabasa ko tong thread n to, inumpisahan ko simula s page 1 tlga at nalaman ko n kng sno si "Pinsan" dahil akala ko tlga pinsan sya ni Kuya. Hahaha!

    Isa p yan s dilemma ko dahil baka pumutok un, eh ayoko nman makialam s knila kaso baka madamay p ko s issue or problema ni Ma'am at ni Kuya. Hahaha!

    Eto po kasi gastos ko per month s current room ko
    450 - Utility room | Own CR | ALL in | Condo including the amenities | 1 min walk from MRT
    40 - MRT fare | Office to Work
    250 - Grocery
    740 to 800 - Around that ball park

    Kapag nag solo room ako | Common Room
    700 to 800 - Depende s location and most probably HDB | Wala n condo amenities
    50 to 70 - Depende s location | Depende p kng malapit or malayo s MRT
    250 - Grocery
    1120 - Around that ball park

    Ngyon kng ggwin ko ung tulad ng ginawa nmin last May nung nag bakasyon sila ng 30 days dito. Nag rent ako ng room s Macpherson for 650 all in + 450 don s room ko = 1,100 for the two rooms, then paguwi ng wife and kids ko balik n ko s 450. Kung twice a year lng nman ppunta kids ko dito. tingin ko mas mura p din ung 450 n utility room. makakapag swimming p sila. Bale ung room ko walang natulog for 30 days pero napunta kmi kapag mag swimming or gusto nmin maglaba dahil may dryer din s condo.

    Ang catch lng kada sila pupunta dito, kailangan makahanap ako ng room n papayag kmi maaccommodate n apat at nasa 650 to 750 lng. hahaha! kasi ung iba nasa 800 to 900 ang hinihingi. Ung iba nman per day.

    Kapag nag common room nman ako tataas expenses ko. Alternatively pwedeng matulog ung wife and kids ko s living area nmin with the permission ng mga housemates ko. Wag lng pupunta ung owner or ung agent ng gabi, kasi kapag umaga wala nman problema. Allowed nman visitors samin at alam ng agent n pumunta ung wife and kids ko nung vacation dahil nagpaalam aq n magswimming kids ko.
  • @zhypher33 yap, kaya depende talaga sa priorities mo yun at kung ano ang pwede at hindi. kasi ako personally, nung mag-isa pa ako dito, solo room ang kinuha ko para sa privacy ko.
  • edited July 2019
    @kabo yep. ako din, privacy is very important to me.
  • Guys, need your advice on how I can refund my deposit. I gave $300 cash to a lady. Nagcancel ako at ayaw ibalik ung pera.
    I texted and called her but still she's insisting that I understood that there's no refund.
    So, I lodged a police report online at tinawagan ako ng police officer. Sabi ng assigned officer sa akin, try ko daw magtake ng civil action kasi verbal agreement daw ang case ko at there is no offence done by the lady.
    Also, the officer suggested to try case.org.sg.
    I visited that website and called this hotline 61000315 kaso sabi ng answering machine, CASE do not handle individual to individual dispute, landlord to tenant dispute.
    I also visited statecourts.gov.sg/cws/SmallClaims/Pages/GeneralInformation.aspx and tried to file an online complaint and there's a section requesting to submit a contract or agreement. Kaso verbal agreement lang kami ng lady at walang receipt.
    I have no plans to take the room anymore after all that happened. Please advise.
  • edited August 2019
    for me ha. deposit kasi yun, parang reservation fee to secure the slot. since nagdeposit kna, reserved naung room for u para di na sila magentertain ng iba pang prospect tenant. so kung magcacancel ka, may oras na nasayang at prospect tenants din na nawala sknla. kaya ifoforfeit tlg ung deposit mo nun. kung isosoli ung deposit mo, sino magbabayad ng rent dhl nasayang oras nila sana para sa paghahanap ng new tenant? so non-refundable tlg un.
  • @allneedsachampion tama si @maya siguradong sinabi naman nya sayo na non-refundable ang deposit dba? so kung pumayag ka dun, right na nung owner or main tenant na wag ibalik ang deposit mo. kaya nga deposit yun. para sa mga taong biglang nagbabago ang isip. normal na kalakaran na yan dito, kahit room rental o flat rental

