I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Tips for applying Permanent Resident (PR)

1181921232427

Comments

  • Hello po... first time ko magtry mag apply ng PR. Ask ko lang guidance. May dalawang tanong po ako.
    1. Sa RACE, ano po appropriate na ilagay? or ano po nilagay nyo? Filipino?
    2. Saan ko po makikita yung appropriate number ng birth certificate?

    Salamat.

  • @TazMina

    1) Race - Filipino
    2) ang nilagay kong number ng Birth Certificate ay yung LOCAL CIVIL REGISTRAR NO.

    good luck

  • @kabo

    maraming salamat kabayan sa reply.

    Medyo malabo nga lang yung number dun sa local civil registrar no. ng birth certificate ko.. ok lng kaya yun?
    mahirap basahin... kahit ako di ko mabasa kung anong number.

    issued naman ito ng PSA.

  • @TazMina kung malabo, suggest ko sayo na kumuka ka ng mas malinaw na kopya. kasi baka magkaroon ka lang ng problema pagdating sa completion of formalities kung papalarin at makakuha ng AyPiEy para sa PiAr.

  • Ok.. magrequest nalng ako ng clear copy ulit. di talaga mabasa... kala ko pwede na yung BReN as substiture dun sa locar registry number.

    Dito po sa
    Educational and Professional Qualification attained and/or Vocational/Industrial Training (in chronologinal order) may need po sana ako iclarify sa section na ito:

    1. Sinama po ba nyo dito yung elementary and high school?
    2. Pwede po ba dito isama yung professional certificate issued ng PRC?
    3. And lastly, yung mga certificates obtained like sa mga training dito for example Revit for BIM?

    Salamat :)

  • @TazMina hindi ko na isinama ang elementary at hs

    sa prc license n/a sakin. pero kung ako tatanungin mo, yap, pwede syang isama

    yes, you can include trainings basta may equivalent cert and kung makakatulong sa profile mo

    good luck

    TazMina
  • Ako din na wrong timing sa PR application. Last year kami nag submit ni misis, September ata. Na receive na namin last month ung rejection letter. Hindi naman sinabi reason, pero syempre, due to covid madami ding nawalan ng work sa Local and PR, kaya bumaba lalo ang chance namin. huhu. Next stop, uwi na cguro sa Pinas. hehe. 12 years na dito, 3 times application. :D

  • @RDG salamat sa pgshare ng experience mo... hirap na talaga ngayon... naka receive ka din ba letter previously na it will take longer as usual? Tas after few months, dinecline nila? Gaya ng mga naka receive dito sa forum na maextend pa process... salamat kabayan

  • @alvarado wala naman akong na-receive. Mas maganda yung chance pag merong na receive na ganung letter, it means pinag iisipan pa din tlga ni ICA ang pag approve. Abangers ka lang kabayan, tapos na election, mas tataas na ang chance for approval. :)

  • Thanks @kabo

    May nga naapprove na po ba dito recently?

  • Yung sakin pending a rin. Applied last October 2019. Kasabayan ko si @alvarado nag-apply.

  • @ganteng nku namali na hehe si @fibz07 kasabayan mo kabayan

  • @ganteng goodluck at iclaim na yan at hopefully magkaroon ng pagasa lalo na sa nagbabasakali katulad ko :D

  • @alvarado ay oo nga. Nalimutan ko na. Hahaha. Sana nga. Nakakabagot maghintay ng result.

  • @kabo Salamat

    May tanong po ako sa mga nka try i add yung PRC certificate nila. Ano po yung mga nilagay nyo dito? as show sa above picture sa 1, 2 and 3?

    How about naman po sa other certificate like for example sa taas. Under Trade Certificate (local) po ba ang pipiliin?

    Advance Thank you sainyo.

  • Based sa mga nababasa ko at nasasagap na information, yung mga naaaprove halos mga pinay na single.
    redlkk
  • @bobong talaga? At chinese surnames?

  • Sana po maaprove mga application lalo ng ngayon nasa gitna tayo ng pandemic. Halos lahat ng non-essential na work pass ay rejected ng MOM. Priority nila is SC/PR sa mga work talaga. Keep on Fighting lang!

  • 10 times ko na this week haha

  • @bobong @redlkk check ako sa pinay, single, chinese middle name. rejected after 6months :P nauna ako ng konti kay fibz.

  • Ngayon po weder weder lang. Nag apply si Misis ng PR last year July, nag open ako ng Singpass ko, nakita ko sa ICA na approved na application nya sa wakas.. Dumating letter 1 week later. Nakaschedule na kami kunin yung card nya next week. Mas matagal pa sya sakin dito pero ngayon lang na approve PR nya. Thank God. Kaya don't lose hope! Apply lng ng Apply hanggat magsawa sila! Timing lang naman yan. Mabibigay din sa inyo po yan! Good luck sa lahat!

    carpejemredlkk
  • Ask lang po ako ng advice. 4 years na ako at kakarenew p lang ng pass ko last July. Sector ng company namin is manufacturing industry. Advisable po ba ang mag apply ng PiAr ngayon? Earlier this year naApproved ung piAr ng officemate ko na Malaysian. Ako lang ung pinoy sa company. Thanks po.

  • @bunny06 Kung sa akin lang po.. basta apply lang.. pero for now medyo mahirap.. siguro try nyo kapag medyo gumanda ganda ang issue sa Covid. Dahil ngayon madami nag aaply for sure at recession. Malaysian madali lang.. Mdami din kasing restriction sa pag withdraw ng CPF nila kung aalis na sila. Sa ibang bansa hindi anytime ka pwede ka umalis at makuha CPF mo kung give up mo PR mo. Sa Malaysian nakatira sa West Malaysia like JB kapag 55 lang pwede makuha CPF nila. Try nyo rin po ayon sa pakiramdam nyo. Good luck po :)

    bunny06
  • @Gray_Kazimir congrats senyo! Pwede po iask ano profile nio

  • @redlkk IT po. 34 years old. IT Analyst. Dati sa Mcdo at mga jobs na puro customer facing na wala kinalaman sa IT. 15 years na sa SG. Kasama ko po parents ko at siblings ko. Sa awa ng dyos at konting swerte, nakilala si Misis at dito na pinanganak si Baby. Lahat po kami Citizen na, si Misis buti na approved na PR kaya oks na kami dito. Good luck po sa lahat ng applicant and God Bless!

    carpejemchocolatepudding19
  • @Gray_Kazimir wow praise God, salamat kapatid! God bless din sayong family!

  • God is good! Congrats @Gray_Kazimir . God bless

  • Thank you @redlkk and @carpejem! Yes Praise God and God is good talaga! Sana sa lahat din po ng nag aapply ay pagpalain din po kayo at swertehin! God bless and Good luck po sa lahat! Be Safe!

  • @Gray_Kazimir congrats... sana nga ay madami pang sumunod na makakakuha ng PiAr

Sign In or Register to comment.