    move on at charge to experience kasi may fault ka din naman sa side mo dahil nag-confirm ka na
  • @allneedsachampion sir charge to experience n lng. May mali k din kasi, nagbayad ka na agad kahit hindi k p sure. I agree with @maya and @kabo sa side nung MT or Owner, nasayang din ung oras nila at pera kung sakaling ibabalik seo ung deposit. Kung ako sayo, if deposit lng ung iniisip mo at hindi nman ung mga kasama mo s flat. I suggest you to take the room. Base kasi s concern mo, mukang "nagbago" lang ung isip mo bigla.
  • Share naman kayo ng mga common/uncommon/unspoken(being considerate) rules with regards naman sa mga bisita specially pag relatives or family with regards sa room mate and house mates(lalo na pag matagal-more than 1 week). iba-iba kasi ang opinion ng tao, at sa differences na yun, maganda yung may common ground of being considerate sa both parties(don sa nakikiusap at sa pinakiki-usapan). may mga tao kasing sila na naka-abala sila pa yung un-grateful.

  • @Guess_Hu nung may kasama pa ako sa kwarto... pag may bisita... magsasabi na in advance sa kasama sa kwarto at sa lahat ng mga kasama sa bahay

    dagdag bayad sa pub kung hindi apektado ang kasama sa kwarto. pero kung ang bisita ay pamilya at buong kwarto ang gagamitin, babayaran ng may bisita ang buong kwarto for that period of time

    pero ang mas simple, mag-renta na lang ng ibang kwarto pag medyo matagal ang bisita para mas tahimik ang buhay at maiwasan ang anumang hindi pagkakaintindihan

    • kasi may karapatan din ang kasama mo sa kwarto na tumanggi kung gusto nya pero normally, hindi naman gagawin yun
    Guess_Hu
  • @kabo sana lahat ganyan mag-isip at pananaw sa situation. meron kasing ibang tao na nag-a-assume na ok lang sa room mate/house mate where in fact merong iba na against talaga pero hindi na lang nagsasalita dahil gusto ring umiwas sa hindi pagkakaintindihan. Although talagang kailangan nating makisama, pero at some point sana maisip rin nung nagpapapunta ng bisita na in some ways little or big meron ding abala or dis-comfort sa iba lalo na sa room mate diba. Tapos meron kasing tao na oo gustong makatipid sa pagpapapunta ng bisita or family pero sana din wag sa expense ng room mate or house mates (alam mo yung inabala mo na room mate mo dahil pinalipat mo ng ibang room or sa salas natutulog tapos hindi man lang nagdagdag ng contribution para sa rent or pub - siguro for a short period of time tolerable let's say for few days to a week pero yung 3 weeks to a month parang sobra na ata yung ganon).

    • kasi may karapatan din ang kasama mo sa kwarto na tumanggi kung gusto nya pero normally, hindi naman gagawin yun - tama equal right sa lahat, sa bahay at sa room lalo na pag pare-parehas lang kayo ng binabayaran - ok lang mag compromise ng kaunti pero wag nman sosobra.
    1. Kausapin in advance at ng mabuti yung room mate sa plano mo para sa mga possible na options, (as much as possible mag-kusa na tayo don sa option na hindi tayo makaka-abala sa kapwa natin - hihintayin pa ba nating magsalita yung other party na hindi ok sa kanila yung situation) - nadadaan naman sa magandang usapan ang mga bagay bagay lalo na pag hindi tayo makitid mag-isip.

    2. I-inform din ang iyong mga house mates sa plano mo, dahil gagamit din ng part ng house yung bisita mo ng cr, kusina,pagluluto at paglalaba(dahil nagtitipid nga), living room, etc and one way or another merong mga routine na maapektuhan. Given na to pero as long as nakapag-advice ka in advance, merong time makapag-adjust yung mga housemates and a little compromise won't hurt.

    3. About naman sa Rent or PUB, for me ok lang as long as short stay lang(few days to a week). Yung long stay nman na ranging from 2 weeks to a month na nangyayari talaga, YES! laki ng natipid mo pero sana wag niyo namang ipa-shoulder lahat sa room mate/house mate mo dahil kumonsumo din sila ng utilities diba, hindi sa pagiging matuos pero be just and considerate enough na dagdagan mo yung bayad mo either sa Rent or PUB - pakunswelo sa abala ika nga.

    4. Another option is papuntahin mo mga bisita mo pag wala(nasa vacation) yung room mate/housemate mo para ma minimise yung abala if meron man (advance planning is the key at coordination sa room mate/house mates para mag work ang diskarte na to).

    5. Last resort ay yung sinabi ni @kabo na magrent ng room/house/hotel(whatever suits and works for you) lalo na pag family ang bisita at mahaba yung stay, mag-shell out ka na ng extra cash tutal family mo naman yan diba and priceless yung time na makasama mo sila. Isama mo sa plano mo yung pag-iipon para dito. eto yung option na wala ka talagang ma-aabala.

    At the end of the day kailangan nating makisama one way or another, meron tayong mga options, meron tayong mga taong kailangang i-consider, hindi yung sarili lang iniisip natin(give and take lang, wag yung puro ka take - bad yun). Maging FAIR, JUST and CONSIDERATE tayo sa room mate/house mate natin.

  • @Guess_Hu mukhang may nakasama ka sa bahay na medyo "user friendly"... hehehe... pero ganyan talaga, sabi nga nila, kung ayaw mo ng issue, mag-rent ng walang kasama

    agree ako sayo, lahat naman ng bagay napag-uusapan sa pagitan ng mga maaayos mag-isip. minsan nga lang may mga sablay tayong makakasalamuha. kaya ako nun, pag hindi ok ang kasama. binibigyan ko ng chance, pag hindi pa din, 1 month notice na

    pero swerte naman na ang mga kasama ko sa bahay ngayon ay maaayos at mga matatagal ko ng kasama (8+ yrs)... pero nagkaroon din dati ng 1 o 2 na hindi tolerable

  • @kabo usual na siguro talaga yung mga taong "user friendly" at hindi narin "common yung common sense ngayon" at yung pakikisama ngayon ay masked na ng pang-aabuso sa kapwa. Pag hindi ka nagsalita, maaabuso yung pag totolerate mo or pag-cocompromise mo ng sarili mong comfort, pag nagsalita ka at nakatapat ka ng taong makitid ang pag-iisip at ayaw tumanggap ng pagkakamali(yung tipong hahanap or mag-iisip ng kung ano-ano para lang ma-justify yung wrong doing nila) ikaw pa yung mapapasama. Kaya in my personal opinion, hindi nman necessary pero mahalaga talaga yung may mga set of rules for everyone to follow para may order sa bahay kasi hindi naman lahat tayo pare-parehas mag-isip, yung iba sarili lang iniisip at kapakanan nila at walang paki-alam kung nakakalamang or nakaka-abala sa kapwa.

    Kaya magandang mabasa tong topic na to lahat para kahit papaano ma-realize nila na kahit hindi nagsasalita yung mga tao ay masip at maging sensitive din sila na pwedeng hindi ok sa ibang party at never ever na mag-assume na ok lang. After all, BEING FAIR/JUST AND CONSIDERATE TO OTHERS WILL GO A LONG WAY! madami kang makakasundo at magiging kaibigan ng hindi mo inaasahan.

  • @Guess_Hu

    Malalim hugot mo ata sir. Para sakin, tulad nung May kahit pwede ko pakiusapan ung housemates ko n don matutulog ung wife and kids ko for 30 days s living room since utility room lng ako at willing ako mag add ng PUB. Hindi ko ginawa dahil nahihiya ako at hindi din comfortable for the kids. Ending we rented a room for the four of us and of course fully paid p din ung utility room ko kahit wala ako don most of the time.

    Ngyon Dec babalik ulit sila, naghahanap p ko ng room hanggang ngyon. Huhuhu.

    Kung ako po nasa sitwasyon nyo. Mag ask aq s MT n magkaroon ng meeting para s mga "Bisita" para magkaroon ng common ground. Specify nyo ung concern nyo sir and get their thoughts para meron n keo guide for the What's, When's, Why's, Who's and Where's. Para po kasi skin, sobra sobra nman kng ikaw mismong tenant eh aalis s kwarto mo para lng pagbigyan ung bisita.

    Yes nagtitipid, lahat nman tyo gusto makatipid. Pero para palabasin k s kwarto para sakin walangya un, at mali k din dahil pumapayag ka.

    Baka po mali ako gawa ng bago lng po ako s SG, Ganon po b kalakaran kapag shared room? Kung ako s inyo sir, konti lng nman difference eh. Mag solo k n lng. Ako utility room may AC and own cr 450 lng, saktong sakto lng para skin ung kwarto.

  • @zhypher33 @Guess_Hu ganyan lang talaga siguro ang buhay. sabi nga nila, something (or someone) that doesn't kill you will only make you better

    meron at meron (swerte na kung talagang wala kang makakasalamuha) kang makakasama na medyo sablay. sa experience ni @Guess_Hu mukhang sobrang sablay. tulad ko, sa EsGi life ko, dalawa pa lang naman. isang SOLONG lalaki at isang mag-asawa (ung babae ok pero yung asawang lalaki ang hindi)

    kung para sakin lang... kung room rental ka, pwede mong kausapin ang may-ari o main tenant. kung after non, ganon pa rin. kung ako, lilipat na lang ako. kung ikaw naman ang main tenant, kausapin mo yung concerned. pag hindi pa rin, bigyan na ng 1 month notice

    para sakin kasi ang tahanan ay dapat uuwi ka ng alam mong sasaya ka pagdating at makakapagpahinga at hindi dadagdag sa stress mo

    good luck

  • Mga kabayan, saan kaya maganda magrent na affordable pero suitable place pag magwowork near Robinson's Rd? Ano pinakaokay na area sa tingin ninyo na magrent? Thanks sa sasagot!

  • i've got almost the same scenario kay @Guess_Hu pero hindi napunta or nadaan sa magandang usapan, it end up really bad and nothing to be proud of, sad story and very bad experience. Sobrang lupet ng sinabi sakin, "ikaw yung huling nadagdag dito sa bahay, ganon na ang nakasanayan dito kaya ikaw ang mag-adust!" napa-wow na lang ako at that point wala talagang magandang usapan na mangyayari, walang point makipag-rason at useless makipag-usap sa ganong klaseng tao, sinambot ata lahat ng kakitiran ng pag-iisip. Kaya eto ako ngayon, naghahanap ng malilipatan. @zhypher33 ganda naman ng solo room na nakuha mo, yun nga lang hindi siya ideal kapag may bisita kang family, baka sakaling maisipan mong humanap ng mas malaking room, inform mo ako baka pwedeng ako ang pumalit sayo diyan hehehe

  • @LadyOtacon Ma'am/Sir walang makakasagot nyan honestly. I think you will start working here, just like me back in January of this year.

    Budget po depende at minsan swertihan din s paghahanap. Madami po kayo makikitang rooms for rent. Eto po matutulong ko s inyo. Groups in FB n karamihan mga pinoy looking and providing rooms. Goodluck po.

    https://www.facebook.com/groups/143841925989192/
    https://www.facebook.com/groups/filipinospinoyrentroomsinsingaporesg/
    https://www.facebook.com/groups/1768789736763289/

    @sg_rai
    Kaya k pla nag pm skin. hahaha! akala ko nag ooffer ng room. hahaha! Anyways, I will message you if ever. I recently renewed my contract until March 2020.

    Heads-up lng 3 French ksama mo lahat lalake at ung isa may GF n pinay.

    Pro's:
    1. Walang pakialaman lalo n s PUB
    2. Bihira din mawalan ng food s fridge at pinapalitan nman if ever
    4. Walang problema s visitors, pero syempre d ko p din pinagstay ung kids ko don. Ung wife ko kasya nman kmi s room nung pumunta sya dito magisa.
    5. They give you enough space for privacy, nung minsan nag trip ung breaker at nawalan ng kuryente s kitchen, at nasa kwarto ko ung main kahit pinapapasok ko s room ko hindi sila pumapasok at nakasilip lng.
    6. Mababait nman actually at minsan iinvite k p s party nila kpag may visitors sila "syempre ibang lahi" hahaha!

    Con's:
    Insensitive s paglalaba dahil utility room ako, nasa labas lng ng room ko ung washing at dryer minsan magsasalang 12am, minsan pati ung scooper sinama s loob ng washing. "tinapon ko s shoot ung scooper nila" hahaha! Lately nagbago n din dahil nakita ako nung Pinay n pinapatay ko ung dryer dahil madaling araw na at laging silang mag BF ang gumagawa non.

    Unfortunately ung pinay at ung BF nyang french ang pinaka masakit s ulo. Mahilig magluto ung pinay at ang siste iiwan lahat ung pinaglutuan at pinagkainan s sink tpos minsan ilang araw andon. Ung BF nman nya mahilig mag washing ng madaling araw pero aun lately hindi na. hehehe.

    Medyo baboy s paglilinis ng pinagkainan, as in hindi tlga malinis.

    Gaya nga ng sabi ni @kabo tolerate what you can. In this case tolerable nman and the rest is on my side, location wise aljunied lng. Bugis ako work. 450 lng rent, condo k pa. Unless tlga makakuha ako ng 600 n common room n hanggang 5 mrt stops s Bugis lilipat ako, pero for now. Kahit gusto ko ng mas malaking room all direction points to staying in this room. hahaha!

    LadyOtacon
  • SOURCE: Shared Accommodation Etiquette - Common sense na dapat to pero hindi na common ngayon. Pinaka importante sakin yung 5 & 6 since proper rest is life!

    1. Keep your area tidy. This is not a hotel room and most definitely not your bedroom back home. While you might not have a problem with clothes strew all over the floor or your bed, others might.

    2. Maintain good personal hygiene. People are unlikely to tell you to your face so don’t wait for a hint. You are far more likely to make friends when people don’t need a peg on their nose just to talk to you.

    3. Respect people’s personal space. Remember that some people might feel uncomfortable when you invade their personal space.

    4. Don’t touch other people’s belonging. Okay, this should be common sense. If it doesn’t belong to you, don’t use, borrow or take it without permission. If it’s not your bed, don’t sit or hang your underwear on it without asking. Shared space is about negotiating so that everyone can win.

    5. Respect quiet hours. Quiet hours are sometimes posted, but if not, keep the loud talking or Skyping down after midnight or when others are sleeping. If you come in late, don’t turn on the main light or start loud conversations. Close the door QUIETLY. Try to be as quiet as you can.

    6. Turn down the volume and brightness of electronic devices at night. Everyone will not be able to sleep with the beeps from your messages, the ring of your phone or the distracting quality of a fully lit screen. Turn off the volume and turn down the brightness of the screen if you are an internet addict and can’t put down your phone or laptop (and who isn’t).

    7. Bring earplugs and/or a sleeping mask if you are a light sleeper. People come in late, leave early, snore, need to turn on a light or the sun may just come up early. Protect yourself from inadvertent, thoughtless or sometimes unavoidable disturbances by taking your rest into your own hands.

    Respect is the key factor. Abiding by the golden rule: “Do unto others as you would have them do unto you”. Combine this with an open, friendly and approachable attitude and you will maintain current friendships and win new ones.

    qldm1989
  • rules is kung ano masama na ayaw mo gawin syo wag mo din gawin sa iba....

    zhypher33
  • @Guess_Hu opinyon lang. pag hindi talaga kaya, kuha ka ng unit tapos ikaw ang mag main tenant. para pag may ayaw ka at hindi tolerable, you can give them one month notice. kasi pag ang basehan ay mga rules na nakalista, ibig sabihin nyan medyo malala na. kasi pag maayos kayo lahat, hindi na kailangan ng written rules kasi may kanya-kanya namang issue bawat isa. good luck sa house/housemate adventure mo

    zhypher33
  • @kabo parang sinabi lang sa aricle na ganyan yung mga "unspoken rules" na dapat gawin for us to be considerate sa iba, after all lahat naman tayo gusto ng tahimik at maayos na environment dba? Rules are set to have an order or common ground where everybody should adjust or compromise a certain level of personal(iba-iba tolerance ng tao) discomfort for everyone to benefit from it. Agree na hindi talaga kailangan ng written rules, ang purpose nito ay baka sakaling mabasa ng iba at magkaron sila ng realization sa sarili nila na meron palang mga bagay na dapat ayusin or gawin para maging maayos.

  • @kabo @Guess_Hu

    parehong tama kayo mga ser. I think si sir @Guess_Hu ata ung may nabasa ako n parang may bad experience s flatmates. Minsan tlga may mga tao n ang sarap hmmm! hahaha! Anyways, common sense are not so common now-a-days. I agree with Sir @kabo , kuha k sir ng flat, ikaw n MT, ako n ung isa mong tenant, solo common room. Lahat ng items n nabanggit mo agree ako don. Let me know kng may nakuha k na. Bugis ako work.

  • edited December 2019

    @Guess_Hu yap, tama naman yung nasa list. kaso sabi nyo nga ni @zhypher33 common sense is not so common :D good luck sa house/room hunting. baka magkasama pa kayo ni @zhypher33 sa bahay

    marami ngang tatamaan nyan. yung mga walang common... hehehe

  • @kabo ano mga example na pwedeng bigyan ng mt ung tenant ng 1 month notice pag hindi na tolerable ung gingawa?

  • @jaegu regarding s tanong mo sir. Siguro bilang MT discretion mo n yan. Iba iba kasi tyo ng preference. Saktong sakto ung post ni @Guess_Hu para don s tanong mo sir.

    Tolerance kasi depende s tao yan eh. Pero aun nga use you common sense, it will tell you kng hindi n tolerable ung gingawa.

    Tulad ko, I can tolerate ung party kapag weekend kasi syempre gusto din mag relax ng mga kasamahan s bahay kahit hindi ako kasama pero para s iba hindi tolerable ung ingay regardless kung ano man ang reason.

    isa pa, ung hindi paghuhugas ng pinagkainan ng mga kasamahan ko s bahay. minsan 2 days. ayos lng skin un, basta may nagagamit akong utensils. ung ganon b sir. para s iba for sure hindi pwede ung ganong gawain n hindi hinuhugasan ung pinagkainan.

  • @jaegu mas maganda kung kausapin mo muna at bigyan ng second chance, if nakausap mo na at ganon pa rin that's the time siguro na bigyan mo ng notice.

    with regards naman kung ano yung tolerable sa hindi, tama sila @kabo at @zhypher33 na iba-iba tayo ng level ng tolerance at kung ano-ano ang mga bagay na pwede or kayang e-tolerate.

    Be rational sa pagdedecide and most of all being fair is a must, don kayo sa win-win scenario.

    @zhypher33 & @kabo parang mas mahirap ang maging mt hehehe, lalo na pag may mababakanteng room, baka magkagipitan sa pag shoulder ng bayarin if ever walang mahanap na mag-rent.

Sign In or Register to comment.